bc

Husband For Hire: Raven Ford Beringer - The Rude Vocalist

book_age16+
3.8K
FOLLOW
16.2K
READ
family
confident
band
drama
comedy
bxg
office/work place
small town
photographer
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Nangingilid ang luha ni Kathleen nang mahuli niya ang p*gtatalik ng kanyang best friend at ng kanyang fiancé.

Hindi niya akalain na ang dalawang taong pinagkakatiwalaan niya ay magtataksil sa kanya.

Upang maibsan ang kanyang kalungkutan at malimutan ang sakit ng nakaraan, pinili niyang umarkila ng isang lalaki na magpapanggap bilang kanyang asawa. Nais niyang ipamukha sa dalawang taksil na tuluyan na siyang nakalimot.

Ngunit hindi niya akalain na iibig siya sa lalaking inarkila, isang bagay na bawal sa kontratang kanilang pinirmahan.

chap-preview
Free preview
Prologue
Point of view - Raven Beringer –   Sabay sa daloy ng pawis sa aking mukha ang pagtaas at pagbaba ng aking balikat. Ang pagod na nadarama ko ngayon habang nakataas ang aking kamay. At hawak ang mikropono na tumutupad sa aking mga pangarap, ay hindi kailan man mapapantayan ng kahit anong salapi.   Ito ang aking pangarap, ang umawit sa entablado habang tinitingnan ang mala alitaptap na ilaw galing sa hawak ng mga manonood.   Marahan kong binaba ang aking kamay saka muling ngumiti at tinapat sa aking labi ang mic na hawak ko.   "Thank you, everyone!" sigaw ko.   Nang marinig ko ang hiyawan ng mga tao, sumilay ang isang malaking ngiti sa aking labi, saka ako tumalikod at naglakad pababa ng entablado.   Maraming reporter ang lumapit sa akin at ang iba ay sunod-sunod akong kinukuhaan ng litrato. Ang iba naman ay nais malaman ang lahat ng tungkol sa akin at kung ano-ano ang mga tinatanong. Ngunit nanatili akong tahimik at tanging ngiti lamang ang tugon ko.   Hanggang sa dumating ang mga bouncer at pinigilan ang lahat ng mga taong dumadagsa palapit sa akin, mapayapa akong nakarating sa isang itim at magarbong sasakyan.   Nang sa wakas ay makapagpahinga na ako at maisandal ang aking ulo sa headrest ng kotse. Marahan kong inangat ang aking kamay, hinawak sa aking mukha at tinanggal ang maskara na nakatakip dito.   Tama, isang maskara na tumatakip sa aking mukha at tanging labi lamang ang nakikita.   Ito ang dahilan kung bakit naging tanyag ang aking pangalang "Xavier" ang kuryosidad ng mga tao ang nagdala sa akin sa tuktok ng tagumpay.   Ngunit ginusto ko ba ito? Hindi ko ginusto na takpan ang aking mukha pero kailangan. Dahil sa isang kontratang napagkasunduan.   "Nandito na tayo sa lugar, Raven," saad ng lalaking nagmamaneho ng aking sinasakyan.   Hindi ako umimik, bagkus, nagsimula akong magtanggal ng aking pang-itaas at nagpalit ng aking damit, saka isinilid sa bag ang maskara na aking dala.   Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at nagsimulang lumabas mula rito.   Ang ilaw na galing sa restaurant ang tanging nagbibigay liwanag sa lugar kung nasaan ako. Ang Ingles na titik na nakaukit sa placard nito ay lubos na nakakukuha sa atensyon ng mga tao.   Nagsimula akong pumasok sa loob ng restaurant saka nakita ang babaeng naghihintay sa aking serbisyo.   Isang malalim na buntong hininga ang aking ginawa. Nilagay ang kamay sa aking bulsa, saka diretsong naglakad patungo sa kinaroroonan niya.   Ito na ang umpisa ng aking pagpapanggap bilang isang, arkiladong husbando. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Secret Agent's Mate

read
115.2K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.5K
bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
431.7K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
50.2K
bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
598.5K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook