CLARISSE’S POV Hindi ko alam kung saang lugar itong pinagdalhan sa akin ni Ravi pero mukha itong underground bar hideout nila na hindi kaagad makikita nang kahit na sinong tao dahil sa tago nitong lokasyon. Ito yata ang isa sa hideout ng gang nila ni Kuya Arman na binabanggit nito sa akin. Para lang din itong isang bar na pinupuntahan ng mga tao. Maingay dahil sa tugtog, malalanghap rin ang usok ng sigarilyo sa paligid, mga tao na walang pakialam sa iba dahil may kanya-kanya silang ginagawa katulad nang pagme-make out sa tabi, mga nag-uusap at nag-iinuman. Mayroon pa ngang mga nagse-session na nakita ko. Ito ang unang beses na makapasok ako sa ganitong klaseng lugar at masasabi ko na hindi basta-basta ang mga taong nandirito sa loob dahil halatang mayayaman ang mga ito at nakakaangat

