CHAPTER TWO

2942 Words
NAUNA nang sumakay ng jeep ang mga kaibigan ni Tisay kaya naman siya na lang ang mag-isang naiwan sa waiting shed. Magkakaiba kasi sila ng lugar na inuuwian kaya ganoon. Napatingin siya sa pambisig na relo. Malapit nang mag alas-onse ng gabi. Kapag ganitong oras ay mahihirapan na siyang makasakay ng jeep na ang ruta ang sa lugar nila. Maya maya ay isang kulay puting kotse ang tumigil sa harapan niya. Medyo naalarma siya dahil may nabalitaan siya sa TV na mga kidnappers ng mga babaeng katulad niya tapos ay ginagahasa at pinapatay. Nang bumaba ang driver ng kotse ay nawala ang takot niya. Si Samuel lang pala-iyong lalaki na bumili ng pabango sa kanila kanina. "Hello again, Tisay. Kanina ka pa yata dito. Gusto mo, ihatid na kita sa inyo." Offer nito sa kanya pagkalapit sa kanya. "'Wag na po, Sir Samuel. Nakakahiya naman po." Tanggi niya. Ayaw naman niyang pumayag agad dahil baka isipin nito na cheap siya. Isa pa, hindi niya ito kilala. Pangalan lang ang alam niya dito. Malay ba niya kung killer or r****t pala ito. Gwapo lang. "Sige na. Hindi ka ba natatakot sa lugar na ito? Babae ka at mag-isa ka lang." "Kaya ko naman pong ipagtanggol ang sarili ko, sir." Napailing si Samuel. "Sir na meron pang po." Tumawa ito. "Please, drop the 'sir' and 'po'. Hindi kita empleyado at mukha na ba akong matanda, ha?" Umiling siya. "Sorry..." "Sige na. Ihahatid na kita sa inyo. Don't worry, hindi ako masamang tao. Here's my ID..." Kinuha nito ang wallet nito at inabot sa kanyang ang isang ID. Nalaman niya doon na general manager ito ng isang kilalang company. So, mayaman pala ito. Dahil mukhang wala na talagang jeep na dadaan at mas mapapamahal siya kung sa taxi siya sasakay ay pumayag na rin siya sa alok ni Samuel. Tuwang-tuwa ito nang pumayag siya na akala mo ay nanalo ito sa lotto. Ipinagbukas pa siya nito ng pinto sa unahan bago ito pumasok at pinaandar na ang sasakyan. -----^^^----- NAGING regular na ang paghahatid ni Samuel kay Tisay sa bahay nito kapag uuwi na ito mula sa trabaho nito. Aaminin ni Samuel, labis siyang nagagandahan kay Tisay. Sexy ito at maputi. Maganda rin ang mukha nito. Kaya naman hindi imposible na mahulog agad ang loob niya sa unang kita pa lang niya sa babae. Iyon nga lang, hindi nito alam na may asawa na siya. Paano ba niya iyon sasabihin dito? Natatakot siya na baka layuan siya nito oras na malaman nito ang katotohanan. Ang isa pa niyang problema ay si Carlene. Siguradong magwawala na naman ito kapag nalaman nito na may panibago na naman siyang babaeng kinahuhumalingan. Ngunit hindi niya hahayaan na malaman nito ang tungkol kay Tisay. Iba si Tisay sa lahat ng babae na nakilala niya. Hindi lang basta tawag ng laman ang nararamdaman niya para dito. Higit pa roon. Makalipas lang ang isang linggo ay niligawan na ni Samuel si Tisay. Araw-araw niya itong pinupuntahan sa store upang dalhan ito ng bulaklak, chocolates o hindi naman kaya ay tini-treat niya ito ng lunch at dinner. Wala siyang pakialam sa malaking agwat ng kanilang edad. Hindi naman siya mukhang thirty five years old, e. Maganda pa rin ang kanyang katawan dahil tatlong beses sa isang linggo kung magpunta siya sa gym. Hindi rin naman magpapahuli ang kanyang kagwapuhan sa mga lalaki na nasa edad ni Tisay. Nakita naman siguro ni Tisay na seryoso siya dito kaya naman pagkatapos ng isang buwan niyang panliligaw dito ay sinagot na siya nito. Ganoon na lang ang saya ni Samuel dahil bukod sa napasagot niya ang babaeng gusto niya ay naatunayan niyang sa kanyang edad ay kaya pa niyang magpaibig ng babaeng mas bata sa kanya ng ilang taon. -----^^^----- BAGO bumaba ng kotse ay piniringan muna ni Samuel si Tisay gamit ang isang scarf. Nauna siyang bumaba ng sasakyan at saka niya ito pinagbukas ng pinto. Inalalayan niya ito. Hawak niya ito sa kamay habang naglalakad. "Ano ba ito, Samuel? Bakit may pagpiring pa?" Natatawang tanong ni Tisay. "May surprise nga ako sa iyo, 'di ba? O, dahan-dahan sa paglalakad." Binuksan niya ang isang gate at naglakad sila papasok. Isang magandang bahay na hindi ganoon kalakihan ang pinasok nila. Ito iyong bahay kung saan niya itinira noon si Mariza. Pina-renovate lang niya at pinadagdagan ng ikalawang palapag para mas maging malaki. Nang nasa loob na sila ay tinanggal na niya ang piring ni Tisay. "Surprise! Happy first monthsary, Tisay!" At hinagkan niya sa labi ang nobya. Gulat na gulat naman si Tisay. Nanlalaki ang mata nito sa paggala ng mata sa kabuuan ng bahay. "Happy monthsary din, Samuel. Pero, ano ito? Kaninong bahay ito?" Kinuha niya ang dalawang kamay ng babae at hinagkan ang mga iyon. "Ang bahay na ito ay sa iyo! Regalo ko para sa unang buwan ng ating relasyon. Hindi mo ba nagustuhan? Kung may ipapabago o gustong alisin o idagdag na gamit ay sabihin mo lang sa akin." "Nagustuhan ko kaya lang... parang ang mahal nito. Baka isipin mo na kaya kita sinagot ay dahil sa pera mo." "Kahit kailan ay hindi ko inisip na ganoon ka, Tisay..." Hinaplos niya ang pisngi nito. "Mahal kita at walang halaga ang pagmamahal ko na iyon sa iyo. Nakita ko kasi ang bahay mo. Maliit masyado kaya ibinili kita nito." "Salamat, Samuel. Mahal na mahal kita!" "Mahal na mahal din kita, Tisay!" "So, ibig sabihin ba nito ay dito ka na rin titira? Magsasama na tayo?" Masayang tanong nito. Umiling siya. "Alam mo naman na hindi ko pwedeng iwanan ang bahay namin. Pero kapag nakasal na tayo, doon ka na titira sa bahay--" "Sa bahay niyo ng asawa mo. Si Carlene." Tigalgal siya sa sinabing iyon ni Tisay. Namutla siya at parang binuhusan ng malamig na tubig. "A-ano bang sinasabi mo?" Kinakabahan niyang sambit. Paano nito nalaman ang tungkol kay Carlene-- sa kanyang asawa? "Samuel, sikat kang tao. Marami ang nakakakilala sa iyo. May social media ka. At doon ko nalaman na may asawa ka na at isang anak. Kaya lumalabas na kabit mo ako." "I'm sorry, Tisay... Ngunit, hindi ka isang kabit para sa akin. Ikaw ang mahal ko. At sana ay nararamdaman mo iyon. Handa akong iwanan ang pamilya ko para sa iyo!" Kahit alam niya sa kanyang sarili na hindi niya kayang iwanan si Carlene. Siyempre ito ang asawa niya. Mas mahal niya ito kesa kay Tisay. Isa pa, natatakot siya sa pwedeng gawin ni Carlene sa kanya kapag iniwan niya ito. Inilagay ni Tisay ang isang hintuturo nito sa kanyang labi. "Shh... Hindi mo sila kailangang iwanan para sa akin. Mahal din kita, Samuel, kahit alam kong may asawa ka na. Kaya naman nating maging masaya kahit bawal ang pag-ibig na ito, tama?" Tumango siya. Hindi siya makapaniwala na papayag itong maging kabit niya. Napalunok ng laway si Samuel nang isa-isang tanggalin ni Tisay ang butones ng suot nitong blouse. "At ngayon, Samuel... dahil wala akong regalo na maibibigay sa iyo para sa monthsary natin. Ibibigay ko na sa iyo ang aking sarili..." Nalaglag sa sahig ang blouse nito. Walang pag-aalinlangan na naghubad si Tisay sa kanyang harapan. Wala itong itinira kahit isang saplot. Agad naman niyang naramdaman ang pagtigas ng laman na nasa pagitan ng kanyang hita. Napakaganda ni Tisay! Para itong isang diyosa na nakatayo sa kanyang harapan. Walang kapintasan ang katawan nito. Maganda ang hugis ng dibdib nito na may pink na n*****s. Tayong-tayo ang mga iyon. At ang p********e nito na tila sinadyang gawing perpekto ng Diyos para sa kanya. "Tisay..." Iyon lang ang nasabi niya habang pinagsasawa niya ang kanyang mata sa kabuuan nito. Napakaswerte niya pala talaga kay Tisay. Inilagay ni Tisay ang kamay niya sa dalawang dibdib nito. "Sa iyo na ako, Samuel. Angkinin mo ako... Ang lahat ng ito ay sa iyo!" Ang mga sinabing iyon ni Tisay ay tila naging hudyat para mawala na siya sa kanyang sarili. Kinabig niya sa batok ang babae at hinalikan ito sa labi habang isa-isa na rin niyang hinuhubad ang kanyang kasuotan. Nang kapwa hubo't hubad na sila ay saka niya ito binuhat at dinala sa kwarto sa itaas ng bahay. Doon ay walang sawa silang nagtampisaw sa kaligayahan ng makamundong pagnanasa. Medyo disappointed man siya na hindi pala siya ang nakauna dito ay walang problema iyon sa kanya. Mahal niya si Tisay at tanggap niya ang lahat. -----^^^----- "IKAW na! Ikaw na talaga ang babaeng pinagpala sa lahat!" Manghang-mangha ang kaibigan ni Tisay na si Mikka nang makapasok ito sa bahay na ibinigay sa kanya ni Samuel noong isang linggo. Humarap ito sa kanya. "Totoo? Ibinigay sa iyo ito ni Samuel?" Tumango siya. "Ito at ito lang puhunan ko!" Itinuro niya ang kanyang mukha at ang tapat ng kanyang p********e. "Ay, iba ka din talaga! Sabagay, kung ganiyan din naman ako kaganda, gagamitin ko rin para guminhawa ang buhay ko!" Umupo sila sa sofa. "Ang lambot ng sofa mo! Mahal 'to, 'no?" "Hindi ko alam. Si Samuel ang lahat ng bumili ng gamit ko dito." "Kakainggit ka naman. Buhay-prinsesa ka na talaga. Oo nga pala, kailan ka papasok sa store? Aba, galit na galit na ang boss natin sa iyo. Kulang na lagi tayo sa tao." Simula kasi ng lumipat siya ng bahay ay hindi na siya pumapasok sa kanyang trabaho. Pabirong umirap si Tisay kay Mikka sabay hawi ng mahaba niyang buhok na may malalaking kulot. "Pakisabi sa boss natin na kamukha ni Penguin na hindi na ako papasok sa store niya!" Mataray niyang sabi. "Ha? Seryoso ka ba?" "Yes! Dahil pinatigil na ako ni Samuel sa pagtatrabaho. Siya na daw ang bahala sa akin." "Pero, 'di ba, sabi mo..." Ibinitin ni Mikka ang sasabihin nito. Nahulaan naman agad ni Tisay ang ibig nitong sabihin. "May asawa siya? That's fine. Hindi naman alam ng asawa niya ang tungkol sa amin." "Paano kung malaman?" "Edi, mas maganda. Para magkagulo silang lahat! Isa pa, alam ko naman na ako ang pipiliin ni Samuel. Nararamdaman ko kasi na patay na patay siya sa akin." "Naku, Tisay, ha. Nakakatakot iyan. Ang dami kong napapanood na viral videos sa f******k na iyong mga kabit ay inaaway ng tunay na asawa. Iyong iba, hinuhubaran sa public o hindi kaya ay pisikal na sinasaktan." "Hindi 'yon mangyayari sa akin, Mikka. Don't worry. Kilala mo ako!" Ngumiti siya. Tumayo siya sabay palakpak. "Okay na 'yang topic na iyan. Just wait me here at liligo lang ako. Tapos pupunta na tayo sa mall at magsho-shopping tayo ng bonggang-bongga!" "Ay! Gusto ko 'yan! Libre mo ako, ha." "Iyon lang naman pala, e. Sige, libre kita! Sky is the limit!" Tumatawang umakyat si Tisay sa itaas para maligo na. LUMIPAS ang ilang mga araw at nasanay na si Tisay sa buhay niya bilang kabit ni Samuel. Alam na niya na tuwing libre lang ito saka sila magkikita. Alam niyang hindi sila pwedeng magkasama palagi dahil sa may asawa ito. Para sa kanya ay walang problema iyon dahil hindi naman nagkukulang si Lemeul pagdating sa kanyang mga pangangailangan. Dahil na rin sa palagi siyang nasa bahay ay bumalik na rin ulit siya sa pagtatrabaho. Mabuti na lang at pumayag iyong boss niya sa dati niyang pinagtatrabahuhan sa pagbabalik niya doon. “Ang lakas mo talaga sa boss natin, Tisay! Biruin mo, kahit nagresign ka na, nang bumalik ka ay tinanggap ka pa rin!” Naiiling na sabi ni Mikka sa kanya. Wala pang namimili sa store nila kaya nakakapagkwentuhan pa sila. Pabiro siyang umirap sa kaibigan. “Siyempre naman, 'no! Alam ko naman na libog na libog 'yang boss natin sa atin. Makita nga lang ako no’n, tinitigasan na, e!” “Hoy, Tisay! Baka marinig ka ni boss!” “Hayaan mo nga siya. Wala naman iyon. Saka nagbibiro lang naman ako, e. Masyado kang takot na takot diyan.” Wala naman siyang pakialam talaga kahit marinig iyon ng boss nila. Tanggalin man siya nito ay pwede naman siyang maghanap ulit ng trabaho. Talagang naiinip lang naman din siya sa bahay kaya siya nagtatrabaho. Kung tutuusin ay kahit hindi na siya magtrabaho dahil kay Samuel. Hindi siya nito pinapabayaan. “Ay, may customer na,” sitsit sa kanya ni Mikka. Awtomatiko silang humarap samay pintuan para batiin ang pumasok sa kanilang store. “Good morning po!” Magkasabay pa silang yumukod ni Mikka nang bahagya. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Tisay nang pag-angat niya ng mukha ay nakita niya ang mga taong pumasok sa store. Walang iba lang naman kundi si Samuel at isang babae na alam niyang asawa nito. Medyo nanlamig siya ngunit pinilit niyang huwag kabahan. “Carlene, sa ibang store na lang tayo ng perfume.” Narinig niya ang pagpigil ni Samuel sa asawa nito. “Dito mo binili 'yong perfume na gift mo sa akin noon, right? I like it! Kaya bibili ulit ako.” Kalmadong sagot ni Carlene dito. Nakita na siya ni Samuel. Nagtama ang kanilang mga mata at tila nakikiusap ito sa kanya. Para saan? Ah… Alam na niya. Malamang, nakikiusap ito na huwag na siyang lumapit sa mga ito. Pero parang hindi iyon ang gusto niya. Gusto niya ng laro. Lihim siyang napangiti sa kanyang naisip. Bored siya ngayon kaya gusto niyang aliwin ang kanyang sarili. “Mikka, ako nang bahala sa kanila,” prisinta niya. “Sure ka?” “Oo naman. Ayusin mo na lang siguro 'yong mga display natin.” “Okay.” Kumibit-balikat lang ang kaibigan niya at pinuntahan na nito ang iba nilang display para ayusin. Inihanda ni Tisay ang kanyang sarili sa naisip niyang gagawin. Huminga siya ng malalim at ginandahan niya ang paglalakad papunta kina Samuel at Carlene na nakatalikod sa gawi niya. Tumitingin-tingin kasi ng pabango si Carlene at nasa likod lang ito nito si Samuel. Na-e-excite siya kung ano kaya ang magiging reaksiyon ni Samuel kapag siya mismo ang nag-assist sa mga ito? Walang-wala na ang kaba niya. Excitement? Oo. Umaapaw pa nga! “Good morning po, ma’am and sir!” Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa dalawa nang lumingon ang mga ito sa kanya. “Tisay!” Hindi inaasahan ni Tisay na tatawagin siya ni Samuel sa pangalan niya. Sa hitsura nito, mukhang hindi nito inaasahan na siya ang lalapit sa mga ito. Agad itong namutla. “You know her?” Naramdaman niya ang pagdududa sa pagtatanong na iyon ni Carlene sa asawa. “O-of course not! N-nakita ko lang 'yong name plate niya,” ani Samuel sabay turo sa name plate niya. “Oo nga naman po, ma’am. Paano naman po ako makikilala ni sir, e, ngayon ko lang po kami nagkita,” singit niya. “Hindi ko hinihingi ang opinion mo.” Mataray nitong sabi sa kanya. “By the way, nasaan 'yong perfume niyo dito na Sinfully?” “Excuse me po…” Pinatabi niya ang dalawa at binuksan ang estante. Gawa sa glass ang estante kaya nakikita niya doon na nasa likuran lang niya si Samuel. Tumuwad siya para kunin ang pabango na sinasabi ni Carlene at sinadya niyang idikitang puwitan niya sa tapat ng p*********i ni Samuel. “I found it na po. Here! Alam niyo po ba na bestseller namin itong Sinfully? Lahat po ng nakakaamoy nito, nagkakasala!” aniya sabay abot ng pabango kay Carlene. Tinaasan siya nito ng kilay. “Joke lang po, ma’am!” “Well, hindi ako nakikipag-joke sa iyo, miss.” Masama ang tingin nito sa kanya. Talagang siniguro niya na makikita nito ang ginawa niya kanina. “Okay. Kukunin ko na ito.” Nakairap itong pumunta sa counter. “Samuel!” sigaw nito nang imbes na sumunod sa kanya ay nanatiling nakanganga sa kanya si Samuel. Pasimple niyang kinindatan si Samuel at iniwan na niya ito. -----000----- “OMG ka talaga, Tisay! Ano 'yong ginawa mo kanina doon sa mag-asawa? Obviously, nakikipag-flirt ka doon sa lalaki. Talagang tumuwad ka pa at idinikit mo 'yong pwet mo sa ano niya!” Halos maloka na si Mikka sa pagsasalita habang naglalakad na sila palabas ng mall. Tapos na ang kanilang trabaho at pauwi na sila. “Teka, malaki ba? Matigas? Masarap?” “All of the above!” Malandi niyang sagot. Baka magulat na lang si Mikka kapag nalaman nito na ang lalaking iyon ay walang iba kundi si Samuel. Hindi pa kasi niya naipapakita sa kaibigan si Samuel. Kahit picture man lang. “Iba ka talaga!” “Ano ka ba? Si Samuel 'yong lalaking iyon, 'no! Gusto ko lang inisin iyong asawa niya kaya ko ginawa iyon. At sa tingin ko naman ay nagtagumpay ako. Ano sa tingin mo?” Nanlaki ang mga mata ni Mikka. “Si Samuel?! 'Yong…” “Yes!” tango niya. “s**t! Thirty five na talaga 'yon? Ang gwapo niya at ang hot. Mukhang masarap at magaling din sa alam mo na!” Kinikilig nitong sabi. “Kahit siguro ako papayag na maging kabit kung ganoon din naman kagwapo ang lalaki. Ang swerte mo talagang gaga ka!” “Mamatay ka sa inggit!” Natatawang sabi niya kay Mikka. -----000----- “TINIGASAN ka ba?” Naipasok na ni Samuel ang kotse sa garahe. Pababa na sana siya ng sasakyan nang bigla siyang tanungin ni Carlene ng ganoon. “Ha?” Iyon lang ang nasabi niya dahil hindi niya maintindihan ang tanong nito. Pagtingin niya dito ay nakatingin ito sa unahan at walang ekspresyon ang maganda nitong mukha. Kilala niya ang kanyang asawa at alam niyang kapag ganoong ang mukha nito ay nagpipigil ito ng galit. Bahagya siyang kinabahan ng tumingin ito sa kanya. “You’re thinking na hindi ko nakita, right? Idinikit ng babae do’n sa perfume store ang pwet niya diyan!” Itinuro nito ang kanyang p*********i. “Kaya I’m asking kung… tinigasan ka ba? Did you enjoy it?” “Ano ba naman klaseng tanong iyan, Carlene? Pinagdududahan mo ba ako?” Umiwas siya ng tingin sa kanyang asawa. “May dapat ba akong pagdudahan, Samuel?” Muli siyang tumingin dito. Baka mas lalo itong magduda kapag iniwasan niya ito. “Wala…” Kinuha niya ang kamay nito at hinalikan ang mga iyon. “Nagbago na ako. Tapos na ako sa pagiging babaero ko. Ikaw na lang at ang anak natin ang babae sa buhay ko. Hindi ka ba naniniwala sa akin?” Naningkit ang mga mata ni Carlene. “Once a cheater, always a cheater!” Marahas nitong binawi ang mga kamay at lumabas na ng sasakyan. Napabunga ng hangin si Samuel upang ilabas ang kaba na nararamdaman niya. Muntik na naman siyang mahuli ni Carlene kanina. Nagtataka lang siya kung bakit tila sinadya ni Tisay na lumapit sa kanila at gumawa ng eksena. Hindi manhid o tanga si Carlene. Alam niyang nararamdaman nito na may kung ano sa kanila ni Tisay. Kailangan na nilang mag-ingat ng kabit niya simula ngayon.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD