Chapter 1

1378 Words
Point of view - Kathleen Nicole Vergara –   Ano nga ba ang pagmamahal? Paano nga ba natin malalaman kung nagmamahal na tayo? O paano nga ba natin malalaman kung siya na nga talaga ang makakasama natin habang-buhay?   Simple lang, kapag naramdaman mo na sunod-sunod ang t***k ng iyong puso kapag kasama mo ang taong ito. Na tila ang isang buong araw ay isang oras lang sa tuwing kayo ay magkasama. 'yung wala kang gusto kundi ang isiksik ang iyong mukha sa kanyang dibdib at buong araw na lang na kayakap ang taong ito. Ganito nga ba ang pagmamahal?   Ewan ko, hindi ko alam. Dahil ang sabi nila, walang tamang salita para I-describe ang love. Basta ako, masaya ako sa taong kasama at makakasama ko sa aking pagtanda.   ***   Ramdam ko ang ilang dahon na dumadampi sa aking talampakan. Wala akong suot na tsinelas dahil ito ang nais ng nobyo kong si Dave.   Nilagyan niya ng itim na tela ang aking mata, habang hawak niya ang aking balikat, inaalalayan niya ako sa paglalakad patungo sa lugar na hindi ko alam kung saan. Naaamoy ko ang halimuyak ng rosas sa aking paligid at hindi ko mapigilang hindi matuwa at masabik kung ano ang aking makikita sa pagtanggal ng piring sa aking mata.   "Malayo pa ba tayo, Dave? Parang kanina pa tayo naglalakad." Halata sa aking tinig ang pagkasabik.   Naramdaman ko ang init ng kanyang hininga na lumapat sa aking tainga.   "Nandito na tayo, Mahal kong Kathleen," bulong niya.   Agad niyang tinanggal ang itim na tela na nakatakip sa aking mata. Tila pupungas-pungas at may pagkamalabo pa ang aking paningin. Ngunit nang ito ay unti-unting luminaw, nanlaki ang aking mata sa ganda ng aking nakita.   Inikot ko ang aking paningin sa paligid at halos mapunit ang aking labi dahil sa mga ngiting nababakas dito.   Pula, puti, dilaw, at iba't ibang kulay ng rosas ang nasa aming paligid. Narito kami sa isang hardin na nasa itaas ng kabundukan kung saan natatanaw ang ilaw ng mga kabahayan. Tila bituin na nalaglag sa lupa ang city lights na ito. Dumagdag pa ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa aking pisngi.   Naputol ang aking mga iniisip nang maramdaman ang kamay ng isang lalaki sa aking baywang na yumakap sa aking katawan mula sa likuran. Ang kanyang baba ay pinatong niya sa aking balikat na tila isang batang nagmumukmok.   "Nagustuhan mo ba ang aking sorpresa, Kathleen?" saad ni Dave.   Tinanggal ko ang kanyang kamay na nasa aking baywang, saka ako marahang humarap sa kanya upang mas makita ang kanyang mukha. Gamit ang aking mainit na palad. Nilapat ko ito sa kanyang pisngi at mabilis na hinagkan siya sa labi, saka ako tumugon sa kanyang sinabi.   "Gusto ko, Dave. Gustong-gusto ko."   Nagsimulang mamuo ng luha sa aking mga mata. Halohalong damdamin ang bumalot sa aking puso. Saya, pagkasabik, at pagpapasalamat dahil napakaswerte ko sa aking nobyo. Akala ko ay dito na nagtatapos ang kanyang sorpresa ngunit nagkamali ako.   Nanlaki ang aking mga mata at bumilis ang pintig ng aking puso nang magsimula siyang lumuhod sa aking harapan. At sabay sa pagluhod niyang ito, isang malakas na ilaw ang lumiwanag mula sa aming paahan. Isang korteng puso ng fairy lights ang aming inaapakan.   Kinuha niya sa kanyang bulsa ang isang maliit na pulang kahon. Tinakpan ko ang aking bibig dahil alam ko na ang susunod niyang sasabihin.   "Happy birthday, Kathleen. Will you be my wife?" Nakangiti niyang saad na lubos na nakapagpasaya sa aking kalooban.   "Y-Yes!"   Ang ngiti sa mukha naming dalawa ay simbolo ng kasiyahan na nadarama namin sa aming puso.   Sabay sa mainit at mahigpit na yakap namin sa isa't isa, ay ang pagsabog ng magandang fireworks sa madilim na kalangitan. Ito ang pinakamasayang kaarawan sa buhay ko. At hinding hindi ko malilimutan ang araw na ito.   ***   "Hoy, Kathleen! Anong petsa na, tulog ka pa?" sigaw ni mama na nakapagpagising sa akin. "Ang lakas ng loob mong sabihing mag-aasawa ka na, eh hanggang ngayon, tanghali ka pa rin gumising."   Umikot muna ako sa aking higaan saka niyakap ang malaki at puting unan na nasa lapit ko. Sa pagdilat ng aking mata, nasulyapan ko ang singsing na nasa aking palasingsingan.   Tama, hindi iyon isang panaginip. At ilang buwan na lang, ikakasal na ako.   Bigla akong kinilig dahil sa aking naisip, saka bumangon sa aking higaan. Naalala ko na ngayon nga pala ako mag-aapply ng trabaho. Ka-gagraduate ko lang kasi ng kolehiyo. At siyempre, bilang isang magiting na mamamayang Pilipino. Kailangan pa rin magbanat ng buto.   Nagsimula akong mag-ayos ng sarili at bumaba ng hagdan. Ang totoo sa kompanya lang naman ni daddy ako mag-aapply.   Masasabi kong mayaman kami. Ilang kompanya ang hawak ng aking pamilya at sinasabi nilang lumaki ako na may gintong kutsara sa bibig. Though wala naman akong pakialam doon.   In my twenty-four years of existence, pinalaki ako na may takot sa Diyos. Relihiyoso kasi ang aking pamilya at matulungin sa kapwa.   Matapos akong mag-breakfast at nag-iwan ng halik kay mommy. Nagtungo ako sa parking lot ng aming bahay, sumakay sa kotse at nagsimulang mag-drive patungo sa Bonifacio Global City sa Taguig, kung saan naroon ang aming kompanya, ang Vergara Corporation.   Pero habang nag-didrive, napansin kong tumatawag ang aking nobyo na si Dave, ang napakagwapong lalaking magiging asawa ko.   Ang lalaking kumukumpleto sa buhay ko, si Christian Dave Montes. Sa loob ng tatlong taon naming relasyon, nirerespeto niya ako at ang kondisyon kong no marriage no s*x.   Masyado bang Maria Clara? Wala e. Simula bata, pinangako ko sa aking sarili na haharap ako sa altar na birhen, kasama ang lalaking kayang hintayin ang araw na ito at dumating na ang araw na iyon.   Kinuha ko ang earphone at nilagay sa aking tainga, sinagot ko ang tawag ng aking fiancé.   "Hello, honey? Bakit napatawag ka?" saad ko na may ngiti.   “Wala naman, miss lang kita.”   Kinagat ko ang aking labi upang mapigil na lumabas ang kilig sa aking bibig.   "Magkasama lang tayo kagabi ah."   “Ewan ko ba, sana dumating na ang araw ng kasal natin, Kathleen.”   "Mainipin ka masyado." Impit akong tumawa. "Usap tayo mamaya, hon. Nag-didrive lang ako," dugtong ko.   Matapos ang aming pag-uusap, nag-focus ako sa pagmamaneho. Nang makarating ako sa kompanya ni daddy, nakita ko ang aking matalik na kaibigan na si Emily Dela cruz, siya ang bestfriend ko since high school at malaki ang naitulong ng aming pamilya sa kanila.   Isang malaking ngiti ang binigay ko sa kanya.   "Good morning, Emily," bati ko.   "Kathleen, kamusta? Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay."   Oo nga pala, nangako ako sa kanya na tutulungan ko siyang makapasok sa aming kompanya.   "Sorry, na-late ako nang gising." Saka ako kumamot sa aking pisngi.   Isang mahabang araw ang nangyari sa amin at buong araw din kaming nagkwentuhan ni Emily. Nabanggit ko sa kanya ang tungkol sa planong kasal namin ni Dave at tuwang-tuwa siya sa aking sinabi. At dahil siya ang best friend ko, gusto kong siya ang maging maid of honor ng aking kasal.   ***   Mabilis na lumipas ang ilang buwan, dumating ang araw ng kaarawan ni Dave. Naisip ko na kailangan kong bumawi at maibalik ang saya na binigay niya sa akin noong kaarawan ko. Kaya naman nag-isip ako ng magandang sorpresa para sa kanya. Binili ko ang hiling niyang bagong sapatos, Play station 5, at ang pinaka-latest na Iphone. Bumili rin ako ng bulaklak at lobo na nilagay ko sa compartment ng aking kotse.   Nang dumating ako sa bahay ni Dave, inayos ko ang aking sarili at tahimik na pumasok sa pinto ng kanyang condo. Ngunit hindi ko alam kung bakit imbes na saya, matinding kaba ang naramdaman ko sa aking puso.   Pagpasok ko pa lang sa loob, nakarinig ako ng sunod-sunod na ungol. Halohalong emosyon ang pumasok sa aking sistema. Ayokong mag-isip ng masama. Ayokong isipin ang pinapaisip ng isip ko.   Ayoko! ayoko!   Ngunit isang huling hakbang at nasa harap na ako ng pinto ng silid ni Dave. Nanlaki ang aking mata nang sumilip ako sa kaunting siwang ng kanyang pintuan.   Sunod-sunod ang pag-agos ng aking luha. Nagsimulang sumikip ang aking dibdib nang makita ko ang best friend kong si Emily na nagtataas baba sa ibabaw ng aking fiancé. Tila nababaliw at dalang-dala siya sa sensasyon ng kanyang katawan, habang ang aking puso ay unti-unting nagkakapirapiraso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD