bc

School Trip 8: Viral

book_age16+
375
FOLLOW
1K
READ
dark
goodgirl
tragedy
twisted
mystery
scary
campus
school
like
intro-logo
Blurb

Isang viral video ang sumira sa reputasyon ni OLIVE sa Wellington High. Iyon din ang naging dahilan para maging sentro siya ng pambu-bully lalo na ng grupo nina DOMINIQUE. Sa kabila ng lahat, isang tao ang nanatili sa tabi niya. Si ISRAEL-- ang kaniyang nobyo. Pero sadya yatang mapagbiro ang tadhana dahil namatay sa isang aksidente si Israel. At nasundan iyon ng pag-viral ng kwento nila ni Israel sa social media. Sa isang hindi malamang dahilan ay isa-isang namamatay ang mga nambully sa kaniya noon....

chap-preview
Free preview
LESSON 01 “Scandalous”
          “NOAH, Noah… You did a great job!” Napalingon si Noah sa likuran niya nang may isang lalaki na nagsalita. Matangkad ang naturang lalaki at may tamang pangangatawan. May suot itong maskara na takip ang buong mukha. Kulay itim na maskara. Nakaharap siya sa isang malaking salamin sa engrandeng silid na kinaroroonan niya. Nakasuot siya ng isang kulay itim na tuxedo at sa isang kamay ay hawak ang maskarang kulay puti na kapag isinuot niya ay natatakpan ang parteng mata hanggang ilong niya. Tuluyang humarap si Noah sa lalaking dumating. “Mr. Black, ikaw na pala iyan. Kumusta naman ang bakasyon mo?” tanong niya dito. “Maayos. Kahit papaano ay nakahinga ako sa pagpapatakbo ng Human Auction. At hindi ako nagkamali na ikaw ang pinili kong pansamantalang maging Mr. Black. Alam mo kasi, hindi maaaring walang Human Auction kahit isang gabi. Magwawala ang mga alta.” Mahina itong tumawa. Naalala tuloy ni Noah noong tumakas siya sa kulungan. Pinaulanan siya ng bala ng baril ng mga pulis hanggang sa tumalon siya sa isang ilog. Doon ay inanod siya at tuluyang nawalan ng ulirat. Sa pagmulat ng mga mata niya ay nasa isang silid na siya sa mansion ni Mr. Black. Si Mr. Black ang nakakita sa kaniya na nag-aagaw-buhay sa tabi ng ilog. May kakaiba daw itong nakita sa kaniya kaya tinulungan siya nito. Anito, tila iisa sila ng likaw ng bituka. Matapos gumaling ay ginawa siyang assistant ni Mr. Black. Dalawa na silang assistant nito. Siya at isang babaeng ang pangalan ay Cecilla. Noong isang linggo ay sinabihan siya nito na siya muna ang magiging Mr. Black dahil nais nitong magbakasyon ng tatlong araw. Pinag-aralan niya ang Human Auction lalo na ang kilos at pagsasalita ni Mr. Black bilang auctioneer. At nang handa na siya ay siya muna ang pumalit dito ng tatlong gabi. Ginawa niya ang lahat upang hindi makahalata ang mga dumadalo sa Human Auction na hindi siya ang tunay na Mr. Black. “Mabuti naman pala kung ganoon, Mr. Black.” “Naalala mo ba ang sinabi ko sa iyo dati na ang mga taong tapat sa akin ay ginagantimpalaan ko habang ang mga traydor at sumusuway ay binibigyan ko ng parusang hindi nila nakakalimutan?” “Naaalala ko, Mr. Black…” “Natutuwa ako sa naging katapatan mo sa akin sa maikling panahon. Uulitin ko, tinulungan kita noon dahil nakikita ko ang sarili ko sa iyo. Lugmok at walang-wala. Kaya nais kong bigyan ng pabuya ang katapatan mo, Noah. Pati na rin ang pagganap mo bilang ako nang maayos. Sabihin mo sa akin, Noah… ano ang iyong nais? Kahit ano ay ibibigay ko.” Sumeryoso ang mukha ni Noah. “Gaya pa rin ng sinabi ko sa iyo noon. Gusto ko na magpakalayo-layo at mabuhay sa isang lugar nang tahimik. Sa ngayon ay ganoon muna ang gusto ko,” sagot ni Noah. Tumango-tango si Mr. Black. “Kung iyan ang nais mo, walan problema. Ibibigay ko sa iyo lahat ng pangangailangan mo bago ka umalis dito sa aking mansion.” “Maraming salamat, Mr. Black! Utang ko sa inyo ang buhay ko!”   PRESENT TIME…           Malaki ang pagtataka ni Olive Aurora sa pagpasok niya sa Wellington High. May kipkip siyang dalawang malalaking aklat habang may nakasukbit na shoulder bag sa kaliwang balikat. Lahat ay nakatingin sa kaniya habang hawak ng ilan ang kanilang cellphone. Tila pinag-uusapan siya ng mga estudyanteng nadadaanan niya. Si Olive ay Grade 12 student sa naturang paaralan. Last year ay nag-transfer siya dahil sa lumipat sila ng tirahan ng kasama ang kaniyang mga magulang. Simpleng dalagita lang si Olive. Maputi ang kaniyang balat, balingkinitan pero may magandang hubog ang kaniyang katawan. Sakto lang ang taas niyang limang talampakan at limang pulgada para sa edad niyang seventeen years old. May kalakihan ang kaniyang mga mata at malalantik ang pilik-mata. Matangos ang ilong at manipis ang labi. Sa madaling salita, maganda si Olive. Ano bang nangyayari sa kanila? May nagawa ba akong mali? Tanong niya sa kaniyang sarili. Nakayuko tuloy siya habang naglalakad sa hallway. Kung pwede lang maglaho at lumitaw siya pagkatapos sa kanilang classroom ay ginawa na niya. Kahit hindi siya sigurado kung siya ba talaga ang pinag-uusapan ng mga iyon ay parang nahihiya siya dahil sa klase ng tingin ng mga ito. Akmang papasok na sana siya sa pintuan ng kanilang classroom nang may tumawag sa kaniyang pangalan. “Olive!” Paglingon niya ay nakita niya ang kanilang adviser na si Teacher Alona. Bata pa si Teacher Alona. Kung hindi siya nagkakamali, twenty nine years old lang ito. Maganda at sexy. Kahit palaging naka-ipit sa likuran ang itim at mahabang buhok nito ay hindi niyon maitatago ang kagandahan ng kanilang guro. Karamihan tuloy sa mag-aaral na lalaki sa Wellington High ay crush ito. Bukod sa magandang panlabas na anyo ni Teacher Alona ay mabait din ito. Kaya sa lahat ng guro dito ay ito ang paborito niya. “Teacher? Bakit po?” tanong ni Olive. Seryoso ang mukha ng guro na para bang hindi maganda ang sasabihin nito. “Kailangan mong sumama sa akin sa guidance office ngayon.” Napamaang siya. “Po? B-bakit po? May nagawa po ba akong hindi maganda?” Pilit niyang hinalukay ang kaniyang utak pero wala talaga siyang maalala na meron siyang ginawang labag sa patakaran ng kanilang eskwelahan. “Basta. Sumunod ka na lang sa akin.” Tumalikod na si Teacher Alona at naglakad. Nagtataka man ay wala siyang nagawa kundi sundan sa paglalakad ang guro hanggang sa makarating sila sa guidance office. Naroon ang guidance counselor na si Mr. Gaston. Agad silang pinaupo nito sa dalawang bakanteng upuan sa harapan ng table nito. Seryoso ang mukha ng guidance counselor. Nakakapagtaka dahil palangiti itong lalaki. Nasa mid-40’s na si Mr. Gaston. Matangkad na lalaki at may bigote at balbas na medyo makapal. “Good morning po, Mr. Gaston. Ipinatatawag niyo daw po ako…” Nanginginig ang boses ni Aurora kahit hindi pa niya alam ang dahilan kung bakit siya nandito. “We need to talk about… this.” Inabutan siya nito ng cellphone. Napatingin siya kay Teacher Alona na may pagtatanong sa kaniyang mukha. Tumango ang babaeng guro at bahagyang inilayo ang tingin sa kaniya. “Ano pong gagawin ko dito?” tanong niya kay Mr. Gaston. “May video diyan. Panoorin mo.” Kumunot-noo ito. “Hindi mo pa ba alam?” “Ang alin po ba?” Hindi na siya sinagot nito kaya ginawa na lang niya ang sinabi nito. Pinindot ni Olive ang play button sa video na nasa cellphone ni Mr. Gaston. Napasinghap siya at nanlamig nang makita ang sarili sa video. Nasa isang hindi pamilyar siyang kama. Nakalilis ang kaniyang dress pataas kaya kita ang kaniyang kulay pink na panty. Nakapikit ang kaniyang mga mata pero nagsasalita siya ng mahina. “Huwag… Please… Ayoko…” Iyon ang tatlong salita na paulit-ulit niyang sinasabi. May mga lalaking nagtatawanan pero hindi nahahagip ng camera. Hanggang sa tila ipinatong sa kung saan ang camera. Nakukuha sa buong frame ang buong katawan niya. Maya maya pa ay may dalawang lalaki na nakasuot ng maskara ang lumapit sa kaniya. Nagtatawanan. Tuluyan nang ibinaba ng isa ang panty niya habang ang isa ay hinahalikan siya sa kaniyang labi. Hindi siya nanlalaban pero alam niya sa sarili niya na tutol siya sa ginagawa ng dalawang lalaki sa kaniya. Kinuha ng isang lalaki ang camera at vinideohan nito ang kaniyang p********e. “Nice! Sweet!” Nakakalokong sabi ng isa at nag-apir pa ang mga ito. Nanginginig na ang mga kamay ni Olive. Walang patid ang luhang naglalandas sa kaniyang pisngi. May natitira pang isang minuto ang video pero ibinalik na niya iyon kay Mr. Gaston. Hindi na niya kayang tapusin. Parang hindi niya kakayanin kapag nakita pa niya ang mga susunod na gagawin ng dalawang lalaking iyon sa kaniya. “H-hindi ko alam ang video na iyan! Wala akong alam!” Tuluyan na siyang napahagulhol. Isinubsob niya ang mukha sa dalawang palad. “Very scandalous ang video ng estudyante mo, Miss Alona. Malaki ang magiging epekto nito sa image ng ating school. Alam mo iyan. Viral na ang video na iyan!” Iiling-iling na turan ni Mr. Gaston. Umangat ang mukha ni Aurora at nagpapalit-palit ang tingin sa dalawa. “V-viral?” “Yes, Olive. Kalat na sa social media ang maselang video na iyan. Lalo na sa f******k at Twitter. Kaninang madaling araw lang daw iyang in-upload pero ang bilis na kumalat!” sabi ni Teacher Alona. Ngayon ay sigurado na si Olive na siya nga ang pinagtitinginan ng mga estudaynte kanina at iyon ay dahil sa s*x scandal niya na kumakalat ngayon. Parang gusto na lang niya tuloy lamumin ng lupa ng mga oras na iyon dahil sa sobrang kahihiyan. Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang niya? Siguradong sa oras na ito ay galit na galit sa kaniya ang boyfriend niyang si Israel. Baka nga nandidiri na ito sa kaniya. “Ano na pala ang gagawin natin, Mr. Gaston?” “Miss Alona, pinag-uusapan na ng nakakataas kung babawiin ang scholarship ng school kay Miss Olive Aurora. Or worst, alisin siya dito sa school na sana ay huwag namang mangyari. Don’t worry, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para hindi iyon mangyari.” Patuloy lang si Olive sa pag-iyak. Halos hindi na niya nauunawaan ang mga sinasabi nina Teacher Alona at Mr. Gaston. Napakaraming katanungan na tumatakbo ngayon sa kaniyang isipan. Sino ang dalawang lalaking bumaboy sa kaniya sa video? Paano iyon nangyari? Wala talaga siyang maalala. Pero sa pagkakaalala niya ay dumalo siya sa party ng pinaka popular na estudyante sa Wellington High na si Courtney Guevarra…   A WEEK BEFORE… “Hey! Olive!” Nagulat si Olive nang lapitan siya ni Courtney habang mag-isa siyang nakaupo sa canteen ng umagang iyon. First break na nila at kakain na siya kasabay ang kaniyang nobyo na si Israel. Hinihintay lang niya ito. Nakapila pa kasi si Israel at bumibili ng kanilang pagkain. “C-courtney…” Medyo kinabahan siya dahil alam niyang isa lang ang dahilan kapag nakikipag-usap ang babae sa ibang estudyante—may gagawin itong hindi maganda. Si Courtney Guevarra ay ang leader ng grupo ng pinaka mayayaman, pinaka magaganda at pinaka popular na babae sa Wellington High. Tinatawag ang grupo ng mga ito na “Royals”. Binubuo ang grupo nina Courtney, Dominique, Yasmine, Jazzy at Camila. Nagmamay-ari ng isang kilalang pizza parlor ang pamilya ni Courtney. Bukod doon ay meron din itong malaking beach resort sa Batangas. Maganda si Courtney. Mestisa dahil sa full-blooded Spanish na tatay nito. Sikat ito sa social media dahil sa glamorous life na ipinapakita nito sa ** at f******k. Meron itong Youtube channel kung saan ina-upload nito ang buhay nito bilang nag-iisang anak ng isang mayamang mag-asawa. Tinatawag na “queen b***h” si Courtney dahil sa pagiging bully, maldita at matapang nito. Lahat ng kumakalaban dito ay talagang titiklop at magigiba. Kaya iniiwasan ito at ang grupo nitong Royals. Kasunod ay si Dominique Delfin. Isang social media superstar. May Youtube channel with million of subscribers. Sumikat ito dahil sa na-feature sa KMJS ang mga dance video nito sa t****k. Simula niyon ay lumaki na ang followers nito sa iba’t ibang social media lalo na sa Youtube kung saan nag-u-upload ito ng random vlogs. Mayaman din ang pamilyang kinabibilangan ni Dominique. May flower farm ang mga ito. Maganda din si Dominique gaya ni Courtney. Asian beauty ang taglay nito dahil sa tatay nitong half-Japanese. Sina Courtney at Dominique ang dalawang pinaka sikat sa Wellington High dahil sa estado ng buhay ng mga ito at sa online world. Iyon nga lang ay mas superior si Courtney dahil mas mayaman at mas maganda ito. Kumbaga, kaliwang kamay ni Courtney si Dominique. Palagi itong pangalawa sa tinagurinag “queen b***h”. Kasama din sa Royals ang mag-pinsan na Jazzy at Yasmine. Equally beautiful and rich. Kilala ang angkan ng mga ito sa Cebu dahil sa malaking taniman ng mangga na pagmamay-ari ng mga ito. Lumipat lang dito sa Calamba, Laguna ang mga ito ten years ago. Lastly, si Camila. Ang tatanga-tanga pero magandang member ng Royals. Pumapangalawa ito sa pagiging mayaman kay Courtney. Pero dahil sa slow ito at madalas na pumalpak ay hindi ito ang tinaguriang kaliwang kamay ng queen b***h. Mataray na ngumiti si Courtney. “Can I sit here?” tanong nito pagkaturo sa bakanteng upuan sa kaniyang harapan. Napatingin siya kay Israel. Nakapila pa rin ito. “Ano kasi… m-may nakaupo na diyan. Si Israel.” Kinakabahan siya dahil baka hindi magustuhan ni Courtney ang sagot niya. Baka i-bully siya nito at ng grupo nito. Lalo na at mainit ang mata niya sa kaibigan nitong si Dominique. “Oh… Israel Augillar. Ang ex ni Dominique!” Mahinang tumawa si Courtney sabay upo. “Don’t worry. Sandali lang naman ako. I just want to invite you sa party sa bahay namin this coming Saturday.” May inilabas na maliit na envelope si Courtney mula sa mamahalin nitong shoulder bag. Kulay itim iyon. Iniabot nito iyon sa kaniya na agad niyang tinanggap. “Ano ito?” “Duh! Invitation sa Black Party ko. Invited ka. Obviously!” Napamaang si Olive. “A-ako?” Hindi makapaniwalang itinuro niya ang sarili. “Sister ka ba ni Camila? Bakit parang ang slow ngayon ng top one ng class natin? Yes. Invited ka, Olive, kaya be there. Nandiyan na sa invitation ang full details.” Hindi lang siya makapaniwala na inimbitahan siya ni Courtney sa party nito. Alam niya na madalas itong magpa-party sa bahay nito kahit walang espesyal na okasyon. Kapag trip lang nito. At kahit isang beses ay hindi siya nito inimbitahan. Ngayon lang talaga. Napatingin si Olive at Courtney nang makitang nakatayo na pala si Israel sa tabi ng table na kinaroroonan nila. May dala itong isang tray na may laman na pagkain. “Anong nangyayari dito? Ginugulo ka ba ni Courtney, babe?” Madilim ang mukha na tanong ni Israel sa kaniya. Mabilis siyang umiling. “Babe, hindi. May sinabi lang siya.” Pasimple niyang inipit ang invitation sa aklat na nasa harapan niya. “Grabe ka naman sa akin, Israel! Ganiyan na ba ang tingin mo sa akin?” Tumayo na ito. “Hindi lang sa iyo kundi pati na sa mga kaibigan mo.” “Oh, well! I have to go. Bye, guys!” Mataray itong kumaway at naglakad palayo. Tahimik na umupo si Israel sa binakanteng upuan ni Courtney. Inilagay nito sa harapan niya ang isang pinggan ng pancit bihon at baso ng lemonade. Dito naman ay spaghetti at soda drink na nakalagay sa can. Kapansin-pansin ang pagiging tahimik ng boyfriend niya. “Galit ka ba?” untag ni Olive. “Wala namang masamang sinabi si Courtney.” “E, bakit ka niya kinausap?” Huminga siya nang malalim. Balak niyang ilihim kay Israel ang imbitasyon ni Courtney pero hindi niya kaya na magsinungaling sa nobyo. “Dahil dito.” Inilabas at ipinakita niya ang kulay itim na envelope. “In-invite niya ako sa party sa bahay niya.” Umiling si Israel. “Ayokong pupunta ka doon. Kilala mo ang mga kaibigan ni Courtney, Olive. Hindi sila magandang impluwensiya! Kaya kung magpapaalam ka sa akin, hindi kita pinapayagan. Hindi ka doon pupunta. Tapos. I’m sorry pero ayoko lang na nakikisama ka sa mga bully.” Tumahimik na lang si Olive. Sa loob niya ay nanghihinayang siya na hindi siya pinayagan ni Israel. Siyempre, sikat ang grupo nina Courtney. Kahit papaano ay nais din niyang makilala kahit dito lang sa Wellington High. “Naiintindihan ko…” Labas sa ilong na sagot ni Olive. Muli niyang ibinalik ang invitation sa pagkakasingit sa aklat. Sinimulan na niya ang pagkain pero ang utak ay nasa party pa rin ni Courtney.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
95.4K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.7K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
128.2K
bc

His Obsession

read
73.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook