LESSON 02 “When The Party’s Over”

3029 Words
          “OMG! Totoo ba iyan? Si Olive ba talaga iyang nasa video? Baka look-alike lang niya! You know naman these days… Everything can be edited!” Naitirik ni Dominique ang kaniyang mga mata nang marinig ang sinabing iyon ng kaibigan niyang si Camila. Inalis nito ang tingin sa screen ng kaniyang cellphone at bumalik sa paglalagay ng powder sa mukha gamit ang isang malaking brush. Kasalukuyan silang nasa isang milk tea shop na malapit sa Wellington High. Dahil sa Monday ng araw na iyon ay naroon sila. Naging habit na nila na kapag ganoong araw at pagkatapos ng pasok nila sa school ay nagpupunta sila doon para tumambay lang. Si Courtney na lang ang kulang sa kanila. Bukod sa kanila ni Camila ay naroon na rin sina Yasmine at Jazzy na panay ang selfie. Sabagay, ano pa ba ang bago doon? Palagi namang late si Courtney dahil sinasadya nito iyon. Gusto kasi nito na “grand entrance” ito palagi. Attention-seeker ito para sa kaniya. She secretly hated Courtney kahit pa ito ang leader ng grupo nila na Royals! Siniko niya sa tagiliran si Camila dahil parati siyang naiinis sa katangahan nito. “Ouch! Why? Nagpa-powder kaya ako!” Nakasimangot na reklamo ni Camila. “Because you’re a dumb b***h! Anong edited sinasabi mo? Hindi mo ba nakita? Sa guest room sa bahay ni Courtney kinuhaan iyong video. Obviously, nangyari ang scandal video ng Olive na iyon noong Black Party ni Courtney!” “Malay ko ba. Wala naman ako nang nangyari ang scandal na iyan, `no!” Kinuha niya ang kaniyang milk tea at sumipsip sa pag-asang mapapalamig niyon ang kaniyang mainit na ulo dahil sa slow na kaibigan. Imbes na makipag-usap sa tatanga-tangang si Camila ay muling pinanood ni Dominique ang scandal video ni Olive. Super viral ang gaga! `Buti nga sa’yo. You deserved that dahil you’re a snake b***h! Nagdiriwang na sabi niya sa kaniyang sarili. Gusto niya ang nangyaring iyon kay Olive kahit pa tila ginagahasa na ito ng dalawang lalaki sa video. Wala siyang pakialam doon. Ang mahalaga ay isang nakakahiyang bagay na ang nakadikit sa pangalan ng babaeng umagaw sa kaniyang boyfriend na si Israel! Grade 7 nang sinagot niya si Israel. Noong umpisa ay wala siyang nararamdaman para sa lalaki. Sinagot lang niya ito dahil sa gwapo at mayaman ang pamilyang kinabibilangan nito. Bukod doon ay matalino pa ito. Isa pa, marami ang nagkakagusto kay Israel kaya naisip niya na kapag naging sila ay marami din ang maiinggit sa kaniya. Nangyari iyon. Marami ang nainis at nainggit sa kaniya dahil siya ang first girlfriend ni Israel Aguillar. That time ay nabuo na ang Royals. Si Courtney ang pumili sa kanila. Sa paglipas ng taon ay doon na naramdaman ni Dominique na mahal na niya si Israel. Nahulog na siya nang tuluyan sa lalaki dahil palagi silang magkasama. Nakilala din niya ito nang husto. Mabait talaga ito, sweet at marunong rumespeto. Hindi kagaya ng nauna niyang nobyo na kahit Grade 7 pa lang sila noon ay gusto na agad makuha ang kaniyang p********e. Pagdating nila ng Grade 11 ay doon na niya sinabi sa sarili na si Israel na ang lalaking nais niyang makasama habangbuhay. Ipinangako niyang hinding-hindi na niya ito papakawalan pa. Pero biglang dumating sa eksena si Olive Aurora. Mula sa ibang school ay nag-transfer si Olive. Naging kaklase nila ito. Unang araw pa lang nito sa Wellington High ay napansin na niya na panay ang lapit nito kay Israel kaya kinausap niya ito minsan sa hallway ng school. “You’re new here. Right? Kaya dapat ay malaman mo na taken na si Israel! He’s mine. Kaya dumistansiya ka sa boyfriend ko!” Iyon ang sinabi niya kay Olive noon. “Wala naman kaming ginagawang masama. Magkaibigan lang kami ni Israel. Saka alam ko rin na may girlfriend na siya.” “Alam mo pala, e! Bakit kung makadikit ka sa kaniya ay para kang ahas?! This is the last time na sasabihin ko ito sa iyo… Stay away from my boyfriend!” Ang buong akala ni Dominique ay masisindak niya si Olive sa ginawa niya pero nagkamali siya. Isang linggo lang niyang hindi nakita na magkadikit sina Olive at Israel. Matapos iyon ay napansin niya na nag-uusap ulit ang dalawa. Kaya sa pangalawang pagkakataon ay kinompronta niya ulit si Olive. “Talagang makulit kang babae ka!” Sinundan niya minsan si Olive nang mag-isa itong pumasok sa CR. Papasok na sana ito sa cubicle nang hablutin niya ang buhok at hilahin palabas. Kasama niya ng oras na iyon sina Jazzy at Yasmine. “Aray ko, Dominique! Ano bang nagawa kong kasalanan sa inyo?” “Napakalandi mo! Hindi mo pa rin tinitigilan si Israel!” “Sinabi ko na sa iyo, magkaibigan—” Sinampal niya nang malakas si Olive. “More please! Beat that b***h!” sabi ni Jazzy na tuwang-tuwa nang saktan niya si Olive. Hinila niya papasok ng cubicle ang walang kalaban-laban na si Olive. Iyak lang ito nang iyak. “Lumuhod ka! Luhod!” utos niya. Iiling-iling si Olive. “Wala akong ginagawa. Hindi ko nilalandi si Israel—” “At sa tingin mo ay maniniwala ako sa iyo? Luluhod ka ba o lalabas ka ng CR na ito na puno ng pasa iyang katawan mo?!” May himig ng pananakot na sigaw ni Dominique. “And stop crying! Naiirita ako sa pagmumukha mo!” Pinigil ni Olive ang pag-iyak habang unti-unting lumuluhod. Gusto niya ang reaksiyon ng mukha nito. Takot na takot. Pakiramdam niya tuloy ay isa siyang diyos ng sandaling iyon. Tuwang-tuwa naman na nanonood sina Jazzy at Yasmine. Maya maya ay dumating si Courtney kasama si Camila. “This is fun! Ang dapat sa ganitong moment ay sini-save!” Inilabas ni Courtney ang cellphone at kinuhaan ng video ang nangyayari. Yumukod si Dominique at sinabunutan ulit si Olive. Diretso niya itong tiningnan sa mata. “Alam mo ang dapat sa iyo ay mahimasmasan! Masyado kang ambisyosa. Do you think na maaagaw mo ang boyfriend ko sa akin with that ugly face?! Halika! Maligo ka para mawala iyang kakatihan ng katawan mo!” Marahas niyang hinila si Olive at isinubsob niya ang mukha nito sa loob ng toilet bowl. Paulit-ulit niya iyong fli-nush habang tumatawa. Tawa rin nang tawa ang lahat ng kaibigan niya. Panay naman ang iyak at sigaw ni Olive pero wala itong magawa dahil mas malakas siya. In-upload ni Courtney sa f******k gamit ang isang dummy account ang video na iyon. Nilagyan nito ng blurred effect ang mukha niya para hindi malaman na siya iyon. Pero kahit may blurred ang mukha niya ay nalaman pa rin ni Israel na siya iyon kaya nagalit ito sa kaniya. Nakipag-break si Israel sa dahilan na hindi na nito kayang tiisin ang mga pambu-bully na ginagawa ng kanilang grupo. Hindi na daw siya ang babaeng niligawan nito noon. At nangyari na nga ang kinakatakutan niya… Isang buwan lang ang nakalipas simula ng break up nila ni Israel ay kumalat ang chismis sa Wellington High na magkasintahan na sina Olive at Israel. Kaya mas lalong tumindi ang galit niya kay Olive. Pasabi-sabi pa ito na magkaibigan lang ito at si israel pero bakit magkasintahan na ang dalawa? Naging malaking sampal iyon sa kaniya. Ilang beses niyang sinubukang makipagbalikan kay Israel pero ayaw na nito. Halos magmakaawa na siya dito. Ilang linggo siyang wala sa sarili hanggang sa kausapin siya ni Courtney. “Hindi ikaw iyan, Dominique. Pull up yourself! Gaganti tayo in perfect time…” Iyon ang sinabi sa kaniya ni Courtney. “Hey, girls! I am here na!” Naputol ang pagbabalik-tanaw ni Dominique sa nakaraan nang biglang dumating si Courtney. Umupo ito sa tabi niya. Lihim siyang nairita nang magdikit ang kanilang balat. Naaalala pa rin kasi niya ang sinabi nitong gagantihan nila si Olive pero ilang taon na ang nakakalipas ay wala pa rin itong ginagawa sa babaeng umagaw sa kaniyang boyfriend. Talk s**t si Courtney para sa kaniya. “Late ka na naman!” puna ni Camila. “I’m not late. You, girls, are just too early. By the way, let’s talk about Olive Aurora and her scandal video. For sure, napanood niyo na? I heard, pinatawag siya sa guidance office at babawian ng scholarship. Poor, Olive… Mukhang aalis na siya sa Wellington High. Without that scholarship, hindi naman niya kaya ang mag-aral sa school natin!” Dire-diretsong sabi ni Courtney. Ganoon talaga ito. Mabilis ang bibig. Walang preno. Lahat ay sasabihin kahit masaktan ka pa. “Wait. Bakit parang nagkaroon ka ng interest na pag-usapan ang scandal girl na iyon?” Nagtatakang tanong ni Yasmine. “You invited her sa Black Party mo then now… Don’t tell me…” Courtney shrugged. “Why? Dominique just got her revenge sa babaeng umagaw sa ex boyfriend niya. And yes, ako ang may pakana ng lahat!” Ngingiti-ngiting pag-amin ni Courtney sa kanila. “What?!” gimbal na turan ni Dominique. “Ano’ng ibig mong sabihin?” Hinaplos nito ang buhok niya. “Dominique, can’t you remember? Sinabi ko sa iyo na maghihiganti tayo kay Olive in perfect time. Ito na `yon—the perfect time!” Mahina itong tumawa. Tumayo ito at nagpunta sa counter para um-order ng milk tea.   “NAAALALA mo na ba kung sino ang dalawang lalaki sa video, Olive? Ang sabi mo ay nangyari iyon sa party sa bahay ni Courtney Guevarra. Kailangan mong alalahanin kung sino ang dalawang lalaki para makasuhan natin sila kung sakali.” Palakad-lakad si Mr. Gaston sa harapan ni Olive habang siya ay nakaupo sa mini sofa sa guidance office. Pauwi na sana siya kanina nang ipatawag ulit siya ni Mr. Gaston. Kakausapin daw siya saglit ukol sa scandal video niya na kumakalat. Pagdating niya sa office nito ay tinanong siya kung sino ang dalawang lalaki na kasama niya sa video pero hindi niya masagot dahil wala siyang gaanong maalala. Hindi niya maalala ang buong pangyayari sa video at kung paano siya napunta sa kwartong iyon. Nalilitong umiling si Olive. “Mr. Gaston, h-hindi ko po kasi matandaan—” “Olive.” Huminto siya sa harapan ko. Tumingala ako sa kaniyang seryosong mukha. “Ikwento mo sa akin kung ano lang ang naaalala mo. Doon tayo magsisimula…” Tumahimik siya. Pilit na inalala ang malilinaw na memorya ng gabing iyon… Palabas na si Olive ng bahay nila habang nakasuot ng dress na kulay itim. Iyon kasi ang theme ng party ni Courtney. Black Party daw kaya dapat ay black ang isusuot lahat. Walang ibang kulay. Iyon ay ayon sa nabasa niya sa invitation na ibinigay nito noong isang araw. Sa kabila ng hindi pagpayag ni Israel ay tutuloy pa rin siya. Gusto din niya kasing maranasan ang mga ganoong event habang bata pa siya. Saka pagkakataon na rin ito para magkaroon siya ng mga kaibigan. Sa tagal niya kasi sa Wellington High ay walang nagtangka na makipagkaibigan sa kaniya dahil sa video niya na inilulublob sa toilet bowl. Alam ng lahat na ang Royals ang gumawa niyon sa kaniya kaya takot ang lahat na maging malapit sa kaniya at baka madamay pa sa galit ng Royals sa kaniya lalo na ni Dominique. Tanging si Israel lang ang naglakas-loob na makipaglapit sa kaniya kaya mahal na mahal niya ito talaga. Kaya nakakapagtaka lang na inimbitahan siya ni Courtney sa party. Baka ito na ang hinihintay niya noon na pag-aayos nila. Para na rin hindi na siya natatakot sa Royals. Bago umalis ng bahay ay tinawagan niya si Israel. Sinabi niya na tutulog na siya kahit maaga pa. In-off niya ang cellphone para hindi na ito makatawag. Sinabi din niya sa parents niya na kapag tumawag si Israel ay sabihin tulog na siya. Nag-tricycle lang si Olive papunta sa subdivison kung saan nakatira si Courtney. Hanggang gate nga lang ang tricycle dahil hindi daw pwedeng pumasok ang publich vehicle sa loob. Naglakad na lamang siya hanggang sa makarating sa bahay ni Courtney. Sa labas pa lang ay pila na ang mga mamahaling sasakyan. Bukas ang gate kaya pumasok siya. Walang katao-tao sa labas pero may naririnig siyang up beat music sa loob ng bahay. Tuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa nasa harapan na siya ng malaking pinto. Pagbukas niya ay dumadagundong ang malakas na tugtog. Napakagulo ng mga taong naroon. May pamilyar na mukha na nakikita niya sa school at meron din na hindi niya talaga kilala. Ang ipinagtataka lang niya ay siya lang ang nakasuot ng itim sa mga naroon. Lahat ay kulay pula ang suot. Hindi kaya maling party ang pinuntahan niya? Pinagtitinginan tuloy siya ng lahat dahil naiiba ang kulay na kaniyang suot. Mabuti pa siguro ay umalis na lang siya. Tatalikod na sana siya nang biglang lumitaw sa harapan niya si Courtney. “Hey, Olive! Mabuti at nagpunta ka!” “C-courtney, uuwi na ako. Nakakahiya. Ako lang ang naka-black. Nagkamali yata ang basa sa invitation—” “Ano ka ba? It’s okay! Sumama ka sa akin!” Wala na siyang nagawa nang hilahin siya nito sa isang mahabang table. Naroon ang napakaraming bote ng iba’t ibang alak. Ikinuha siya ni Courtney ng red cup. “Here! Ikaw na ang bahalang mag-mix ng mga alak mo. You can choose anything you want. Go wild, Olive! Puntahan ko lang ibang friends ko. See you later!” “Courtney—” Sasabihin niya sana na aalis na lang siya pero mabilis itong nawala sa paningin niya nang lamunin ito ng napakaraming tao. Ngayon pa lang ay na-a-out of place na siya. Siguro nga ay hindi siya talaga para sa mga ganitong party. Iginala niya ang mata. Lahat ay may hawak na red cups na may laman na alak. Para hindi siya maiba ay naglagay siya ng kung anu-anong alak sa kaniyang baso. Hinalo niya iyon gamit ang stirrer at tinikman. Napapikit siya dahil hindi maganda ang lasa. May narinig siyang tumawa sa kaniyang likuran. “That doesn’t taste good?” Paglingon niya ay nakita niya ang boyfriend ni Courtney na si Dustin. Hindi ito nag-aaral sa Wellington High. Ang alam nga niya ay hindi ito nag-aaral. May narinig siyang sobrang mayaman si Dustin kaya hindi na nito kailangan na mag-aral pa. Gwapo si Dustin. Bad boy look. Simpatiko ang mga ngiti at parang kakainin ka ng buo kapag tinititigan ka. Dahil sa minsan ay nagpupunta sa school si Dustin ay nakilala na niya ito sa mukha. Paglapit nito ay kumuha ito ng panibagon red cup. Naglagay ito ng kung anu-anong alak doon habang pinapanood niya ito. “`Eto. Magugustuhan mo.” Medyo nagtaka pa siya nang iabot nito ang baso sa kaniya. “S-sa akin?” Hindi makapaniwala si Olive na kinakausap siya ni Dustin. “Bakit? May iba pa bang tao akong kinakausap? Sige na. Take this.” Tumango siya at nahihiyang kinuha ang baso sa lalaki. Tinikman niya iyon. Masarap. Matamis pero hindi sobra. Nalalasahan niya sa huli ang alak pero hindi ganoon katapang gaya ng ginawa niya. “How was it?” “M-masarap. Thank you!” Huminto si Olive sa kaniyang pagbabalik-tanaw sa gabi ng party dahil lumaba na ang mga nakikita niyang eksena. Nasa tabi na niya si Mr. Gaston at matamang nakikinig sa kaniyang pagkukwento. “Bakit huminto ka sa pagkukwento? Ituloy mo lang,” anito. “Medyo hindi ko na po kasi natatandaan ang mga sumunod na nangyari.” Pilit pa rin niyang inaalala hanggang sa may nag-flash sa utak niya na mga kaganapan sa party ni Courtney… Napahawak si Olive sa kaniyang ulo nang kumirot iyon. Kausap niya sa gilid ng swimming pool si Dustin habang nakasawsaw sa tubig ang kanilang mga paa. Walang tao doon bukod sa kanila dahil lahat ay nasa loob ng bahay. Kalahati pa lang ng baso ang naiinom niya pero parang isang bote na ng alak ang ininom niya. Ganoon ang pakiramdam niya ng sandaling iyon. Pagtayo niya ay umikot ang paligid niya. Muntik pa siyang matumba kung hindi pa siya nasalo ni Dustin. “Careful!” anito sabay ngisi. “L-lasing na yata ako, Dustin. Ang sakit sa ulo ng pinainom mo sa akin, e.” Kahit ang sarili niyang pagsasalita ay hindi na niya naiintindihan. “Mahina ka lang sa alak. Saan ka ba pupunta? Uuwi na? The night is still young!” “Hindi. Kailangan ko nang umuwi. Pero pupunta lang ako sa CR. Maghihilamos ako at baka mawala itong hilo ko.” “Kung iyan ang gusto mo. Go…” Hindi na siya nagsalita pa. Inumpisahan na niya ang paglalakad pabalik sa loob ng bahay. Ngunit sa ikatlong hakbang niya ay nag-ekis ang mga paa niya at ang akala niya ay babagsak siya sa semento pero maagap si Dustin. Sinalo siya nitong muli. “D-dustin… H-hindi ko na k-kayang m-maglakad…” “I know, Olive. Close your eyes… Ako na ang bahala sa iyo.” Hindi niya nagustuhan ang ngising pinakawalan nito na parang may hindi ito magandang gagawin. Gusto niyang pumalag pero wala na talaga siyang lakas. Kusang pumikit ang mga mata niya. “Kris! Help me! Halika na! Bilis!” Iyon ang narinig niyang sinabi ni Dustin bago siya tuluyang nakatulog. “Kris… Dustin…” Halos pabulong na bulalas na sabi ni Olive nang maalala na niya kung sino ang taong huli niyang nakasama sa party ni Courtney. “Anong sabi mo?” tanong ni Mr. Gaston. “Naalala ko na po kung sino ang huling nakasama ko sa party. Si Dustin—boyfriend ni Courtney. Tapos may tinawag siyang pangalan. Kris. H-hindi po kaya sila ang gumawa nito sa akin?” May luhang pumatak mula sa mata niya. Ang sakit isipin na nagtiwala siya kay Dustin pero ganoon ang ginawa nito sa kaniya. Tumango-tango si Mr. Gaston. “Olive, hindi natin sila pwedeng kasuhan kung hindi ka sigurado. Pero isa ang sigurado ako na pwedeng mangyari sa iyo. Papatalsikin ka dito sa Wellington High o tatanggalan ka ng scholarship.” “Ayoko pong mangyari alin man sa dalawa! Kailangan ko po ng scholarship na iyon!” “Alam ko, Olive. Alam ko…” Umusog ito palapit. “Pero pwede kitang tulungan na hindi mangyari ang mga iyon kung susundin mo ang gusto ko,” sabi ni Mr. Gaston sabay ngisi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD