CHAPTER 6

1324 Words
CAROLINE POINT OF VIEW Ang hapon ay tahimik, ang buong mansion ay parang nasa ilalim ng spell ng katahimikan. Ako? Kakatapos ko lang mag-mop ng sahig sa hallway malapit sa study ni Sir Lysander. Medyo naparami yata ang tubig na nilagay ko, pero iniisip ko na matutuyo rin ito bago siya bumaba. Mali ako. Mula sa taas ng hagdan, narinig ko ang mabigat na tunog ng mga hakbang. At bago ko pa mapigilan ang sarili kong huminga ng malalim—THUD. "WHAT THE HELL?!" Sumilip ako mula sa likod ng pintuan. Nandoon si Sir Lysander, nakasandal sa pader, halatang muntik na siyang madulas. Nakapamulsa siya, pero kitang-kita sa mukha niya na nagpipigil ng galit. Tumitig siya sa basang bahagi ng sahig na kitang-kita kong hindi pa tapos mapakin. "Caroline!" sigaw niya, at halos mapabitaw ako sa mop. Tumuwid ako ng tayo at naglakad pabalik na parang wala akong kasalanan. “Yes, Sir?” sagot ko, sabay ngiti. Tinitigan niya ako, ang mga mata niya parang nagpapaputok ng kidlat. "You almost made me break my neck." Ngumiti pa rin ako, hinihigpitan ang hawak sa mop. “Pero hindi naman po, Sir. Diba?” Lumapit siya sa akin, hindi ko alam kung galit ba o inis ang nangingibabaw sa kanya. "You do realize I can fire you for this, right?" Tinaas ko ang kilay ko, sabay patong ng isang kamay sa balakang. "Oh, I don’t think you can." Tumitig siya sa akin na parang binabasa niya kung seryoso ba ako. "What do you mean I can’t? This is gross negligence!" Nagkibit-balikat ako. "Negligence or not, Sir, the contract says I can’t be fired for the first 30 days. Trial period, remember?" Napatingin si Sir Lysander sa akin, halatang nagrereplay sa utak niya ang mga pinirmahan niyang papeles. Nakangisi ako habang pinapanood siyang mag-struggle sa isip niya. “Don’t tell me you forgot,” dagdag ko, halos hindi maitago ang pang-aasar sa boses ko. “I didn’t forget,” mabilis niyang sagot, pero alam kong nagbabantang pumutok ang ulo niya. “But this—” Tinuro niya ang basang sahig. “This is different.” “Oh, so now you’re trying to bend the rules?” Tumawa ako nang mahina, hawak pa rin ang mop. “Come on, Sir. If you paid more attention to your surroundings, you wouldn’t have slipped.” Tinitigan niya ako na parang gusto niya akong ipatapon palabas ng mansion. “I almost slipped,” sabi niya, dinidiinan ang bawat salita. “Exactly,” sagot ko. “Almost. But you didn’t.” Napanganga siya, tapos nagpatuloy akong mag-mop, parang walang nangyari. Tumayo siya roon, tahimik, habang ako naman ay iniisip kung paano magpapanggap na wala akong kasalanan. “I swear, Caroline,” narinig kong sabi niya sa likod ko, "you’re impossible." Ngumiti ako nang hindi lumilingon. “It’s part of my charm.” Muli siyang napahinga ng malalim. Naririnig kong inaayos niya ang kanyang coat, pero nanatili siya roon, nakatayo, parang nag-iisip pa rin kung paano niya ako tatanggalin nang hindi lalabag sa kontrata. “You know,” sabi ko habang patuloy na mino-mop ang sahig, “you should be more careful next time. My mop can only do so much.” “Or maybe you should actually finish the job properly,” sagot niya na may diin. Nilingon ko siya at kinindatan. “Trial period, Sir. Can’t fire me for now. So… maybe relax?” Parang gusto niya nang sumabog. Tumalikod siya at naglakad palayo, pero narinig kong bumubulong siya ng kung anu-ano. Halos mapatawa ako. Bago siya tuluyang makalayo, huminto siya at tumingin ulit sa akin. “Caroline,” matalim ang boses niya, “just... finish that before anyone else slips. I’m not paying for hospital bills.” Tumango ako, pero hindi pa rin mapigilan ang ngiti. “Yes, boss.” Umiling siya at nagpatuloy sa paglalakad. Pero kahit lumayo na siya, naririnig ko pa rin ang huling hirit niya. “I don’t know why I even bother…” Patuloy akong nagmo-mop habang si Sir Lysander ay naglalakad palayo, nagmumura sa ilalim ng hininga niya. Alam kong inis na inis siya, pero wala siyang magagawa. Trial period, Sir. Ako pa? Hindi ako basta-basta papatalsik. Habang tinatapos ko ang pag-mop, narinig ko ang pamilyar na yabag ni Owen pababa ng hagdan. Bago pa siya tuluyang makababa, napalingon ako. Hawak-hawak niya ang isang stack ng mga papel—at tulad ng inaasahan, nakangiti pa rin siya na parang wala siyang alam sa mga nangyari kanina. "Hey, Caroline! Kamusta—" Wala pang tatlong hakbang ang nagagawa niya sa hallway nang biglang… WHOOSH—BLAG! "Aaaaaaaahh!" Parang slow motion ang lahat. Napatingin ako sa sahig kung saan nakalatag ang manipis na layer ng tubig na hindi ko pa natatapos mopahin. At doon, si Owen, nakalatag na parang starfish sa sahig, ang mga papel na hawak niya ay nagliparan sa ere. “Ano ba ‘yan, Caroline!” sigaw niya habang nakahiga pa rin, pilit na iniabot ang mga papel na isa-isang bumagsak sa mukha niya. “Ano ‘to? Trap?! Ano ba ‘to, wet floor challenge?” Pinipigilan kong matawa pero hindi ko na kinaya. Tumawa ako nang malakas habang pinapanood siyang mag-struggle bumangon. “Sorry, Owen! Hindi ko pa kasi natatapos i-mop eh,” sagot ko, tinakpan ang bibig para pigilan ang sunod-sunod na halakhak. “Nagmadali ka masyado.” Nakanganga siya, tinitigan ako na parang gusto akong pagulongin sa sahig. “Nagmadali? Akala ko tapos na! Mukha namang tapos na!” Tinuro niya ang kalahati ng hallway na tuyo na, pero ang bahagi kung saan siya nadulas ay malinaw na hindi pa. Binaba ko ang mop at naglakad papalapit sa kanya, iniabot ang kamay ko para tulungan siyang bumangon. Pero bago pa niya mahawakan ang kamay ko— THUD! Muli siyang dumulas, pero this time diretso sa likod niya. “Oh my god, Owen!” Napasandal ako sa mop, namimilipit sa tawa. Nakahiga na ulit siya, nakatingin sa kisame na parang nawalan na ng pag-asa sa buhay. “Bakit ba ako sumasama sa trabahong ‘to…” “Baka gusto mong hintayin mong matuyo muna?” sabi ko, pinipigilan pa rin ang hagikhik. Nagtaas siya ng kamay, sumuko na, at huminga nang malalim. “Alam mo, Caroline, isa ka. I swear, balang araw tatamaan ka rin ng karma.” “Siguro,” sabi ko, humakbang papalapit at tumayo sa tabi niya. “Pero hindi pa ngayon.” Sinubukan niyang muling bumangon, at this time, natulungan ko na siyang makatayo nang maayos. Nanginginig pa rin ang balikat ko sa tawa, habang siya naman ay inaalog ang mga basang papel sa kamay niya. “Eto na naman tayo,” sabi niya, tinitingnan ang nagkalat na papeles. “Si Sir Lysander na nga halos madulas, tapos ako naman. Sinong susunod? Yung butler?” Napailing ako, tinuloy ang pagmo-mop habang kinokolekta niya ang mga papel na nagkalat sa sahig. “Well, buti hindi ikaw si Sir Lysander,” sabi ko, sabay sulyap sa kanya. “Kung ako si Sir Lysander, matagal ka nang nasa labas ng gate.” Tumitig siya sa akin, pero halata namang hindi seryoso. “Trial period, Owen,” sagot ko, ngiting-ngiti pa rin. “Hindi mo ako mapapatalsik. Kahit anong gawin niyo.” Inikot niya ang mga mata niya at naglakad patungo sa kabilang bahagi ng hallway, iwas na sa basang sahig. “Oo nga pala… Bakit ba pumayag pa ako sa kontratang ‘yun…” Habang naglalakad siya palayo, hindi ko napigilang mapangiti. Alam kong mali na tumatawa ako sa kapahamakan ng iba, pero si Owen? Natural na yata sa kanya ang malas. Nang marinig kong muli siyang nag-slip—kahit wala nang tubig sa sahig—mas lalo akong napahalakhak. “Kailangan mo yata ng helmet kapag bumababa sa hagdan, Owen!” sigaw ko habang pinipilit niyang itayo ang sarili niya muli. “Tama na, Caroline!” sigaw niya pabalik. “Gusto ko lang ng tahimik na buhay!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD