CHAPTER FIFTEEN

1499 Words
Hapon at katatapos lang niya ng kanyang ESL teachings. Nakatatlong students siya ngayong araw. Kaya naman tamang pahinga na siya. Mamayang konti na siya magluluto ng kanilang dinner. Nasa isip niya ang sinigang na pork at paborito iyon ng kanyang esposo. Tiyak na gaganahan itong kumain ulit gaya sa mga nakaraang luto niya. Kaya naman ganado siyang ipagluto ito lagi. Nakapagpalambot na siya ng pork kaninang tanghali kaya madali na para sa kanya ang pagluluto mamaya. Nag-inat siya mula sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair para ma-stretch ang kanyang mga laman at kalamnan. Need niya siguro mag-body cardio exercise. Kasalukuyang nasa pagmumuni-muni pa siya ng tumunog ang kanilang gate buzzer. ‘Di na siya sumilip sa bintana para alamin kung sino dahil makikita naman niya mula sa kanilang pinto kapag binuksan niya dahil ang gate nila ay steel railing ang disenyo. Buong akala niya ay si Gareth. Baka natapos na sa pag-aasikaso ng shop. Pero nakakamatay talaga ang maling akala. “Oh, Via, napadalaw ka? Tuloy,” magiliw na wika niya rito nang pagbuksan niya ng gate. May bitbit itong medium box na naka ribbon. Hula niya ay cake. Para ba sa kanilang dalawa iyon ni Gareth o para lang sa asawa niya? Sumunod ito sa kanya papasok ng bahay. “Nag-usap kami ni Gareth noong nakaraan sa Messenger. Ang sabi ko ay kailangan ko siyang makausap nang personal dahil may maganda akong offer para sa kanya,” wika nito habang naglalakad papasok. “Talaga? Pero wala pa siya… nasa shop pa kasi at may inasikaso. Mayamaya rin ay darating na ‘yon. Please have seat,” aniya pagpasok nila. Komportableng naupo sa sofa si Via. “Anong gusto mong inumin? Meron din kaming macaroni salad sa freezer. Baka gusto mo?” “Coffee na lang, please. Less sugar, ha?” request nito sa kanya. “Sure!” Lagyan niya kaya ng vetsin? O mas tapangan niya ang coffee para nerbiyosin? Ipinagtimpla niya ito ng kape. Inaabot niya ang tasa kay Via. Agad naman itong sumimsim. Tiningnan pa niya kung ano ang magiging reaksyon nito. Buti naman at nasarapan… Pero naisip niya, kada makikita niya si Via, naaalala talaga niya ang katangahan nito ng maging kaklase niya sa isang subject. Palibhasa ay may mga kagrupo ito na tamad mag-aral kaya nahawa na rin. Kaya kung exams nila ay nasa sa kodigo. Minsan nga ay pasimpleng nagbabato ng piraso ng binilot na papel ang kagrupo nito rito para ipasa ang sagot. Nang makakopya na si Via ng mga sagot at ito naman ang nagbato ng papel na binilot. Nagkaaberya. Sa teacher kasi nilang abala mag-routine tumama ang binilot na papel ng kodigo. Nahuli tuloy ang gaga kasama ang grupo nito! “Mabuti na lang pala at dito lang kayo sa subdivision nakakuha ng bahay. Hindi na kailangang malayo pa. Pero paano pala ang bahay ng parents ni Gareth?” usisa ni Via pagkainom ng kape. “Gusto kasi ni Gareth na may sarili kaming bahay. Iba kasi ang may pundar. ‘Yong bahay nila ngayon ay pinatauhan muna niya sa kamag-anakan nila para kahit paano ay naalagaan ang bahay. Hindi pa nga niya nabibisita after ng incident.” Hindi pa kasi kayang tingnan ng kanyang asawa ang lugar. Masakit pa rin ang lahat para rito. Hanggang maaari nga ay umiiba ng daan. ‘Di bale nang mapalayo huwag lang maalala ang masakit na nangyari. “Ang sad nang nangyari kina tita. Mabuti na lang at nahuli agad ang suspek,” komento nito. “Oo nga. Kahit paano, nabawasan ang pagdaramdam ni Gareth,” sang-ayon niya. Kung saan-saan nakarating ang naging usapan nila hanggang dumating na si Gareth. Napatayo mula sa pagkakaupo sa sofa si Via pagkakita sa kanyang asawa. “Gareth! Mabuti at dumating ka na. Kanina pa kita hinihintay,” nasisiyahang wika nito. Halatang kinilig pa nang makita ang asawa niya. “Sorry at natagalan. Marami pa kasi akong inasikaso sa furniture shop. Matagal din kasing natigil ang operation namin nang mawala sina Dad,” alibi nito sa bisita nila. Sinalubong siya nito at binigyan ng halik. Pinunasan niya ng bimpo ang pawis nito sa noo. “It’s alright, ang mahalaga ay nandito ka na para mapag-usapan natin itong opportunity na sinasabi ko sa ‘yo.” “Open-minded ako pero baka Networking ‘yan. Pass kaming mag-asawa d’yan,” biro nito. Naupo ito sa sofa. Tumabi siya rito. Naupo na rin si Via. “Hindi ano ka ba? Actually, about sa singing career mo ‘to. Maganda ng opportunity na ‘to para sa ‘yo,” excited nitong wika. “Sige nga. Tell me about it. Mukhang interesting.” “Ganito kasi. ‘Di ba ‘yong sister ko ay connected sa isang malaking TV network? Meron silang audition para sa mga aspiring singers tulad mo. Ipapasok sa isang academy house ang papasa sa audition. Thirty days na mananatili sa house kung saan sasailalim siya sa mentoring at workshops mula sa mga kilalang musicians at singers. May mga makakasama ka rin doon. It’s a reality-based show kaya ipapalabas sa network. At the end of thirty days, tatanghalin ang top one at ilang placers.” “Sounds good!” humawak sa baba si Gareth at hinimas. “Yes, pero I think you don’t need anymore to go through auditions. My sister will help you kaya madali na sa ‘yo ang mapiling papasok sa academy house.” Napamaang siya habang nakikinig sa usapan ng dalawa. Si Gareth naman ay halatang engrossed dahil sa hitsura pa lang ng reaction nito habang kinakausap. “Pero Gareth... kailangang binata ka. So palalabasin na single ka.” “What?!” Shocked silang mag asawa. “Yes,” ani Via, nakangiti pa rin. Mukhang masisiyahan ito na magkakahiwalay sila ni Gareth kapag tinanggap ng asawa niya ang offer. Pero ‘di na pala niya kailangan pang mag-overthink dahil nasagot na agad ng asawa niya ang nasa isip niya. “I’m sorry pero hindi ko pwedeng tanggapin ang offer mo. Ok lang sa akin na huwag ng i-pursue ang career ko sa mainstream kung ang kapalit naman niyon ay kailangan kong magsinungaling. I have my wife and my career in online streaming are doing well. Okay na ‘ko.” “But, Gareth… kailangang pag-isipan mo ang decision mo. Minsan lang dumating ang ganitong offer. Saka may backer ka nga, ‘di ba?” pangungumbinsi pa rin ni Via. “Thank, but no thanks!” tanggi pa rin ni Gareth. “Alright, but if happens na magbago ang decision mo, I’m just one call away. Please let me know.” Wala pa rin sa hitsura ni Via ang pagsuko. Para ngang mas lalo pa itong na-challenge. Nagpaalam na rin ito kaagad sa kanila dahil baka gabihin pa raw sa biyahe at matrapik. Agad niyang nilapitan si Gareth. “Bakit tinanggihan mo ang offer ni Via? Opportunity na iyon para sa ‘yo. Pagkakataon mo na. At kung sakali, makikilala ka na bilang singer. Di ba pangarap mo ‘yon?” “Kumakanta pa rin naman ako sa online live streaming. Kahit paano nakikilala pa rin ako doon. ‘Di nga lang tulad ng isang sikat na dati kong gusto. Pero kuntento na ‘ko… at saka, gusto mo bang magkahiwalay tayo kapag tinanggap ko ang offer? Ayoko nang ganoon. Masaya na rin naman akong natupad ang isa ko pang pangarap… ang maging akin ka.” Pakiramdam niya ay inihele siya mula sa alapaap ng mga anghel dahil sa sinabi nito. “Paano kaya ako kung wala ka Gareth?” “I’m always here for you, Mimi, through thick and thin, at ang love dito sa puso ko para sa ‘yo… lalong lumalago.” His voice was filled with sincerity and much love. Iyon ang gusto niya sa asawa, hindi marunong mambola sa kanya. Yumapos siya sa baywang nito at hinalikan ito sa labi. Na-miss niya ang labi ng asawa. Try niya ngang kalabitin ito mamaya bago sila matulog. Nang matapos na ang saglit nilang paglalambingan ay kinuha niya ang box ng cake na nakalapag sa mini table. Binitbit niya. “Kainin na natin ‘yan. Tiyak masarap ‘yan from Conti’s,” Umiling-iling siya. “Hindi puwede. Bawal!” “Bawal? Bakit? Saan mo dadalhin ‘yang cake?” kunot-noong tanong sa kanya nito. May balak pa yatang awatin siya sa balak niya. “Dadalhin ko na lang kina Inay. Sila na lang ang kumain. Bibilhan na lang kita maski tatlo nito. Malay ko ba kung nilagyan niya ng gayuma itong cake?” “Are you out of you mind?” Namilog ang mga mata nito. Mayamaya ay bumunghalit ng tawa dahil hindi ito makapaniwala sa kanyang naisip. “Naninigurado lang ako. Sabi nga, ‘daig nang malandi ang maganda.” Tinaasan niya ito ng kilay sabay ismid. Lumabas na siya ng pinto. Pero sumilip ulit siya saglit. “Babalik agad ako at iluluto ko pa ang dinner natin.” Napakibit-balikat na lang sa kanya si Gareth.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD