bc

Creepy Talks

book_age0+
1.5K
FOLLOW
4.2K
READ
dark
beast
tragedy
twisted
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

(TAGALOG STORY)

Three horror stories that will make you feel creepy...

Come here. Let's talk... CREEPY!

Story #01- Silent Night

Story #02- Isla Diablo

Story #03- Do Not Disturb

chap-preview
Free preview
STORY #01- SILENT NIGHT (Teaser and Prologue)
CREEPY TALKS presents... "SILENT NIGHT" (Story #01) Tuwing lumilipas ang 13 na taon... Sa araw ng Kapaskuhan lamang, Muli siyang nagigising sa kanyang pagkakahimlay. Sa isang maliit na baryo, Siya'y naghahasik ng lagim. Kung tawagin siya'y WAKWAK. Pumapatay, kumakain... Makakaligtas ka kaya, Sa matutulis niyang kuko? Sa matatalim niyang ngipin? Ito ang Paskong hinding-hindi mo malilimutan! PROLOGUE 13 DAYS BEFORE CHRISTMAS… Kapag ganitong ilang araw na lang at nalalapit na ang Pasko, normal nang makakita ka ng makukulay na Christmas decors sa halos lahat ng bahay. Lahat ng tao ay masaya at excited sa pagsapit ng Pasko dahil ito ang araw kung saan makukumpleto na naman ang pamilya nila o hindi kaya ay makakapag-reunite sa mga kaibigang matagal na hindi nakita. Ngunit iba sa Baryo Santicidad… Kapag ganitong malapit na ang Pasko, imbes na kasiyahan ay takot ang naghahari sa lahat ng taong nakatira doon. Sinasabing ang baryong iyon ay isinumpa ng langit dahil sa makasalanang gawain ng mga taong nakatira doon noong una. Tinalikuran daw ito ng Diyos dahil sa ang mga tao roon ay hindi Siya kinikilala. Tunay nga yatang isinumpa ang naturang baryo dahil kung sinuman ang umalis sa lugar na iyon ay namamatay sa hindi malamang dahilan. Kaya walang taga-Santicidad ang nagtatangkang mangibang-bayan o lugar. May matataas pang mga bato na nakapaligid dito na hindi kayang akyatin ng kahit na sino man. Tanging isang maliit na lagusan lamang ang daan palabas ng lugar na iyon. Ngunit hindi lang iyon ang kinatatakutan ng mga tao doon. Kinakatakutan nila nang husto ang pagsapit ng Pasko. Dahil isang nilalang na nakalibing sa pinaka gitna ng baryo ang nabubuhay mula sa pagkakahimlay nito. Isang nilalang na pinapaniwalaan nila na galing sa impyerno at ipinadala ni Satanas upang lipunin ang mga tao doon. Upang singilin ang Baryo Santicidad at dalhin ang mga kaluluwa ng mga tagaroon sa mainit na impyerno! Ang nilalang na ito ay isang babae. Isang halimaw na nakakatakot ang anyo. Malaki ang mata at palaging nanlilisik. Magaspang ang balat na parang sa ahas at dragon. Mataas ito at may malaking pakpak na ginagamit nito sa paglipad. May mahaba itong dila na parang sa ahas, matutulis ang ngipin na hindi mo mabibilang kung ilan dahil sa dami. Ang kamay nito ay may matutulis na kuko habang ang paa naman nito ay parang sa agila. Tinatawag ito ng mga taga-Santacidad na WAKWAK. Ayon sa kwento, ang Wakwak ay isang magandang babae na taga-Santicidad. Kinainggitan daw ito ng ibang kababaihan doon kaya ginawan ito ng kwento. Ipinagkalat nila na isa itong aswang kahit hindi naman iyon tunay. Kaya naman walang awang pinatay ng mga tao roon ang kawawang babae at ibinaon ang katawan nito sa gitna ng Santacidad. Makalipas daw ang labingtatlong taon ay nagsimula nang manalasa ang Wakwak tuwing Pasko. Tuwing Pasko ay bumabangon ito at pumapatay ng mga tao sa kahindik-hindik na paraan. Wala itong awa, wala itong pinapalampas. Para itong isang hayop na gutom na gutom, kumakain ng laman ng tao, umiinom ng sariwang dugo. Muli lang mahihimlay ang Wakwak kapag tapos na ang Pasko. Matutulog muli ito sa loob ng labingtatlong taon. At makalipas ang labingtatlong taon, sa ika-labingtatlong Pasko, muli itong gigising upang maghasik ng lagim! -----***----- ISANG matandang babae ang nakatingin sa palayan na nasa gitna ng Baryo Santicidad. Isa siya sa pinaka matandang tao sa maliit na lugar na iyon. Ang Santicidad ay nasa liblib na bahagi ng Pilipinas at walang ibang tao na nakakapunta doon dahil tila nagtatago iyon sa gitna ng isang malawak na kagubatan. Magkahalo ang kaba at takot na nararamdaman ng matanda habang nakikita niya ang pagkamatay ng mga palay at iba pang pananim doon. “Malapit na siyang gumising…” bulong niya. Nagmamadali siyang lumisan sa lugar na iyon. Kailangan na niyang sabihan ang kaniyang mga kabaryo na malapit nang magising ang Wakwak. Kailangan na nilang maghanda!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
416.0K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.0K
bc

The Sex Web

read
133.1K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M
bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
476.0K
bc

Reckless Hearts

read
256.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook