Nakangiti siyang pumasok ng kwarto, inaasahan na makita ang tagpo ng kanyang magina pero iyon nalang ang pagtataka niya ng hindi makita sa loob ng silid ang asawa "papa!" sigaw ni lexa ng makita siya. Nilapitan niya ito at kinuha kay catherine "nandito ka na pala... Pasensya na at nauna na ako at hindi kayo hinintay hindi ko kasi kayo nakita at talagang nagaalala ako kay lexa" "si kath?" tanong niya dito at bumakas lang ang pagtataka sa mukha ni catherine "hindi ko alam wala pa naman dumadating. bakit?" Bigla siyang kinabahan.. Muli niyang naramdaman ang takot na baka umalis nanaman ito "catherine pabantay lang si lexa--kailangan ko lang lumabas" "papa?" inilapag niya si lexa sa kama "teka daniel--" Derederetsyo siyang lumabas ng silid at dali daling napatingin sa hallway n

