CHAPTER 4: JEALOUSY

1867 Words
LIHIM na napaismid si Nhica Marae. Kahit pala hindi nito malaman ang iniisip niya ay magyayabang pa rin ito. Well, gwapo naman talaga ito at totoo ang sinabi nito. Pero kailangan ba talagang ipangalandakan nito iyon? Dahil sa naiinis siya ay naisipan niyang pag-trip-an ito. "Gorgeous? Saang banda? Uy, Aser, ikaw ba ang sinasabi ng kaibigan mo na 'gorgeous'? Hindi na ako magtataka." Nhica knew Clyde. Alam niyang ayaw nitong nahahamak ang gandang lalaki nito. Nagulat na lang siya nang hawakan ni Clyde ang pisngi niya at ipaling dito ang mukha niya. "Huwag kang tumingin sa kanya. Mas gwapo ako d'yan ng isa't kalahating paligo." Marahang pinisil nito ang pisngi niya. Nabigla siya . Lalo na nang tumulay doon ang pamilyar na kuryenteng dumiretso sa puso niya. Her heart began to pound. He was looking directly at her eyes that made it more alarming. "Your skin is softer. Hiyang mo ang snow, ah." Waring nagising siya sa pagkakaidlip. Ibinalik niya ang sarili sa katinuan. Tinapik niya ang kamay nito at kiniskis niya ang palad sa pisngi niya. Baka may maiwang germs at tigyawatin pa siya. At para na rin mawala ng kuryente at init na iyon. Hindi na dapat siya nakakaramdam ng ganoon ngayon. "Naman! Kung pwede lang magbaon ng snow, ginawa ko na. But anyway, babalik din naman ako doon kaya hindi na kailangan," patay-malisyang sagot niya. Ayaw niyang bigyan ng pansin ang nakita niyang paglambot ng mga mata nito nang maglapat ang mga paningin nila. "Really? Well, ingat ka na lang at baka lalo kang maging yelo—I mean baka mag-yelo ka sa lamig doon. Don't forget to turn on the heater." He smiled that irritating smile of his. Binura na niya ng tuluyan sa isipan ang nakita rito kani-kanina lang. Plastic na ngumiti siya. "Sure. Thanks for the concern." "'Welcome." Lumipat ang tingin nito sa buhok niya. "Kailan ka pa naging kamag-anak ng mga Smurfs?" He was talking about her blue-violet, long and wavy hair. Napasimangot siya. Hampasin niya kaya ito ng baso sa mukha? Namumuro na ito, ah! Tila nahalata naman nito ang pagbabago ng mood niya. "I mean, it's not that it doesn't suit you or something. It surprisingly suits you actually. You look good." Surprisingly? Gusto yata nitong maghalo ang balat sa tinalupan, ah! Kinalma niya ang sarili. She reminded herself not to be affected by his words. She faked a sweet smile and flipped her hair. "Whatever. I feel good having this hair and I don't give a damn about what others think." “Whoa! Na-miss ko ang pagtataray mo, Nhica Concepcion!" singit ni Aser na halatang pansin ang tensyon sa pagitan nila. Si Clyde ay ngingiti-ngiti lang na kinauupuan nito. Ngali-ngaling itarak niya sa leeg nito ang tinidor niya. Nag-inat ito. Hindi sinasadyang mapatingin siya sa biceps nito. Mukhang napansin nito ang pagtingin niya sa braso nito nang humarap sa kanya with that untrustworthy smile. "I'm taking care of my muscles well. Do you want to see it?" Agad na tumayo ito at umaktong huhubarin ang t-shirt nito. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso niya. She knew how gorgeous his body was. At naniniwala siyang malaki pa ang iginanda ng katawan nito ngayon tulad ng lalong paggwapo nito. Pero kailangan bang magburles ito sa harapan niya sa unang araw ng muling pagkikita nila? Baka lalo siyang hindi matunawan. "Stop!" sigaw niya nang itaas ni Clyde ang laylayan ng damit nito. Sumisilip na doon ang magagandang abs nito. Naeeskandalo ang buong brain cells niya! Tumikhim siya at pinakalma ang sarili. "You're really a stripper. Magpalit ka na kaya ng propesyon?" Pero ngumisi lang ang magaling! "I will." "Ibaba mo na ang damit mo. Baka mawalan ng customer sina Donita dito." Iniiwas niya ang mga mata sa abs nito at dinampot ang inumin. Bigla siyang nauhaw sa nakita. "Sus! Baka nga tumambak pa ang kakain dito kapag nakita nila ang abs ko. Are you sure you don't want to see my abs?" "No." "Okay." Tumikhim si Aser. "Nakakaistorbo ba ako sa inyo? I can leave anytime. Sa mesa na lang nina Grendle ako manggugulo." Namataan niyang nakahiwalay na nga ng mesa ang magkasintahan. "Sige, 'tol. Makakaalis ka na." At maiiwan siya sa kamay ng ex-boyfriend niyang baliw na ito? No way! Mabilis na tumayo siya. "Tapos na rin naman akong kumain. Kakain din kayo, hindi ba? Enjoy na lang." Nawalan na rin naman siya ng gana. Sa ibang araw na lang siya kakain ulit ng sinigang o kaya ay magluluto na lang siya sa bahay nila. "Wait, hindi mo pa ubos ang pagkain mo," puna ni Clyde. "Busog na ako." Nakagat niya ang dila niya. Oo, busog sa pagpapakita nito ng abs. At sigurado siyang iyon ang umiikot sa kukote nito ngayon. "I mean, marami na rin akong nakain bago kayo dumating. Nag-iingat din ako at baka tumaba ako." "You're too skinny. Dapat nga magpataba ka." Teka, ano bang pakialam ng Clyde na ito? Kanina pa ito puna ng puna sa itsura niya ah! Well, siya rin naman pero hindi niya iyon isinasaboses. Hinarap niya ito. "I'm taking care of my figure, too. Hindi lang ikaw." Sumandal si Clyde sa upuan nito at humalukipkip. Bumukol sa manggas ng suot nitong t-shirt ang ipinagmamalaki nitong biceps. Nanuyo na naman ang lalamunan niya. "Kailan ka pa naging banidosa?" Bago pa siya makasagot dito ay may tumiling babae sa bandang pintuan ng restaurant. "Honey!" Diretso ang maganda at sexy'ng babae sa kandungan ni Clyde at walang babalang hinalikan ang binata sa mga labi. Hanggang dito ba naman?! Kung nakakamatay lang ang tingin, malamang ay nakaburol na ang mga ito. Mga walang delicadeza! Walang kahihiyan! Mga higad! Tumikhim si Aser. "Ah, Nhica, you want to go outside for a while?" alanganing sabi nito. Huminga siya ng malalim at inayos ang mukha. She faked a smile again. "It's okay, Aser. Bihira akong makapanood ng live show. Nakakasuka pala. Lalo tuloy akong nawalan ng gana." Eksaheradong umubo siya. "Slut. Eherm!" Nakuha niya ang atensyon ng babaeng bagong dating. She shot her dagger looks. "Do you have a problem, Miss?" Isang maganda at pekeng ngiti ang ibinigay niya rito. "Wala naman. Hindi lang maganda sa negosyo ang pagpa-public make out session ninyo. Right, Donita?" "You're right, Nhica. Baka batuhin pa kayo ng sandok ng kapatid ko kapag nakita kayo," natatawang sagot ng kaibigan niya. "See? Kung ako sa inyo, sa labas niyo na lang ituloy iyan. May nadaanan akong eskinita doon. Mas maganda doon. Walang makakakita. Mga basura lang ang nandoon." Tutal mga mukha naman kayong basura, gigil na dugtong niya sa isip. "Mga daga at ipis lang ang audience ninyo doon. At sanay na naman sila sa mga bulok kaya masisikmura nila ang pagme-make out ninyo." Nagsalubong ang plakadong kilay ng babae kasabay ng pagngiwi. "You're so gross! Nakakadiri! Parang hindi ka babae! Saang planeta ka ba galing?" "Sa Planet of the Apes. Nililitson namin ang mga katulad mo doon at ipinapakain sa mga anaconda." Lalong napangiwi ang babae. Bumaling ito kay Clyde na nakamasid lang sa kanila with that smile. Nakakainis! Ito kaya ang ipatapon niya sa planet of the apes? "Honey, mag-rent na lang tayo ng hotel. Nakakasuka ang babaeng ito! Parang walang pinag-aralan." "Bakit sa hotel pa? Masyado kayong magastos. Doon na lang sa eskinitang itinuturo ko. Safe doon. Pramis." Itinaas niya pa ang kamay na tila nanunumpa. Gusto niyang humalakhak nang diring-diring tumingin sa kanya ang babae. Binigyan niya pa ito ng mapang-asar na ngiti. Nag-e-enjoy siya sa panti-trip sa babaeng higad nang may tumawag sa pangalan niya. "Nhica Marae Concepcion." Nawala ang atensyon ni Nhica sa higad na babae at napatingin sa dalawang lalaking bagong dating. Nakangisi sa kanya si Mackey at hawak naman ni Kyle ang sunglasses nito habang poker face na nakatingin sa kanya. Ang una ang tumawag sa magandang pangalan niya. Kaklase niya ang dalawa noong college. Nag-shift nga lang kaagad ng major si Kyle. “Look who’s here. Buo na ang mga rebelde.” Nginitian niya ang dalawa bilang pagbati. Tulad nga ng sinabi niya, may pinagsamahan sila ng mga ito. Lalo na ang dalawang ito dahil pare-pareho silang mga engineering students dati. Kaya ayaw man niyang mapasabit sa mga ito, wala na siyang magagawa ngayong nagkita-kita na sila. Tumawa si Mackey. Si Kyle naman ay tahimik na umupo sa silya niya. Napatingin ito kay Clyde at sa babaeng nakaupo sa kandungan nito. Pagkuwa’y sa kanya. “I won’t blame you for losing your appetite. Nakakawalang gana nga sila.” Tumayo rin ito at hinarap siya. “You want to go to another place?” Napakunot ang noo niya? Ano’ng drama ng antuking ito? Hindi siya nito binati na para bang kakikita lang nila kahapon, at kung magyaya ay parang walang eight years na dumaan. “Nakatoma ka ba ngayon, Kyle?" “No.” “Inaantok ka? Bored?” “No.” But his eyes were droopy. Diskumpyadong tiningnan niya ito. “Tutal nandito na naman tayong lahat, bakit hindi na lang tayo mag-jamming?” singit ni Clyde. “Honey, mamaya na tayo mag-check in sa hotel. O kaya sa condo na lang tayo para hindi magastos. Matagal-tagal na rin kaming hindi nakakatugtog sa resto na ito.” Mga bastos! Hindi rin nakalagpas sa matalas na pandinig niya ang patutsada nito. Kung hindi niya lang inaalala na may mga kasama sila ay baka nabato na niya ng silya ang dalawang higad na nasa harapan niya. “Great idea!” segunda ni Aser. “Are you up for it GJ, Kyle and Mackey?" “Sure,” sagot ni Grendle. Itinaas ni Mackey ang dalawang kamay nito. “I think I’ll pass, mga dude. Pupuntahan ko ngayon si Allyza sa office. Bibili lang ako ng lunch namin.” “Kyle?” Kinalabit niya ang lalaking bato na nasa harapan niya. Maganda ang pagkakangiti niya rito. “Do you still want to go outside?” “Sure,” mabilis na sagot nito sa kanya at hindi pinansin ang kaibigang nagtanong. Mukhang marunong na itong makisama ngayon, ah. Magaling, magaling. Umabrisyete siya sa binata. “Let’s go.” Tumango naman ito at hinayaan lang siya. Bumaling siya sa mga kabanda nito. Umiwas nga lang ang mga mata niya kay Clyde at sa babae nito. “Sige, mauna na kami sa inyo. Enjoy eating!” ...with the higads. “Ciao!” Binalingan niya si Donita. May naglalarong ngiti sa mga labi nito. “We’re going Donita. Salamat sa pagkain. Sasabihan ko si Jace na dalawin si Donna dito.” “You’re welcome. Siguradong matutuwa iyon. Payong kaibigan lang, Nhica. Huwag kang didikit sa taong bato na 'yan. Baka matetano ka.” “To think that I helped you. Thanks very much,” sarkastikong sabi ni Kyle dito. Nagtatanong ang mga matang tumingin siya kay Donita. Nagkibit-balikat lang ito. Ginaya na lang niya ito. “Paano, Grendle? Pakikadena na lang ang kaibigan mong caterpillar para hindi makapaghasik ng lagim, ha?” “Caterpillar?” kunot-noong sabat ni Clyde. Nakagat niya ang dila niya. In fairness, alam naman pala nito kung sino ang tinutukoy niya. Hindi na lamang niya ito pinansin. Tumawa si Grendle. “Ikaw dapat ang nagkakadena sa kanya.” Umingos siya. “Wala akong obligasyon na gawin iyon. Sige. Buh-bye!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD