Story By Soju
author-avatar

Soju

ABOUTquote
I love writing horror, thriller and humor stories. I am a 30-year old writer who loves to explore different genres.
bc
The Rich Man's Wife
Updated at Jan 29, 2022, 18:00
[THE WIFE Series #02] Magkasama sa hirap sina RHIAN at KENZO. Magkasama rin silang nangarap na makaalis sa putik na kanilang kinakasadlakan. Lahat ay gagawin nilang dalawa para sa pangarap na iyon kahit pa ang manloko ng ibang tao. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana, nakulong si Kenzo sa kasalanan na si Rhian ang may kagagawan. Nangako si Rhian na hihintayin ang paglaya ni Kenzo ngunit sinubok siya ng pagkakataon. Samu't saring kamalasan at paghihirap ang naranasan niya hanggang sa makilala niya ang mayaman at may edad na si ALBERT. Ito ang naging sagot upang makaahon siya sa kahirapan. Nagpakasal silang dalawa kahit labag sa kalooban ni Rhian. Sa muling pagtatagpo ng landas nina Rhian at Kenzo ay may asawa na si Rhian habang si Kenzo ay nobyo naman ng anak ng asawa ni Rhian. Mapapatawad pa kaya ni Kenzo si Rhian? May pag-asa pa bang mabuhay muli ang nag-aalab na pag-ibig nila sa isa't isa sa kabila ng pagkasuklam at galit sa puso ni Kenzo?
like
bc
The Lost Son Of Velaris
Updated at Nov 14, 2021, 15:38
Palaging binubully si Apollo sa mundo ng mga tao dahil sa kaniyang panlabas na anyo. Nang matuklasan niya ang mahiwagang mundo ng Velaris ay doon niya naranasan kung paano ang mahalin at tanggapin. Ngunit paano kung matuklasan niyang siya pala ang matagal nang hinihintay ng mundong iyon upang tuluyan na itong makawala sa kamay ng kampon ng kadiliman na si Periya?
like
bc
School Trip 8: Viral
Updated at Oct 14, 2021, 00:47
Isang viral video ang sumira sa reputasyon ni OLIVE sa Wellington High. Iyon din ang naging dahilan para maging sentro siya ng pambu-bully lalo na ng grupo nina DOMINIQUE. Sa kabila ng lahat, isang tao ang nanatili sa tabi niya. Si ISRAEL-- ang kaniyang nobyo. Pero sadya yatang mapagbiro ang tadhana dahil namatay sa isang aksidente si Israel. At nasundan iyon ng pag-viral ng kwento nila ni Israel sa social media. Sa isang hindi malamang dahilan ay isa-isang namamatay ang mga nambully sa kaniya noon....
like
bc
The Killer Wife
Updated at Jul 29, 2021, 18:10
[THE WIFE Series #01] Ang pagpapakasal ni ANGELA kay CEDRICK ang tila naging daan niya papuntang "impyerno". Nagtiis siya, nagbulag-bulagan at nagpakatanga. Hanggang sa mamatay ang babae ng kaniyang asawa na si ROXANNE at lahat ng ebidensiya sa krimen ay siya ang itinuturong may kagagawan. Sinubukan niyang tumakas at napunta siya sa kamay ng asawa ni Roxanne na si LOGAN. Isang hindi inaasahang pagsasanib-pwersa ng dalawang pusong ang tanging hangad ay paghihiganti...
like
bc
Two Grooms And A Wedding
Updated at Jul 30, 2020, 16:56
Makalipas ang limang taon ng pagtatago ng relasyon nina JONAS at MARTIN ay umamin na rin sila sa kani-kanilang pamilya. Sa pagdedesisyon nila na "magpakasal" ay makuha kaya nila ang suportang kanilang kinakailangan? Matuloy pa kaya ang "kasalang" Jonas at Martin kung tutol ang pamilya ni Martin sa kanilang "pag-iisang dibdib"?
like
bc
School Trip 7: Deadly Sin
Updated at Jul 19, 2020, 17:28
Isang kasalanan ang nagawa nila sa nakaraan. Naitago man nila ito ay sisingilin naman sila nito sa kasalukuyan! Ito na ang ika-pitong aklat ng SCHOOL TRIP... Class resumes!
like
bc
Husbands And Wife
Updated at Jul 19, 2020, 17:25
Isang lalaking walang memorya ang inibig ni ALMIRA-- si GABRIEL. Pinakasalan niya pa rin ang naturang lalaki sa kabila ng kakulangan sa nakaraan nito. Ngunit paano kung sa pagbabalik ng alaala nito ay siya ring paglabas ng tunay nitong pagkatao? At kasal na pala ito noon sa isang lalaki bago pa niya ito makilala!
like
bc
The Savage Woman
Updated at Jun 19, 2020, 00:58
Babaguhin si TISAY ng isang pangyayari sa kanyang buhay. Handa na siyang pumatay para sa kanyang paghihiganting sagad sa buto! Pagbabayarin niya ang lahat ng taong naging dahilan kung bakit siya naging isang "halimaw"...
like
bc
SICK: Part Four
Updated at Jun 19, 2020, 00:45
Nagbabalik na ang mga kwentong susubukan na pabaligtarin ang iyong sikmura! Ihanda mo na ang iyong sarili para sa mga kwentong kakaiba at madugo! [EAT] Tasty, savory and... bloody! [BLACK] Handa ka bang gawin ang lahat para sa pera? Humanda sa larong gusto niya... [SLIT] Mag-iingat sa paglalakad mo nang mag-isa. Nandiyan lang sila. Nag-aabang ng mabibiktima!
like
bc
Cheaters
Updated at Jun 19, 2020, 00:11
Naghiwalay noon sina AVA at ANJO dahil sa kagustuhan ni Ava na makapagtapos sa pag-aaral. At sa paglipas ng maraming taon ay muli silang nagtagpo. Ngunit hindi na pwede ang lahat sa kanilang dalawa. Kapwa sila nakatali na ngunit hindi masaya sa kani-kanilang karelasyon. Si Ava, sinasaktan ng kaniyang asawa. Habang si Anjo naman ay nabubuhay sa pag-aalaga ng asawang may taning ang buhay... Sa muling pagku-krus ng kanilang mga landas, isang pagkakamali ang kanilang magagawa. Tama nga bang magkamali kung sa ngalan naman ito ng pagmamahal?
like
bc
The Faithful Wife
Updated at Jun 18, 2020, 23:33
Isa daw sa pinakamasayang mangyayari sa buhay ng isang babae ay kapag nagbunga na ang pagmamahalan nila ng kaniyang asawa. Ngunit bakit ito ang naging pinaka malaking bangungot sa aking buhay? Alam ko sa sarili ko, tapat ako sa aming pagsasama! Pinatay man nila ako sa panghuhusga! Babalik ako upang patunayan na wala akong naging kasalanan sa aking asawa!
like
bc
The Unfaithful Wife
Updated at Jun 18, 2020, 22:49
Inakala ni Ivana na sapat nang dahilan ang pagmamahalan nila ni Nicholas para pakasalan niya ito. Ngunit nang dumating sila sa punto ng buhay nila na nalugmok na sa kawalan ng trabaho ang kaniyang asawa ay napatunayan niyang hindi totoo ang kasabihang "love will keep us alive". Hanggang sa makilala niya ang isang lalaki na kayang ibigay ang lahat sa kaniya. Gumawa siya ng bagay na labag sa batas ng pagmamahalan nila ng kaniyang asawa... Ngunit paano kung sa pagkakataong handa na siyang magbago ay huli na pala ang lahat? Magagawa pa ba niyang bawiin ang isang pag-ibig na siya mismo ang nagtapon? Mabubuo pa ba niya ang winasak niyang pamilya?
like
bc
The Betrayed Wife
Updated at Jun 10, 2019, 00:50
Sinira ng biyenan ni Eloisa ang pangalan niya sa kaniyang sariling asawa na si Theo. Hanggang sa isang aksidente ang nangyari kay Eloisa. Na-coma siya at tanging mga aparatus na lang ang bumubuhay. Hanggang sa ideklara ng doktor ni Eloisa na patay na siya... Pero paano kung nagsinungaling ang doktor na iyon dahil may gusto ito kay Eloisa?
like
bc
That Oinky Love Story
Updated at Jun 10, 2019, 00:28
Don't judge a book by its title! Ang kwentong ito ay hindi kababuyan. Ito ay tungkol kay ELLA PANTI na mataba. Isang magic red lipstick ang ibibigay sa kanya ng isang fallen angel which turn her into sexy and beautiful lady...
like
bc
Sana'y Tumibok Muli
Updated at Jun 10, 2019, 00:11
Almost 300 years nang nabubuhay sa mundo si Esha o Lukresha Morai. Isa siyang dating aswang na naging imortal dahil sa pagkain niya ng isandaang puso... ng saging! Hindi rin siya tumatanda. Nananatiling maganda at sariwa si Esha sa kabila ng kanyang edad. Ngunit sawang-sawa na siyang mabuhay at ang gusto na lang niya ay ang humiga sa kabaong at mamatay na. Kaya naman nang malaman niya na ang paraan para mamatay siya ay kapag kinain niya ang puso ng lalaking iibig sa kanya ng wagas ay lumabas agad siya sa kanyang haunted house para maghanap ng lalaki! Ngunit paano kung ang lalaking mapili niya ay hindi pala marunong umibig?
like
bc
Repleksiyon
Updated at Jun 9, 2019, 23:49
Hindi mo na gugustuhin pang makita ang iyong sariling repleksiyon. Dahil andyan lang siya! Malapit na... Mag-iingat ka sa iyong nakikita sa salamin!
like
bc
Price Tag Lover
Updated at Jun 9, 2019, 23:33
Dixie is a gold digger. At nang yumaman siya. SIya na ang pinakamasayang gold digger sa mundo...Pero nahihirapan siya sa paghahanap ng lover dahil natatakot siya na baka pera lang ang habol sa kanya at ipapatay pa siya ng mapapangasawa niya..Kaya naman, log in agad siya sa BUYLOVE .COM..Hindi kaya mas lalong mamulubi siya sa BuyLove model na si AJ...? Pero ano ito. Bakit may umeepal na very conservative/ nerd/ arogante na si Serge?
like
bc
Patayin Sa Kilig Si Barbara
Updated at Jun 9, 2019, 23:12
Isang magic red lipstick ang babago sa buhay ng 34- year old virgin na si Barbara. Tinaningan na ang kanyang buhay at ang listick lang na iyon ang sagot sa kanyang kaligayahan. Mahanap niya kaya ang lalaking papatayin siya sa sobrang kilig?
like
bc
Love Me, Kill Me
Updated at Jun 9, 2019, 22:53
Patay na patay si Adelentada Del Mundo sa young and fresh at bagong lipat na boy next door na si Ruperto. Feeling nga niya ay kaya niyang gawin lahat para dito. Kasabay ng paglipat ni Ruperto sa katabing bahay nila ay nag-umpisa na rin ang ilang pagtatangka sa buhay niya. Hanggang sa madiscover niya na si Ruperto pala ay ang taong binayaran ng long lost sister niya na si Natasha para patayin siya, para masolo nito ang pamana ng kanilang lolo. Ngunit biglang nagkaroon ng amnesia si Ruperto at nakalimutan nito ang mission nitong itumba siya! Mukhang ito na ang lucky but risky chance ni Adelentada upang maangkin na niya sa wakas ang lalaking tinitibok ng kanyang puso! Sinamantala na niya ang pagkakataon-- sinabi niya kay Ruperto na mag-asawa silang dalawa!
like
bc
Live Boys
Updated at Jun 9, 2019, 22:32
Napasok si EARL sa isang kakaibang trabaho dahil kay LIAM-- ang paghuhubad sa harap ng webcam sa pamamagitan ng website na boyslive.com. Noong una ay okay naman, kumikita siya ng malaki at nasusuportahan niya ang kanyang pamilya. Hanggang sa isang pag-ibig ang hindi inaasahang mamuo sa pagitan nilang dalawa. Ngunit nang magdesisyon na silang layuan ang kakaibang trabahong meron sila ay saka naman sila hihilahin nito pabalik...
like
bc
He's Watching
Updated at Jun 9, 2019, 20:09
Mahilig ka bang mag-LIVE sa Facebook? Paano kung ito pala ang magiging mitsa ng buhay mo? Mag-la-LIVE ka pa ba?
like
bc
Chaka Maldita
Updated at Jun 9, 2019, 19:42
Siya si MIRASOL-- ang malditang hindi naman maganda! Makakaya nga ba niyang matalbugan ang maganda niyang kapatid? This is a Tagalog story.
like
bc
Chains
Updated at Jun 9, 2019, 18:44
Tatlong babae ang kinidnap ng isang lalaki. Ikinulong, inaabuso at pinahihirapan... Magawa kaya nilang takasan ang kadenang nakatali sa kanila?
like
bc
Beks With Benefits
Updated at Jun 7, 2019, 06:59
Napatunayan ni Justeen na trulaloo ang chismaks na kumakalat sa kanilang schoolembang na bekibels ang classmate niya na heartthrob na si Josef nang mahuli niya ito sa kwarto nito na putok na putok ang make up at nakasuot pa ng long pink gown habang rumarampa ito ala-supermowdel. Upang mapagtakpan ang chismaks about kay Josef ay nagpanggap sila nito na magjowa. Iyon ay para na rin mapagselos niya ang kanyang ex-boyfriend at baka sakaling balikan siya nito.
like
bc
Bebeng Pabebe Meets Super Jiro
Updated at Jun 7, 2019, 06:42
Inlove ang pabebeng si BEBE sa superhero in boxer shorts na si SUPER JIRO. Pero paano kung malaman niya na si Super Jiro pala ay ang tambay na kinaiinisan niya na si JIRO? Ito ang kwentong puno ng super kaek-ekan at pawang pabebe lang!
like
bc
Ang Paglalayas Ni Junjun
Updated at Jun 7, 2019, 06:08
Gwapo, macho, mayaman at happy-go-lucky... Iyan ang naging "ticket" ni Aldrian Montero para paglaruan ang puso ng mga babae. After na machuk-chak niya ang isang girl ay wala nang pakialam ang lalaking ito. Pero paano kung sa sobrang playboy niya ay mainis sa kanya si "Jun Jun" at layasan siya nito? Yes, hihiwalay sa katawan niya si "Junjun" at may sarili din itong POV! Kaloka! At ang way lang para bumalik ito ay true love!
like
bc
Iska Ispiritista
Updated at May 9, 2019, 03:46
(TAGALOG STORY) Raketera si Iska at nang mangailangan ng malaking halaga ang kanyang pamilya ay pinasok niya ang pagiging ispiritista. Hanggang sa makilala niya si John Marc, isang gwapo pero masungit na lalaki na nagpapatulong sa kanya para hanapin ang kaluluwa ng namatay nitong girlfriend... Mahanap kaya nila ang kaluluwang iyon o iba ang kanilang mahahanap? Love kaya? Ito ang kwentong pagsasamahin ang katatakutan at kilig!
like
bc
Bro
Updated at May 9, 2019, 03:23
(TAGALOG STORY) Ito ang kwento ng dalawang lalaki na mahuhulog sa isa't isa. Isang may galit sa puso dahil patuloy sa paghahanap sa pumatay sa kaniyang ama. Paano kung malaman niya na ang lalaking kaniyang iniibig ay may kinalaman sa kamatayan ng kaniyang tatay?
like
bc
Girl, Boy, Bakla, Tomboy
Updated at May 9, 2019, 02:52
(TAGALOG STORY) Si Girl na may gusto kay Bakla. Si Bakla naman love si Boy. Si Boy naman na type si Girl. Suitor naman ni Girl si Tomboy na kapatid ni Boy. Gagamitin ni Boy si Bakla para mapaibig si Girl at gagamitin naman ni Girl si Tomboy para magustuhan siya ni Bakla. Sino ang para kanino? Sino ang mawawalan at sino ang magkakaroon?
like
bc
Pristine Academy
Updated at May 8, 2019, 23:21
(TAGALOG STORY) Isang BOY sa ALL GIRLS SCHOOL. Cute and playboy. Yan si Keifer Trunk. Mapipilitan siyang mag-disguise as a GIRL sa PRISTINE ACADEMY dahil sa isang dahilan...
like
bc
Beauty And The Beks
Updated at May 8, 2019, 22:33
(TAGALOG STORY) CANDELARIA meets her match-- si ROBI. Ang "pamintang" beki na kapitbahay niya. Yes, na-inlove siya sa isang bading! Well, kahit na super imbyerna si Robi sa kanya, gumawa naman ang tadhana para mapasakanya ito. Nagkaroon ito ng amnesia at sinabi lang naman niya na siya ang jowa nito! Ang bading ba, kapag nagkaroon ng amnesia, bading pa rin? Alamin!!!
like
bc
P-Pop Love Stories
Updated at May 8, 2019, 19:02
(TAGALOG STORY) Songs that capture our hearts. Stories that will capture your heart... Ating kantahin ang himig at kwento ng iyong puso.
like
bc
Almost A Cinderella Story
Updated at May 8, 2019, 18:25
(TAGALOG STORY) Ang kwento ni Ekang, ang kanyang no-gart panty, pustiso at ang kanyang tatlong prinsepe! Samahan natin siya sa kaniyang pagiging kakaibang "modern-day Cinderella"!
like
bc
Size Matters
Updated at May 7, 2019, 21:31
(TAGALOG STORY) Dalawang tao na VIRGIN... Si VALENTINA (32 years old), isang writer na gustong magkaroon ng "experience" para makapagsulat na siya ng erotic story. Pero choosy siya! Ang gusto niyang makauna sa kanya ay isang lalaking may malaking *tooooot...* At si SUZUKI (21 years old), gusto rin niya na magkaroon ng "experience" pero nahihiya siya dahil sa two-inches lang ang kanyang *tooooot...* Wala silang kamalay-malay na pagtatagpuin sila ng tadhana sa isang malamig na kwarto at wala silang kahit na anong saplot sa katawan!
like
bc
Ang Tangeng Babae
Updated at May 7, 2019, 20:35
(TAGALOG STORY) Kilalanin si Diamantina-- ang tanging natitirang babae sa Earth nang isang asteroid ang tumama sa mundo. Sino nga ba sa apat na lalaking natitira sa Earth ang pipiliin niya?
like
bc
Ugly Truth
Updated at May 7, 2019, 19:46
(TAGALOG STORY) Siya si RUTH KLARIZZA MAE IMPERIAL o Ruth. Isang babaeng hindi kagandahan ngunit busilak ang puso. Sounds cliche... Isang babae na may mapagmahal na ina at inggiterang kapatid. May malanding kaibigan at mapagmahal na nobyo. Ngunit talaga nga yatang hindi siya mapalad sa buhay pag-ibig. Simula nang hiwalayan siya ng kanyang nobyo ay naging sunud-sunod na ang kanyang boylet. At naging sunud-sunod na rin ang kanyang heartaches... Hanggang sa mapagod na siya. Kung kailan naman nawasak na ang paniniwala niya sa "forever" ay saka naman dumating ang lalaking mamahalin niya nang sagad na sagad! At ang lalaking iyon ang naging dahilan upang naisin niyang gumanda! At gagawin niya ang lahat para maging kamukha niya si Marian Rivera! At doon na magsisimula ang panget na katotohanan na itatago ni Ruth...
like
bc
Breaking Up With My Wife
Updated at May 7, 2019, 19:00
(TAGALOG STORY) I have a "break-up plans" for my wife. Pero lahat ng iyon ay hindi nagtagumpay. I want to get rid of her. Isang taon pa lang ang nakakalipas after naming ikasal pero ang laki na ng pinagbago niya! Siguro nga kailangan ko ng gawin ang huling "break-up plan" ko... Iyon ay ang mag-hire ng isang lalaking papaibigin ang asawa ko!
like
bc
My Husband's Brother
Updated at May 7, 2019, 18:21
(TAGALOG STORY) Ipinaglaban nina Ysabella at Fernan ang kanilang pagmamahalan at tila naging kapalit niyon ay ang pagkamatay ni Fernan matapos ang kanilang kasal dahil sa isang aksidente. Kasama ni Fernan sa aksidenteng iyon ang kapatid nitong si Mikael. Si Mikael na naging karamay ni Ysabella nang maulila ito ng asawa. Hanggang sa isang bagay ang ipinagtapat ni Mikael sa kanya. Isang bagay na gigimbal sa buo niyang pagkatao!
like
bc
Stupid You, Stupid Me
Updated at May 7, 2019, 17:45
(TAGALOG STORY) "She's slow, naive, innocent, ignorant and stupid. That's why I hate her! But, should I call my self stupid too because I am falling in love with her?"- Light Forbes.
like
bc
Dara Kara
Updated at Apr 13, 2019, 23:05
Sa pagbabakasyon nina Ayanne sa San Delfin ay nakilala nila ang kambal na sina Dara at Kara. Ang masaya sanang bakasyon ay nauwi sa brutal at madugong patayan! Dalawa lang ang pinagpipilian ni Ayanne na may kagagawan ng lahat-- si Dara o si Kara. Sino nga ba ang may mas matinding galit upang isa-isa silang patayin?
like
bc
School Trip
Updated at Apr 13, 2019, 22:40
(Tagalog Story) Biktima ng bullying at nag-suicide. Iyan ang nangyari kay Olivia. Ang pangyayaring iyon ay nakalimutan na ng lahat...Pero ang kaluluwa ni Olivia, nakalimutan na rin kaya iyon? Sasama ka ba sa isang kakaibang field trip? Marami kang matututunan dito tulad ng pagsigaw ng malakas, pagtakbo ng mabilis at pagtakas sa kamatayan!
like
bc
SICK: Part Two
Updated at Apr 13, 2019, 22:07
(Tagalog Story) Tatlong kwentong susubukan na pabaligtarin ang inyong sikmura! Handa ka na bang muling basahin ang kwentong handog ng SICK series? BOX, WOMB, TWIST!
like
bc
School Trip 2
Updated at Apr 13, 2019, 15:24
(Tagalog Story) Evil students. Bullied teacher. Hell yes, this is a one of a kind school experience! Get ready! Class resumes... This is SCHOOL TRIP 2!
like
bc
School Trip 4: Vendetta
Updated at Apr 13, 2019, 02:12
(TAGALOG STORY) Paano kung mawala sa iyo ang korona? At maging dahilan iyon para bumaligtad ang iyong mundo? At magtulak para ikaw ay apihin, saktan at maliitin... Na magtutulak sa iyo para gumanti... Muling dadanak ang dugo! Magbubukas sa ika-apat na pagkakataon ang aklat na inyong minahal... Ihanda na iyong sarili sa pagbabalik ng SCHOOL TRIP...
like
bc
SICK: Part Three
Updated at Apr 13, 2019, 01:46
Tatlong kwentong muling susubukan ang tibay ng iyong sikmura! Handa ka na ba? Story #01- Sexy Story #02- Buffet Story #03- Hurt Ito ang ika-tatlong aklat ng SICK Series!
like
bc
School Trip V
Updated at Apr 13, 2019, 01:12
(TAGALOG STORY) Get ready for your FINAL exam! Misteryosong pinapatay ang mga estudyanteng bully sa Santa Clara National High School. Hanggang sa isang grupo ng bullied students ang nagkaisa upang imbestigahan ang pangyayari na iyon sa kanilang school. Paano kung malaman nila na ang eskwelahan nila ay ang dating eskwelahan ng estudyanteng nagpakamatay na si OLIVIA PENELOPE? Hindi pa nga rin ba natatapos ang kanyang paghihiganti?
like
bc
School Trip 6
Updated at Apr 13, 2019, 00:25
(TAGALOG STORY) This is the sixth installment of SCHOOL TRIP series! Are you ready to get twisted again? Class resumes... SCHOOL TRIP 6!
like
bc
Z+
Updated at Apr 12, 2019, 18:12
(TAGALOG STORY) (Z+ lit. Z Positive) Dahil sa paglala ng kaso ng HIV at AIDS sa Pilipinas ay naging agresibo ang mga Filipino scientist sa pagtuklas ng gamot sa sakit na ito. Ngunit imbes na lunas ay panibagong virus ang nabuo nila. Isang virus na tinawag nilang Z-virus dahil lahat ng taong makapitan nito ay nagiging zombie. Dito mag-uumpisa ang kwento ni Paloma na immune sa naturang virus at maaaring "cure" sa Z-virus!
like
bc
Threesome
Updated at Apr 12, 2019, 17:38
(TAGALOG STORY) "Papayag ka bang sumiping ang asawa mo sa ibang babae dahil sa gusto nitong magkaroon ng anak?" Hindi kayang bigyan ni AGNES ng anak si TRISTAN. Anak na magiging dahilan sana upang mas maging matibay ang kanilang pag-iibigan. Kaya naman pumayag siya sa ideyang kukuha sila ng isang babae para anakan ni Tristan. Nakilala nila si Monique. Pumayag ito. Nagkasundo silang tatlo na oras na mabuntis si Monique at manganak ito ay iiwan nito sa kanila ang sanggol kapalit ang malaking halaga ng pera. Ngunit makakaya ba ni Agnes na may ibang babae na makakasiping ang kaniyang asawa gabi-gabi? Paano kung ang pag-iibigan nila ni Tristan na pandalawahan ay maging tatluhan dahil kay Monique?
like
bc
Road Trip
Updated at Mar 29, 2019, 23:12
Isang pamilya, isang lugar na hindi pamilyar sa kanila. Sasama ka ba sa ROAD TRIP kung sa bawat pagliko mo ay kamatayan? Walang PRENO ang katatakutan dito!
like
bc
Soju's Bedtime Stories
Updated at Mar 29, 2019, 22:52
(TAGALOG STORY) Mga kwentong hinugot sa dilim na kailangan mong basahin bago mo ipikit ang iyong mata at matulog sa gabi... Handa ka na bang matulog? Ito na ang "Soju's Bedtime Stories"!
like
bc
SICK
Updated at Mar 29, 2019, 22:28
Tatlong kwento na sisikaping pabaligtarin ang iyong sikmura! Story 1: AUCTION Hindi mo na ba ginagamit ang iyong puso, utak, mata at atay? Benta mo na! Story 2: FLY Isang pagkakamali. Isang insekto. Anim na buhay kapalit ng isang buhay! Story 3: FLESH Isang kakaibang gawain... masarap bang saktan ang iyong sarili? HANDA KA NA BA?
like
bc
Dead Meat
Updated at Mar 29, 2019, 21:01
(TAGALOG STORY) Three different but connected horror and gore stories in one book... When you get caught, you're a one dead meat! Part 01: Bloody Forest Part 02: Couple Trouble Part 03: Killer Quake
like
bc
Creepy Talks
Updated at Mar 29, 2019, 19:52
(TAGALOG STORY) Three horror stories that will make you feel creepy... Come here. Let's talk... CREEPY! Story #01- Silent Night Story #02- Isla Diablo Story #03- Do Not Disturb
like
bc
In This Crazy Town
Updated at Mar 29, 2019, 17:50
(TAGALOG STORY) Isang tago, payak at tahimik na baryo ang Baryo Sapian. Hanggang ang katahimikan nila ay nabulabog. Isang sakit ang kakalat sa maliit na bayan na iyon. Ginagawa nitong bayolente ang kung sino man na magkakaroon nito. Nananakit, naninira at pumapatay! Para bang nasisiraan sila ng kanilang katinuan. Sakit na magiging suliranin ng mag-asawang Nenita at Danilo. Hindi kaya mas lalo silang mabaliw oras na malaman nila ang puno't dulo ng sakit na kumakalat sa Baryo Sapian?
like
bc
One Night Only
Updated at Mar 29, 2019, 08:58
Sa kagustuhan na kumita ng extra cash ay naisipan ni Erika na maging babysitter sa isang pamilya ng isang gabi lang. Inakala niyang magiging normal ang gabing iyon ngunit nagkamali siya. Paano niya poprotektahan ang kaniyang mga binabantayan at ang sarili sa isang sadista at walang awang serial killer na pumasok sa bahay na iyon? "Can they survive the night?"
like
bc
Red Wall
Updated at Mar 29, 2019, 08:29
(TAGALOG STORY) "RED is the new color of horror!" Sa pagbabalik ni Homer sa kaniyang asawa, mararamdaman niya na tila nag-iba na ito. Anong kababalaghan nga ba ang bumabalot sa pulang dingding?
like
bc
School Trip X3M
Updated at Mar 29, 2019, 07:45
(TAGALOG STORY) Isang bagong estudyante sa Wellington High School si Olga. Sumama at nakipagkaibigan siya sa school bully na si Sabina dahil sa pag-aakala na poprotektahan siya nito laban kay Elizabeth—ang ex-girlfriend ng kanyang nobyo na si Dario. Ngunit nang traydurin siya ni Sabina ay doon niya napagtanto kung gaano ito kasama. Nakulong siya dahil sa kasalanang ito ang may gawa at doon na nag-umpisa ang pagkapoot niya dito. Sumumpa siya na babalikan ito upang maghiganti! Magtagumpay kaya si Olga sa paghihiganti niya?
like
bc
Horror High
Updated at Mar 29, 2019, 06:51
(TAGALOG STORY) Every school has its own creepy tales... Samahan natin sina Belle at Prince sa pagtuklas nila sa kababalaghan sa Wellington High!
like
bc
Abuela
Updated at Mar 29, 2019, 05:56
(TAGALOG STORY) Ang gusto lang naman niya ay ang makasama ang kanyang lola sa nalalabi nitong buhay sa mundo... Ngunit paano kung sa pananatili niya sa piling ng kanyang lola ay may matuklasan siyang "sikreto"? Isang sikreto na magpapabago sa takbo ng kanyang buhay!
like
bc
LIVE
Updated at Mar 29, 2019, 05:25
(TAGALOG STORY) Sa isang simpleng video, magbabago ang buhay ni Luna. Isang pagbabago na maghahatid ng luha, sakit at kamatayan! Malampasan niya kaya ang pangyayaring ito sa kaniyang buhay?
like
bc
The Adopted
Updated at Mar 29, 2019, 04:53
(TAGALOG STORY) A family that KILLS together, stays together! Ito ang kwento ni Sheena at ang pagtuklas niya sa misteryo ng mag-asawang umampon sa kaniya...
like