HEAVEN IN HELL KABANATA TATLO

3550 Words
Suot ang luma, manipis, tagpi tagpi, at pinagliitan nang dress ay tinahak ko ang kalsada papunta sa trabaho. Ang sapin ko sa aking mga paa ay ang halos mabutas nang tsinelas dahil sa kanipisan. Napigtal na ito nakaraang buwan at nilagyan ko lang ng pardible para magamit pa. Nakaladlad ang itim at tuwid na tuwid kong mahabang buhok upang kahit papano'y may ipantakip ako sa kalahati ng aking mukha. Magkakahilera at naglalakihang mga clubs at hotels ang narito. Marami akong nilagpasan na mamahaling restaurants na kahit minsan ay hindi ko sinubukan na pasukin. Tulog ang mga tao rito sa umaga at sa gabi'y buhay na buhay. Nakakabulag ang sobrang liwanag ng kalsada. Makukulay ang mga ilaw sa itaas isama pa ang nagsasayawan na iba't ibang kulay ng ilaw na nakapalibot sa pangalan ng bawat club. Sa kahabaan ng maingay na kalsada ay madaraanan ang hindi mabilang na foreigners at babaeng mga bayaran. Nagtatrabaho sila at ginagamit ang kanilang mga ganda upang mabilisang makalikom ng malaking pera. Kabi-kabila ang mga nakatakong at nakapusturang mga babae. Nakasuot ng magagandang damit at nasasabitan ng magagandang palamuti ang katawan. Taas noo silang naglalakad. Na para bang gusto nilang mapalingon ang lahat sa kanila. Naiiba sa aking nakayuko at takot na mapuna. Nanliliit kong dinungaw ang aking kasuotan. Nagmumukha akong pulubi na naligaw sa pangmayamang daanan. Maigi na lang rin at malapit lang ito sa bahay. Ilang kanto lang ang layo ay ang iskwater na na aming tinitirhan. "Sa second floor kayo ngayon! Mag-iingat kayo sa mga kilos ninyo dahil VVIP ang mga namamalagi roon!" Nakabihis na ako ng asul na uniporme. Inaayos ko ang dadalhin na mop habang nakikinig sa sermon ng mga utility head and managers. Maingat naman ako sa trabaho pero kailangan magdoble ingat pa dahil ito ang unang beses ko na makakaakyat sa second floor. Kadalasa'y nasa first floor lang kami. Ang mga head ang naglilinis sa itaas subalit dumagsa ngayon ang mga tao na ang ibig sabihin lang ay pagdami rin ng kailangang linisin. Hindi naman araw araw may nababasag at nagkakalat dahil mga kilalang tao ang naroon at may iniingatan na mga pangalan. Pero hindi iyon maiiwasan lalo na't normal lang naman sa club ang mga taong lasing na nagkakainitan. Maraming tao kaya't kailangan handa ang club kung sakaling kailanganin ng tagalinis. Isang kaway lang kailangan ay naroon na kami. Kung may mag aaway man, bahala na ang mga bouncer sa kanila. Ang trabaho namin ay maglinis lang. Hindi rin kami maaaring gumala gala roon. Kung hindi kami kailangan ay nasa isang kwarto lang kami. "Maraming gwapo sa second floor?" "Diyan nagtatrabaho ang ate ni Ericka! Dancer nitong club! Marami raw mayaman at lahat mga gwapo! Hanggang ngayon nga raw naghihintay iyon ng mambibingwit sa kanya mula rito!" "Gusto niyang makapangasawa ng mayaman?" "Sino bang may ayaw? Ikaw ba ayaw mo?" "Gusto ko rin! Pero may mayaman ba talagang magkakagusto sa kagaya natin? Sa mga libro lang nababasa iyon! Wala namang ganyan sa totoong buhay!" "Anong wala? Marami na nga ang nakuha ritong babae! Yung iba ginagawa lang kabit! Pero marami rin ang pinakasalan! Tingin mo ba maisusulat iyon sa mga binabasa mong libro kung wala silang basehan at hindi iyon nangyayari sa totoong buhay?" Salitan ang mata ko sa paglipat sa dalawang nag uusap na kasama kong kapwa utility personnel sa unahan. Pinag uusapan nila ang mga babae sa itaas. Magaganda ang mga naroon. Mas magaganda pa kaysa rito sa first floor. Nahahati kasi ang mga babae depende kung anong klase ng class ang mukha nila. Kung maganda pero hindi mga sobrang ganda na tulad sa mga modelo at artista ay sa ibaba lang. Sa itaas naman ay karamihan mga nagmomodelo talaga at mga baguhan na artista. Ang narinig ko nga ay mayroon pang mayaman pero pinili na magtrabaho rito. Karamihan din ay nakapagtapos ng pag aaral pero dito bumagsak. Ang iba naman ay ginagawa itong source para makapag aral. Marami rin na hindi naman kailangan ng pera pero gusto ritong magtrabaho. Matapos akyatin ang mataas na hagdan ay binuksan ng utility head ang isang naka-lock na pintuan. Hindi pa man nabubuksan ng buo'y rinig na rinig na namin ang nakukulong na ingay mula sa loob. Tahimik iyon nang sarado at hindi aakalain ninuman na may ibang nagaganap sa loob. Pagkapasok nami'y mabilis rin 'yong isinarado ng head at siniguradong naka-lock. Madilim sa loob at tanging malilikot na ilaw lamang ang nagbibigay liwanag. Tanging sa stage lang buo ang ilaw. Malaki ang stage at kung tatantiyahin ko'y kakasya roon kahit isang daang katao. Sa harapan ng stage ay naroon ang naglalakihan at mamahaling mga couch na mayroong mabababa na lamesa sa gitna. Maraming tao roon na nag iinuman at katulad nga ng narinig ko ay karamihan puro lalaking negosyante at mayayaman. Natigilan ako saglit at napatitig sa babae na nagsasayaw sa dance floor. Mayroon live na kumakanta roon sa stage na sinasabayan ng sayaw ng isang babae na halos wala nang saplot. Nang aakit ang paggalaw ng balakang nito subalit dahil maganda ang kanyang mukha at makinis ang balat, para iyong nakakahalina sa halip na nakakabastos. Kung naging lalaki lamang siguro ako'y hindi ko mababawi ang mga mata ko sa kanya. Nakatitig ito sa pinakagitna habang sinasabayan ang saliw ng kanta. Mukhang may pinupuntirya ito sa harapan na natipuhan niya sa mga lalaking customer. Sa pagkakaalam ko'y may magagarang kwarto ito sa itaas. Ginagamit iyon kung sakali na gusto silang dalhin doon ng mga lalaki. Sa mapang akit na tingin pa lang ng babae, hindi na nakapagtataka na gamitin ng mga ito ang isa sa mga kwartong nandoon. "Heaven! Ano pang tinatanga tanga mo riyan?!" Halos mapatalon ako sa sigaw ng utility head. Nagkukumahog akong sumunod. Pinagalitan pa ako nito dahil sa pagkakatigil ko hanggang sa makapasok kami sa kwarto kung saan kami mananatili at lalabas lang kung pinatawag. Ang malaking salamin na bintana ng kwartong kinalalagyan namin ay kita sa labas ngunit hindi kami nakikita sa loob. Mula rito ay natatanaw namin ang nangyayari sa labas. Siguro ay para rin makita namin kung sumesenyas ba sa amin ang head. Nakaabang lang ako sa utos samantalang ang mga lalaking utility ay halos idikit na ang mukha sa bintana at tila ba mga nag eenjoy sa napapanuod na nangyayari sa labas. Ang babae kasing nasa stage lamang kanina ay bumaba na at nakapatong na sa lalaking tinititigan nito kanina. Sumasayaw ito sa ibabaw ng lalaki na nakatitig lang rito at hindi mababakasan ng kahit anong emosyon. Napalapit na rin ako sa bintana at pinanuod sila. Sa halip na sa babae mapatingin ay sa lalaki ako napatutok. Hindi ko maaninag ng maayos ang kanyang mukha subalit matatanaw sa kanyang tagiliran na perpekto ang pagkakahulma ng kanyang panga at mataas ang ilong. Hindi ko alam kung magaling lang ba ito magpigil o talagang walang nararamdaman? Napaka imposible yata? Ang mga kasama ko ritong lalaki ay halos maglaway na. Ano pa kaya siya na sinasayawan na? Umawang ang bibig ko nang lumiyad ang babae at halikan sa leeg ang lalaki. Hindi pa rin ito kumilos pero duda ako na hindi ito naaapektuhan. Sa tagal na nagtatrabaho ako rito alam kong hindi matatanggihan ng kahit sinong lalaki ang ganito kagandang babae. "Hala! Iyan na! Tangina!" Malakas na mura ng isa sa mga lalaking nakatanaw sa labas. "Hoy, Jeff! Baka labasan na kayo riyan sa panunuod niyo!" Puna ng isa sa mga babaeng utility na kasama namin. "Tanga! Hindi kami sa babae nakatingin! Tingnan mo 'yong lalaki sa likod! Sasabog na sa selos!" Sinundan namin ng tingin ang itinuro niya. Sa hindi kalayuang upuan ay may padabog na tumayong lalaki. Nakakuyom ang mga kamao nito na sumugod sa upuan ng lalaki na sinasayawan ng babae. Hinigit nito ang babae sa braso patayo at pagkatapos ay kinewelyuhan at hinila patayo ang sinasayawan nito. Sabay sabay kaming nagulat nang magbagsakan ang mga baso at bote ng mamahaling alak na nasa lamesa nang matamaan ito ng galit na lalaki. Umaamba pa lang ng suntok ay napaghiwalay na sila dahil sa paglapit ng mga lalaki na kapwa mga naka-americana. Nag iisa ang lalaki sa upuan kanina pero ngayon natanto namin na sa 'di kalayuan ay naroon ang mga bodyguards nito. Hindi sila nakialam nang sayawan ang boss nila ng babae. Nang kwelyuhan lang ito ng galit na lalaki'y saka sila nagsilapitan. Hindi ko pa malalaman na sinenyasan na kami ng head kung hindi pa pumasok ang malakas na tugtog dito sa loob dahil sa paglabas ng mga kasama ko. Sinundan ko sila pero nasa mga nag aaway pa rin ang isip ko. Pagkarating namin sa table na lilinisan, naroon na rin ang mga kaibigan noong galit na lalaki. Sa halip nga lang na tulungan ito ay takot pa nila itong inawat. Kahit madilim pansin ko ang pamumutla nila. Noong una, hindi ko masabi kung saan sila natakot. Kalaunan, napansin kong sa lalaking sinugod ng kaibigan nila sila takot. "Tama na iyan, Gerald! Malilintikan tayo nito! Hindi mo kilala ang binabangga mo!" "Bakit? Sino ba iyan? Mas marami bang pera sa akin iyan?! Wala akong pakialam kahit sino pa siya!" Tinulak nito ang kasama niyang umaawat sa kanya at tsaka muling hinarap ang lalaki na tahimik lang. "Ang daming babae rito pero 'yung babae ko pa ang kinukuha mo! Nakakalalaki ka, ah! Ano bang gusto mong mangyari, ha?!" "Halika na! Tama na sabi iyan! Si Tamiya ang sumayaw kay Helios! Hindi naman siya ang nagpatawag!" "Wala akong pakialam! Bitiwan niyo ako! Kung may bayag iyan, papayag iyan na mag one on one kami sa labas! Huwag kang duwag! Halika rito nang makita mo ang hinahanap mo!" Halata sa boses ng lalaki na lasing na lasing na. Bahagya itong gumegewang at nabubulol na. "Take that dumbass away from Hell! I gotta go now! Ayokong madamay dito!" Pagsuko ng isa sa mga umaawat at tuloy tuloy na umalis. Sumunod sa kanya ang iba at bilang lang sa daliri ang mga natira. Habang naglilinis ng mga bubog ay hindi ko maiwasang makiusyuso dahil naririnig namin ang sigawan nila kahit maingay. Namumula sa galit ang lalaki o maaari ring dahil sa kalasingan. Sa kabilang banda naman, walang imik ang lalaki na tinawag nilang Helios o Hell. The man in front of him was very angry while on the other side, he remained cold, serious, and emotionless. Tamad lang ito na nakatingin. Para bang bored na bored siya sa nakikita niya. Nakasuot ito ng puting dress shirt at ang manggas ay nakatupi hanggang sa siko. Kahit natatakpan ng tela ang balikat niya, masasabi ko na maganda ang pangangatawan nito. Malalalim ang kanyang mga mata. Hindi kita ang kulay niyon sa dilim pero nasisiguro kong hindi kulay itim ang mga mata nito dahil nasa itsura nitong hindi purong Pilipino. Nakapamulsa siya at ang litaw na braso niya ay maugat. Fit ang katawan niya ngunit hindi nakakatakot na parang sa mga bouncer. Sapat lang ang laki ng katawan niya para pagkaguluhan. Patunay na nga ang magandang babae sa stage kanina na bumaba pa para sa kanya. Kung maiisipan niyang sugudin ang nasa harapan niyang galit na lalaki'y isang wasiwas niya lang rito'y mapapatumba niya ito. Sa itsura niya, mukhang hindi siya mahilig pumatol. Naisip niya rin siguro na lasing lang ito at hindi alam ang ginagawa. Maswerte ang kaaway nitong lalaki dahil nakatapat siya ng mabait at hindi siya pinapatulan. "Maglinis ka na lang, Heaven! Huwag na kung saan saan nakatingin! Malalagot tayo sa head kapag napansing hindi ka nagtatrabaho!" Palihim akong siniko ng isa sa mga kasama ko na nakakita sa aking nakatingala sa lalaki. "Oo," sagot ko at tinigilan na ang kakatingin sa mga nag aaway. Hindi naman nagtagal ang kumusyon dahil nang iabot ng mga bodyguards nito sa kanya ang coat niya'y umalis na rin sila. Naiwan pa ang galit na lalaki at sandali pang nagwala. Iilan ilan lang ang kinailangan naming linisan. Nang matapos ang oras nang trabaho'y pagod akong umuwi. Pagkagising at habang nagluluto ng agahan hindi maalis sa isip ko ang nangyari kagabi. Tahimik ang lalaki pero may kung anong nakatago sa mga mata niya. Masiyadong misteryoso na pati ako napapaisip kung anong klase ba siyang tao. Para siyang hindi tao. Mas mukha siyang estatwa na walang emosyon. Parang walang kinakatakutan. "Sahod mo mamaya, hindi ba?" Naputol ako sa pag iisip at napalingon kay Tiya Helena. Sa lalim ng iniisip, hindi ko namalayan na nasa tabi ko na siya. "Ibigay mo sa akin lahat ha? Ako na ang magbubudget sa mga gastusin at mga bayarin dito! Si Rubino naman ang nakakatanggap sa pera mo buwan buwan kaya ako na sa sahod mo!" "Opo, tiya..." Tumalikod siya at muling humarap nang may maalala. "Saka nga pala! Huwag ka nang gumamit ng electric fan simula bukas dahil malamig naman! Dumadagdag lang iyon sa gastusin imbis na bumaba ang kuryente, e!" "Opo..." Tama siya na malamig. Kahit hindi niya sabihin hindi naman talaga ako gagamit. "Sa second floor ulit tayo!" Magiliw ang mga kasama ko. Mas nagustuhan nila sa second floor dahil mas magaan ang trabaho kahit mas maraming tao. Maingay na nang umakyat kami. Hindi pa kami nakakapunta sa kwarto na para sa amin ay tinawag na kami para maglinis. Sa harapan din ng stage. Sa parehong lugar nang nilinisan namin kagabi. May natapon lang na alak pero wala namang nabasag. "Are you with your cousins?" Asked by the small and soft voice of a woman. "No," a man answered with a cold deep baritone voice. His voice sounds attractive but unfriendly. Habang naglilinis hindi ko mapigilang lingunin ang lalaki nang marinig ko ang boses niya. Naroon pa rin siya sa dati niyang upuan. Ang babaeng nagngangalang Tamiya ay kaakbay na niya, ito ang nagtanong sa kanya. Nalipat ang tingin ko sa likod nito kung saan naroon ang galit na lalaki kagabi. Hindi ito lasing kaya't tahimik. Mukhang wala na sa kanya na narito kay Helios ang babae niya. Binalikan ko ng tingin ang babae. Maganda talaga ito. Kaakbay ngayon ng lalaki dahil siguro natipuhan niya. Baka hindi lang siya expressive kaya walang emosyon sa mukha pero ang totoo naakit siya sa babae nang sayawan siya. Pagbalik ko nang mata kay Helios, napahugot ako ng paghinga. Nakatingin sa akin ito at nahuli ako sa ginagawa. Unang tumama ang mga mata ko sa mahahaba niyang pilikmata at masungit na kilay. Bago pa magtagal na magkahinang ang mga mata namin, napa-iwas na ako at dali dali kong itinago ang aking mukha. Bakit ba kung tawagin ko siyang Helios o Hell sa aking isipa'y akala mo malapit kaming dalawa at kilalang kilalang ko siya? Nakakahiya na nahuli niya pa ang salitan na paninitig ko sa lalaking nasa likuran nila, sa kanya, at sa babaeng pinag awayan nila. Hindi ko na siya muling binalikan ng tingin. Nakakapaso ang mga mata niya. Tama nga ako na hindi iyon kulay itim. Kinalimutan ko na sila't inabala ko na lang ang sarili sa paglilinis dahil ito naman ang dapat kong gawin. Hindi dapat ako nakikialam sa buhay ng mga customer. Hindi ko naman ugali iyon kaya ewan ko ba kung bakit nanghihimasok ako ngayon. "Oh, ito! Bago ka umuwi huwag mong kalimutan ang mga mop! Uuwi na ako at nandiyan na ang sundo ko!" Ako ang pinaka maraming over time. Nag over time din ako ngayon kaya ako ang pinakahuling kumuha ng sahod. Ang iba maagang umuwi para makapaggala pa sandali dahil bagong sahod at may mga pera. Ganoon naman palagi, ako ang madalas na maiwan dito. Nakapagpalit na ako ng damit at hindi na nakauniporme. Hindi na ako kailangan utusan ng head dahil iyon naman ang araw araw na routine ko kahit hindi na iyon kasama sa aking trabaho. Pagkaabot sa akin ng sahod ko nagkusa na akong magligpit ng mga mop. Naging gawain ko na ito pagkatapos ng trabaho. Ako ang naiiwan kaya ako ang nagdadala ng mga ginamit na panlinis sa staff room. A small sigh escapes from my lips. Nagsimula akong itulak ang trolley na punong puno ng mga gamit panlinis sa club. Narito rin ang mga toiletries na natira at pupwede pang magamit sa mga kwarto bukas. Nang matanaw ang mga mop sa isang gilid, hinintuan ko iyon. Malapit na akong hingalin sa pagbubuhat niyon isa isa upang mailipat sa trolley para isahang dala na lang nang makarinig ako ng boses. "Do you know me now?" Napatigil ako sa pag ayos ng mga mop na dadalhin sa staff room. Hindi napigilang mangunot ng noo ko. Pamilyar sa akin ang boses na iyon. Hindi ko muna binitawan ang mop na hawak at hinanap kung saan nanggaling ang boses. Hindi naman ako nahirapan na hanapin dahil nasa gitna sila ng daan kung saan ako daraan. I know it's not good to eavesdrop but I can't help but listen when I see Helios. Magkausap sila ng lalaking nakaaway niya. Nag uusap malamang para makahingi ng pasensya. Pero bakit ganitong oras pa? Sarado na ang club at akala ko rin nakauwi na sila. Hindi ko magawang umalis. Saka doon ako dadaan papuntang staff room at kung dadaan ako roon ngayon ay maiistorbo ko sila. Naisipan ko na lamang na hintayin silang umalis bago dalhin sa staff room ang mga mop. Nanatili na lang muna ako roon sa gilid ng mga kagamitang panlinis at sinisilip sila. Hindi naman ako makikita dahil natatakpan ako ng isa pang trolley na lagpas sa akin ang laman. "Y-yes..." "What's my name?" Kahit ilang beses ko nang narinig ang boses niya, kinikilabutan pa rin ako. "H-helios Lysandros Barrinuevo..." Walang emosyon na tumango si Helios nang mas silipin ko sila. Walang galaw ang kanyang mga labi. Hindi ngumingiti at hindi mabakasan na natuwa kahit kilala na siya ng kaharap. Pagkaraa'y tumigas ang tingin nito sa lalaki. "Don't forget I'm Hell. Remember my name so that when we meet in hell you will know me." Nakitaan ko ng hindi maipaliwanag na takot ang lalaki sa mga mata. Namumutla itong napalunok. Pinagpapawisang pinagdikit nito ang mga palad niya at nagmamakaawa. Nagtaka ako. Ibang iba ang ayos niya ngayon. Biglang natunaw ang yabang niya pagkatapos makilala ang hinahamon niya ng away kagabi. "H-helios, I'm sorry... I-i was very drunk... Hindi ko alam na-" hindi ito natapos sa takot na pakiusap dahil bago pa nito matapos ang salita'y sinaksak na siya ng kaharap niya. Nagulat ako. Ang bilis ng pangyayari. Ni hindi ko alam kung saan nanggaling ang kutsilyo na gamit niya. Humigpit ang hawak ko sa mop bago ko iyon nabitawan. Gumawa iyon ng ingay sa sahig. Nanlaki ang mga mata ko nang unti unti'y bumaling sila ng sabay sa akin. Humingi ng saklolo ang lalaki na sumusuka ng dugo nang makita ako. Habang ang sumasaksak sa kanya ay tinadtad pa siya ng saksak kahit nakatingin ako. Kung kahapon, naisip ko na palalampasin niya iyon kaya wala siyang emosyon. Iba pala ang dahilan. Hindi niya ito pinatulan dahil ganito ang paraan niya kapag nagalit siya. As I looked at him in terror, it was as if I saw horns over his head. He is burning in his own name. He's evil. He becomes a demon living in hell when he's angry. Tumigil siya nang masigurong wala nang buhay ang lalaki. Hinugot niya ang kutsilyo sa katawan nito at hinayaan itong bumagsak sa semento. Binitiwan niya sa tabi nito ang ginamit niyang kutsilyo. Bumunot siya ng panyo sa kanyang bulsa at ipinunas sa dugong nasa kanyang kamay. Nang masigurong malinis na siya't walang dugo'y hinagis niya ang panyo sa mukha ng lalaki. Dapat ay tumatakbo na ako ngayon palayo. Ngunit hindi na ako makagalaw o makahakbang paalis sa kinatatayuan ko. Tinagilid niya ang ulo niya. Nang magtama ang mga mata namin, hindi ko man lang siya nakitaan ng takot na may nakahuli sa kanya. Parang sanay siya at alam niya na hindi siya makukulong kahit isumbong ko siya. O siguro dahil balak niya rin akong patayin upang walang magsalita? Nagimbal ako sa kaisipan na iyon at napaatras ng sunod sunod nang magsimula siyang humakbang palapit. Kulay asul ang mga mata niyang madilim na nakatitig sa akin. Normal siyang naglakad at nagpamulsa na para bang wala siyang ginawang krimen. There's no glimpse of anxious as if nothing bothers him. He's so calm after killing people and I don't think that's normal. Halos manginig ako nang madaanan niya ako at lagpasan. Naamoy ko ang matapang niyang pabango na nakapagpatanto sa akin na tumigil siya sa gilid ko. Napigil ko ang aking hininga nang maaninag kong mula sa aking gilid ay nilingon niya ako. Nagtaasan ang mga balahibo ko na para bang alam ng katawan ko na nasa kapahamakan ako. "That is what I do to those with sharp tongues. If I were you, I would just shut my mouth up to keep my tongue intact," sabi nito at nagbagsak ng lilibuhin sa tabi ng nabitawan ko na mop. "You didn't see anything. Do your job as janitress and clean the blood." Pag-alis niya, nanginginig akong napatakip ng mga kamay sa aking bibig. Nanlambot ang mga tuhod ko at napaupo. Napatayo lang ako't napaatras nang may lumapit sa bangkay na mga tao. Sila rin 'yung mga naka-americana na akala ko'y mga bodyguards niya lamang na nakabantay. Wala pa ako sa aking sarili habang pinapanuod silang ligpitin ang bangkay. Nilinisan nila ang buong lugar at hindi nag iwan kahit isang patak ng dugo bilang ebidensiya sa karumaldumal na ginawang pagpatay ng amo nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD