-Enzo- Mabuti na lang talaga at naisipan kong bisitahin ang aking anak sa kanyang paaralan, sa totoo lang ay gusto ko lang naman ito makita dahil sa ang sabi sa akin ni Dave ay palaging nabubully ito subalit marunong ipagtanggol ang kanyang sarili. At hindi ko akalain na maabutan ko itong minamaliit ng ibang tao at iyon ang isang bagay na kaylan man ay hindi ko hahayaan na mangyari, isang De Lana ang anak ko at walang sino man ang pwdeng manghusga dito. “Salamat po pala sa pagtulong sa amin kanina, Sir.” Mahinang sambit sa akin ni Emil ang kaibigan ni Miracle. “Tungkulin kong ipagtanggol kayo ng aking anak. At isa pa hindi naman ako manghahangas na magsalita ng ganoon kung hindi ko kaya. Salamat din sayo dahil palagi kang nasa tabi ng anak ko.” Mahinahon ko naman pagkakausap dito. Nasa

