-Enzo- Halos lumubog ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko mula kay Mercy ang mga salitang hindi ko akalain na kaya nitong banggitin sa harapan ko at ng aming anak. Alam kong una pa lang ay galit na sa akin ang ina ng aking anak, pero hindi ko akalain na ganito pala ito kalalim at katindi. Wala akong nasabi na kahit na anong salita sa babaeng nais kong pakasalan, para akong latang nayupi at parang namanhin na rin ang buong katawan ko dahil sa bawat salita nito sa akin ay patalim na tumutusok sa buo kong pagkatao. “Boss, sa tingin ko po marami na kayong naiinom umuwi na po tayo at maaga pa po ang alis natin para puntahan ang mga pinsan mo.?” Mahina na turan ni Dave sa akin na ikinatingin ko lang din dito. “Wala akong balak puntahan sila ngayon dahil tiyak na ako lang ang magiging issue ng

