CHAPTER NINE

1033 Words
“Sigurado ka na ba talaga d’yan sa pasya mo, Mildred?” usisa ni Aling Gertrudes kay Mimi. Kinabukasan nang umaga, katatapos lang nilang mag-almusal. Nakabalik na siya muli sa kanyang kuwarto sa taas at nakaupo sa kanyang kama habang nagtutupi ng mga natuyong mga damit na nilabhan kahapon. Pinanhik siya ng kanyang ina upang alamin ang nangyari sa usapan nila ni Gareth. “Buo na ang pasya ko, Inay… saka pumayag na rin si Gareth sa ganoong set-up. Para naman sa aming dalawa ang pasya ko. Buti nga, madali niyang natanggap. Ang akala ko nga ay sasama ang loob.” Kinuha niya ang isang damit mula sa hanger at sinimulang itupi. Naupo sa tabi niya ang Ina. Marahang ginagap nito ang isa niyang kamay. Kumibot-kibot ang mga sulok ng labi nito habang nakatingin sa kanya. Marahil ay iniisip pang mabuti ang sasabihin sa kanya. Ganoon ang kanyang ina. Bago magbitaw ng mga salita ay pinag-iisipan munang maige. Hanggang kaya maging kalma ay gagawin. Isa iyon sa mga magandang ugali nito na hinahangaan niya. Ang ayaw lang naman niya ay nambabatok ito minsan. “Anak, kung kami lang ng ama mo ang masusunod… gusto naming maikasal kayo ni Gareth. Siyempre, anak ka naming babae. Gusto namin ang the best para sa ‘yo. Hindi naman kailangang engrande. Maski sa civil wedding ay pwede na. Boto rin naman sa ‘yo sina kumare. Pero, malaki na kayo… alam naming hindi kayo magkakamali sa decision making.” “Salamat, Inay!” Niyakap niya ito ng mahigpit. Hinagod siya ng ina sa kanyang likod. “Nalulungkot lang ako dahil mababawasan na kami dito sa bahay. Syempre bubuo ka nang sariling pamilya. Masaya ako para sa inyo ni Gareth, anak. Basta nandito lang kami para sa inyo. Hindi kami magsasawang gabayan kayo.” “Oo, Inay. Kailangan kita… kailangan ko pa rin ang gabay ninyo. Maraming salamat dahil inunawa ninyo ako.” Napayakap pa rin siya. Mabigat sa loob niya ang iwan ang pamilya. Pero maige na iyon dahil di naman papayag ang partido niya at kay Gareth na parang balewala lang sa kanila ang s*x. Namasa ang mga mata niya. Ramdam na ramdam niya ang suporta at pagmamahal sa kanya ng pamilya niya para sa panibagong yugto ng buhay niya sa piling ng kababata na ngayon ay magiging asawa na niya. PASADO ALAS SIYETE NA pero si Gareth, nakahiga pa rin sa kama, hindi dahil sa tinatamad pang bumangon kundi iniisip niya si Mildred… ang kanilang ugnayan. Nasasabik na kasi siyang makasama ito. At ang totoo nga’y hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na naangkin niya nag babaeng itinangi niya sa kanyang puso sa mahabang panahon. Ramdam pa rin niya sa kanyang katawan ang kalambutan ng katawan nito. Ang pagyakap nito nang mahigpit sa kanya nang ganap niyang angkinin. Kung paanong sinamba ng palad nito ang bawat bahagi ng kanyang katawan at ang nakababaliw na pakiramdam ng laruin ng mga daliri nito ang kanyang p*********i. Wala pang ibang babae na naugnay sa kanya nag nagpadama ng ganoong klaseng kaligayan sa s*x, tanging ang kaibigan niya na si Mimi lang. Hindi rin mawaglit sa isip niya ang bawat impit na ungol nito at daing habang pinaliligaya. Habang minamahal niya. Ang ekspresyon ng mukha na kapag nasulyapan niya ay lalong nadagdag ng motivation niya na lalong pag-igihan ang pagpapaligaya sa dalaga, para sa ikasisiya nito at nang malimutan ang brokenness. Pagka’t mahal niya ito. At talagang na-trigger na siya ng sabihin nito na aayain ang sinumang lalake na makasalubong. Hindi siya makakapayag na pababaing muli ng dalaga ang sarili nito gaya ng ginawa nito kay Calyx. Kaya nga ang halik na ibinigay niya ay nauwi pa sa mas malalim. Siya ang una nitong karanasan kaya naman nararapat lang na hindi siya nito makalimutan… Hindi naman siya nabigo sa nais. Binabalikang isipin rin kaya ng kaibigan ang naganap sa kanila? Sana, dahil malaking bagay iyon sa kanya. Kagabi nga ay muntik na silang madarang ulit habang nakasakay sa kanyang kotse nang pagbigyan siya nito sa halik na hiningi niya. Halik na napakainit. Ilang minuto pa nga ang tumagal. Muntik lang ba? O halos nadarang na? Kung di lang sila nakapagtimpi pareho… Tiyak na may nangyari na naman sa kanila sa ikalawang pagkakataon. Pero wala nang mabibitin kung sakali. Wala nang parents na magugulat at muntikan pang himatayin. Bumangon na siya mula sa pagkakahiga at bahagyang sinuklay ang buhok. Kailangang ayusin niya ang sarili dahil magiging abala siya sa araw na ito. Titingnan niya ang pasalong bahay sa kabilang street nila. Plano niyang bilhin iyon para matirhan nila ni Mimi. Doon sila magsisimula. Sana ay mura lang na ibenta sa kanya. Hindi pa niya kaya kung aabutin ng milyon ang halaga ng property. Kung tutuusin nga ay malaki naman ang bahay ng parents niya. Puwede silang tumira roon. Inalok pa nga sa kanya ng magulang niya iyon. Pero siya na mismo ang tumanggi. Gusto niya kasing may sarili silang bahay bilang panimula. ‘Di man sila kasal, pero malakas naman ang kutob niya na roon rin mauuwi ang magiging pagsasama nila. And he liked the idea of having her on his arms forever. Pangarap niya si Mimi at kung may handa man siyang i-sacrifice ay gagawin niya para lamang sa dalaga. Hindi niya ito kayang mawala sa kanya. Noon nga lang na usapan nila, noong sinabi nitong ayaw na magpakasal sa kanya, parang pinagsakluban na siya ng langit at lupa. Mabuti na lamang at binanggit pa nito ang isang option na nakapagbalik ng good mood niya. Inaamin niya ng mga sandaling iyon ay kabado siya. Sinasabi lang niya na matatanggap niya ng pasya ni Mimi. Ngunit hindi pala madali ang lahat kapag nasa sitwasyon ka na mismo. Pero hindi na niya dapat isipin iyon dahil maayos na nga ang lahat. Ilang araw na lang at magsasama na sila. Hindi niya bibiguin si Mimi. Lagi niya itong paparamdaman ng pagmamahal. Hindi ito masasaktan habang nasa piling niya. Tuluyan na siyang bumangon at tuloy na nagtungo sa shower. Doon na rin niya palilipasin ang init na biglang dumapo sa kanya dahil sa kaiisip kay Mimi. Sana lang ay magtagumpay ang cold shower na maibsan ang init na nararamdaman niya. Sana…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD