LESSON 02

2633 Words
“THAT Teacher Catherine! Ipinahiya niya ako sa buong class natin kanina! Porke ba teacher siya ay may rights na siyang gawin sa akin 'yon? Bago pa lang siya sa school na 'to at hindi niya pa yata ako kilala!” Nakasimangot na himutok ni Georgina habang nasa pool side silang magkakaibigan sa bahay nila. Naroon din ang boyfriend ni Lena na si Julian at ang kaibigan nitong si Carlson. Nakasuot siya ng one piece swimsuit habang nakaupo sa gilid ng pool. Nakalublob sa tubig ang kaniyang paa at manaka-naka’y umiinom siya ng iced tea. Habang ang mga kasama niya ay nakaupo lang sa gilid at nag-e-enjoy sa pagkain ng pizza. Kakagaling lang nila sa school. After na magpahinga ay napagkatuwaan nilang tumambay sa harapan ng kanilang malaking bahay kung saan naroon ang pool. Siyempre, siya lang ang naka-swimsuit dahil walang baon ang mga kaibigan niya. “What? Hindi ka pa rin kilala ni Teacher Catherine? 'Di ba nga, tinawag ka niya sa name mo kanina. Papaanong hindi ka pa niya kilala?” Kakamot-kamot sa ulo na tanong ni Celine. Sa tatlo niyang kaibigan ay ito ang medyo may pagka-slow. Hindi niya alam kung nabagok ba ang ulo nito noong baby pa ito o sadyang ganoon talaga ang utak nito. “Hindi ganiyan ang ibig kong sabihin, Celine! Boba!” Winisikan niya ito ng tubig mula sa pool. “Ang ibig kong sabihin, hindi pa niya yata alam na ang parents ko ang palaging may malaking ibinibigay na pera sa school kapag may kailangang ayusin doon!” “Oh, yes, Georgina. Ang dami kayang naka-witness sa pagpapahiya niya sa iyo. You’re just asking lang naman kung pwede ka niyang bigyan ng deadline pero ang dami na agad niyang nasabi. I think, sinadya niyang ipahiya ka,” panggagatong naman ni Roxy. “Sa tingin ko naman ay hindi. Gusto lang ni Teacher Catherine na maging fair sa lahat,” supla naman ni Lena kay Roxy. Sa kanilang apat na babae doon, ito ang masasabi niyang pinaka mabait. Mabait nga ito pero mahina naman ang utak. Tumayo si Georgina at inubos ang laman ng kaniyang baso. “Ah, basta! Hindi ako papayag na ganoon na lang iyon. I want to get even! Gusto kong gumanti!” Naniningkit ang mga mata niya habang nakatingin sa malayo. Ang ayaw pa naman niya sa lahat ay iyong kinakalaban siya at talagang lumalaban siya. Patas man o hindi, patalikod o paharap… basta lumalaban siya. Napatingin siya sa kaniyang kaliwang balikat nang may kamay na humawak doon. Isang matabang kamay. “Georg, ano bang klaseng pagganti ang gusto mong gawin? Pwede kitang tulungan.” Si Carlson-- ang matabang kaibigan ni Julian. “Alam mo naman na magaling kami ni Julian pagdating sa prank.” Amoy na amoy niya ang hininga nito. Iniiwas niya ang balikat niya dito na para bang diring-diri siya. Humarap siya dito. “Pwede ba, kapag magsasalita ka, 'wag mong ilapit sa akin 'yang bunganga mo na ang hininga ay amoy nilulutong bulok na basura? And prank? Really? Anong klase namang prank, Carlson?” Nag-crossed arms siya. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang panliligaw ni Carlson sa kaniya simula noong third year sila. Ilang beses na niya itong binasted pero makulit pa rin ito sa panliligaw. Ayaw nitong tumigil kaya hinahayaan na lang niya. Minsan din naman ay napapakinabangan niya ito. Pagdating kasi sa kaniya ay tiklop ito kaya lahat ng iutos niya ay walang pagdadalawang-isip nitong sinusunod. Hindi lang naman si Carlson ang nanliligaw sa kaniya. Marami pa. Pero walang umuubra sa mga ito dahil wala siyang time sa pag-ibig at pakikipag-nobyo. Mas gugustuhin pa niyang mahalin ang sarili kesa ibang tao. Hiningahan ni Carlson ang kamay nito at inamoy iyon. “Hindi naman mabaho, a. Teka, balik sa prank. Kami na ang bahala ni Julian kung paano ipa-prank si Teacher Catherine basta kailangan namin ng cooperation ninyon apat. Ano? Call?” Isa-isa silang tiningnan ni Carlson. “Game! May naisip na agad ako!” ani Julian habang nakaakbay kay Lena. “Game!” sigaw nilang lahat maliban kay Lena na halatang hindi sang-ayon sa gustong mangyari ng nakakarami. “Alam ninyo, 'wag na lang nating ituloy. Maliit na bagay lang naman. 'Wag na nating palakihin. Basta, huwag niyong gawin iyan kay Teacher Catherine!” Tama nga ang hinala niya na hindi sang-ayon si Lena. Sabagay, madalas naman itong kumontra kapag may gagawin silang ganoong bagay. Hindi niya alam kung naduduwag lang ba ito o sadyang nagbabait-baitan ito. “'Ayan ka na naman, Lena! Oh, well. What do I expect? E, palagi ka namang anghel-anghelan! Basta, tuloy pa rin ang pag-prank natin kay Teacher Catherine. At ikaw, Carlson, make sure na hindi ito papalpak dahil malilintikan ka sa akin!” “Akong bahala, Georg! Bakit kasi hindi mo pa ako sagutin para naman may nagtatanggol na sa iyo palagi?” Kulang na lang ay magtaasan ang balahibo ni Georgina nang kindatan siya ni Carlson. Nilapitan pa siya nito at inakbayan. “Hindi ka ba naiinggit kina Lena at Julian? Tingna mo sila… ang sweet-sweet nila palagi, o.” Inalis niya ang pagkakaakbay nito sa kaniya. “Oh, please! 'Wag mo akong hahawakan without my permission! At saka, bakit naman ako maiinggit sa dalawang iyan? E, parehas naman silang bobo! Ano na lang ang magiging anak nila, 'no? Maawa naman sila sa lahing ipo-produce nila!” Malakas ang loob niya na sabihin iyon dahil sa matalino siya. Consistent na second honor siya simula first year hanggang third year high school. “At kung ikaw lang din naman ang magiging first boyfriend ko, Carlson, huwag na lang. Sa taba mong 'yan, baka magkaroon ako ng high blood. I don’t eat fats. I’m sorry!” Mataray niya itong inirapan. Maya maya ay may pumasok na kotse. Umayos ang mga kaibigan niya nang sabihin niyang ang mommy at daddy niya ang sakay niyon. Huminto ang kotse sa garahe at mula doon ay bumaba ang isang lalaki at babae na nasa early forties. Sa tindig, paglalakad at pananamit pa lang ay mahihinuha mo na agad na mayayaman ang mga ito. Mabilis na kinuha ni Georgina ang robe at isinuot iyon. Sinalubong niya ang dalawa para halikan ang mga ito sa pisngi. “You’re wet,” ani ng mommy niya. Parehas istrikto ang parents niya kaya naman kapag nandito siya sa bahay ay hindi siya makakilos nang maayos. Kapag nasa school lang niya nailalabas ang tunay niyang ugali. Tumingin ang mommy niya sa likuran niya at sigurado siyang nakita nito ang mga kaibigan niya. “Uhm, nagkakatuwaan lang po kami pero--” Nilampasan siya ng mommy niya at pinuntahan nito ang mga kaibigan niya. “Hindi ba’t malapit na ang final exams ninyo? Mas maganda yata kung imbes na tumambay kayo diyan ay nagre-review kayo?” Nakataas ang noo na sabi nito sa mga kaibigan niya. Tumayo naman si Celine at pinagpagan nito ang puwitan. “Ay, tita, hindi naman po kami tumatambay dito. We’re eating po ng pizza.” Ipinakita pa nito sa mommy niya ang isang slice na kinakain nito. “You want po ba?” Celine! Stop! Tili ng utak ni Georgina. Kulang na lang ay panlakihan niya ito ng mata. Hindi nito alam ang ginagawa. Kahit kailan talaga ay katangahan ang ipinapairal nito. Kahit nakatalikod ang mommy ni Georgina sa gawi niya ay parang nai-imagine niya ang mataray nitong mukha. Dito nga yata siya nagmana. “Hindi ako kumakain ng junk foods.” Sa tono na iyon ng mommy niya ay alam niyang naiirita na ito. Alam naman niya na hindi nito gusto ang circle of friends niya. Baka daw mahawaan siya ng pagiging bobo ng mga ito. E, anong magagawa niya? Simula elementary ay magkakasama na sila nina Lena, Roxy at Celine. Ang mga ito ang kayang pagtiisang ang tunay na siya. Hindi niya kailangang magpanggap sa harap ng mga ito. Iyon ang hindi nakikita ng mga magulang niya. “Tita, hindi naman po ito chichirya--” “Hindi nalilimitahan sa chichirya ang junk foods. And don’t call me tita. Hindi kita pamangkin.” Iniwanan siya ng daddy niya para lapitan din ang mga kaibigan niya. “It’s better kung umuwi na kayong lahat. Mag-aaral pa si Georgina. Hindi ba kayo hinahanap ng mga magulang ninyo?” Maawtoridad na turan nito sa mga kaibigan niya. Pasimple silang nagtinginan. Sa panlalaki ng mata niya ay alam na ng mga ito ang ibig niyang sabihin. Nagpaalam na ang mga ito sa kaniya pati na rin sa mommy at daddy niya. “Pumasok ka na sa loob at magpalit ka na, Georgina,” ani ng mommy niya. “After that, bumaba ka na for dinner.” “Y-yes, mommy.” Wala na siyang nagawa kundi ang sundin ito. Matapos niyang magpalit ng damit ay bumaba na siya sa dining area. Naroon na ang mommy at daddy niya at nakahanda na ang kanilang hapunan. Umupo na siya para kumain. “How’s school, Georgina? Malapit na ang final exam ninyo,” wika ng mommy niya habang naglalagay siya ng kanin sa pinggan. “Okay naman po. Don’t worry, nakakapag-review naman po ako.” “Bawasan mo na muna ang pakikipagkita mo sa friends mo or it’s better kung hindi na ever,” anito pa. “Mommy, they’re my friends…” “Pero hindi sila nakakatulong sa studies mo,” ang daddy niya. “Sa tingin mo ba ay magiging top ka sa class ninyo? May pasali-sali ka pa sa beauty contest. Tigilan mo na 'yan dahil hindi iyan makakatulong sa pag-aaral mo.” “Confident po ako na makakasama po ako sa top, dadd--” “Hindi kasama sa top kundi top. Top one. The best!” “But, daddy, I am the best!” Nakakainsultong tumawa ang mommy niya. “You’re always the second best simula nang mag-high school ka. Sino nga ba iyong palaging top one sa inyo? Ah, I remember his name. Damian Oliver. Right?” Tumango siya. Tama naman ang mga ito. Kung noong elementary ay palagi siyang top one, nagbago ang lahat nang tumuntong siya sa high school at maging kaklase niya si Damian. Ito na ang palaging naging top one at first honor. Pero hindi naman niya iyon pinapansin dahil ang importante naman ay nasa top pa rin siya. Sa mga sinabi ng parents niya ngayon ay nalaman niyang hindi pa pala sapat para sa mga ito ang ginagawa niyang pagsisikap sa pag-aaral. “Graduate kami sa school kung saan ka nag-aaral. Valedictorian kami ng mommy mo nang grumaduate kami kaya huwag mo kaming ipapahiya. Kailangan mong maging valedictorian, Georgina. Tandaan mo na na hindi mo kami pwedeng biguin dahil you’re our only child. Wala kaming anak na bobo. Do you understand?” Labis na nagliit si Georgina sa sinabing iyon ng daddy niya. “Opo, daddy. I promise… ako po ang magiging valedictorian.” -----ooo----- HALOS mamatay na sa kakatawa sina Georgina at ang mga kaibigan niya nang makita nilang takot na takot na nagtatakbo palabas ng faculty room si Teacher Catherine. Wala itong kaalam-alam na prank lang ang lahat. Hindi nito alam na ang boses at umiiyak na naririnig nito ay sila lang nina Roxy at Celine. Ang nagsasara-bukas naman ng mga bintana ay sina Carlson at Julian. Hindi na nila isinama si Lena dahil baka abutin na naman ito ng pagiging mabait nito at mapurnada pa ang balak nilang prank kay Teacher Catherine. Nang wala na si Teacher Catherine ay saka lang sila lumabas ng pinagtataguan para pagtawanan ito. “Nakaganti na rin ako sa kaniya! She deserved that!” ani Georgina nang humupa na ang tawa niya. “Bilib na talaga ako sa inyong dalawa,” tukoy naman niya kina Carlson at Julian. “Paano niyo nga pala nagawa iyong pag-on and off ng ilaw? Ang galing, ha!” Nagkatinginan ang dalawang lalaki na para bang hindi alam ng mga ito ang sinasabi niya. “Wait, wait. Ang akala namin ay kayo ang nagpapatay-buhay no’ng ilaw,” sabi ni Julian. “Paano naman namin magagawa 'yon? Wala kami sa loob--” Sandaling natigilan si Georgina. Unti-unti na siyang kinikilabutan. “Nagloloko lang kayo, right?” Umiling sina Carlson at Julian. “s**t!” mura niya at nagpaunahan silang tumakbo palayo sa faculty room. Kung hindi kasi sina Julian ang nagpatay-sindi ng ilaw ay sino? Sigurado siyang hindi sina Roxy at Celine iyon dahil katabi niya ang dalawa. Huminto lang sila sa pagtakbo nang nasa labas na sila ng gate. Doon ay habol nila ang kani-kanilang paghinga. “Bakit nga pala tayo tumakbo?” Hinihingal at nagtatakang tanong ni Celine. “Tanga!” bulyaw dito ni Roxy. “May multo!” “Multo lang pala, e-- What?! Multo?!” anito at bigla itong nanghimatay. Mabuti na lang ay nasalo ito ni Carlson kundi ay hahalik ang mukha nito sa lupa. -----ooo----- NAKATAMBAY sa waiting shed sa tapat ng school si Lena. Pauwi na sana sila kanina nang paunahin siya nina Georgina. May gagawin pa daw ang mga ito. Ayaw sana niya na humiwalay sa mga ito pero nang si Julian na ang magsabi sa kaniya ay wala na siyang nagawa kundi ang sumunod. Ang ginawa niya ay tumambay na lang siya sa may waiting shed upang hintayin ang mga ito doon. Upang hindi mainip ay inilabas na lang niya ang kaniyang drawing pad at nagdrawing. Paborito niyang magdrawing ng mga halimaw o tao na may kakaibang anyo. O kaya naman ay kung ano lang ang maisipan niya. Sa ganoon ay nalilibang na siya. Napahinto siya sa ginagawa nang makita niyang humahangos na tumatakbo si Teacher Catherine sa pagtawid. Nang nasa waiting shed na ito ay napansin niya ang pagiging balisa nito. Hindi na nga siya nito napansin na naroon siya. “Teacher?” tawag niya. Napapitlag ito at gulat na napalingon sa kaniya. “Lena! I-ikaw pala!” Doon niya nakita na parang takot na takot ito. Pawisan ang mukha nito at medyo nanginginig pa. Inilagay niya sa tabi ang drawing pad at nilapitan ito. “Okay lang po ba kayo, teacher? Bakit po parang takot na takot kayo?” Nag-aalala niyang tanong. “H-hindi ko alam kung maniniwala ka p-pero may multo sa faculty room!” “Ano po?” Hindi makapaniwalang bulalas niya. Multo? Totoo ba ang narinig niya? Bigla niyang naisip sina Georgina na sa pagkakaalam niya ay nasa loob pa rin ng school. Mukhang alam na niya ang ginawa ng mga ito! Tumawid siya pakabila para bumalik sa school. “Lena! Bumalik ka dito!” sigaw sa kaniya ni Teacher Catherine pero hindi niya ito pinakinggan. Malayo pa siya sa gate ay nakita na niya sina Georgina. Nilapitan niya ang mga ito. “Anong ginawa ninyo? Itinuloy niyo pa rin ba ang pag-prank kay Teacher Catherine?” tanong niya. Nakita niya na walang malay na nakahiga sa lupa si Celine habang pinapaypayan ni Carlson gamit ang notebook. “Anong nangyari kay Celine? P-patay na ba siya?!” “OA!” Nakatirik ang mata na sabi ni Georgina. “Nanghimatay lang 'yan!” “Nakita ko si Teacher Catherine. Takot na takot siya! Hindi na kayo naawa sa kaniya!” Hinarap siya ni Georgina. “E, sa akin? Hindi ka naaawa sa pagpapahiya niya sa akin? Kaibigan ba talaga kita, Lena? O baka gusto mong patalsikin na kita sa grupong ito!” May pagbabantang sabi ni Georgina habang nakataas ang isang kilay. “H-hindi naman sa ganoon…” “Then shut up!” Nakipagtitigan ito sa kaniya. “I need to go. Kayo na ang bahala kay Celine! Bye, guys!” At walang lingon-likod na iniwan sila ni Georgina. CLASS DISMISSED…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD