Eight Years Later…
NAPANGITI si Nhica matapos humigop ng mainit na sabaw ng sinigang.
This feels good, saisip niya.
For almost seven years, ngayon lang ulit siya nakatikim niyon. Pitong taon na rin kasi ang nakakalipas mula ng magpunta siya sa Tita Lourdes niya sa Italy. OFW ito roon at ito ang nag-engganyo sa kanya na magtrabaho roon.
Doon ay naburo siya sa walang kamatayang pasta at tinapay. Na-miss niya ang kanin.
Isinabaw niya ang sinigang na baboy sa kanin niya bago iyon nilantakan.
“Ah! I miss this!”
Nakakarami na siya ng subo nang lumapit sa kanya ang kaibigan niyang pamangkin ng may-ari ng restaurant kung saan siya naroon, si Donita Santiago.
“Welcome back!” wika nito na naupo sa kaibayong upuan niya.
“Same to you,” sagot niya. Kakabalik din kasi nito galing sa Canada kung saan ito nagpakadalubhasa ng pagkadoktor. Mula ulo hanggang paa ay mukha itong doctor. “Look at you. Mukhang ang linis-linis mo.”
“Is that sarcasm or a compliment?”
“Neither. Mas maganda pa rin ako sa iyo.”
Sabay silang nagkatawanan. Hindi niya malilimutan na dati niya itong itinuring na karibal sa nobyo nitong bokalista ng sikat na na banda ngayon, ang The Rebel Slam. Kung hindi lang dahil sa isang makulit na lalaking iyon ay malamang na hanggang ngayon ay hindi pa siya nakaka-get over kay Grendle at hindi ito nagiging kaibigan.
“Are you staying here for good?” usisa nito sa kanya.
Nagkibit-balikat siya. “Tapos na ng abogasya si Jace kaya pwede ko nang gawin ang lahat ng gusto ko. Pero nanghihinayang ako sa malaking sahod sa Italy. I just came here to attend my brother’s graduation.”
Ginusto ng kapatid niyang sumunod sa yapak ng nasirang ama nila at kumuha ng Law. Graduating sa senior high school si Jace nang maaksidente ang minamanehong sasakyan ng kanilang ama at masawi. Their father had savings for them to continue their schooling, pero alam niyang hindi sasapat iyon na pantustos sa pag-aaral nila at pangangailangan sa pang-araw-araw. Hindi sila mayaman at ang daddy lang nila ang breadwinner. Lalo pa’t masyadong nalugmok ang kanilang ina sa kalungkutan mula nang mamatay ang padre de pamilya nila. Wala itong ginawa kundi ang magmukmok sa apat na sulok ng bahay nila.
Magfi-first year si Jace sa college nang magpasya siyang maghinto kahit isang taon na lang ang bubunuin niya sa kolehiyo sa kursong engineering. Financial problem… and personal problems that she didn’t want to think about it.
Kinontak niya ang tiyahin niya sa ibang bansa upang humingi ng tulong para makapagtrabaho siya roon. Naipagpatuloy niya ang kurso sa Italy kahit may trabaho siya. She attended night classes and successfully finished her studies. Gusto rin naman niyang makapagtapos dahil isa iyon sa mga pangarap niya at ng kanyang ama para sa kanya.
“Gano’n ba? Bakit hindi ka na lang dumito sa Pilipinas? There’s no place like home, you know. Pwede kang mag-apply sa construction firm nina Kyle.”
“Kaya ba nila akong pasahurin ng euro?”
Tumawa ito. “You can talk to them about that.” Kunyaring inayos nito ang lalagyan ng tissue sa mesa. Nag-iba ang pagkakatingin nito sa kanya. “Don’t you miss him?”
Nabitin sa ere ang pagsubo niya. She knew who her friend was talking about, pero hindi niya iyon ipinahalata. Itinuloy niya ang pagkain.
“Who?” walang interes na tanong niya.
“You know who.”
“Si Voldemort ba iyan?” biro niya rito.
“Should I say his name?”
“Ikaw, mananatili ka na ba dito sa bansa?” biglang bawi niya. “Ang sarap ng sinigang ninyo dito, ha?”
“Thanks. But changing the topic won’t do any good to you. Sooner or later, kailangan mo na rin siyang harapin.” Lumagpas ang tingin nito sa kanya patungo sa pinto nang kumalansing ang door chime ng resto. Lumawak ang ngiti nito. “Maybe that ‘sooner or later’ is now.”
Maang siyang napatingin rito. Pagkatapos ay nilingon ang mga bagong dating na kinawayan nito.
Tila may sumuntok sa sikmura niya at nahirapan siyang lunukin ang kinakain nang mapagsino ang mga iyon.
There came Grendle and his two bandmates… including her ex-boyfriend na siyang tinutukoy ni Donita kanina.
Si Clyde Joseph Cortez, ang drummer ng bandang The Rebel Slam.
Nagbawi siya ng paningin bago pa siya mapansin nito. Pinandilatan niya ang nakangising kaibigan. She had this strong feeling na na-set up siya. Kinumusta na siya nito pagkapasuk na pagkapasok niya sa restaurant at sinabing tatawagan muna ang nobyo nito para daw ‘mag-hello’.
Ganito palang klase ng paghe-hello ang sinasabi nito.
“Very nice,” sarkastikong anas niya.
“It is,” sagot naman sa kanya ng babae bago tumayo at salubungin ang mga bagong dating. “Hi, boyfriend! You look more handsome today than yesterday.”
Hinalikan ito sa pisngi ng binata at hinapit sa baywang. “Thank you. You’re lovelier yesterday and even today.”
“Naglambingan na naman kayo. Kung hindi ko lang kayo kaibigan, masusuka na ako sa inyo.”
“Hoy, Aser, huwag kang bitter d’yan. Kung hinahabol mo na ba si Krizhia, eh.”
“Wala akong alam d’yan, Donita. `Oy, pareng Clyde, natahimik ka? Nakikipag-break na ba sa iyo ang girlfriend mo—”
Napatigil si Aser sa pagsasalita.
Ramdam niya ang pagtaas ng mga balahibo niya sa batok. Alam niyang nakatingin ang mga ito sa kanya. She had no choice but to face them. Naging kaibigan din naman niya ang mga ito noong sila pa ni Clyde.
At dapat ding ipakita niya sa dating kasintahan na wala na sa kanya ang nangyari noon.
Wala na nga ba?
Huminga siya nang malalim at nagpaskil ng pekeng ngiti sa mga labi bago bumaling sa mga ito. Though, naiinis pa rin siya sa ginawang kalokohan ni Donita at ng boyfriend nito sa pagsasama kay Clyde doon habang naroon siya.
Nakita niyang sa kanya nga nakatingin ang mga ito.
“Hanggang ngayon napakaingay mo pa rin, Aser.” Walang reaksyon ang mga ito. Nakamata lang ang mga ito sa kanya. “How are you, guys? Long time no see.”
“Nhica Marae Concepcion?” Nanlalaki ang mga matang itinuro siya ni Aser. “Woah! Kamusta, pare? Lalo kang gumugwapo, ah!”
“Mabuti naman. Lalo yatang lumuwag ang turnilyo sa utak mo?”
Natawa ito.
“Epekto ng kaka-headbang.” Naupo ito sa katapat na silya niya sa mesa niya. “Kailan ka pa dumating? You look good, you know. Parang hindi dumaan sa break up,” walang prenong sabi nito.
Tiningala pa nito si Clyde na nakatingin lang sa kanila.
Kung ano ang iniisip nito, hindi niya alam… at wala siyang pakialam.
“`Di ba, pareng Clyde?” tila nananadya pang tanong nito sa kaibigan.
Nang banggitin ni Aser ang pangalan nito ay saka lang nagkaroon ng reaksyon ang mukha nito.
He blinked before a corner of his mouth lifted up. He looked so annoying. At alam niyang hindi katiwa-tiwala ang ngiting iyon.
“Yeah.” Gumala ang mga mata nito sa kabuuan niya.
Bigla siyang na-conscious sa itsura niya pero isinaisip niya na wala siyang dapat ikahiya dahil presentable ang ayos niya.
By the time he returned his eyes on hers, waring nabawi na nito ang composure. Ngumisi ito.
“You look good.” Naupo rin ito sa mesa niya. “Kamusta ang cold weather sa Italy?”
Tumikhim siya. Ang akala niya ay siya ang magdadala ng eksenang ito pero sa biglang pagbabago ng mood nito at kaswal na pakikipag-usap sa kanya ay na-off guard siya.
Ano pa nga bang inaasahan niya sa lalaking ito? He was always carefree and had no care in the world except for his gorgeousness. Maging sa kanya na ex nito ay tila na wala itong pakialam. Though, she couldn’t blame him for that.
Siya ang nakipag-break dito at ang nanakit dito.
Hindi niya lang maintindihan kung bakit maayos siya nitong pinapakitunguhan ngayon.
Ah. Baka nga wala na rin dito ang nakaraan.
Pero bakit, hindi siya mapakali ngayon?
Hindi niya ipinahalata ang uneasiness na iyon at hindi nagpatalo rito.
“Well, it’s fine. I’m missing the snow already.” Pinasadahan niya rin ng tingin ang kabuuan nito tulad nang ginawa nito sa kanya… Na pinagsisihan niya rin dahil mas nakita niya ang mas positibong pagbabago sa anyo nito. He was more handsome and hot now. He was more of a hotshot as he was before.
Ibinalik niya kaagad ang mga mata sa mas gumuwapong mukha nito. Tsk, kung nalalaman lang nito ang pinag-iisip niya ay baka nakapagyabang na naman ito.
“You look good, too,” wika niya nang sa wakas ay maiayos ang isip.
“Thank you. I know I’m more gorgeous now,” proud na sabi nito.
Tsk. Sinasabi na nga ba at magyayabang na naman ito.