HAYA'S POV “However, if I see some chances for the girl I like, I will fight for her even if my cousin will be my greatest rival.” Ang sinabi ni Kuya Duke ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog ng maayos kagabi. Ano ba ang ibig niyang sabihin? At hindi ko rin inaasahan na magkakilala sila ni Ravi, hindi lang kamag-anak kundi magpinsang buo pa! Kung anuman itong kakaibang nararamdaman ko para sa lalakeng mas matanda sa akin ng 12 years ay dapat ko na itong kalimutan dahil may masama talaga akong kutob sa mga susunod na mangyayari sa oras na sundin ko ito. Kailangan ko na ring kalimutan ang sinabi niyang gusto niya ako. Paano kapag nalaman iyon ni Ravi? Paniguradong magkakagulo silang magpinsan at baka masira ang magandang samahan nila dahil sa akin. Sabado ngayon ng umaga at muli

