bc

The Savage Woman

book_age16+
412
FOLLOW
1.1K
READ
murder
dark
tragedy
twisted
bxg
abuse
betrayal
cheating
lies
like
intro-logo
Blurb

Babaguhin si TISAY ng isang pangyayari sa kanyang buhay. Handa na siyang pumatay para sa kanyang paghihiganting sagad sa buto! Pagbabayarin niya ang lahat ng taong naging dahilan kung bakit siya naging isang "halimaw"...

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
EXCITED na tinapos ni Mariza ang pagsusuklay sa kanyang maganda at mahabang buhok nang marinig niya ang ugong ng sasakyan sa labas ng bahay kung saan siya naroon. Nag-spray siya ng pabango sa magkabiling gilid ng kanyang leeg. Sa huling pagkakataon ay pinasadahan niya ng tingin ang kanyang sarili sa malaking salamin na nasa kanyang harapan. Sa tingin naman niya ay maganda na siya. Hindi na niya kailangan pang maglagay ng makapal na make-up. Sapat na ang kulay pulang lipstick at pulbos na inilagay niya sa kanyang mukha kanina. Napakaganda niya sa suot niyang damit. Isang kulay pulang dress na kita ang kanyang magandang braso at hita. Sinong magsasabi na ang edad niya ay treinta y singko na? Maraming nagsasabi na bata siyang tingnan sa kanyang edad. Sayang nga lang daw at maaga siyang nag-asawa. Nabuntis kasi siya ng nobyo niya noon sa edad niyang disi-otso. Ayaw naman sana niyang magpakasal sa kanyang nobyo na asawa na niya ngayon ngunit napilitan siya dahil na rin sa kagustuhan ng pamilya niya. Wala naman kasing problema sa kanya kahit magkaroon siya ng anak. Ayaw pa talaga niyang mag-asawa at isa pa’y hindi naman niya talaga mahal ang lalaking nakabuntis sa kanya. Ngunit wala na naman siyang magagawa. Kasal na siya dito at hanggang ngayon naman ay nagsasama pa rin sila. Dalawa na ang anak nila. Iwinaksi muna ni Mariza ang isipin na iyon. Hindi dapat siya nag-iisip ng mga negatibong bagay na maaaring magpalungkot sa kanya dahil espesyal ang gabing ito sa kanya. Palabas na sana siya sa silid na iyon dahil naririnig na niya ang pagkatok sa pinto ng taong kanina pa niya hinihintay nang tumunog ang kanyang cellphone. Tumatawag ang kanyang asawa na si Chris. Ayaw sana niya iyong sagutin ngunit baka magduda ito kapag ginawa niya iyon. Kaya kahit napipilitan ay sinagot pa rin niya ang tawag ng asawa. “Hello, Chris. Bakit?” “Mariza, nasaan ka?” seryosong tanong nito. “'Di ba, ang sabi ko sa iyo ay nandito ako sa kaibigan ko. Kay Angeline. Nagpaalam na ako sa iyo kanina, 'di ba? Paulit-ulit na lang ba dapat pagpapaalam ko?” Medyo naiirita niyang sagot. “Nandito ako kina Angeline, Mariza! At inamin na rin niya sa akin na may kabit ka! Nasaan ka?! Kasama mo ba ang kabit mo?!” Tumaas na ang boses ni Chris. Nanlamig si Mariza. Sinasabi na nga ba niya. Hindi na lang niya dapat sinabi kay Angeline ang tungkol sa relasyon nila ni Samuel! “Mariza! Sumagot ka! Kasama mo ba ang kabit mo?!” Dahil hindi niya alam kung paano sasagutin ang asawa ay tinapos na lang niya ang pag-uusap nila. Pinatay niya ang kanyang cellphone upang hindi na ito makatawag. Sigurado kasi siya na tatawagan siya ulit ito. Hindi ito titigil hanggang hindi niya sinasagot ang tanong nito. Napahawak siya sa dibdib dahil ang lakas ng kanyang kaba. Paano na ito? Alam na ng kanyang asawa ang pagkakaroon niya ng ibang lalaki. Masisisi ba siya nito kung naghanap siya ng ibang lalaki sa katauhan ni Samuel? Hindi naman niya talaga si Chris. Nagpakasal lang siya dito dahil sa pamimilit ng kanyang pamilya at nakisama lang siya dito sa iisang bubong dahil sa kanilang anak. Si Samuel… Ito lang ang lalaking nagparamdam sa kanya ng tunay na pagmamahal. Sa lalaking ito lang tunay na tumibok ang kanyang puso. Kahit na ba katulad niya ay may asawa na rin ito. Oo, nagsasalo sila sa isang bawal na pag-ibig. Ngunit, wala silang pakialam dahil kapwa naman sila masaya sa uri ng pag-iibigan na meron sila. Ang bahay na ito ay ang bahay na binili ni Samuel upang maging “love nest” nila. Dito sila palaging nagkikita. Natatakot kasi sila na baka kapag sa labas sila laging magtagpo ay may makakita sa kanila. Natatakot si Samuel na mahuli ng asawa nito na galing sa mayamang pamilya. Mayaman din naman ang pinanggalingang pamilya ni Samuel ngunit mas may kapangyarihan ang pamilya ng asawa nito. Sa pagkakatanda niya sa kwento noon ni Samuel ay may mataas na katungkulan sa pulis ang mga tito ng asawa nito habang ang tatay nito ay dating major na ngayon ay retired na. Napaitlag si Mariza nang muli niyang marinig ang sunud-sunod na katok sa pinto. Doon lang ulit siya tila natauhan. Nagmamadali siyang lumabas ng silid at pinagbuksan ang kumakatok. Automatic ang kanyang matamis na ngiti nang mabungaran niya si Samuel. “Happy second anniversary to us, Samuel!” Agad siyang yumakap sa lalaki. Napansin ni Mariza na parang nanlalamig ang lalaki dahil hindi man lang siya nito binati sa ikalawang taon ng kanilang relasyon. Hindi rin ito gumanti ng yakap sa kanya. Kakaiba ang kinikilos nito ngayong gabi. Inisip na lang niya na baka pagod ito sa trabaho. Hinawakan niya si Samuel sa kamay at hinila papasok. “Tara, pasok ka na sa loob. Nagluto ako ng dinner. Pinag-aralan ko pa talaga iyon para maging special talaga ang gabing ito. Kumain na tayo para matikman mo iyon at--” “Hindi na rin ako magtatagal…” Dumulas ang kamay nito at kumalas mula sa kanyang pagkakahawak. Napalis ang ngiti sa labi ni Mariza. “Ha? A-anong sabi mo?” “Mariza, pumunta ako dito para sabihin sa iyo na ayoko na. Tigilan na natin ang relasyong ito.” Walang gatol na bulalas ni Samuel. Hindi man lang ito nangiming sambitin ang masasakit na salita na iyon. “S-samuel, nagbibiro ka ba? Second anniversary natin ngayon.” “Alam na ni Carlene,” tukoy nito sa asawa nito. “Nasa kotse siya at naghihintay.” Sinubukang hawakan ni Mariza sa kamay si Samuel ngunit umiwas ito. “Ayoko na talaga. Ang totoo niyan ay hindi naman talaga kita minahal. Ginawa lang kitang parausan. Saka, hindi lang ikaw ang naging babae ko. Marami kayo!” Isa-isang naglaglagan ang luha sa mata niya. Itinakip niya ang kamay sa kanyang tenga. “Hindi totoo 'yan! Mahal mo ako! Mahal mo ako, Samuel!” sigaw ni Mariza. Parang masisiraan siya ng ulo sa mga naririnig niya. Akmang tatalikod na si Samuel para umalis nang mabilis siyang humarang sa pinto at isinara iyon. Ini-lock pa talaga niya ang pinto para makasiguro na hindi ito makakalabas. “Hindi ka aalis! Akin ka lang, Samuel! Alam na rin ng asawa ko ang tungkol sa atin. Lumayo na lang tayo. Doon sa hindi tayo masusundan ng mga asawa natin!” Niyakap niya ito ng buong higpit. “Samuel, parang awa mo na. 'Wag mo akong iwanan! Mahal na mahal kita! Mamamatay ako kapag iniwan mo ako!” Inalis nito ang pagkakayakap niya sabay tulak sa kanya. “Baliw ka na!” sigaw nito. Sumadsad siya sa isang sulok at nauntog pa ang ulo niya sa dingding. Nahihilo na tumayo si Mariza. Nang makita niya na nabuksan na ni Samuel ang pinto ay dinampot niya ang isang bote na pang-display at malakas niya iyong inihampas sa dingding. “Samuel!!! Kapag iniwan mo ako, magpapakamatay ako!” banta niya sabay tutok ng basag na bote sa leeg niya. Sa pagkakataon na iyon ay pumasok na ng bahay ang misis ni Samuel. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita niya ito. Elegante at sopistikada itong tingnan. “Samuel, matagal pa ba 'yan?” tanong nito sa asawa. Tiningnan siya nito na parang wala lang. “E, magpapakamatay daw siya!” Naiiling na itinuro siya ni Samuel. “Really?” Naglakad si Carlene palapit sa kanya. Huminto ito. Isang dipa lang ang pagitan nilang dalawa. “Go! Magpakamatay ka, kabit!” Walang emosyong utos nito. Tumiim ang bagang ni Mariza. “Ikaw ang papatayin ko!” At sinugod niya ito gamit ang basag na bote. Hinawakan ni Carlene ang kamay niya na may hawak na bote at sa isang iglap ay naagaw nito sa kanya ang basak na bote. Inikot nito ang braso niya sa likod niya. Napangiwi siya dahil sa sakit. “You can’t kill me! Pero ako? Kayang-kaya kong gawin 'yon sa iyo!” Hindi inaasahan ni Mariza ang sunod na ginawa ni Carlene.Itinarak nito sa leeg niya ang basag na bote. Nanlaki ang mata niya. Binitawan siya nito nang nakatusok pa rin sa kanyang leeg ang bote. Nakaluhod siya sa sahig. Inalis niya ang bote doon at bumulwak ang masaganang dugo sa sugat na nilikha niyon sa kanyang leeg. “Tapusin mo na 'yan, Samuel! Kailangan na nating bumalik ng mansion before eight o’clock! Palagi na lang ako ang naglilinis sa duming ikinakalat mo! Weak!” Lumabas na ng bahay si Carlene. May pagmamakaawa sa mata na tiningnan niya si Samuel. Sapo niya ang sugat niya sa leeg. “T-tulungan mo a-ako…” hirapang sabi niya. Ngunit imbes na tulungan siya ay isang baril ang inilabas nito mula sa likuran nito. Nilagyan nito ang dulo ng baril ng silencer sabay tutok sa kanya. Dalawang magkakasunod na putok ang pinakawalan nito na parehas tumama sa kanyang noo. -----^^^----- “HAPPY 7th wedding anniversary to us, hon! I am so grateful and blessed na ikaw ang naging asawa ko. For seven years, you’ve been faithful and a very good perfect husband! Thank you also for bringing our one and only daughter, Keanna to me. I love you so much, Samuel Pelaez!" May ningning sa mga mata ni Carlene habang binibigkas niya ang mga salitang iyon sa harap ng kanyang asawa. Napakagandang niya sa kanyang suot na beige ang glittered gown. Sa edad na thirty-one ay litaw na litaw pa rin ang kanyang kagandahan at alindog na taglay. Nakatayo silang dalawa sa maliit na entablado na nasa gitna ng malawak na garden sa mansion ng pamilyang Pelaez. Napapamulatian ang garden ng makukulay na ilaw at bulaklak. Bumabaha ang inumin at masasarap na pagkain ng gabing iyon para sa wedding anniversary nina Carlene at Samuel. Lahat ay nanonood sa pagpapalitan nila ng matatamis na salita. “I love you, too, hon!” sagot naman ni Samuel at nag-toss sila ng mga hawak nilang kopita na may lamang champagne. Magkasabay nilang ininom iyon. Maya maya nga ay nag-request ang mga tao ng isang kiss na walang pagdadalawang-isip na pinagbigyan nila. Bumaba na sila sa entablado upang asikasuhin ang kanilang mga bisita. Naging abala na silang dalawa pagkatapos. Maya maya ay iginala ni Carlene ang kanyang mata para hanapin ang asawa ngunit hindi niya ito makita. At nang mapadako ang mata niya sa gate ng mansion ay may nakita siya doong isang babae na papasok. Nakasuot ito ng long black gown na hakab sa katawan nito. Sexy ito at maganda. Tila isa itong modelo. Sino kaya ito? Bakit hindi niya ito kilala? Hindi niya malaman ngunit agad siyang nagkaroon ng kaba pagkakita sa naturang babae. Palinga-linga ito na parang may hinahanap. Hanggang sa makita naman niya si Samuel na lumapit sa babae ngunit pumwesto ito sa likod niyon. Bumubuka ang bibig ng asawa niya na parang may binubulong sa babae. Bigla siyang kinutuban… Iniwan ni Samuel ang babae at pumasok ito sa bahay. Ilang sandali lang ay pumasok na rin ang babae sa loob ng bahay. Hindi niya talaga inaalis ang mata sa dalawa. “Carlene! 'Andito ka lang pala! By the way, happy anniversary--” “Excuse me!” Hindi niya binigyang pansin ang isang kaibigan na lumapit sa kanya upang batiin siya. Malalaki ang mga hakbang na pumasok siya sa loob ng bahay. Nakasalubong niya ang isa sa mga katulong nila. “Yaya, nakita mo ba ang Sir Samuel mo?” tanong niya dito. “Ah, ma’am, umakyat po sa taas. Baka sa kwarto niyo po.” “Okay. 'Wag kang magpapa-akyat ng kahit na sino sa taas. Naiintindihan mo?” “Opo, ma’am.” At umakyat na nga siya sa hagdan. Habang papalapit siya sa pinto ng kanilang kwarto ay palakas nang palakas ang kabog ng kanyang dibdib. Nanginginig na rin ang kanyang buong katawan dahil sa sobrang tensiyon na kanyang nararamdaman ng sandaling iyon. Panay ang usal niya sa sarili na sana ay mali ang kanyang hinala, na sana ay mali ang nasa kanyang isip. Pati ba naman dito sa bahay natin, Samuel?! naniningkit na sa galit ang mga mata niya. Kakatapos lang niyang idispatsa ang isang kabit nito kanina tapos meron na naman ngayon? Pagbukas niya ng pinto ng kanilang kwarto ay napaawang ang kanyang bibig sa kanyang nakita doon. Nakahiga ang babae sa kama habang nakapatong dito si Samuel. Tila uhaw na uhaw ang dalawa sa paghahalikan. Kapwa may mga damit pa naman ang dalawa ngunit hindi mapakali ang kanyang asawa sa paglamas sa dibdib ng babae. “What a scene! Samuel!” Galit na sigaw niya sabay sarado ng pinto. Parang pusang binuhusan ng malamig na tubig na naghiwalay ang dalawa. Hindi malaman ang gagawin lalo na si Samuel. “C-carlene?!” Kanda-bulol na turan ni Samuel. Lumapit ito sa kanya at sinalubong naman niya ito ng malakas na sampal. “Ano ito?! Sino 'yang babaeng iyan?!” “Carlene, let me explain--” “Wala kang dapat ipaliwanag! Hindi ako tanga para hindi malaman ang ginagawa niyo!” Tinabig niya si Samuel at naglakad papunta sa babae. Nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin dito. Nakataas ang kilay ng babae sa kanya. Parang ito pa ang nagmaataas. “What’s your name?” Mahinahong tanong niya. “Carlene, stop!” Pigil ni Samuel sa kanya. “Don’t try to stop me, Samuel, kung ayaw mong hilahin ko kayong dalawa sa labas para mapahiya kayo sa kababuyan niyo!” banta niya at hindi iyon banta lamang. Kayang-kaya niyang gawin iyon. Biglang natahimik si Samuel. Mukhang natakot sa banta niya. Kilala siya nito. Lahat ay kaya niyang gawin. Wala siyang kinatatakutan. Muli niyang hinarap ang babae. “What’s your name?” muli niyang tanong. “Janet. Bakit?” “I never thought na magkakaroon ang asawa ko ng kabit na katulad mo... Isang pipitsuging kabit!” “Hoy! Dahan-dahan ka sa pananalita mo! Oo, kabit ako pero isa akong magandang kabit!” pagmamalaki pa nito. “Pero kabit pa rin! Gaano na kayo katagal ng asawa ko? Gaano niyo na ako katagal niloloko?” “I think... Uhm... Two weeks... Maybe?” Itinirik niya ang kanyang mata. “You may go. At huwag ka nang magpapakita pa sa asawa ko, Janet!” Binuksan niya ang drawer na malapit sa kama at may kinuha doon. Cheke. Sinulatan niya iyon at ibinigay kay Janet. “Here. One hundred thousand pesos. Presyo mo para layuan mo ang asawa ko.” “Wow! Kung ganito naman pala, sure. Lalayuan ko na si Samuel--” Hindi pa man tapos magsalita si Janet ay isang malakas na sampal ang ibinigay niya dito. Ibinuhos niya lahat ng kanyang galit at inis sa sampal na iyon kaya naman halos tumabingi ang mukha nito. Galit na galit na humarap sa kanya si Janet. “Hayop ka! Bakit mo ako sinampal?!” Akmang sasampalin siya nito ngunit mabilis niyang nahawakan ang kamay nito. Umiling-iling siya. “No, no, no… Hindi ka pwedeng gumanti. Bayad ka na! Sige na, umalis ka na! Baka magbago pa ang isip ko at kung ano pa ang magawa ko sa iyo!” “Bwisit!” Naiinis na umalis si Janet ngunit agad din itong bumalik. Iyon pala ay naiwanan nito ang bag nito. “Naiwanan ko pala itong Louis Vuitton bag ko. Gift sa akin ng asawa mo on our first weeksary!” Tila nang-aasar na sabi ni Janet sa kanya. Pangiti-ngiti pa ito. Muntik na siyang matawa dahil kitang-kita ang bakat ng kamay niya sa isang pisngi nito. Tiningnan niya ang ipinagmamalaki nitong bag at napatawa siya. Kinuha niya ito kay Janet. “Really? Louis Vuitton? Spell Louis Vuitton!” Natameme ito sabay agaw ng bag sa kanya. “LV na lang! Akin na nga 'yan! Original iyan!” anito sabay hablot sa bag nito na hawak niya. “Nagpapatawa ka ba? Original? You’re nothing but a social climber, honey! LB ang nakalagay sa bag mo imbes na LV. 'Wag mo nga akong lokohin! LB as in Lumang Bag?” Nang-aasar na sabi niya. “Hoy, Samuel! Sabi mo original ito! Saan mo ba 'to binili?!” “Sa G-greenhills…” Nahihiyang sagot ni Samuel. Malakas na tumawa si Carlene sa narinig. Bumakas ang inis at pagkapahiya sa mukha ni Janet. Hindi na ito nagsalita at padabog itong umalis habang siya ay mataginting na tumatawa. Nang wala na si Janet ay masama niyang tiningnan si Samuel. “Ilang babae pa ba ang dapat kong bayaran at patayin bago ka tumigil sa kakatihan mo?” Nakayuko lang ito at hindi makasagot. “Bumalik ka na sa party!” aniya at iniwan na niya ito doon. Bumalik siya sa party sa labas na parang walang nangyari. -----^^^----- MAKALIPAS ang limang taon… Kanina pa nakatayo si Teresita o mas kilalang Tisay sa loob ng perfume store kung saan isa siya sa tatlong sales lady. Tisay ang palayaw niya dahil bagay na bagay sa kanya ang pangalan na iyon. Tisay kasi siya at ubod ng ganda. Dahil na rin iyon sa may lahing Espanyol ang kanyang ama. “Hoy, Tisay! Nakasimangot ka na naman diyan! Mamaya ay makita ka diyan ng boss natin, sige ka,” puna sa kanya ng kapwa sales lady niya na si Mikka. “Ang sakit na kasi ng paa ko dahil sa taas ng takong natin!” Medyo iritable niyang sagot sa kaibigan niya. “Sige na, diyan ka na muna, ha. Nababanyo pa ako, e.” Tumango na lamang siya bilang pagsagot. Sa edad niyang twenty-two single pa rin siya at walang nobyo. Under graduate siya ng kursong Education. Pangarap niya kasi talagang maging guro noon ngunit hindi na niya natapos ang pag-aaral dahil na rin sa kahirapan ng buhay. Ulilang lubos na si Tisay kaya wala na siyang binubuhay kundi ang sarili na lamang niya. Nang may makita siyang lalaki na papasok sa store nila ay tumayo siya nang maayos. Matangkad ito. Marahil ay six footer. Magandang magdala ng damit at gwapo kahit tila may edad na ito. Noong una ay palinga-linga lang ito ngunit nang makita siya nito at magtama ang kanilang mga mata ay nilapitan siya nito. “Hi!” Nakangiting bati nito sa kanya. “Hello, sir. Ano pong perfume ang hinahanap niyo?” “Anong bestseller niyo dito? For women.” “This way po, sir…” Iginiya niya ang lalaki papunta sa mga pabango para sa babae. Kinuha niya ang isang bote at iniabot ito sa lalaki. Nahawakan pa nito ang kamay niya. “That is Sinfully, sir. Our bestseller perfume for women…” “Sinfully… Mukhang makasalanan ang pabangong ito, ah…” Tinanggal nito ang takip at inamoy iyon. “Para po sa wife niyo, sir?” tanong niya. Malakas na tumawa ang lalaki. “Wife? May nakita ka bang wedding ring?” Ipinakita nito sa kanya ang dalawang kamay nito. Wala siyang nakitang kahit na anong singsing doon. “I’m single. By the way, my name is Samuel. And you are… Tisay!” anito sabay turo sa name tag niya. “Hmm. Nice name. Bagay na bagay sa iyo… Tisay!” Namumungay ang mga mata na sabi nito sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.0K
bc

NINONG III

read
364.3K
bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
176.9K
bc

NINONG II

read
619.4K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.3K
bc

My Godfather My husband

read
269.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook