-Mercy-
“Anak ko yan at walang aalis kahit na ikaw pa.” Pigil ang galit nitong sagot sa akin. Dahil sa muli akong nakiusap dito na baka kung sakali n’ya na kaming pakawalan sa kayang kalupitan. Nanglaki naman ang mata ko sa aking narinig dahil sa inamin nitong anak n’ya ang aking anak na madalas naman nitong itanggi na hindi sa kanya ang bata.
“Akala ko ba hindi mo kayang tanggapin ang bata, anong dahilan at nagbago yang utak mong kakapiraso lang din naman ang laman.” Sagot ko dito sa mahinang boses.
“Kapag sinabi kong anak ko ang bata, ay anak ko yan. Sinusubukan kong maging mabait sayo dahil sa kahit anong gawin ko kailangan ng anak ko ng isang ina na mag-aalaga sa kanya. Pero kung gusto mo naman na masaktan ulit ay ayos lang din naman sa akin, tandaan mop ag-aari kita kaya naman itikom mo yang katabilan ng bibig mo at baka hindi ako makapagpigil at paduguin ko yan sa parusang alam kong hindi mo naman gusto.” Anito sa akin at madilim naman ang tingin nito sa akin, hindi ko naman ito pinansin pa at nahiga na lang ako ng patagilid para harapin ang aking anak na natutulog. Walan naman ako narinig at alam kong hindi pa ito lumalabas ng kuwarto pinasya ko na lang muna ang matulog dahil sa kailangan ko ng lakas para ipagtanggol ko ang aking anak sa kamay ng kanyang demonyong ama.
Naging matiwasay naman ang mga araw na lumipas at nabawasan na rin ang pagtatalo naming dalawa ni Enzo. Hindi na rin ito nagdadala ng mga babae sa mansion at nagkaroon na rin kami ng kasambahay sa bahay na si Aling Chedeng na malapit na tiyahin daw ni Dave. Nguni’t hindi pa rin ako mapanatag na hindi lalabas ang kasamaan ni Enzo oras na sumpungin naman ito ng kanyang kademonyohan. Hindi na rin bumalik si Bella na ikinamiss ko naman dito, gusto ko sana itong kunin bilang Ninang ng aking anak kung sakaling pabibinyaan na namin ito ni Enzo pero hindi pa talaga ito bumabalik sa mansion.
“Anong iniisip mo, Iha?” Malumanay at may pag-aalalang tanong sa akin ni Aling Chedeng habang nasa loob ami ng kusina at naghahanda ng hapunan dahil sa palagi na rin dito kumakain si Enzo na hindi naman nito gawain dati.
“Wala naman po, sumagi lang po sa aking isipan ang magiging kinabukasan ng aking anak. Hindi naman po lingid sa inyo kung ano lang kami sa buhay ng kanyang ama, kaya naman po hindi maalis sa akin ang mag-alala para sa magiging buhay niya.” Malungkot na turan ko sa matanda at saka naman ako bumaling sa aking anak na naglalaro sa kanyang stroller na may nakasabit na mga laruan doon. Si Enzo ang bumili at nag-aayos ng stroller nito kaya naman kahit paano ay sumaya ako dahil sa nakikita kong pagmamahal nito sa aming anak.
“Alam mo sa tingin ko naman ay mahal ni Sir Enzo ang anak mo, Iha? Nakikita ko kung paano siya ngumiti sa tuwing uuwi siya dito at hahanapin kayong dalawang. Alam mo sa totoo lang ay wala kong karapatan na manghimasok sa buhay n’yo dahil sa alam ko rin naman ang lugar ko dito sa mansion. Pero hangad ko ang kalagiyahan na nararapat para sa inyong mag-ina.” Nakangiting tugon sa akin ng matanda na ikinangiti ko na lang din dito, kahit kahit paano ay gumagaan ang kalooban ko sa tuwing alam kong may nakakakita ng aking paghihirap. Pagkatapos ng sandaling yon ay natapos na rin kaming magluto at saktong dumating na rin si Enzo at iba pa nitong mga tauhan, nagulat pa ako dahil sa dami nitong dalang mga bagong laruan na alam kong hindi pa man malalaro ni Miracle.
“Ang dami naman nito? Nasa isang buwan pa lang si Miracle pero ang binili mong laruan ay halos pang limang taon gulang na?” Takang tanong ko ng makita kong halos mapuno ang iba’t-ibang klaseng laruan ang kuwarto ng aking anak.
“Gusto ko lang maging handa ng sa ganoon ay makita n’yang kaya kong ibigay sa kanya ang lahat.” Simpleng sagot nito at kinuha sa stroller si Miracle at binuhat ito ng may pag-iingat.
“Pero kahit na matagal pa rin n’yang magagamit ang mga ito, sana man lang natanong ka muna ng mga kailangan n’ya bago ka bumili ng mga ito.” Naiinis ko na ring sagot dito at muli kong pinagmasdan ang buong palogid dahil saw ala na rin kilusan sa loob ng kuwarto.
“Kung ayaw mo itapon mo.” Tugod lang nito at saka naman ako iniwan mag-isa at umalis itong dala si Miracle. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa pagiging masama talaga ang ugali nito.
“Excited lang si Boss na makalaro ang anak n’ya kaya naman halos bilhin ang buong store ng mga laruan nay an.” Sabi naman ni Dave ng matapos nitong maibaba ang lahat ng laruan. Tinginan ko lang ito at hin di na rin ako kumibo dahil alam kong isa rin naman itong asong laging naksunod sa kanyang amo.
Kinagabihan ay inayos ko na lang ang mga laruan ng sa ganoon ay may kilusan pa ako sa loob. Tulog na rin si Miracle sa kanyang crib na mismong si Enzo rin ang bumuo nito. Hindi na rin ako nakapaghapunan dahil sa ayokong makita ang demonyo sa baba at baka mawalan lang din ako ng ganang kumain.
“Bakit hindi ka bumaba para kumain ng dinner?” Dinig tanong mula sa aking likuran, hindi ko naman ito nilingon dahil sa kilala ko na rin naman kung kaninong boses yon galing. Gusto ko sanang sabihin dito ang dahilan ko subalit pinili ko na lang umirap sa kawalan ng sa ganoon ay mabawasan ang inis ko sa binata.
“Hindi ako gutom..saka pwde naman ako kumain mamaya kapag nagutom ako.” Salita ko sa walang buhay na boses at nagpatuloy lang ako sa pag-aayos ng laruan.
“Ipapaayos ko lang itong kuwarto ni Miracle para naman magkasya ang lahat ng mga ito.” Turan niya sa akin at saka hinawakan ang isang malaking barbie doll. Tinignan ko lang ito at saa tumango wala akong panahon makipagtalo dito kaya mas pinipili kong manahimik na lang.
“Bahala ka ikaw naman ang bumili ng lahat ng ito.” Sagot ko at saka binitiwan ang isang malaking doll house at nagtungo sa kama ni Miracle para namna ayusin ang pagkakahiga nito roon. Alam kong nakatingin sa akin si Enzo pero dahil hindi ko kayang labanan ng tingin nito ay minabuti ko na lang ang umiwas hangga’t kaya ko.