-Mercy- “How are you na sis?” Nakangiting bati sa akin ni Bella, ang bunsong kapatid ni Enzo at isa rin sa mga naging kaibigan ko habang nasa mansion ako ng Kuya nito. “Maayos naman ako, anong ginagawa mo dito? At paano mo nalaman kung nasaan ko, Bella?” Nahihiya kong turan dito ng matapos ako nitong yakapin ng mahigpit. “Well, actually matagal ko na rin naman alam kung nasaan ka hindi ko lang sinabi kay Kuya Enzo dahil alam deserve niyang mahirapan sa paghahanap sa inyo.” Baliwala nitong sambit sa akin na ikinalalag naman ng panga ko dito. “Ibig mong sabihin matagal mo ng alam na andito kami?” Tanong ko dito na may halong pagtataka at kalituhan. “Yup, at kailangan mong ikuwento sa akin ngayon kung ano ba talaga ang nangyari noong ilang taon ang nakalipas at ano ba talaga ang tunay na

