CLARISSE’S POV Ilang beses akong napailing habang naaalala ko ang mga nangyari kahapon. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan nina Ravi at Kuya Duke habang kumakain kami sa Jollibee. Hindi man ipahalata sa akin ni Ravi ay hindi siya masayang kasama namin si Kuya Duke pero wala siyang magawa dahil para iyon kay Janjan na ngayon nga ay malapit na kay Kuya Duke. Natutuwa ako sa nakikita kong pagbabago kay Ravi. Madalas na siyang ngumiti sa akin at nagiging sweet na siya hindi katulad noon na tahimik lang kapag magkasama kami. Ganoon ba talaga ang nagagawa ng pag-ibig? Na kaya mong magbago para sa taong mahal mo? Isa pa sa mga inaalala ko ay ang paghalik sa akin ni Kuya Duke. Siya pa lang ang lalakeng nakahalik sa akin bukod kay Ravi at ibang klaseng pakiramdam ang naramdaman ko noong hinalikan

