CLARISSE’S POV “Ravi...” Tinawag ko ang pangalan ni Ravi kaya lumingon siya sa akin. Kanina pa siya tahimik simula nang hinatid at sinundo niya ako sa school. Wala siyang pasok ngayon sa trabaho niya kaya nandito siya sa amin at kasama ko. Paano ko ba magagawang hiwalayan siya? Natatakot ako sa maaari niyang gawin sa akin o sa amin ng pamilya ko kung hindi niya maiintindihan ang desisyon ko. “What’s the matter?” malamig niyang tanong at hindi ko mapigilang kutuban na baka kinausap na siya ni Kuya Duke tungkol sa balak kong pakikipaghiwalay sa kanya kaya kanina pa siya walang imik. Pero umaasa ako na hindi pa nabanggit ni Kuya Duke iyon gaya ng ipinangako niya sa akin noong mag-usap kami sa telepono. Ako muna ang kakausap kay Ravi at sana nga ay matanggap niya ang pakikipaghiwalay

