Araw ng funeral ng magulang ni Gareth. Namamalisbis ang mga luha ni Mimi. Paano ay masakit rin sa kanya na hindi na niya makakapiling pa ang mga biyenan na maganda ang pagtanggap sa kanya? Hinintay lang talaga siguro na malagay sa buhay may asawa ang anak bago iwan. Ang kanyang pamilya ang panay ang iyak rin. Palibhasa ay magkakaibigan ang turingan ng mga ito.
Samantalang si Gareth ay tahimik na lang habang pinagmamasdan ang pagtatabon ng lupa sa mga kabaong ng magulang nito. Mukhang naubos na yata ang mga luha nito sa ilang araw na nakalipas. Halata naman dahil sa mga mata nitong mugto at namumula dala na rin ng pagkapuyat.
Kung ang kanyang asawa ay tahimik, ang tita naman nito na kapatid ni Mrs. Constantine ang pumapalahaw ng iyak. Muntik pa ngang mahulog sa hukay dahil sa gustong sumama raw sa mahal na kapatid. Nadulas bigla! Mabuti na lang at nahawakan rin ng asawa nito.
Natigil tuloy ang iyak ng ibang kaanak ni Gareth. Parang may narinig pa nga siya ng impit na tawa.
“Gareth…”
Napalingon silang mag-asawa sa pinanggalingan ng boses. Nakita niya sa malapit ang isang matangkad na babae na medyo balingkinitan ang katawan. Naka-sunglasses ito at mukhang sa modeling yata ang rarampahan at hindi sa isang funeral. Bahagyang namumula ang mga pisngi nito, ‘di niya alam kung natural ba or dahil sa make up. Ang lipstick nitong shade ng pink ay bumagay sa pouty lips nito. Her flawless skin glows because of sunlight rays. Nakasuot ito ng white sleeveless dress na ang palda above the knee kaya litaw ang magandang hubog ng legs at mahahabang biyas na mga binti. Ang mga paa nitong nakasuot ng two inches heels sandals na kulay black. Halatang bagong pedicure pa ang mga daliri.
Kipit nito ang gold purse.
Kahit paano’y naramdaman niya maging intimidated. Pamilyar sa kanya ang hitsura ng babae…
Hanggang banggitin ng kanyang mahal na asawa ang pangalan nito.
“Via!” wika ni Gareth. Bahagyang ngumiti.
Inihawi ng babae ang buhok nitong ang haba ay sa leeg. Lumitaw ang hikaw nitong pea-sized Swarovski. Lumapit ito kay Gareth at yumakap.
“Nakikiramay ako, Gareth… I’m sorry for your loss,” malungkot na wika nito. Ngunit halatang maarte pa rin magsalita. “Ngayon lang ako nakapunta at hectic kasi ang sched ko.”
Palihim siyang napaismid. Hindi pa rin nagbabago ang feeler na schoolmate nila. Kung paanong kinaiinisan niya ito dahil sa kaartehan at malditang tago. Malamang ay mas mainis siya lalo ngayon at maisunod na ilibing niya ito habang nasa cemetery pa sila. Makikita nito!
Idinikit pa niya lalo ang sarili sa asawa para magmukhang obvious na may kasama ito.
Mukhang effective ang kanyang ginawa. Napilitan siyang pansinin ni Via. Nginitian pa siya nito.
“Oh! Mildred? Is that you? Oh my! Halos ‘di kita nakilala. Medyo tumaba ka. Pero nabalitaan ko nga mula kay Gareth na nagsasama na kayo.”
Sinuklian niya ang sinabi nito ng isang plastic na ngiti. ‘Di siya dapat lalandi ngayon dahil dapat nagdadalamhati rin siya. Pero may reason naman yata dahil eksenadora ang impaktang kaharap niya. Lumingkis siya sa braso ng mahal na esposo. ‘Di naman nagtaka si Gareth kung bakit parang pusa siyang naglalambing, pero nginitian siya nito at kininditan.
Sabunutan niya na kaya si Via? Pero kaya pa naman niyang magtimpi. Nakakahiya sa namayapang mga biyenan niya.
“Oo nga. Akalain mo, ‘no? Meant to be kami talaga. Pero later na lang natin pag-usapan at nasa funeral pa tayo ng mga in-laws ko, eh.” Pinalungkot niya ang tinig. Sana lang marunong makiramdam ang kaharap niyang saksakan ng kaartehan at ewan.
Tumabi sa kanila si Via. Medyo dikit pa nga sa asawa niya pero dinedma niya na lang.
Nang matapos na ang pagtatabon ng lupa ay nag-alisan na ang mga kaanak ni Gareth. Ang pamilya niya ay nauna na sa kanilang umuwi. Tanging sila na lang mag-asawa ang naiwan.
Kasama pa pala nila si Via.
Inilapag ni Gareth sa ibabaw ng nakaumbok pang lupa ang isang sariwang white rose. Umusal sila ng maiksing panalangin at matapos ay nagpasya na ring umalis.
Makailang ulit pang binalikan ng sulyap ni Gareth ang puntod ng mga magulang. Matapos ay tumingin sa kanya na malungkot ang mga mata.
Nakakaunawa siya tumango. Alam niyang hindi madali ang mag-move on. Sariwa pa ang sugat. Hinaplos niya ang pisngi nito. Nakita niya ang pagtaas-baba ng Adam’s apple nito. Ang malalim na pahinga.
Bumaba ang palad niya upang kunin ang kamay ng nito. Siya na ang humatak rito upang lisanin nila ang lugar.
“Gareth, sa dati pa rin ba kayo nakatira?” tanong ni Via habang naglalakad sila palabas ng cemetery. Tanaw na ang gate.
“Meron na ‘kong sariling bahay. Doon kami ni Mimi. Bakit” Ipinamulsa nito ang isang kamay. Nakikinig lang siya sa usapan ng dalawa.
“Dadalaw sana ako one of these days. May gusto kasi akong sabihin sa ‘yo. Magandang opportunity. Pero sa pagbisita ko na lang sa inyo natin pag-usapan.”
Tumango si Gareth. “Sige, no worries. Message mo lang ako kung kailan mo kami dadalawin.”
“Sure, anyway.. Hayun na pala yung car ko. Ipinarada ko lang . Baka gusto ninyong ihatid ko na kayo pauwi. Tutal malapit sa inyo ang way ko.” Itinuro nito ang nakaparadang kotse na kulay red ang kulay.
“Thanks, but may dala rin akong sasakyan. Thanks for the offer.”
“See yah! Message na lang kita sa Messenger,” paalam ni Via at tinungo na ang kinapaparadahan ng sasakyan.
Kinalabit ni Mimi ang asawa. “Hindi pa rin siya nagbabago... Obvious na patay na patay pa rin siya sa ‘yo, ha?”
Halatang naaliw sa kanya ang asawa at nahiwatigan ata ang pagseselos sa kanyang boses. “Don’t worry, sa ‘yo naman ako laging nakatingin,” anito. Ang pagkakatingin sa kanya ay parang nangangako na anuman ang mangyari... siya at siya lang ang mamahalin nito.
“I love you more dahil d’yan, asawa ko,” kinikilig niyang sabi. Natuto na rin siyang maging vocal at open rito pagdating sa kanyang nararamdaman.
Nasa gate na sila ng pisilin nito ang kamay niya at tanungin siya.
“Magiging okay pa ba ako gaya ng dati, Mimi?” nasa anyo nito ang pag-aalangan.
“Kailangan. Saka nandito naman ako para sa ‘yo. Hindi mo lang ako basta partner. Asawa mo ‘ko. ‘Di man tayo kasal, I’ll stay with you.”
Kinabig siya ng asawa palapit pa rito habang naglalakad sila. Nasa tapat na nga sila ng kotse nila.
Alam niyang kulang pa ang kanyang mga salita bilang assurance kay Gareth. Kasa sa mga susunod na araw... ipadarama niya ang pagmamahal na kailangan nito.