Hinawakan ni daniel ang kamay niya pagkalabas nila. Naglakad pabalik sa hall para sana magpaalam ng bumungad sa harapan nila si william "Daniel! Kath! Nandyan lang pala kayo kanina pa namin kayo hinahanap" Pero wala na silang balak na bumalik pa sa party... Iniisip niya na tamang tama at kaharap na niya si william para masabi na mauna na silang aalis "hindi na kame babalik sa party william ikaw na ang bahala na--" "oo kasi kailangan niyo ng umalis at puntahan si lexa" Bigla silang kinabahan "bakit? Anong nangyari sa anak ko?" "isinugod daw si lexa sa hospital" "ano?!" gumuhit ang pagaalala sa kanilang dalawa.. Lalong lalo na kay kathryn "anong nangyari?" "tumawag lang si mary at kinumbulsyon daw ang bata sa sobrang taas ng lagnat. Nandoon na si Catherine.Hinahanap namin

