Chapter Six : Night Heat

1026 Words
ANG SABI kapag naglaro ka ng apoy, asahan mong mapapaso ka o matutupok gawa ng ningas at nakakapasong init nito. Ganito ang nararanasan ngayon ni Mimi. Ramdam niya ang pananabik ni Gareth na tuluyan ng humulagpos ang kontrol sa sarili habang hinahalikan siya nito. Sa una nga’y nakatikom pa ang kanyang mga labi dala ng kabiglaan. Ngunit alam yata ng binata kung paano siya hulihin. Nagawa niyang tugunin ang halik nito… Marubdob… mainit hanggang sa lakipan nito ng buong pagsuyo ang pananakop ng mga labi nito sa kanya. Naging mapangahas na rin siya. Di niya malaman kung dahil ba sa epekto ng alak o nanabik siya sa pagmamahal na kayang ibigay ng kaibigan. Hindi siya binigo nito. Isinandal siya nito sa pinto. Nagkaroon ito ng pagkakataon na lalong idikit ang mainit nitong katawan sa kanyang kanyang kalambutan. Tipong ayaw na magkaroon ng pagitan sa kanilang dalawa. Gumapang na ang mga labi nito patungo sa kanyang leeg. Manaka-nakang paghalik na sinasalitan ng paglalaro ng dila nito. Tumakas ang impit na ungol mula sa kanyang bibig. “Ooohh! G-Gareth, please…” Samo niya rito. Ikinawit niya isang bisig sa leeg nito. Pakiwari niya’y mabubuwal ang kanyang mga binti. Ang isa naman niyang kamay ay malaya ng gumapang at pumasok sa loob ng shirt ni Gareth upang haplusin ang chest nito. Nais pa nga niyang alisin ulit ang kamay ng mahaplos niya ang balat ng binata dahil sa nakakapasong init na parang nilalagnat. Dama rin niya sa kanyang palad ang kakinisan ng dibdib nito na medyo mamasa-masa na dahil sa pawis. Napapalamutian iyon ng kaunting balahibo na kumikiliti sa kanyang daliri. Nilalaro laro ng kanyang mga daliri ang n*****s ng masalat niya. Bahagyang nanigas ang katawan nito dahil sa kanyang ginawa. Alam niyang gusto iyon ni Gareth. Pinagbuti pa niya ang ginagawa. Nahanap niya ng di inaasahan nag kiliti nito. Itinaas nito ang laylayan ng suot niyang loose shirt. Nalantad sa paningin ni Gareth ang kanyang dibdib na tama lang ang sukat. Kaagad na pinagpala ng bibig at dila nito ang naninigas at maumula-mulang n****e. Habang ang isa namang kamay ng binata ay marahang minasahe ang kabila. Eksperto, alam na alam magpaligaya. Alumpihit na ang kanyang katawan. Paulit-ulit na umaarko dala ng sensasyon na ngayon lang niya naranasan sa tanang buhay niya. Si Gareth lang ang nakagawa niyon sa kanya. Wlang sinumang lalake. Hanggang mamalayan na lamang niyang nakahiga na siya sa tiled floor at ipinauubaya ang sarili sa init ng binata. Hindi na rin niya alintana kung paanong nagkahubaran na sila ng kanilang mga damit. Ang kanilang mga kasuotan ay nakakalat na sa salas. At kung kanina ay mga labi at dibdib niya ang sinamba ni Gareth. Ngayon naman ay papunta na ito sa kanyang p********e. Bahagya siyang nakaramdam ng pagkapahiya. Hindi siya naïve para hindi malaman kung ano ang gagawin nito. Ipinikit niya ang mga mata ng sinimulan na nitong tudyuin ng labi at dila ang kanyang core of desire. Ang ungol niyang kanina ay impit pa ay malaya na niyang pinakawalan. Pumuno sa kabuuan ng salas. Nahiya pa ang mga butiki sa kisame kaya nagtago. Kasabay ng pagsabunot niya sa buhok ni Gareth tanda na ituloy lamang nito ang ginagawa. Huwag tigilan. Kaya naman nang mga sandaling iyon ang tingin niya sa kanyang sarili ay napaka espesyal na babae. Minamahal at sinasamba. Iniingatan hindi sinasaktan! Nang isang lalakeng malapit sa kanyang puso. Tuloy pa rin ang mga dila at labi nito sa paglalaro at pagtudyo. Hindi tinigilan. Walang kasawaan. Hanggang maramdaman niya ang kakaibang sensasyon na nais niyang ilabas sa kanyang katawan. Malapit na siya! At nang marating niya ang peak ay alam niyang handa na siya para kay Gareth. Wala ng atrasan pa! Nakita pa niya ng bahagya nitong masahehin ng marahan ang pagkalalake nito. Ngayon lang niya nakita ang iniingatan ng kaibigan at masasabi niyang sinalo nito ang biyaya mula sa langit! Gusto na niyang kabahan dahil sa kaisipang ito ang unang karanasan niya mula sa matalik na kaibigan. Mapupunit na siya! Pero saka na niya iisipin ang maaring mangyari bukas at sa mga susunod na araw. Ang mahalaga ay masaya siya sa piling nito. Langit sa bisig nitong maituturing. Ipinuwesto na nito ang sarili sa kanyang ibabaw. Ang kanyang mga hita at binti ay awtomatikong sumampa sa may balakang nito. Tila ba ang kanilang katawan ay parang ipinares para sa isa’t-isa. Nadama niya ang pagkiskis ng naninigas na alaga nito sa kanyang pearly shells from the ocean. Inihahanda siya. Niyakap niya ito ng mahigpit ng alam niyang nagtatagumpay na ang pagkakalaki nito na maangkin siya. Dahan-dahan at suwabe. Nang gumuhit ang kirot ay lalo pa siyang yumakap rito. Hindi manhid si Gareth sa kanyang nararamdaman kaya sinimulan siya ulit nitong halikan sa tainga hanggang makarating ulit sa kanyang labi. Muling umangkin at sumamba. Handang pawiin ang kirot na nasa kanyang p********e. Hindi naman nagtagal ang nararamdaman niyang kirot dahil napalitan iyon ng masarap na pakiramdam. At tuluyan na niyang maramdaman ang ritmo na sinasabayan na ng galaw ng kanilang mga katawan. Dahil sa kanilang pag-iisa. Puso at kaluluwa… Pabilis ng pabilis ang kilos ng katawan ni Gareth. Walang kapaguran. Sinusulit ang bawat sandal. Ayaw naman niyang matapos ang kanilang ritmo. Pakiramdam niya ay dinadala siya ng binata sa rurok. Hanggang sa maramdaman niya muli na malapit na siya sa ikalawang pagkakataon. Narinig niya ang paanas na wika nito sa kanya na malapit na rin ito. Ganap na siyang babae. Namumukadkad na tila isang bulaklak na rosas. At dahil abala sila sa kanilang kaligayahan ay di nila namalayan ang pagbukas ng pinto. “Baby Boy, I’m home! Nandito na kami ng Daddy mo. Gising ka pa ba?” Wika ng mother ni Gareth na sinundan ng malakas na tili nang makita silang dalawa. Mukha itong nakakita ng aparisyon habang nakatingin sa kanila. Habang ang ama naman ng binata ay hindi na lang nakaimik. Sino ba naman kasi ang hindi mabibigla sa madaratnan na ayos nila. Mukhang nawala ang tama ng alak sa kanilang dalawa ng binata kaya pati silang dalawa ay napasigaw na rin! Kung maaari lang nila magtakip ng sangkaterbang kumot na madadampot nila ng mga sandaling iyon. Gagawin nila! Bunga ng kahihyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD