bc

School Trip 6

book_age0+
2.4K
FOLLOW
3.6K
READ
others
dark
tragedy
twisted
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

(TAGALOG STORY)

This is the sixth installment of SCHOOL TRIP series!

Are you ready to get twisted again?

Class resumes...

SCHOOL TRIP 6!

chap-preview
Free preview
LESSON 01
"CLASS dismissed! Good bye, class! See you tomorrow! Remember, bukas na ang deadline para sa project ninyo sa Filipino," ani Catherine sa tatlumpung estudyante na nasa harapan niya. Ang Fourth Year Section One ay ang advisory class niya at last subject siya ng mga ito. Huling klase na niya iyon para sa araw na 'yon. Sa wakas ay makakauwi at makakapagpahinga na rin siya. "Good bye, Teacher Catherine! Thank you!" chorus ng lahat. Bago pa lang si Catherine sa pagtuturo. Sa edad niyang twenty-seven ay dalawang taon pa lang siyang nagtuturo. Late na rin kasi siya nakatapos ng kolehiyo dahil sa nagkaroon siya ng anak. Ang paaralang Concepcion National High School sa probinsiya ng Quezon ang unang paaralan na pinagturuan niya at hanggang ngayon ay nandito pa rin siya. Mahal na mahal niya ang pagtuturo at nakikita niya ang sarili na tatanda sa propesyong kaniyang napili. Masarap sa pakiramdam na nagiging bahagi siya ng tagumpay ng mga estudyanteng tinuturuan niya. Nais din talaga niyang ibahagi sa iba ang kaniyan kaalaman at ang pagiging guro ang naisip niyang paraan. Kaya naman hindi niya ipagpapalit sa kahit na anong bagay ang pagiging guro. Bukod sa pagiging guro ay mahal din ni Catherine ang paaralan kung saan siya nagtuturo ngayon. Hindi lingid sa kaalaman niya na marami ang humahanga sa kaniya dahil sa kagandahang taglay niya. May iba na naiinggit din naman pero hindi na lang niya binibigyan ng pansin. May tsismis pa nga na kabit daw siya ng principal ng school dahil mabait ito sa kaniya. Walang namang katotohanan ang tsismis na iyon kaya ipinagsasawalang-bahala na lang ni Catherine kesa ma-stress siya. Alam naman niya ang totoo. Inayos na ni Catherine ang mga gamit. Isa-isa niya iyong isinilid sa kaniyang bag. Isa-isa na ring nagtayuan ang mga estudyante niya para umuwi. Isang babaeng estudyante niya ang nagtaas ng kamay. "Yes, Georgina?" "Teacher Catherine, pwede bang next week na lang ang deadline? Kahit for me na lang. You know naman na lumaban ako sa beauty contest last fiesta. Please... Consideration niyo na lang po sa akin, teacher." Maarteng sabi nito sa kaniya na may pekeng pagmamakaawa sa maganda nitong mukha. Gerogina is the class' muse. Maganda, mestisa at may kaya sa buhay ang pamilya. Iyon nga lang itinuturing itong school's bully. Mahilig itong mamahiya ng kapwa estudyante at mang-away sa mga taong sa tingin nito ay kinakalaban ito o hindi ito gusto. Kasama nito palagi ang mga kaibigan nitong sina Lena, Celine at Roxy. Umiling si Catherine. "I am sorry, Georgina, pero kung bibigyan kita ng ibang deadline ay magiging unfair ako sa iba mong classmates. And besides, hindi naman school activity ang sinalihan mong beauty pageant kaya hindi kita mapagbibigyan. Okay?" mahinahong sagot niya. "What? Okay. I can't pass the project talaga bukas kaya hindi na lang po ako magpapasa. Besides, patapos na ang school year. Ga-graduate din naman ako with or without that last project!" "Okay lang naman na hindi ka magpasa basta huwag kang mag-expect na makakapasa ka. At huwag kang iiyak kung mahihirapan kang magpapirma sa akin ng clearance." Nasamaan yata si Georgina nang hindi niya pinagbigyan ang request nito. Matalim siya nitong inirapan at padabog na kinuha ang bag. "Fine!" Tila naiinis nitong sabi. "Tara na nga, girls!" At hinila na nito palabas ang mga kaibigan. Kailan kaya magbabago itong estudyante kong 'to? Bulong niya sa sarili. Biglang may naalala si Catherine. Sinuyod ng mata niya ang kaniyang mga estudyante na parang mga isdang nagpupulasan sa tubig. Hanggang sa makita niya ang kaniyang hinahanap. "Damian!" tawag niya sa isang estudyanteng lalaki. "Bakit po, teacher?" Huminto si Damian sa paglabas ng pinto. "Pwede ba kitang makausap kahit saglit?" Isang gwapo, maputi at palaging nakangiting lalaking estudyante ang lumapit sa kaniya. Sa lahat ay ito ang maaasahan niya kaya naman ito rin ang itinalagang presidente ng kanilang klase. Responsable si Damian. Hindi lang ang gwapong mukha ang meron ito kundi talino at mabuting asal. "Tungkol po saan?" tanong ni Damian sa kaniya. "Gusto kitang batiin dahil ikaw ang valedictorian. Congratulations!" Sumilay ang malaking ngiti kay Damian. Hindi ito makapaniwala. "T-totoo po, teacher? Hindi niyo po ba ako jino-joke lang?" "Teacher ako at hindi joker. Saka ano pa ba ang nakakapagtaka doon? Matalino ka at ginagawa mo ang lahat para manguna sa klase. You deserved ito, Damian." "Pero wala pa pong final exam? Paano niyo po nalaman?" "Alam mo, kahit bumaba ka pa sa final exam ay ikaw pa rin ang magiging valedictorian. I'm pretty sure na sobrang proud na naman ang parents mo sa iyo." Napansin niya ang lungkot na bumalot sa estudyante niya. "Sana nga po maging proud sila..." Bumuntung hininga pa ito. "Bakit naman?" "W-wala po, teacher..." Ipinatong niya ang isang kamay sa balikat nito. "Walang magulang na hindi nagiging proud sa achievements ng anak nila. Saka, kung kailangan mo ng kausap, 'andito lang ako. Pangalawang magulang mo na ako, Damian..." aniya. Nais lang niyang pagaanin ang loob ni Damian dahil nararamdaman niya ang bigat ng dinadala nito. "Thank you po, Teacher Catherine!" "You're welcome. Okay, you may go now." Pagkasabi niya niyon ay tuluyan nang lumabas si Damian. Sinundan niya ito ng tanaw habang tinatanong niya ang sarili kung ano kaya ang problema ni Damian sa mga magulang nito. Oo nga pala, kahit minsan ay hindi niya nakitang nagpunta sa school ang nanay o tatay man lang ni Damian. Ngunit mas lalo siyang humanga sa estudyante niyang iyon dahil sa kabila ng problema nito ay hindi pa rin nito nagagawang pabayaan ang pag-aaral. Positibo pa rin ito sa buhay. -----ooo----- NILALAKAD lang ni Catherine ang daan pauwi sa apartment kung saan siya nakatira. Kapag pumapasok lang siya sumasakay ng tricyle dahil iniiwasan niya ang ma-late. Ayaw na ayaw niyang nale-late siya dahil baka pamarisan siya ng mga estudyante. Nais niyang maging maging example siya sa mga bata. Pwede rin naman siyang mag-tricycle pauwi pero iniisip niya na sayang din ang sampung piso. Kailangan niyang magtipid lalo na't mag-isa niyang binibuhay ang kaniyang nag-iisang anak. Hindi naman ganoon kalaki ang sweldo niya sa pagiging guro kaya ang paghihigpit ng sinturon ang paraan para mapagkasya niya ang sinasahod niya buwan-buwan. Nasa apartment din niya ang kaniyang ina na siyang nag-aalaga sa anak niya na limang taon pa lang. Ito na lang kasi ang pwedeng mag-alaga sa anak niya. May kaniya-kaniya nang pamilya ang tatlong kapatid niya na mas matanda sa kaniya. Ang tatay naman niya ay matagal nang pumanaw dahil sa sakit nito na lung cancer.Ilang minuto na lang at ala-sais na ng gabi nang makauwi si Catherine. Pagpasok niya ay agad siyang sinalubong ng kaniyang anak na si Caleb. Cute na cute ang anak niyang lalaki. Mataba kasi ito at bibong-bibo. Ito ang nagsisilbi niyang stress reliever lalo na't hindi biro ang pagiging guro. Kahit kasi nasa bahay ka na ay magtatrabaho ka pa rin. Hindi sa school natatapos ang lahat ng gawain niya. Pag-uwi niya sa bahay ay magkukwenta pa siya ng grades ng thirty na students at gagawa ng lesson plan. "Mama, karga!" Itinaas ni Caleb ang dalawang kamay. Medyo bulol pa itong magsalita. Agad namang kinarga ni Catherine ang anak at sinamahan pa iyon ng yakap. "Naku, amoy araw ka na naman! Naglaro ka na naman sa labas, 'no?" Pinaghahalikan niya ito sa leeg at tawa ito nang tawa dahil nakikiliti. "Tama na, mama! Kiliti ako, e!" hagikhik nito. Huminto na siya at dinala ito sa maliit na sofa. Doon sila umupong mag-ina. "Nagpasaway ka ba kay lola?" "Bait ako, mama. Promise!" "Mabuti naman, anak. Be a good boy para sa birthday mo sa May ay ibibili kita ng laruan at kakain tayo sa Jollibee!" "Yehey! Jollibee! Gusto ko po truck, ha. Saka bike po." Biglang lumabas mula sa banyo ang nanay niyang si Cecilia. Medyo amoy tae ang singaw ng banyo kaya alam na niya ang ginawa nito. "'Nay, pakisarado naman ng pinto ng banyo. Amoy tae po," aniya. Isinara naman nito iyon at nilapitan siya. "Saka na ang laruan at Jollibee ng anak mo. Ang unahin mo ay ang upa natin dito sa bahay. Aba, ngumangawa na naman si Yolly sa labas. Iyong bayad daw natin para sa dalawang buwang utang natin sa upa. Kung hindi lang ako takot mapalayas tayo dito ay nilabas ko na siya at sinuntok sa malaki niyang nguso!" Nanggigigil na pagkukwento ng nanay niya. "Masanay na po kayo diyang kay Aling Yolly." Iyon ang kanilang landlady. "Isang taon na rin naman tayo na nakatira dito. Saka matandang dalaga na po iyon kaya mainit ang ulo. Nagkausap na rin po kami kahapon at nasabi ko sa kaniya na sa katapusan ay babayaran ko iyong kulang natin sa kaniya." "Iyon na nga. Nagkausap na pala kayo pero panay pa rin ang parinig. Iba rin talaga kapag kulang sa hindot, e!" "'Nay, may bata... Iyong mga sinasabi niyo." "Mama, ano po iyong hindot?" Inosenteng tanong ni Caleb. "Bad word iyon kaya 'wag mong sasabihin. Ang mabuti pa ay magpalinis ka na sa lola mo para magluluto na ako at kakain na tayo pagkatapos. Okay ba 'yon?" "Okay, mama!" Tumalon na ito sa sofa at sumama sa lola nito papuntang banyo. -----ooo----- MAAGANG nagising ng umagang iyon si Catherine. Ayaw pa sana niyang bumangon pero Biyernes pa lang ngayon at kailangan niyang pumasok sa school para magturo. Inaantok pa kasi siya dahil tinapos na niya ang kaniyang gawain. Kakaunti na lang naman iyon dahil patapos na ang klase. Bumangon na siya at naligo. Matapos iyon ay nag-almusal na siya at pumasok na sa eskwelahan. Wala nang masyadong ginagawa ang mga estudyante dahil patapos na ang school year na iyon. Wala na ngang isang buwan. Naging magaan naman para kay Catherine ang araw na iyon ng kaniyang pagtuturo. Matapos ang huling klase niya ay nagpunta siya sa faculty room para kunin ang ilang gamit niya. "Hay, finally! Bakasyon na naman next month!" pakli ni Teacher Mona na tanging ka-close niya sa lahat ng co-teachers niya sa CNHS. Medyo magkalapit lang kasi ang edad nila. Matanda ito sa kaniya ng dalawang taon ngunit anim na taon na ito sa serbisyo. "Oo nga, e. Makakapagpahinga na rin tayo for two months." "Anong pahinga ka diyan? Alam mo naman na kahit bakasyon ang mga students ay nagtatrabaho pa rin tayo. Dapat talaga, pinagtatayo tayo ng rebulto dahil isa tayo sa mga buhay na bayani! Tapos wala man lang pagtaas ng sweldong nagaganap. Nakakaloka!" Natawa siya ng kaunti sa sinabi ni Mona. Taklesa talaga ito at ganoon magsalita. "Ganoon talaga. Masaya naman maging guro." "Ewan ko!" Tumayo na ito at isinukbit ang bag sa isa nitong balikat. "Ang mabuti pa, dahil Friday naman ngayon ay magpunta na lang tayo sa bayan. Try natin iyong bagong bukas na restaurant doon." "Mona, pass muna ako. Wala pa rin akong pera, e." "Okay, Fine. Treat ko!" Umiling siya. " Hindi talaga ako pwede ngayon. Saka magta-type din ako ng final exam. Next week na rin iyon, e." Itinirik ni Mona ang mga mata. "Ay, naku. Wala ka na ngang s*x life, pati ba naman social life. Okay, fine! Mauuna na ako at baka mahawaan pa ako ng pagiging masipag at ulirang guro mo, Catherine! Bye. Mag-ingat ka dito. Maraming multo!" "Sige, takutin mo pa ako. Sa dalawang taon ko dito, wala pa akong nakikitang multo. Bye. Ingat ka din!" At tuluyan na siyang iniwan ng kaibigan. Mag-isa na lang si Catherine sa faculty room. Ganito talaga kapag Friday sa CNHS, maagang umuuwi ang mga co-teachers niya. Ngunit ito ang gusto ngayon ni Catherine. Tahimik at walang istorbo. Mabilis niyang matatapos ang kaniyang gagawin. Tumayo siya sandali para kuhain ang typewriter at bumalik siya sa table niya na dala iyon. Inilabas na niya ang handwritten na final exam para sa Filipino. Iyon ang ginawa niya kagabi. Ita-type niya iyon sa typewriter at saka niya ipapa-photocopy. Habang nilalagyan niya ng ink ang typewriter ay nagulat siya nang biglang pumasok ang matandang janitor ng school. "Ano ba 'yan, kuya? Nakakagulat naman po kayo!" Naibaba niya ang ink at napahawak siya sa kaniyang dibdib. "Pasensiya na po, ma'am. Kukunin ko lang po kasi iyong mga basura dito." Kakamot-kamot sa ulo na sabi nito. "Okay lang po pero next time, kumatok po kayo. Paano pala kung may sakit po ako sa puso. Edi, bumagsak na lang po ako dito." "Sorry po talaga..." Hindi na nagsalita pa si Catherine. Hinintay na lang niyang kunin ng janitor ang laman ng mga basurahan at nang umalis na ito ay saka niya inumpisahan ang pagta-type. Ilang sandali pa nga'y ang tunog na lang ng tiklado ng typewriter ang maririnig sa faculty room. Tutok na tutok si Catherine sa ginagawa dahil gusto na niya iyong matapos. Huminto siya saglit at sinulyapan ang oras sa wall clock. Fifteen minutes na lang at ala-siete na ng gabi. Paniguradong hinahanap na siya ng anak niya. Pero hindi naman siya nababahala dahil kasama naman nito ang lola nito. Alam na ng mga ito na kapag wala pa siya sa bahay ng ganitong oras ay nauuna na ang mga ito sa pagkain ng hapunan. Sandali siyang tumigil para mag-stretch ng likod. Natigilan siya nang magpatay-sindi ang ilaw hanggang sa tuluyan na iyong mamatay. Brownout ba? Tanong niya sa sarili. Pero imposibleng brownout dahil may ilaw ang mga poste ng ilaw sa labas. Tumayo siya at hinila ang inuupuang bangko. Tumapat siya sa ilaw at ginawang tuntungan ang bangko para maabot niya ang bombilya. Ginalaw-galaw niya iyon at bumalik naman ang ilaw. Pababa na siya sa bangko nang malakas na sumara ang pinto. Nagulat siya na naging resulta ng pagkalaglag niya sa upuan. Unang tumama sa sahig ang kaniyang puwitan at halos maiyak siya sa sakit na idinulot niyon sa kaniyang balakang. "Aray ko... Ang sakit..." daing ni Catherine. Pinilit niyang tumayo at bumalik sa kaniyang ginagawa ngunit ganoon na lang ang takot niya nang isa-isang sumara ang mga bintana kahit wala namang malakas na hangin. Muling nagpatay-sindi ang ilaw at may naririnig pa siyang mga boses na tumatawag sa kaniya. "Catherine... Catherine..." Paulit-ulit. Iba't ibang boses na para bang sumasamo at humihingi ng tulong. Unti-unti nang tinatablan ng takot si Catherine. Panay ang linga niya dahil baka bigla na lang may lumitaw at atakihin siya. Hanggang sa isang kalunos-lunos na iyak ng isang babae ang narinig niya. "Tulong, Catherine... Tulong!" Iyak na nagpatindig sa balahibo niya sa buong katawan! Bigla niyang naalala iyong sinabi sa kaniya ni Mona bago siya nito iwanan doon nang mag-isa. Mag-ingat ka dito. Maraming multo! Paulit-ulit iyong pumailanlang sa kaniyang tenga. Mukhang hindi nga ito nagbibiro. Nagsasabi nga ito ng totoo! Totoong may multo sa school na ito! Patuloy pa rin ang pagtawag sa kaniya at ang pag-iyak ng babae. Kahit saan naman siya tumingin ay wala siyang nakikita. Hindi na napigilan ni Catherine ang magsisigaw. "Tama na! Ayoko na!" Sa kagustuhan niyang makalabas agad ng faculty room ay tinakbo na niya ang pinto nang hindi man lang nadadala ang kaniyang mga gamit. Wala siyang ibang nasa isip kundi ang makalayo sa lugar na iyon dahil sa labis na takot. CLASS DISMISSED...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.7K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.0K
bc

NINONG III

read
364.3K
bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
273.0K
bc

NINONG II

read
619.4K
bc

Stubborn Love

read
98.9K
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
536.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook