-Mercy-
Kasalukuyan akong nasa kusina ng marinig ko ang pagdating ni Enzo, ang ama ng aking pinagbubuntis. Ang buong akala ko pa naman ay kapag sinabi ko dito ang totoo ay magagawa ako nitong mahalin ng buo, ngun’t nagkamali ako dahil sa naging kalbaryo ang pagtira ko dito sa mansion ng binata. Gusto ko mang umalis o tumakas ay hindi ko magawa dahil na rin sa pagbabanta nito na papatayin ako at hindi ko na kaylan man makikita ang magiging anak ko, oras na ilabas ko ito sa mundo. Napuno ako ng takot na mamatay o maging sa kaligtasan ng aking anak kaya naman pinili kong manahimik sa loob ng bahay nito at sundin ang lahat ng kanyang pag-uutos.
Sumilip lang ako sa may pintuan ng kusina at nakita kong may kasama naman bagong babae si Enzo, at nasasaktan akong makita na iba s’ya nakikipaghalikan o magiging katalik ngayong gabi. Mula na ibahay ako nito sa kanyang tahanan ay gabi-gabi na rin siyang may kasama na iba’t-ibang babae para makasiping nito. Wala naman akong magawa dahil sa hindi ako ang asawa at wala akong karapatan sa lalaking magiging ama lamang ng aking anak. Alam kong malaking pagkakamali ang lahat ng nagawa ko sa buhay ko at ngayon ay nadamay pa ang magiging anak ko sa aking kamalasan. Pumanik na ang dalawa sa second floor at alam kong dadarecho ang mga ito sa kuwarto ng binata, sinarado ko na lang ang pintuan ng kusina at saka ako nagpatuloy sa pagkain. Ganito ako araw-araw, matutulog at gigising para lang asikasuhin ang aking sarili dahil sa wala rin naman ako kasama sa mansion nito at sa gabi lang din naman uuwi ang binata at kung minsan naman ay tatawag ito sa isang bodyguard nito para ipaalam lang sa akin na hindi ito uuwi ng ilang araw.
Kinabukasan ay maaga naman akong gumising dahil kailangan kong ipagluto ng agahan ang binata at ang babaeng kasama nito kagabi. Hanggang sa ilang sandali pa ay pumasok na rin ang mga ito sa loob ng dining area para kumain. Tinaasan pa ako ng kilay ng babae ng tumabi ito kay Enzo, hubad baro naman ang binata at ang babae ay nakasuot lang ng manipis na nighties na kulay red at kitang kita rin ang kasexysihan nito maging ang u*tong nito ay nakabakat na rin dahil sa wala itong suot na bra. Bumuntong hininga na lang ako at saka umiwas ng tingin sa dalawang taong ngayon ay naghahalikan na sa harapan ko.
“Honey, gusto ko sana mag shopping mamaya okey lang bang humingi ako sayo ng pera ng sa ganoon ay mabili ko ang limited bag edition na galing sa paris.?” Malambing at malandi ring sambit ng babae habang hinihimas pa nito ang dib-dib ng binata. Tahimik naman ako sa isang tabi at hindi ako gumagawa ng kahit na anong ingay.
“Sure, this is my card ubusin mo kung gusto mo.” Dinig kong turan dito ni Enzo sa babae na ikinatuwa naman nito.
“The best ka talaga, honey.” Maligalig na sagot naman ng babae kay Enzo. Napapailing na lang ako dahil sa pagiging aksayado nito sa at binibigay ang lahat ng luho ng mga babaeng nakakasama nito sa isang mainit na gabi. Sabagay mayaman naman ito at madali lang para dito ang pera, ngun’t kung iisipin ay inaabuso na rin naman ito ng mga babaeng nakakanaig nito gabi-gabi. Napapalalim na pala ang pag-iisip ko ng bigla na lang may humalbot ng buhok ko na ikinadaig ko naman dito.
“Kanina pa ako tumatawag pero hindi mo man lang ako naririnig bingi ka bang babae ka, ha?” Turan ng babae sa akin at hawak pa rin nito ang buhok ko. Hindi naman ito inawat ni Enzo kahit pa nakikita nitong nasasaktan ako ng babae nito.
“Sa susunod na tatawagin kita sumunod ka kung ayaw mong ihampas ko yang mukha mo sa semento. Katulong ka lang pero kung maasta ka akala mo kung sino ka?” Dag-dag pa nito at saka naman nito pabalya ako nitong binitiwan, nagpahid ako ng luha dahil sa totoong nasaktan ako sa ginawa nitong pagsabunot.
“Tama na yan at nakakatamad kayong pagmasdan.” Salita lang ni Enzo at saka na rin ito lumabas ng kusina kasunod nito ang babaeng masama pa rin ang tingin sa akin. Hinayaan ko na lang muna ang mga ito at alam ko namang hindi ko na rin naman makikita ang babaeng ito dahil wala namang babae ang nauulit na katalik ng binata. Tumayo na ako para ayusin ang aking sarili ng maramdaman kong sumakit ang aking tiyan kaya naman napahawak ako sa bandang puson ko dahil sa humihilab iyon. Napakagat pa ako sa aking labi dahil sa sakit na gusto kong pigilan, mabuti na lang at pagkaraan ng ilang minuto ay nawala na rin ito na ipinagpasalamat ko naman.
Nasa may sala ako at naglilinis doon ng bumaba na rin ang dalawa at seryoso ang mukha ni Enzo ng tumingin sa akin. Samantalang ang babaeng kasama nito ay hawak ang pisngi at base sa nakikita ko ay mukhang nag-away ang dalawa ng hindi ko naman alam ang dahilan. Nagpatuloy lang ako sa aking paglilinis ng lapitan ako ni Enzo at pinakatitigan ako maging ang tiyan kong wala pa naman umbok dahil sa halos magdadalawang buwan pa lang naman ito.
“Wag mong kakalimutan ang bilin ko sayo…dahil oras na magkamali ka alam mo na kung ano ang mangyayari sayo.” Bulong nito sa tenga ko at hinaplos pa ang braso ko na ikinatayo naman ng mga balahibo ko dito. Nangingig akong tumango dito at halos mawala naman ang kaluluwa ko dahil sa tingin nitong malademonyo na hindi ko kayang tagalan. Umalis na rin ito at saka lang ako napabuga ng hangin at napaupo sa isang sofa na malapit lang din sa akin. Sa tuwing magbibilin ito sa akin ay mas tumitindi ang takot ko dito dahil sa boses nitong malamig at walang buhay ngun’t kapag naririnig ko iyon ay nagbibigay iyon sa akin ng matinding kilabot dahil sa alam kong kaya ako nitong paslangin kahit kaylan pa nito gustuhin. Ang pinaka masakit pala na pakiramdam ay ang manglinos ka ng pagtingin sa taong hindi naman nakikita ang tunay na ikaw. Ang buong akala ko pagnakilala mo ang taong pwde mong mahalin ay magiging masaya kana at mabubuo ang pagmamahal nito.
Pero sa kalagayan ko ngayon ay malabong makita ng binata ang pagmamahal ko dahil sa malaki ang kasalanan ko dito na kaylan man ay hindi ko na rin naman mababago pa. Alam kong dahil sa akin ay nawala ang babaeng mahal nito, ang babaeng maaaring maging ina ng mga anak nito at hindi ako yon. Pero sa ngayon ay hindi ko na rin nababago ang mga nangyari pa dahil sa nakaraan na yon at ang alam ko ay tuluyan na rin ito iniwan ng babae simula ng malaman nitong magkakaanak na rin siya sa tulad kong babae.