Chapter 15

1234 Words

Point of view - Emily Dela Cruz –   Nanatiling nakatitig ang aking mga mata sa laptop na nasa aking harapan. Naka-flash sa screen nito ang sss profile ng dati kong kaibigan na si Kathleen.   Oo, dating kaibigan. Dahil alam kong sa ginawa ko sa kanya. Alam kong hinding hindi niya ako mapapatawad. Ngunit kahit kailan, hindi ko pinagsisihan ang aking ginawa, binawi ko lang naman ang alam kong sa akin, hindi ba?   Binawi ko lang ang taong ako ang unang nagmahal.   Sa pagpindot ko ng close button function, bumungad sa akin ang isang folder na nasa aking desktop. At saka muling sumagi sa aking isip ang mga dahilan kung bakit tuluyan kong kinamuhian noon si Kathleen.   Pinindot ko ang folder na iyon at bumukas ang laman nito, nakita ko ang litrato namin ng babaeng iyon noong nasa koleh

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD