CHAPTER NINETEEN

1083 Words
Masama ang pakiramdam ni Mimi nang isang umagang magising siya. Kasalukuyan pang himbing ang kanyang asawa, pero gaya nang nakagawian na niya sa araw-araw ay nauuna siyang gumising rito dahil nagluluto siya ng kanilang almusal. Pakiramdam niya ay nangangasim ang kanyang sikmura. Kaagad siyang bumangon at mabilis na tumakbo patungong CR nila. Dumukwang siya sa wash basin. Doon siya nagsuka at inilabas ang laman ng kanyang sikmura. Iniisip niyang baka sumumpong ang kanyang acid reflux kaya parang hinalukay. Pero bakit kakaiba ang pakiramdam niya ngayon kaysa dati? Napatingin siya sa salamin at pinagmasdang maige ang sarili. Napansin niya lately na medyo nadagdagan ang kanyang timbang na para ngang tumaba siya. Isa lang ang naisip niya ng mga sandaling iyon… Baka buntis siya. At hindi naman imposible kasi regular naman ang kanilang love-making ng kanyang asawa. Active ito sa kama at walang kasawaan. So hindi na siya magtataka pa. Pero kung sakali, magandang balita ito para sa kanilang dalawa ni Gareth. Kailangan niya munang makasiguro bago niya sabihin sa kanyang asawa. Dahan-dahang humaplos ang kanyang kamay sa tiyan niya, umasam na sana nga ay totoo ang kanyang hinala. Kakaibang ligaya ang nararamdaman niya. Lumabas siya ng CR at nilapitan niya ang asawa na mahimbing pang natutulog. Naupo siya sa tabi nito upang pagmasdan ito. Hinaplos niya ang pisngi nito at mayamaya ay dumukwang siya upang halikan sa pisngi. Gustong gusto niyang naglalambing ito sa kanya. Para itong bata. Ang totoo, buhat nang magsama sila ay marami pa siyang natutuklasang magagandang katangian ni Gareth, mga bagay na hindi niya nalaman noon. Ito man ay may mga natutuklasan rin sa kanya. Mas lalong nagiging exciting ang pagsasama nila sa araw-araw. Ang lalakeng nagmamahal sa kanya nang todo. Tanghaling tapat. Makatapos makapananghalian ay nagpasya muna si Mimi na bumisita sa bahay ng mga magulang niya. Iniwan muna niya si Gareth na busy sa online live streaming at nagpasabi itong susubukang makasunod sa kanya. Nagulat pa ang kanyang ina na abalang nag-aayos ng mga halaman nito sa kanilang mini-garden na malapit sa kanilang labahan sa gilid ng bahay. Maraming inaalagaang magagandang halaman ang kanyang ina, karamihan ay tanim nito. Ang iba ay regalo ng mga kaibigan at in-order sa online seller. Kung ang ama niya ay mga manok na panabong ang inaatupag, ang kanyang ina naman ay sa halaman naglalaan ng maraming oras. Mas lalo itong nalilibang lalo na kapag nakikitang lumalaki ang mga pinagpagurang alagang halaman at namumunga. “Uy, mabuti naman at nagawi ka rito. Anong meron? Madalang ka lang bumisita dito, anak.” Binubutingting nito ang mga dahon ng tanim na halamang sili upang alisin ang insekto sa ilalim ng mga dahon. “Nabisita lang, Inay. Miss ko kayo rito.” Humalik siya sa pisngi nito. “Musta si Itay? Sina Ate at Kuya?” Iniabot niya rito ang baked banana cake na ginawa niya. Isa iyon sa mga recipe na natutunan niyang gawin sa pamamagitan lamang ng panonood niya sa f*******: at YouTube. “Ang Itay mo, busy sa mga panabong niyang manok. Hindi mo makakakausap iyon hanggang ‘di niya tapos asikasuhin. Kulang na nga lang, maging pamilya niya. Eh, ang mga kapatid mo… nasa work,” reklamong wika at nakasimangot na sabi ni Nanay Gertrudes. “Hayaan ninyo na, Inay. Mga manok na niya ang libangan niya lagi.” Naupo muna siya sa isang silya habang pinapanood ito sa paghahalaman. “Ano pa nga bang magagawa ko? Hayaan na lang.” Bumuntonghininga nito. “ Bakit ka nga nabisita bukod sa miss mo kami? May problem ba kayo ni Gareth?” usisa nito. “Wala, Inay, masaya nga ako sa kanya. We’re both in love!” may kinang sa mga matang wika niya. Naupo ito sa tapat niya. Ipinatong nito sa mesa ang bigay niya. “Mukha namang ‘di ka nagkamali sa naging desisyon mo. Kaya nga hinayaan ka na namin ng itay mo dahil alam namin na kaya mo na.” Sinimulan nitong tikman ang binigay niyang banana cake. “Thank you rin sa mga payo, Inay.” Overwhelmed siya. “Walang anuman. Anak kita at para sa akin, mahalaga na magabayan kita lalo na ngayong may asawa ka na,” malumanay na wika ni Nanay Gertrudes. “A-actually, Inay… kaya nagpunta ako rito dahil may isa pang reason.” “Ano naman ‘yan?” Natigil itong kumain. Parang nabitin. “Buntis yata ako…” “O? May asawa ka naman… hindi na bago iyon.” Hindi naman ito nagulat. Bagkus ay napangiti pa nga. Nakita niyang nasasarapan ito sa banana cake. Sa susunod nga ay gagawa pa siya para pati ang itay at kapatid ay makatikim na rin. Natawa tuloy siya. Nagpatuloy magsalita si Nanay Gertrudes na naging pormal ang hitsura. Alam niyang magseseryoso nang magpayo ang kanyang ina kapag ganoon. “Hindi naman nakakagulat iyon, Sabi ko nga, may asawa ka. Hindi na ‘ko magugulat. Mas magugulat pa kami ng tatay mo kung sakaling nabuntis ka noong dalaga ka pa at hindi naman namin kilala ang lalakeng nakabuntis sa ‘yo.” Pinandilatan siya nito. “Gusto ko munang makatiyak, Inay. Alam kong matutuwa si Gareth kung sakali ngang buntis ako,” nag-aalanganin pa niyang wika. Ayaw nga niyang paasahin ito. “Pati kami ay matutuwa rin. Unang apo namin kasi kaya ‘yan. Kung gusto mong makatiyak, may nabibili namang test kit sa pharmacy. Subukan mo,” suhestiyon nito. Na excite na rin siya. “Subukan ko ‘maya, Inay. Bibili ako.” “Kasal na ang kasunod niyan,” kantiyaw nito sa kanya. “Hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol d’yan. Basta masaya kami ngayon na magkasama. Walang stress, walang pressure. Kung sakaling mapag-uusapan namin ang kasal, Inay… ipapaalam namin kaagad sa inyo.” “Oo, mabuti ‘yan. Sayang at wala na sina kumare…” Lumungkot ang boses ng kanyang ina. “Kung sakali ay matutuwa rin silang malaman na magkakaapo na sila. Sayang.” Tumingin ito sa malayo. Isa ito sa mga naapektuhan rin sa pagkawala ng mga magulang ni Gareth dahil nga magkumare. “Excited na rin ako, Inay. Sana nga..” “Pumasok nga muna tayo sa loob. Alam mo, kanina may niluluto akong ginataang mais. Tikman mo o kaya dalhan mo na rin si Gareth,” aya nito sa kanya. Maganda ang mood ng kanyang ina dahil sa ibinalita niya. Natutuwa siya na hindi pa man confirmed ang kondisyon niya pero marami na agad na gustong magmahal kung sakaling magkaka baby na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD