CLARISSE’S POV “Pinsan ba ng boyfriend mo ‘yan? Baka pwede mo naman akong ireto sa kanya, Clarisse. Type ko pa naman ‘yung mukhang maangas na maraming tattoo sa katawan at napaka-hot pa!” kinikilig na sabi ni Jilian habang sinusuri niya si Kuya Duke na nakaupo sa sofa nila habang umiinom ito ng tubig. Si Jilian ay isa sa mga regular customer ko. Kaedad ko lang ito at isa rin siyang online seller ng mga bags at sapatos katulad ko. Sa akin siya kumukuha ng mga paninda niya at syempre ay may discount na siya sa akin bilang regular customer ko siya. “Tumigil ka nga dyan, Jilian! Hindi ba’t may boyfriend ka na? Maging loyal ka nga do’n,” sabi ko at umiling ako. “Hay nako, Clarisse! Aba’t mahal ko naman ang boyfriend ko pero kung may ganyang lalake akong makikilala ay walang pagaalinlanga

