-Enzo-
“Sa tingin mo magagawa mong matakot ako sa mga banta mo na wala namang kuwenta sa akin? Hindi ako pinanganak kahapon para matakot ako ng tulad na inaasahan mo Rosales. Kaya kung ako sayo sabihin muna na kung sino ang mga nasa likod mo ng sa ganoon ay hindi ka na rin mahirapan pa? Saka hindi ka na rin naman makakahingi ng tulong sa mga kasamahan mo dahil alam mo rin kung paano ako magtrabaho?” Mauthoridad na salita ko kay Rosales, isa sa mga naging kaaway ko dito sa underworld na ako mismo ang namumuno.
“Patayin mo ako kung gusto mo dahil kahit anong gawin mo ay hindi ko sasabihin sayo kung ganinong grupo ako nabibilang dahil tulad din ng sabi mo kilala kitang h*yop ka.” Galit at gigil na rin nitong turan sa akin na ikinangisi ko lang din naman dito.
“Your wish is my command.” Baliwalang sagot ko dito at walang pagdadalawang isip na binaril ko ito sa kanyang sintido na ikinabagsak naman nito sa malamig na semento. Bumalik ko ng tingin sa mga tauhan ko ganon din ang ginawa ng mga ito sa lahat ng kasama ni Rosales. Dahil sa mundo ko ay walang nakakalabas ng buhay lalo na kung isa ka lang kaaway.
“Dave, ayokong mangamoy ang mga yan ibaon n’yo ng hindi kayang makita ng asong ligaw.” Bilin ko dito at saka ko inimom ang huling alak na nasa baso ko at saka na rin ako umalis sa lugar na yon dahil kanina pa rin ako pinatawag ni Daddy sa sarili nitong hide out.
“Yes, Master Enzo.” Nakayukong sagot ng tauhan ko sa akin. Sumakay ako ng motor ko at walang mga tauhan ang nakasunod sa akin dahil alam kong hindi rin naman ako mapapahamak dahil sa ama kong nagbibigay sa amin ng sarili naming mga body guard na hindi rin naman napapansin sa paligid. Hapon na makarating ako sa hide out ni Daddy ng maabutan ko doon si Bella na nakasimangot naman ang mukha, ewan ko ba dito sa kakambal ko nagiging bugnutin sa lahat ng bagay.
“Bella, ano naman ang problema mo at ganyan naman muna ang mukha mo?” Tanong ko dito na ikinairap lang naman nito sa akin.
“Nagiging tagalinis kasi ako ng mga kalat ng lipunan.” Baliwala nitong sagot sa akin, nagkibit balikat lang din ako dahil sa isa itong pulis at bukod pa roon ay isa rin itong mafia queen ng aming pamilya. Bihira lang ang nakakakilala dito dahil na rin sa galing nitong mangpanggap na ibang tao. At isa pa ang alam ko ay naghihiganti rin ito ngayon dahil sa napaslang nitong matalik na kaibigan. Bumaling naman ako ng tingin kay Daddy ng tawagin nito ang pangalan ko.
“Enzo, talaga bang wala kang balak na pakasalan ang babaeng nabuntis mo?” Seryosong at matapang na tanong sa akin ni Daddy na ikinakuyom ko naman ng aking kamao.
“Nanay lang siya ng anak ko, Dad?” Patanong din kong sagot sa aking ama na ikinasama naman ng tingin nito sa akin.
“Ganon lang yon, nabuntis mo at ngayon Nanay lang siya ng anak mo? Ganyan kana ba kasama ngayon, Kuya?” Inis at pagalit na rin na sagot sa akin ni Bella.
“Wala kang alam Bella, kaya pwde ba h’wag kang sumagot na akala mo alam mo ang lahat na nangyayari sa buhay ko.” Yamot kong sambit dito na ikinasama naman ng tingin nito sa akin. Tumayo naman ito at sa nagtungo sa may pintuan ng walang lingon-lingon sa aming dalawa ni Daddy, pero nagsalita ito bago umalis na ikinatindig ko naman ng balahibo.
“Tama ka wala akong alam sa buhay mo, Kuya. Pero h’wag mo rin kalimutan na kambal tayong dalawa kaya nararamdaman ko ang lahat ng nararamdaman mo at hindi ako malaking t*nga para hindi makita kung anong klaseng kadimonyohan ang meron ka yan sa pagkatao mo.” Makahulugan pero agad ko rin naman naunawaan ang sinabi nito. Bumaling din ito kay Daddy at nagtaas ng tingin na animoy nagmamalaki.
“Daddy, tulad ng sinabi ko sayo dadalhin ko ang totoong may sala sa harapan mo at babalatan ko sila ng buhay. Oras na mapatunayan kong tama ang lahat ng hinala ko makikita mo ang totoong bagsik ko na hindi pa nakikita ng lahat.” Banta nito na hindi naman pinansin ni Daddy. Kilala naming magaling sa lahat ng bagay si Bella at sa aming apat ito lamang ang nakakuha ng trono ni Daddy, dahil talagang walang pang nakakatalo sa kapatid kong pinaglihi ata sa baril. Hindi na rin naman kami nakasagot ni Daddy dahil sa tuluyan na rin itong nakalabas ng office ng aming ama.
“Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ikakatuwa ko pang ipinanganak kayong apat. Sumasakit ang ulo ko sa inyo at wala na rin ako maidahilan sa Mommy n’yo kung bakit kayo lahat nagkaganyan.” Napapailing na sambit ni Daddy sa akin at sakto naman na tumawag si Mommy sa phone nito. Kinausap ng aking ama si Mommy sa kabilang linya habang ako naman ay kinuha ang phone ko at tinignan ang cctv footage kung saan makikita ang kabuuan ng aking mansion at kung saan din naroroon ang babaeng sinasabi ni Daddy sa akin. Ilang sandali pa akong nanood ng pumasok naman si Mialyn at masaya naman itong kumandog sa aming ama na animoy bata pa rin ito kung kumilos. Sa aming apat na magkakapatid ay ito naman ang masayahin at animoy walang alam sa laban ng aming pamilya, ngunit isa rin itong matinik lalo na sa pakikipaglaban.
“Daddy, pwde po ba akong pumunta sa England kasama ang mga kaibigan ko?” Malambing nitong sabi kay Daddy at nagpapacute pa ito ng sa ganon ay payagan ito. Tinignan lang ako ni Daddy at madali ko rin naman nahuli ang ibig nitong sabihin sa akin, tumango na lang ako dito dahil alam nitong kaya kong bantayan ang isang pasaway na’to.
“Sige, pero magpapaalam ka sa Mommy mo na aalis ka dahil tiyak na susunduin ka non oras na malaman noong nasa ibang bansa ka ng hindi nito alam.” Salita nito ni Daddy habang inaayos pa nito ang buhok na tumatabing sa maliit at maganda nitong mukha.
“Dad, ginagawa mong bata yan, kaya lalong lumalaki ang ulo.” Anito ko sa mga ito sa malamig at walang buhay na boses.
“Hindi ko pinakikialamanan ang pagtatago mo ng babae sa mansion mo kaya pwde wag kang makialam sa mga desisyon ko.” Mataray naman nitong sagot sa akin na ikinalaki naman ng aking mata. Napahawak pa ako sa aking batok dahil wala ring nakakaligtas sa isang ito o maging sa iba ko pang mga kamag-anak. Lumaki kami sa mundo ng mafia at bawat galaw naming ay nalalaman ng bawat-isa.