CLARISSE’S POV “Kumain ka pa, Duke. Huwag kang mahihiya sa amin,” pag-aalok ni Mama kay Kuya Duke habang nasa hapag kami at kumakain. Sa bahay niya pinakain ng lunch si Kuya Duke bago raw ito umuwi sa kanila. Ito pa lang ang unang beses na magkakilala sila pero parang may sibling vibes na talaga akong nakikita sa kanilang dalawa. Si Janjan naman ay parang ayaw pang pauwiin si Kuya Duke at sinabi nitong mamaya ay maglalaro pa sila ng laruang robot. Ngumiti at tumango lang si Kuya Duke sa request ng kapatid ko at mukhang gusto niya din namang kalaro si Janjan. Kanina lang ay hinalikan niya ako at may nadagdag na naman sa iisipin ko dahil sa sinabi niya sa akin. Mahal niya ako at gusto niya akong maging sa kanya. Pero bakit napakabilis naman na magkagusto siya sa akin? Seryoso ba siya

