Chapter 6

1141 Words
-Enzo- “Dave, hindi tayo sabay lumaki kaya naman hindi mo nakita ang lahat ng pinagdaan ko sa kamay ng ibang tao. At tama ka hindi madali ang maging isang De Lana, dahil sa pangakong pasan naming lahat. Ayokong ipakita sa ibang tao ang kahinaan ko dahil alam kong magagamit nila yon para lang matalo ako o ang angkan na pinagmulan ko.” Aniko dito habang naglalakad kami sa may tabing dagat. “Boss, simula ng kunin moa ko bilang isang kanang kamay mo ay malaki na rin ang nagbago sa akin. Ang buong akala ko noon ay hindi ko na rin magagawang magbago dahil sa galing akong kulungan at alam kong walang tao ang kaya akong pagkatiwalaan dahil sa nakaraan ko.” Malungkot nitong pagkukuwento sa akin. “Noong mga panahon na nakita kita na halos talikuran mo na rin ang lahat doon ko naman nakita sa mga mata mo na hind imo gusto ang ginagawa mo. Nagdesisyon akong pagkatiwalaan ka dahil sa alam kong gusto mo talagang magbagoing buhay, ngun’t tama ka pa rin dahil hindi pa talaga buo ang tiwala ko sayo. Ang pagtitiwala ay isang bagay na mahirap ibigay sa ibang tao kaya sana ay hindi mo masira ang sinimulan mo ng sa ganoon ay makamit mo rin ang hinahangad mo.” Sambit ko at tinapik ko ito sa balikat. Masaya naman itong yumuko sa aking ng ilang beses at nangako sa harapan ko na buhay nito ay nakalaan para sa kaligtasan ko. Sa totoo lang ay may tiwala na rin naman ako kay Dave kahit na papaano dahil sa nalaman kong hindi nito kayang magtraydor sa akin kahit pa maging buhay ang kapalit nito. Pareho lang sila ni Ricky na galing sa isang nakaraan na ayaw na rin nitong balikan, at silang dalawa ang mga taong kaya kong makasama na hindi ko kayang mangamba o matakot na may mangyayari sa akin na hindi maganda. Lumipas pa ang ilang linggo ay nakabalik na rin ako ng bansa at sumalubog agad sa akin ang balitang nanganak na raw si Mercy ng isang batang babae na ikinalundag naman ng aking puso. Hindi ko pa man nakikita ang sanggol ay natutuwa na ang aking pakiramdam at parang gusto ko na lang din paliparin ang sasakyan ko para lang makita ko na agad aking anak. Hanggang sa marating ko ang mansion at nagmamadali akong puamsok sa kuwarto ni Mercy, napahinto naman ako sa may pintuan ng makitang natutulog ito at katabi ang aking anak na babae. “My baby” Mahina at kinakabahan kong sambit sa aking sarili. Pinakatitigan ko ang sanggol at kahit pa baby pa lang ito ay makikita na rin ang malaking pagkakahawig nito sa akin. Girl version lang ito ngun’t xerox copy ko na agad ito. Hinaplos ko ang malambot at maliit nitong pisngi, at hindi ko maunawaan ang nararamdaman ko ngayon dahil sa parang gusto kong umiiyak at matuwa nakikita ko. “Hayaan mo munang makapagpahinga ang mag-ina dahil sa hindi madali ang ipanganak ang anak mong ayaw pa talaga lumabas sa mundo. At sa tingin ko mula ng malaman n’yang ikaw ang ama n’ya ay mas gugustuhin na lang n’yang manatili sa tiyan ng kanyang ina.” Mataray na sambit sa akin ni Yvette na nasa likuran ko rin pala. Sinamaan ko lang ito ng tingin at inirapan lang din ako nito. Nagtungo naman ito sa gilid ni Mercy para tignan ang suero nitong nakalagay sa kamay ng babae. “Kaylan siya nanganak?” Simpleng tanong ko sa walang buhay ding boses. “Kahapon, kasabay ng kaarawan ng Mommy mo?” Balik agad nitong sagot sa akin at tinaasan pa ako ng kilay. Nagulat pa ako dahil sa kabirthday ng anak ko ang aking ina. Napahimas pa ako sa aking batok dahil mukhang malaking gulo ito kung malalaman ni Mommy na hindi nito nalalaman ang tungkol sa aking anak at ang mas malala pa ay kapareho pa ito ng kanyang kaarawan. Ilang sandali pang tinignan ni Yvette si Mercy at saka muli akong hinarap ng aking kaibigan. “I send mo sa account ko ang bayad mo sa panganganak ko sa baba emo, Enzo. At sa tingin ko kailangan mo rin dag-dag dahil sa tinulungan din kitang ilihim ang lahat ng ito sa iyong mahal na ina.” Sambit nito at saka naglahad ng palad sa aking harapan. “Bayad ka na bago pa man ipanganak ang aking anak sa mundo.” Sagot ko dito sa malokong boses at tinalikuran ko ito para magtungo sa aking sariling kuwarto para maligo dahil ayokong malanghap ng aking anak ang bawis ko na galing sa bayahe. Narinig ko pang natawa si Yvette, ngun’t hindi ko na lang ito pinansin pa dahil sa alam kong maloko rin ang isang ito. Minabuti kong ayusin ang aking sarili ng sa ganoon ay maging malinis ako kung sakaling hahawakan ko ang aking anak mamay. Napapangiti pa ako sa kawalan na hindi ko naman maunawaan ang ibig sabihin. Lumipas pa ang halos tatlong oras ay nakarinig ako ng iyak ng sanggol kaya naman dali-dali akong pumasok sa loob ng kuwarto ni Mercy para tignan kung bakit umiiyak ang aking anak. Ngun’t natulos naman ako sa aking kinatatayuan ng makita kong pinad*d* nito sa kanyang dib-dib at dahil sa may nakalagay na suero sa kanyang kamay ay nahihirapan itong iaayos ang aking anak sa kanyang kandungan. Lumapit na lang ako para tulungan ito sa kanyang ginagawa. “Kaya ko naman.” Mahina at malat nitong sabi sa akin. “Anak ko yan kaya kailangan kong tumulong.” May diin ko namang sagot dito. Wala na rinito nagawa ng iaayos ko ang aking anak sa kanya para naman makapagpad*d* siya ng ayos dito. Tinakpan pa nito ang kanyang nakalabas na dib-dib na ikinaiwas ko naman ng tingin dito dahil sa nakakaramdam ako ng init habang nakikita ko ang kalakihan nitong hinaharap. Wala kaming naging kibuan hanggang sa matapos nitong mapatulog ulit ang aming anak, tumingin ito sa akin ngun’t umiwas din ng makita nitong kanina pa rin ako nakatingin sa kanya. Alam kong nilalakasan lang nito ang kanyang loob at nilalabanan nito ang kanyang takot sa akin, kaya naman nagdesisyon na lang akong lumapit dito ng sa ganoon ay mapag-usapan namin ang tungkol sa bata. “Nakikiusap ako h’wag mo sana ilayo sa akin ang aking anak, ayos lang kung hindi mo ako itrato bilang isang tao pero sana ay wag mong iaalis sa akin ang karapatan na maging ina sa aking anak. Ikamamatay ko kung kukunin mo lang siya sa akin ng ganon kadali, alam ko naman na hindi mo rin naman siya tanggapin bilang anak mo kaya kung maari ay hayaan mo na lang kaming umalis at kahit na kaylan ay hindi mo na kami makikita sa landas mo.” Pagsusumamo nito at mababakas ang katapanan sa mukha nito para sa aming anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD