CLARISSE’S POV Pagkatapos akong sunduin ni Ravi galing sa school ay kaagad kaming didiretso sa bahay nila para samahan sila ng pamilya niya na i-celebrate ang wedding anniversary ng mga magulang niya na sina Tito Efren at Tita Lynda. Panigurado na nandoon rin ang kapatid niyang babae na si Erika na palaging mainit ang dugo sa akin. Sa tuwing ganoon ang nangyayari ay hindi ko na lang ito pinapansin dahil naiintindihan ko ang hinanakit niya. May gusto siya sa bestfriend kong si Morris na kababata ko, pero sa ang balita sa St. Therese ay boyfriend na ni Erika ang transferee student na si Kiro Hussain ay hinihiling ko na sana’y maging maayos na kami ni Erika. Baka tuluyan na rin siguro siyang naka move-on kay Morris. “I’m sorry for what happened last night,” biglang pag-imik ni Ravi haba

