CHAPTER 7

1408 Words
CAROLINE POINT OF VIEW Tahimik ang buong mansion nang magsimula akong maglinis ng umaga na ‘yon. Masyado yatang boring. Wala si Sir Lysander, si Owen ay nasa office at si Alfred, abala sa kusina. Wala akong ibang kasama kundi ang mga halaman sa hallway at ang walang kamuwang-muwang na mga painting na nakasabit sa pader. Hindi ko talaga gusto ang boring na trabaho. Kaya habang hinihila ko ang mop at dala ang timba, tumingin ako sa paligid. Mahaba ang hallway. Polished ang sahig. Makinis. Parang nagsisigaw na subukan kong mag-skateboard dito. Napatingin ako sa isang sulok ng storage room at napatitig sa lumang skateboard na nakatambak sa gilid. Bakit hindi? Sinipat ko ang hallway, sinigurong walang nakatingin. Kinuha ko ang skateboard at dahan-dahang umapak. Unang try, dumulas ako. “Oops!” Buti na lang walang tao. Humawak ako sa mop para pang-balansi, sabay tulak sa sarili gamit ang isang paa. Hindi ko alam kung genius ako o medyo sira lang talaga ang ulo, pero ang saya. Literal na gumulong ako sa hallway habang mino-mop ang sahig. Isa itong multitasking masterpiece. Malamang pag nakita ako ni Sir Lysander, sigurado akong tanggal agad sa trabaho. Pero, trial period. Kaya sige lang. Habang nag-skateboard, sinimulan kong kausapin ang mga halaman sa gilid. “Good morning, Mr. Fern. Tumubo ka ba ng ilang millimeters kagabi? O ikaw naman, Ms. Daisy, blooming ka pa rin.” Sinubukan kong i-high five ang isang halaman pero muntik na akong ma-out of balance. Sumigaw ako habang gumulong papunta sa dulo ng hallway. Saktong lumabas si Alfred mula sa kusina at nakita akong dumadaan sa harap niya, nakatayo sa skateboard habang mino-mop ang sahig. Napakunot-noo siya pero hindi na nagtanong. Napailing na lang. “Caroline…” bulong niya, pero nagpatuloy sa paglalakad. “Alfred, gusto mo bang subukan?” sigaw ko, habang patuloy na nagmop na parang isang profesional na janitress na may stunt skills. “Hindi, salamat. Huwag mong basagin ‘yung mga antique, okay?” sagot niya, hindi man lang lumingon. Tumawa ako at nagpatuloy sa pag-skate. Mas gumaan ang pakiramdam ko. Boring kasi pag simple lang. At least ganito, may entertainment habang nagtatrabaho. Maya-maya pa, napansin kong may mga halaman na medyo nalalanta. Napahinto ako, bumaba sa skateboard, at lumapit sa isa sa mga potted plants sa gilid. “Oh no, nalalanta ka na, ha. Hindi ka ba dinidiligan ni Alfred?” Tumingin ako sa paligid, sinigurong walang nakaririnig. “Don’t worry, ako bahala sa’yo.” Tumakbo ako papunta sa kusina, kinuha ang isang pitcher ng tubig, at bumalik sa halaman. Dahan-dahan kong diniligan ito. “Dapat talaga palagi kayong kinakausap,” bulong ko habang sinisigurong lahat ng dahon ay nadidiligan. “Mas masaya kapag may interaction. Diba, Mr. Green?” Lumabas si Owen mula sa study, hawak ang tablet niya. Naglalakad siya papunta sa kusina pero bigla siyang huminto nang makita akong nakaluhod sa harap ng halaman habang seryosong kinakausap ito. Napalunok ako at dahan-dahang tumingin sa kanya. “I— I can explain,” sabi ko, pero hindi niya ako pinansin. Naglakad lang siya papunta sa kusina, sabay lingon sa akin. “I don’t even wanna know.” Nilingon ko ulit ang halaman. “Okay lang, Mr. Green. Huwag kang magpa-apekto kay Owen.” Muli akong sumampa sa skateboard at nagpatuloy sa pag-skate habang mino-mop ang sahig. Sa bawat pagdausdos ko sa hallway, nararamdaman kong para akong nasa theme park. Sinubukan kong magpaikot-ikot, nag-slide-slide sa gilid ng pader, at nag-skid pabalik sa opposite direction. “Caroline!” sigaw ni Owen mula sa study. “Tumigil ka na nga dyan! Ano ka ba, bata?” “Technically, hindi ako bata. Bata ang puso ko.” Sumaludo ako gamit ang mop. “Kailangan nating gawing masaya ang buhay, Owen.” Napailing siya, pero kitang-kita ang pilit niyang pagtawa. Maya-maya, dumaan si Sir Lysander sa hallway, hawak ang isang libro at mukhang seryoso. Huminto siya nang makita akong sumusuot sa hallway gamit ang skateboard habang mino-mop. Nagtama ang mga mata namin. Tumayo ako ng diretso at dahan-dahang bumaba sa skateboard, bitbit ang mop na parang wala akong ginagawang kakaiba. Nagtaas siya ng kilay. “Anong ginagawa mo?” Nag-isip ako ng mabilis. “Uh… Efficiency, Sir. Two-in-one. Nagsa-skate at nagli-linis. Innovation po.” Tahimik siyang nakatingin sa akin. Alam kong sinusuri niya kung may problema ba ako sa pag-iisip. “Owen,” tawag niya. Sumilip si Owen mula sa study. “Yes, Sir?” “Ano bang klaseng maid ang kinuha mo?” tanong ni Sir Lysander, sabay turo sa akin. Nilingon ako ni Owen. “Ewan ko, Sir. Nasa kontrata siya.” Tumango si Sir Lysander. “Okay. Basta huwag mo akong tatawagin kung may masira ‘yan.” Habang naglalakad siya palayo, narinig kong bumubulong si Owen. “Told you. She’s weird.” Ngumiti ako. “But efficient.” Patuloy akong naglinis, patuloy na nag-skateboard sa buong hallway, at walang balak huminto. Kung aalisin nila ako, siguradong iiwan ko silang may sparkling clean na sahig at blooming na mga halaman. ******** LYSANDER POINT OF VIEW Tahimik akong nagbabasa ng libro sa study nang marinig kong parang may… dumudulas? Tumaas ang kilay ko. Tumigil ako sa pagbabasa at pinakiramdaman ang paligid. Hindi naman siguro si Owen ‘yun. Hindi rin si Alfred. Napahinga ako nang malalim at tumayo. Bawat hakbang ko papunta sa hallway ay sinamahan ng tunog ng gulong na dumudulas sa sahig. Pagdating ko sa hallway, ang sumalubong sa akin ay isang tanawin na hindi ko inaasahan—si Caroline, nakasakay sa skateboard habang mino-mop ang sahig. Napatigil ako sa paglalakad, dahan-dahang ibinaba ang librong hawak ko, at tinitigan siya. Ano ‘to? Napabuntong-hininga ako, pinipigilang gumulong ang mga mata ko. “Anong ginagawa mo?” tanong ko, hindi ko napigilang magsalita. Agad siyang bumaba sa skateboard, nagkunwaring parang walang nangyari. Halatang nag-iisip siya ng palusot. “Uh… Efficiency, Sir. Two-in-one. Nagsa-skate at nagli-linis. Innovation po,” sagot niya, hawak ang mop na parang espada ng isang mandirigma. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakaputing polo siya, pero may bahid ng tubig ang laylayan ng pantalon. “Owen,” tawag ko, hindi inaalis ang tingin kay Caroline. “Sir?” sumilip si Owen mula sa study. “Ano bang klaseng maid ang kinuha mo?” tanong ko, tinuturo si Caroline gamit ang libro. Nilingon niya si Caroline, tapos bumalik ang tingin sa akin. Halata sa mukha niyang hindi siya nagugulat. “Ewan ko, Sir. Nasa kontrata siya,” sagot niya, sabay irap kay Caroline na nagmamasid sa amin na parang walang pakialam. Tumingin ulit ako kay Caroline. Nakatayo lang siya roon, hawak ang mop, at parang walang ginawa kundi ang tumingin sa halaman na tila kausap niya kanina. Napahawak ako sa sentido. Ilang taon na akong CEO, ilang dosenang tao na ang dinaanan kong empleyado, pero ngayon lang ako nakakita ng ganito. “Bakit mo kinakausap ang halaman?” tanong ko, pilit na iniintindi ang sitwasyon. Sumilay ang ngiti sa labi niya, parang proud pa sa ginawa niya. “Research, Sir. Sabi sa internet, mas gumaganda raw ang halaman kapag kinakausap. Hindi mo ba alam ‘yun?” Tinitigan ko siya, sinusubukang alamin kung seryoso ba siya o nagbibiro lang. Pero wala. Diretso siyang nakatingin sa akin na parang tama ang ginagawa niya. “Owen,” sabi ko, dahan-dahan at malamig. “Yes, Sir?” sagot niya ulit. “Next time, siguraduhin mong ang kukunin mong maid ay hindi… kakaiba.” Bumuntong-hininga si Owen. “I tried, Sir. But you fired everyone.” Tama siya. Halos lahat ng maid na kinuha niya, natanggal ko rin. Masyado silang makalat, mabagal, o minsan, masyadong maingay. Pero ito? Ibang level. Binalikan ko si Caroline. Nakangiti pa rin siya, pinupunasan ang dahon ng halaman gamit ang sulok ng kanyang panyo. “Baka gusto mong linisin ang sahig gamit ang paa mo kaysa skateboard,” sabi ko, pilit na pinapanatiling kalmado ang tono ng boses ko. “Noted, Sir,” sagot niya, pero hindi ko naramdaman ang kahit kaunting pagsisisi sa boses niya. Nagpatuloy siya sa pagmo-mop gamit ang skateboard, at sa bawat galaw niya, mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko. Bumalik ako sa study, pero hindi ko maialis sa isipan ko ang imahe niya na gumugulong sa hallway na parang nasa theme park. Napailing ako at bumalik sa pagbabasa, pero kahit anong gawin ko, ramdam kong sa bawat pagdulas niya sa hallway ay mas lalo lang akong naguguluhan kung bakit nga ba siya nandito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD