CHAPTER ELEVEN

1154 Words
Days Passed… MINUTO pa lamang ang nakakalipas mula sa mainit nilang making love ni Gareth nang makarinig sila ng sunod-sunod na diin sa doorbell. Kaagad na bumangon si Mimi. Nagtapis siya gamit ang kumot, upang tingnan sa bintana na nasa room nila kung sino ang nasa kanilang gate. Pasimple niyang hinawi ang kurtina na beige color. Nasa labas niyon ang mga parents nila ng kanyang asawa. May mga dalang ilang Tupperware at case ng beer na puno ng laman. Dinayo sila para sa salo-salo. “Gareth, Bangon dali! Nandiyan mga parents natin at binisita tayo!” Biglang napabalikwas ng bangon si Gareth. Wala itong anumang takip sa katawan dahil nasa kanya ang kumot. Kaagad nitong hinanap ang hinubad na brief, shorts at shirt. Nang makapagbihis na ay pasok agad ng comfort room para mag-ayos ng sarili. “‘Di ka pa ba magbibihis at mag-aayos? Sumabay ka na sa akin,” narinig niyang sabi nito mula sa loob ng cr. “Saglit lang at aayusin ko muna itong kumot sa kama. Baka maisipan nilang i-check ang mga parte nitong bahay natin,” aniya at mabilis pa sa alas-kuwatro na inayos ang kama na naging saksi sa kanilang paglalampungan. Sunod agad siya sa kanyang esposo. Keber niya kung hubad pa siya. Maliligo muna siya saglit at nanlagkit katawan niya sa pawis. “Babyboi, Mimi, anak… naisipan namin kayong dalawin dito sa bago ninyong bahay at sobra na naming kayong nami-miss. Nagdala na kami ng ilang pagkain na puwedeng pagsaluhan natin,” bungad sa kanila ni Mrs. Constantine, ang mama ni Gareth. Bitbit nito ang isang Tupperware na mukhang ang laman ay fruit salad. “‘Ma, nag-abala pa kayong gumawa niyan. Puwede naman tayong umorder. Less pagod ka pa,” ani Gareth habang inaabot iyon. “Mas masarap pa rin ‘tong gawa ko, Babyboi. Alam mo ‘yan.” Pinisil nito ang pisngi ni Gareth. Kasunod nito ang kanyang ina na may dala namang maliit na bilao ng Carbonara. “Anak, pagsaluhan nating lahat ‘to. Mayamaya ay susunod ang mga kapatid mo. May ginagawa pa sila sa bahay.” Kinuha niya ang dala nito habang hinahalikan niya sa pisngi. Dinala niya sa kusina ang mga pagkain at isa-isang iniayos sa dining table. Ang totoo nga’y nami-miss niya ang ina. Kahit ilang araw pa lamang mula nang bumukod sila ni Gareth. Medyo namahay pa nga siya sa unang araw niya dahil hinahanap-hanap pa rin niya ang sariling kuwarto at kama na kinasanayan na niya. Naka-adjust naman siya makalipas lang ang ilang araw at magaling maglambing kasi ang kanyang asawa. Nagsimula namang maglagay sa mini-table ng mga bote ng beer ang Daddy ni Gareth. Ang kanyang itay naman ay ang flat screen tv ang pinagkaabalahan – kabisado niya ito at mahilig kasi sa videoke – na kaagad namang naayos. Saglit pa ay masaya na itong kumakanta habang nainom. Nadagdagan sila nang dumating na ang mga kapatid niya. Pinadiretso niya ang mga ito sa kusina para makakain. Nandoon ang kanyang ina kausap ang in-laws. Akala mo naman ay parang ‘di nagkikita sa araw-araw kung magtsismisan. Naupo siya sa isang sofa at nakuntento mamapak ng carbonara at fruit salad. Sumama nang makipagkwentuhan sa kanyang itay ang asawa niya na ‘di magawang makatanggi nang alukin ng isang bote ng beer. Lalo pa nang i-request na kumanta ito na agad namang nagpaunlak. Nahinto tuloy siya sa pagkain dahil nalibang na siya sa pakikinig sa boses ng mahal na asawa. Panay pa nga ang sulyap sa kanya at papungay ng mga mata. Akala mo ay teenager. Apektado naman siya sa ginagawa nito dahil kinikilig siya. Nang matapos nang kumanta ay tinungo siya nito upang tabihan sa sofa. Inihilig nito ang katawan sa kanya, ipinatong ang ulo sa balikat niya na tila naglalambing. Gusto niya ang ginagawa nito. Nakikiliti siya. Kinuha niya ang kamay nito at ginagap. ‘Di niya mapigilang isipin na napakasuwerte niya sa taong kasama niya ngayon. Lagi nitong pinaparamdam na special siya. Walang mintis sa bawat araw. She couldn’t ask for more… kuntento na siya. Masasabing ito ang kumumpleto sa kanya. Papagabi na nang magpaalam sa kanilang mag-asawa ang kanyang pamilya. Nagpaiwan naman ang parents ni Gareth dahil sa gusto silang kausapin. Nagkaroon ng opportunity ang kanyang mother in-law na kausapin siya habang naghuhugas siya ng pinggan. Tinulungan siya nito. “Masaya akong ikaw ang nakatuluyan ng aking anak, Mimi. Biruin mo, ‘yong panunukso namin sa inyo noong mga bata pa kayo ay nagkatotoo. Kaya naman panatag ako. Alam kong mamahalin mo siya nang lubusan.” Bakas sa boses ito ang kasiyahan. “Masuwerte rin po ako kay Gareth, ang tagal kong tinanggihan siya dahil kahit kaibigan lang ang turing ko sa kanya dati ay inunawa niya ako at naghintay siya sa tamang panahon. Hindi siya nainip at nagsawa. Kaya tama po ang naging pasya ko na makisama sa kanya.” Sumilay sa mga labi niya ang taos sa pusong ngiti. Noon pa man ay mabait na sa kanya ito. Kaya nga parang pangalawang ina na ang turing niya. “Tawagin mo na rin akong Mama. Noon pa man ay hindi ka na iba sa akin. Lalo pa ngayong kabiyak ka na ng aking anak. Pero siyempre, mas matutuwa ako kung maikakasal kayo. Wala na akong mahihiling pa sa Diyos.” Kinuha nito ang mga natapos niyang sabunan na mga Tupperware, pinggan at mga kutsara upang banlawan. “Salamat, ‘Ma.” Hinalikan niya ito sa pisngi at niyakap. Nasa puso niya ang matinding kasiyahan. Lalo tuloy niyang minahal ito dahil sa pagtanggap sa kanya at pagturing bilang anak. Nang matapos na ito sa paghuhugas ay nagpaalam na rin sa kanya. Tapos na rin namang kausapin si Gareth ng father nito. Nagprisinta pa nga silang ihatid. Pero tinanggihan sila dahil kaya naman umuwi at malapit lang. Tinanaw na lamang nila. Nang mapagsolo na sila ay ipinakita sa kanya ni Gareth ang isang passbook na ibinigay ng ama nito. “Malaking halaga ‘yang binigay ni Dad sa’ yo. Makakatulong ‘yan ng para sa ipon mo,” aniya habang sumusuot sa kumot. Nagpapaantok na silang mag-asawa. Yumapos siya rito. “Natin, Mimi... Para sa atin at sa magiging mga anak natin ang pera na’ to. Matagal sigurong inipon ni Dad mula sa kita ng furniture business namin.” Nakatingin pa rin ito sa libreta. Hindi pa rin makapaniwala sa nakikitang figures na nakasulat. “Mabuti pa’y matulog na tayo. Inaantok na ‘ko,” naghikab siya. Totoo naman, dahil napagod rin siyang maglinis ng mga kalat kanina. Ipinatong ni Gareth sa table na nasa tabi ng kanilang kama ang hawak. Pagkatapos ay hinubad nito ang pang itaas na shirt. Tanging boxers na pang-ibaba lamang ang suot nito. “Don’t sleep yet... ‘di pa ‘ko inaantok, eh,” Naglalaro ang kinang sa mga mata nito at ngiting abot tainga. Kinabig at niyakap siya nito. Alam na niya ang ibig sabihin...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD