Chapter 1
Sebastian Point of View
Mapupungas ang aking mga matang nakamasid sa paligid habang mataimtim na inaalala ang nakaraan, nakaraang rumaragasang bumabalik-tanaw sa aking isip. Nasaan nga ba ako? Anong mundo ba itong pinasok ko. Sariwa pa sa akin ang kahapon, ng dakpin ako ng mga gwardya sibil at ikulong sa Bagong Bayan.
Ngunit sa pagkawari ko matagal na panahon na iyon, sapagkat kung iyong titingnan ang mga tauhan na nasa aking kapaligiran ang kanilang kasuotan ay napaka moderno ng tingnan. Napakakakaiba na tila animo’y kapirasong ritasong pinagtagpi-tagpi sa kaniyang katawan at ang ilan nama’y akalain momng kinulang sa tela sa sobrang ikli at hapit nito sa katawan. Ngunit aking nababatid ang kanilang mga hawak-hawak na hugis parihaba at may mga lumalabas na imahe. Ito na nga ba ang telepono na tinutukoy nila?
Lumakad ako at lumapit sa isang babae,akin itong kinalabit.
Magandang araw sayo binibini, maaari bang magtanong sa iyo? Hindi ko pa man na tatapos ang aking sinasambit ay nilisan na ako ng babaing aking kaharap kanina, kanya lamang akong tinapunan ng tingin at nilampasan. Ano na nga bang nangyayari sa mundo, nasaan na nga ba ang mga kabataaang inaasahan ko, kabataang pagasa ng bayan? Pag-asa pa nga bang maituturing. Ito na ba ang henerasyon na binuwisan ng sanlibong dugo at buhay?
Bigla akong napatingin sa mga naglalakihang at makukulay na larawan na nakapaskil…
(Naalimpungatan ako ng magising mula sa tunog ng nagiingay kung alarm clock.)
Sebastian: Hay, ala-syete na pala ng umaga (sabay tingin sa orasan) patay! Mahuhuli na ako sa klase. (nagmadali akong bumangon sa king higaan at dumitro sa banyo upang magprepara, nang matapos ako ay dumireto ako sa kusina upang tingnan kung may pagkain nakahain ngunit bago ko mandating ang kusina ay sya ring pagbukas ng pinto ng bahay. Kakadating lang pala ng aking ate mula sa trabaho isa siyang call center agent at sa kasamaang palad night shift ang kanyang duty kaya’t inuumaga na ito ng uwi mas Malaki din kase ang sahod sa panggabi na trabaho kumpara umaga, kinakailangan kase naming ng pera pantustos sa pangaraw-araw na pangangailangan. )
Ate Arie: Oh? papasok ka na ba?
Sebastian: opo
Ate Arie: umuwi ka ng maaga at dumiretso dito sa bahay ng may maitulong ka lang man, hindi yung nagiging pabigat ka pa.
Sebastian: opo, mauna na po ako
(nagmamadali kung tinungo ang daan papuntang eskwelahan dahil ako’y late na. )
Pagpasok sa eskwela
Manong guard: Oh? Ikaw na naman, naku talagang bat aka lagi na nalang late, Dalian mo na at mahuli kana sa klase.
Sebastian: maraming salamat po
Lakad takbo ang aking ginawa ngayon, huli sa kase ako sa klase ngunit sa hindi inaasahan ako ay nadapa.
Sebastian: Aray! Ano ba naman yan, kung kalian nagmamadali saka naman inabot ng kamalasan