CLARA’S POV “Clara, bakit hindi na lang kayo tumira sa bahay namin? May mga bakanteng kwarto naman doon na pwede niyong matuluyan ng mga anak mo. Manganganib lang ang buhay niyo sa Ravi na ‘yon kung nandito pa rin kayo at hindi niyo kami kasama.” Sabi ni Kai nang ikwinento ko sa kanya ang mga nangyari kahapon sa pagitan namin ni Ravi at ng mga anak ko. Natatakot ako sa mga maaaring gawin ni Ravi kay Clarisse. Muntik na niya kaming patayin dahil nagalit ito sa balak sanang pakikipaghiwalay sa kanya ni Clarisse. Mapanganib na tao si Ravi kahit na bata pa ito pero hindi ko inaasahan na magagawa niya iyon sa amin, na kaya niya kaming patayin nang dahil sa obsesyon niya kay Clarisse. “Kai, hindi maaari ‘yon. Mas lalo lang magagalit si Ravi kung aalis kami dito sa bahay at isa pa, ‘wag m

