-Mercy- Nagngingit-ngit ako ngayon sa galit dahil sa ginawa ni Enzo na ipasara ang buong paaralan ni Miracle. Nag dalawa talagang yon ay puro na lang kalokohan ang ginawa sa buhay ko, at talagang nagsama pa sila sa ganitong sitwasyo. Yari talaga ang mga ito sa akin oras na marating ito sa bahay. Nakatayo ako ngayon sa may pintuan at inaatay ko ang mag-ama, dahil sa pagkakataong ito ay kailangan ko na talaga makausap ang ama ng aking anak at ayokong mamihasa si Miracle na gawin ang mga bagay-bagay kung hindi rin naman kailangan. Ilang minuto pa ay natanaw ko na rin ang mga ito, subalit nagtaka ako ng makita na kasama nila si Emil at may mukhang pinakakalma naman ito ni Miracle. “Anong nangyari kay Emil?” Bungad kong tanong ng makita kong may malaking sugat sa noo ang batang lalake. “Sina

