CHAPTER 2: HIS SIDE OF PAIN

1731 Words
“WHAT are we going to do with this mess?” “Don’t ask me. You made him drink that stupid alcohol.” “He wants it. I just gave it to him.” “Then, let’s just leave him here.” Napailing-iling si Aser habang pinapakinggan ang pag-uusap nina Kyle at Grendle. Nalingat lang sila saglit, nasa bar na sina Kyle at Clyde habang nakahilera sa harapan ng huli ang mga baso ng tequila. “We can’t. Lagot tayo kay Tito Claudio at kay Boss Andrei kapag iniwan natin iyan dito.” Itinuro niya ang nakabulagtang si Clyde sa gilid ng kalsada sa labas ng bar. “Kyle, pick him up.” “Why me?” “Because you let him get drunk, dude.” “It’s not my fault, Mackey.” “Yes, it is. And you’re the youngest here. Now, move. Bago pa may makakita sa atin dito.” Nagpalinga-linga si Mackey sa paligid. Mabuti at kakaunti lang ang tao na pagala-gala doon at iniiwasan pa sila. Malamang napagkakamalan sila ng mga ito na gang members o miyembro ng sindikato sa suot nilang hooded black jackets at bukod sa hood ay nakasumbrero pa sila. Si Grendle ay naka-bonnet pa na hanggang mata nito. “Lagot ako kay Allyza kapag nabalitaan niyang nandito ako. Ang alam niya ay nasa byahe na ako papunta sa gig natin.” Nagrereklamong binuhat ni Kyle ang kaibigan. “You should play dead, Clyde. Para ambulansya na lang ang susundo sa iyo. Tuloy ka na sa morge at nang hindi mo ako pinapahirapan. Kapag nahawa ako sa kamalasan mo, ibabaon kita ng buhay sa isla ninyo.” “I want to see her,” wika ng naalimpungatang si Clyde. Kanina niya pa naririnig ang mga impaktong kaibigan niya. Hindi nga lang siya makaentra sa sobrang pagkalasing niya. “I’m going to Italy.” “Bukas na. Gabi na,” wika ni Grendle na nagpauna na sa kotseng dala nito. Hinarap sila nito nang mabuksan nito ang kotse. “And, by the way, you can’t. May tour pa tayo.” “Screw the tour.” “Hindi ka na rin naman tatanggapin ni Nhica.” “Screw you, Grendle!” Kung hindi lang mabigat ang pakiramdam niya, dinaluhong na niya ito ng suntok. Nagkibit lang ng balikat ang kaibigan niya. “Truth hurts.” And Grendle got in the car. “I think Grendle’s right.” “Pati ba naman ikaw, Mackey? Pinagsisihan ko na ang ginawa ko, okay? Napatawad ko na rin siya sa ginawa niya. And yet, hindi niya man lang ako hinintay makipag-ayos bago siya lumipad sa ibang bansa. I hate her.” “Then stop chasing after her. Simple. Nang matahimik na tayong lahat.” Si Aser naman ang sumakay sa kotse. Hindi niya ito pinansin. Maiinis lang siya. “Hindi na ba niya ako gusto? Bakit pati ang singsing na ibinigay ko sa kanya ay ipinadala niya sa akin pabalik? I want to dead. She’s knifing me.” “Broken-hearted ka lang. Hindi ka illiterate kaya ayusin mo ang grammar mo,” Kyle said. “Mackey, stop calling the morgue. Buhay pa ito.” “I’m not. I’m calling abroad... Oh, she picked it up. Hi, Nhica Marae Concepcion—” Napakunot ang noo nito. Pagkatapos ay ni-loudspeaker ang tawag. Lumukso ang puso niya nang marinig ang pagsigaw ng pamilyar na tinig na iyon. “… number ko? Pwede ba, nananahimik na ako dito! Huwag niyo na akong guluhin! Marami pa akong trabaho at nasasayang lang ang oras ko sa mga walang kwentang tawag ninyo! Hindi na kami magkakabalikan, okay? Malayo na kami sa isa’t-isa—” “Clyde’s dead,” singit ni Kyle. Natahimik si Nhica. Nagkaroon siya ng pag-asa. She still cared for him— “Nagpakalunod sa karagatan nila at nagpakain sa dolphin.” Gusto niyang upakan si Kyle. “Sure. Rest in peace. Ipapanobena ko siya.” “Nhica Marae.” Nawalan ulit ng tinig ang nasa kabilang linya. “Nhica Marae…” Damn, his eyes were stinging. “Let me be, Clyde. I don’t need your help.” Tila napapagod na sabi nito. Ano bang ginagawa nito sa ibang bansa? Nagpapakamatay sa kakatrabaho? Parang masisira ang ulo niya. “Bakit ba napakahirap sa iyo na tanggapin ang tulong ko at humingi ng tulong sa akin? Kaya kitang buhayin at ang pamilya mo. Isama mo pa ang buong angkan mo.” “My family is not your responsibility. They’re mine.” “Your family is my family. Please, come back.” “No.” “Why?” he pleaded. “You know why. We’ve talked about this.” Yeah, they talked about this and her words were still ringing inside his head. “You want your independence and dreams. I understand that. Pero sana man lang isama mo naman ako sa bagong pangarap na binubuo mo. I love you. Please come back.” “I’m sorry. I will not be going back.” “Kapag hindi ka bumalik dito sa loob ng isang taon, kakalimutan na kita. Maghahanap ng ibang babae at magsisisi ka na iniwan mo ako.” Natahimik ang kabilang linya. “I’m not kidding.” Yes, he can do this. He could threaten her like this if it meant having her back. Pero tila gumuho ang mundo niya nang sumagot ito. “It’s your choice. Goodbye, Clyde. And tell your friends to never bother me ever again.” “What—Nhica!” But the line was already dead. “Damn it!” Hahablutin niya sana ang cellphone at ibabato kundi lang iyon naiiwas ni Mackey sa mga galamay niya. Pinipigilan siya ni Kyle na habulin ang cellphone. “Nhica Marae!” “She’s gone.” “Let me go, Kyle!” Napasubsob na lang siya sa gilid ng kalsada nang bitawan nga siya ng magaling na kaibigan niya. And now he was weeping at that very spot of the sidewalk. “Damn it, Nhica mahal. Don’t leave me!” “She already left you. And you reached the limit of my patience so I’m leaving you, too.” Nakalayas na si Kyle at nakasakay na sa kotseng sinakyan ng iba nilang kaibigan. “It’s just you and me now, Clyde. Kapag hindi ka pa tumino r’yan, iiwan na rin kita,” naiiling na sabi ni Mackey. “Mga walang kwenta kayong kaibigan. How could you all leave me here?” “Dahil naririndi na kami sa kaligaligan mo. Remember nang bigla ka na lang manuntok sa isang gig natin? Which turned that that guy is a member of the town’s biggest fraternity. Nabangasan ang kagwapuhan namin dahil doon, ano?” Hinila siya patayo ni Mackey. Dahil malakas ito at batak sa martial arts ay mabilis nitong naisampay sa balikat nito ang braso niya. “Hindi ka namin iniwan kahit nakataya ang kagwapuhan namin kaya huwag kang magreklamo r’yan na pinababayaan ka namin. Kaso lang kasi, dude, sobra na. Kung ayaw na talaga niya sa iyo, pakawalan mo na. Let her be. Give her her space.” “I can give her space even if she’s here. I can give her space kahit may relasyon kami. I don’t want to lose her.” “You already have, dude. `Sorry. Masakit ang katotohanan pero katotohanan pa rin iyon. Move on na. Sundin mo ang sinabi mo sa kanya na maghahanap ka ng iba.” “I’m loyal to her! Paano ako maghahanap ng iba? Ikaw, kapag nagkatampuhan ba kayo ni Allyza, hahanap ka kaagad ng iba?” “Of course not. Pero magkaiba pa rin ang sitwasyon. Hindi lang kayo nagkatampuhan. Nag-break kayo.” Eh, kung ito na lang kaya ang sapakin niya? Pero hindi nga pala siya uubra rito. “Kung ipipilit mo ang gusto mo, masasakal lang lalo si Nhica. Lalo ka lang niyang aayawan. Kaya ibigay mo na lang sa kanya ang hinihingi niyang kalayaan. And start fixing yourself. Para kung bumalik man siya after a very long time, maayos ka. Kung mahal mo pa siya after that, then, saka ka namin tutulungan. Ngayon kasi, sinisira mo na ang buhay mo. Nadadamay pa ang banda. Kung hindi maiimpluwensya ang mga pamilya natin ay matagal nang sira ang reputasyon natin sa publiko. I’m not saying na dahil lang sa iyo. Remember Grendle, too?” Yeah, Grendle almost left the band when his girlfriend, Donita, left him. Katakot-takot din na sakit ng ulo ang ibinigay nito sa manager nilang si Andrei Davies. Nang basagin ni Grendle ang gitara nito sa glass window ng studio nila sa Davies Entertainments, sinabi niya sa sarili na hindi siya magagaya rito. Pero ganoon mismo ang nangyayari sa kanya ngayon. Maybe, his friends were right. Siguro nga kailangan na niyang hayaan si Nhica. Mahirap pero sinabi nitong iyon ang kailangan nito. Minsan niya lang ito marinig na ganoon kadeterminado. Who was he to stop her? At kung nawala man ang pag-ibig nito sa kanya, may magagawa ba siya? Umalis pa nga ito para hindi niya ito mapuntahan. She wanted to forget him. Dapat ay ganoon na lang din ang ginagawa niya, hindi ba? “Kung hindi ka pa kumbinsido, tawagan natin si Sean Navarro. Baka sakaling sa kanya ka makinig.” He stopped his friend from calling Sean Navarro. Baka kung ito ang magsabi ng mga sinasabi sa kanya ng mga kaibigan ay tuluyan na siyang magbigti. Mas kapani-paniwala kasi ito, hindi nagbibiro sa usaping pampuso at mas persuasive sa mga payo nito. Kaya nga ito ang naging takbuhan ng mga girlfriend nila noong nagliligawan pa sila. Ex. Ex-girlfriend na niya si Nhica Marae. Damn! That hurts! “It’s fine. Makikinig na ako sa inyo. Kakalimutan ko na siya at pipiliting ayusin ang buhay ko.” “Good. Now, let’s go. Bago pa tayo iwanan ng mga siraulong kaibigan natin. May gig pa tayo sa Ilocos.” “I’m gonna die.” “Itatapon ka na lang namin sa madadaanan naming tulay.” And he half dragged him to the car.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD