-Miracle- “Mabuti ka pa ay may Tatay na handing ibigay sayo ang lahat, noh?” Tanong sa akin ni Emil, habang naglalakad kami papasok ng school. Nilalakad lang naming ito dahil sa malapit lang din naman ito at wala naman kami pamasahe dahil sa tinutulungan ko si Nanay sa pagtitipid. “Sabi ni Lola ko, mayaman daw talaga ang Tatay ko, kaya lang hindi pa sila ayos ni Nanay kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin kami umaalis dito.” Sagot ko naman dito at inayos ko ang pagkakahawak ko sa baunan ko. “Pero masuwerte ka pa rin dahil mabait ang Tatay mo.” Mahinang pagkakasabi ni Emil sa akin. Alam ko na rin naman ang tinutukoy nito kaya naman napahinto ako at hinarap ko ito. “Emil, kung gusto mo pwede mong maging Tatay ang Tatay ko. Magkaibigan tayong dalawa ka naman ayos lang kung ituring mong Tat

