CHAPTER SEVEN : Owning Her

1273 Words
MAGANDA ANG UMAGA. Maaliwalas ang panahon dahil sa magandang sikat ng araw. Pero sa mismong araw na iyon, ang dating Sandoval household na tuwing umaga ay puno na agad ng good vibes ay puno ngayon ng tension at kaseryosohan. Nasa dining area ang buong pamilya ni Mimi. Nakapalibot sila sa mesa. Ang tatay niyang si Mang Elisio ay malalim ang iniisip habang nakatingin sa kanya. Ang kanyang ina naman na si Aling Gertrudes ay tahimik lang at halatang nakikiramdam. Habang ang kanyang ate at kuya ay may kanya kanyang pinagkakaabalahan sa sari-sariling mga cellphones. At siya? Nakayuko… hindi makatingin sa mga magulang dala ng hiya. Para silang naghihintay sa isang corporate meeting. Mag-iisang oras na silang ganoon ang senaryo. Hanggang sa ‘di na nakatiis ang kanyang butihing ama. “Kailangan ninyong magpakasal ni Gareth. Pero gusto muna namin ng iyong ina na makausap sina kumpare.” Napaangat siya ng tingin. “K-kasal agad?” ‘di makapaniwalang sambit niya. “Bakit sa tingin mo, ano ba ang dapat? May nangyari sa inyo… ginalaw ka niya. Kaya panagutan ka niya! Alangang pabayaan ka lang niya?” maawtoridad na wika ni Mang Genaro. Natigil tuloy sa pagseselpon ang mga kapatid niya. “Eh, Itay naman. Ang nangyari naman sa amin ay dahil nadala kami dahil sa pag-inom ng alak. Saka malaki na kami pareho. Pag-uusapan po namin ang nangyari. Pero huwag muna sa ngayon—” Natigil siya sa pagsasalita dahil biglang binatukan siya ng ina. “Inay naman! Ano ba? Ang sakit!” reklamo niya. Hinimas niya ang nasaktang parte. “Para matauhan ka! Iinom-inom kayo ng alak pero hindi ninyo sa tiyan nilalagay. Kundi sa utak. Aba, Mildred. Hindi naman kami tutol ng tatay mo kay Gareth. Ang totoo pa nga ay kami pa nga nina kumare ang nagrereto sa inyo. ‘Di ba? Pero sana naman, bigyan mo ng kahihiyan ang sarili mo!” “Kaya nga, Inay… nadala lang po kami ng alak nga…” alibi niya. Inismiran siya nito. “Darating mamaya sina Kumare. Pag-uusapan namin ang kasal ninyo. Gusto rin naming malaman ang plano ni Gareth para sa ‘yo.” Buti na lang pala at hindi nalaman ng mga magulang niya ang tungkol sa pagpikot niya kay Calyx. Kundi sa malamang, hindi lang batok ang matitikman niya. May kasama pang awarding ceremony. Maya-maya lang ay narinig na nila ang pag-doorbell sa gate. Tinungo ng ate niya ang gate. Saglit lang ay kasama na nitong pumasok ang mga magulang ni Gareth kasunod lang ang binata. Nakatingin agad ito sa kanya pagbungad ng dining area. Nakangiti at fresh and neat ang hitsura sa suot na plain white V-necked shirt at black sweatpants, halatang bagong ligo pa dahil sa mamasa-masang buhok nito. Nasamyo pa ng ilong niya ang pamilyar na sporty fresh scent mula sa pabangong gamit nito. Kabisado niya dahil siya ang nagregalo niyon sa kaarawan nito ilang months na ang nakalipas. Samantalang siya, kabaligtaran. Mukha pa siyang kababangon lang sa higaan dahil naka-ternong pajama pa siya. Ang buhok niya ang sinuklayan lang niya bahagya, pero naghilamos naman at toothbrush siya. Sinimulan ng isilbi ng kanyang dalawang kapatid ang arroz caldo at garlic bread na iniluto kanina ng kanilang ina para sa mga bisita nila. Nagsimula nang mag-usap ang mga magulang nila habang kumakain. Siya naman ay walang imik. Ang totoo’y wala siyang interest sa paksa dahil nga sa plano ng mga ito na ipakasal sila ng binata. Mabuti pa ngang sila munang dalawa ni Gareth ang mag-usap ngayon. Nagpaalam muna siya sa mga magulang at sa parents ni Gareth na lalabas muna. Sinenyasan niya ang binata na sumunod sa kanya. Sa gilid sila ng bahay tumungo, sa laging pinaglalabhan ng kanyang Ina. Ilang minuto ring tahimik muna sila bago niya kinibo si Gareth. “Gareth… agree ka ba sa kagustuhan ng mga parents natin na ipakasal tayo?” Humalukipkip siya. Sumandal sa pader. Ipinamulsa nito sa sweatpants ang mga kamay. “Wala namang masama sa gusto nila para sa atin. In fact, gustong-gusto ko ang idea at plano nila.” Huminga siya nang malalim. “‘Yong nangyari sa atin kagabi… alam mo naman na epekto lang iyon ng nainom natin. Wala tayo sa tamang huwisyo. Wala iyon, ‘di ba?” Napakunot-noo ito sa tinuran niya. Bakas sa mga mata rin nito ang pagtutol. “We made love. It’s not like an ordinary f**k na ginagawa nang iba. I hope na habang ginagawa natin iyon ay naiparamdam ko sa ‘yo ang nais ko,” anito, matamang nakatitig sa kanya. Nag-iwas siya ng paningin. Hindi niya kayang salubungin ng tingin ang mga mata ni Gareth. “I got it… I was depressed then, ‘di ba nga? Na-reject ako at dinamayan mo ‘ko. Kaya nga napainom ako at pinilit kitang uminom kaya nangyari ang lahat. It was nothing. Magkaibigan tayo. Please—” “Manhid ka ba talaga? Wala ba ‘kong epekto kahit kailan sa ‘yo? Ang tagal-tagal ko nang nagpapahiwatig sa ‘yo. Teens pa lang tayo. Pero iba nang gusto mo. At ang nangyari sa atin kagabi… that was a dream come true for me. Dahil naangkin ko ang pinakamamahal kong babae sa tanang buhay ko.” “My God! Ano bang sinasabi mo? Magkaibigan lang tayo, okay? Hanggang doon lang iyon.” Hindi niya mapaniwalaan ang sinabi ni Gareth. Tinutop niya ang dibdib dahil sa nararamdamang biglang mabilis na t***k ng puso. Ano bang nangyayari sa kanya? “Magkaibigan pa rin ba? Huwag mong sabihin na hahabulin mo pa rin si Calyx kahit wala ka nang aasahan sa kanya at may naganap na sa atin. Handa akong isiksik ang sarili ko sa ‘yo matutuhan mo lang suklian ang pagmamahal ko.” Matigas na ang boses ni Gareth. Naninibago na siya sa kaibigan. Lalo pa at nilapitan siya nito ngayon. Lalo ng sumikdo ang t***k ng puso niya. “W-wala na akong balak habulin ‘yon.” Nautal siya. Paano’y hinawakan siya nito nang marahan sa balikat at humaplos ang isang kamay sa kanyang pisngi. Unti-unti na ring nagkakalapit ang mga mukha nila. “Nice to hear that. Because I intend to keep what is mine. Handa akong magpakasal sa ‘yo ‘di lang dahil sa gusto ng parents natin kundi dahil matagal na kitang minamahal,” paanas na wika nito ng ilapit ang bibig sa kanyang tainga upang kintalan ng pinong halik. “Mahal mo nga ako… Ikaw, sure ka bang mahal kita? Kagagaling ko lang sa brokenness. Gugustuhin mo bang maging rebound?” “Gusto mo bang tiyakin ko sa ‘yo ngayon na, sooner… ako na ang nandiyan sa puso mo? Ngayon pa nga lang, parang ramdam ko na may konti ka ng feelings, eh,” pilyo ang ngiti ni Gareth sa kanya. Umingos siya. “Parang yumabang ka yata, Gareth?” “Confident lang. Obvious naman.” Binigyan na ulit siya nito ng distansya. “Puwedeng bigyan mo muna ako ng time para magmuni-muni at mag-isip? “Gaano katagal? Maghihintay ako. Kung nagawa ko na dati, bakit ‘di pa ngayon?” “Mga 10 minutes,” aniya. Napabunghalit ng tawa ang binata. Umingos na naman siya. “Basta, pag-iisipan ko… mga at least three days... at sana maunawaan mo ‘ko.” Tumango si Gareth, seryoso na ulit ang hitsura. Tumitig siya rito pagkatapos ay nagbuntunghininga siya. Bakit may kutob siya na kahit anong tagal at pag-iisip niya, wala na siyang magagawa para umiwas sa nagiging malinaw na tatakbuhin ng kanyang buhay? Bakit parang ang loob niya, batid nang mag-iiba ang takbo ng kanyang buhay kahit hindi pa niya inaamin iyon dito at sa iba…?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD