bc

The Killer Wife

book_age16+
2.0K
FOLLOW
14.2K
READ
badgirl
drama
tragedy
twisted
bxg
mystery
city
abuse
betrayal
cheating
like
intro-logo
Blurb

[THE WIFE Series #01]

Ang pagpapakasal ni ANGELA kay CEDRICK ang tila naging daan niya papuntang "impyerno". Nagtiis siya, nagbulag-bulagan at nagpakatanga. Hanggang sa mamatay ang babae ng kaniyang asawa na si ROXANNE at lahat ng ebidensiya sa krimen ay siya ang itinuturong may kagagawan. Sinubukan niyang tumakas at napunta siya sa kamay ng asawa ni Roxanne na si LOGAN. Isang hindi inaasahang pagsasanib-pwersa ng dalawang pusong ang tanging hangad ay paghihiganti...

chap-preview
Free preview
Chapter I
      “Ipinapangako ko sa iyo, Angela, na walang araw at oras na hindi kita mamahalin. Palagi kong ipaparamdam sa iyo ang pagmamahal ko because you deserve that. Mahal na mahal kita, Angela. Kahit ang buhay ko ay handa kong ialay sa iyo. Hinding-hindi ako gagawa ng bagay na magiging dahilan para masaktan ka. Mas nanainisin ko pang mamatay kesa sa saktan ka, Angela. Walang ibang tao ang nakapagparamdam sa akin ng ganitong pag-ibig kundi ikaw lang… Habangbuhay ang pagmamahal ko sa iyo. Mahal na mahal kita, Mrs. Angela San Pedro Moreno!” Sa isang halik sa labi tinapos ni Cedrick ang speech nito para kay Angela. Sinabayan iyon ng masigabong palakpakan ng mga tao na nakapaligid sa kanilang dalawa. Si Angela naman ay tigam na ang luha sa mata sa kakaiyak. Labis na na-touch ang puso niya sa sinabing iyon ng kaniyang asawa. Ang totoo niyan ay kakatapos lang ng kasal nila sa simbahan kanina. Ngayon ay nasa isang restaurant na sila kung saan ginaganap ang reception ng kanilang kasal. Nakatayo sila sa gitna at nagbigay sila ng mensahe nila sa isa’t isa. Napakaligid sa kanila ang mga taong naging bahagi ng kanilang dalawang taon na pag-iibigan bilang magkasintahan. Ang nanay ni Cedrick, mga kaibigan nila at iba pang kakilala. Mas madami ang kamag-anak ni Cedrick na naroon dahil wala na siyang mga magulang. Noong nakaraang taon ay namatay ang dalawa nang mag-crash ang eroplanong sinasakyan ng mga ito. Sariwa pa ang sugat sa puso ni Angela sa pagkamatay ng mga magulang niya. Kaya malaking tulong sa pagmo-move on niya si Cedrick. Ang pag-ibig nito ang nagsisilbing gamot sa sugat niya. Ito ang nagbibigay ng kasiyahan sa kaniya at dahilan para magpatuloy sa buhay. Paano nga ba nagsimula ang pag-iibigan nila ni Cedrick? Kahit ilang beses na balikan ni Angela sa alaala niya kung paano dumating si Cedrick sa buhay niya ay hindi siya nagsasawa. Nangyari ang unang pagtatagpo nila ni Cedrick sa isang coffee shop. Twenty three years old pa siya noon at hindi pa nagkakaroon ng nobyo dahil sa mababa ang kaniyang self confidence. Aminado siya na hindi siya kagandahan. Hindi siya kagaya ng ibang babae na mapustura, magaling mag-make up at may magandang mukha na hahabulin ng mga lalaki. May pera man sila para sa pagpapaganda niya ay wala talaga siyang hilig sa ganoong bagay. Ang sa kaniya, kung mamahalin siya ng isang lalaki ay dahil sa kung ano siya at hindi dahil sa magandang pisikal na meron siya. Para sa kaniya ang pagpapaganda ay hindi kailangan kung tunay na pag-ibig ang iyong hinahanap. Parang eksena sa pelikula ang lahat nang magtagpo ang landas nila ni Cedrick. Nakipagkita kasi siya noon sa ka-chat niya. Naisipan niya na kailangan na niyang magkaroon ng nobyo dahil sa tumatanda na ang parents siya. Siya lang ang magbibigay sa mga ito ng apo. Hindi naman sa hinihiling niya ngunit nais niyang makita ng mga magulang niya ang apo nito bago mawala ang mga ito. Ang pagkikita niya sa ka-chat niya ay disaster. Hindi ito nangiming sabihin sa mukha niya na hindi nito inaasahan na ganoon ang mukha niya sa personal. Aaminin niyang gumamit siya ng filter sa mga pictures na ipinakita niya dito. Iniwanan siya ng lalaking iyon sa coffee shop. Sa sobrang sama ng loob niya ay umiyak siya. Doon na lumapit si Cedrick at tinanong nito kung bakit siya umiiyak. Sinabi niya ang nangyari. Nagprisinta itong maging kapalit ng umalis niyang ka-date. At doon na nagsimula ang lahat… Naging magkaibigan sila ni Cedrick. Nanligaw ito at sinagot niya. Tumagal ng dalawang taon ang relasyon nila bilang magkasintahan saka ito nag-propose ng kasal. Marami ang nagtaas ng kilay dahil siya ang pinakasalan ni Cedrick. Hindi daw match ang kagwapuhan ni Cedrick sa hitsura niya. Noong una ay na-i-insecure siya. May pagkakataon pa na itinataboy niya palayo si Cedrick dahil pakiramdam niya ay hindi sila bagay. Pero ipinaramdam sa kaniya nito na hindi hadlang ang panlabas na anyo para mahalin siya. Ngayon ay wala na ang insecurity niya. Wala na siyang pakialam sa sinasabi ng iba. Ang pinapakinggan lang niya ay ang tinitibok ng puso niya. Ngayon nga ay mag-asawa na sila. Marami man ang humusga ay hindi nagtagumpay ang mga ito na mapaghiwalay silang dalawa. “Mahal na mahal din kita, Cedrick! Salamat sa pagtanggap mo sa kung sino ako…” Madamdaming sambit ni Angela. Nakatayo pa rin sila sa gitna at magkayakap. “Shh… Wala kang dapat ipagpasalamat. Ginagawa ko lamang kung ano ang sinasabi ng puso ko.” Kumalas ito sa pagkakayakap para punasan ang mga luha niya sa mukha gamit ang mga kamay nito. “Huwag ka nang umiyak, please. Maiiyak din ako, e.” Natawa siya ng bahagya. Tumango siya at ngumiti. “I love you…” aniya. Bumalik na sila sa table nila na nasa unahan. Ginawa nila ang ibang tradisyon ng mga bagong kasal gaya ng pagsusubuan ng cake at pagpapakawala ng mga kalapati. Lahat ng naroong tao ay masayang-masaya para sa kanila ni Cedrick. Nang umpisahan na ang pagkain ay nilapitan siya ng isang may edad na lalaki. “Best wishes sa inyo ng asawa mo, Angela!” Niyakap niya ang lalaki. “Maraming salamat, attorney!” Nagagalak niyang sagot matapos ang yakap. Ito ang abogado ng pamilya niya. Kaibigan ito ng tatay niya. “Ngayong kasal ka na ay pwede ko na palang sabihin sa iyo ang last will ang testament ng daddy mo.” “Attorney, pwede bang after na lang ng honeymoon namin ni Cedrick? Gusto ko kasi muna sanang i-enjoy itong moment na `to. Kung okay lang?” Tumang-tango ang abogado. “Naiintindihan ko. Sabihan mo na lang ako kung kailan mo gusto, Angela.” Tinapik siya nito sa balikat at umalis na. Hindi sa pagmamayabang pero mayaman ang pamilya ni Angela. Merong malawak na taniman ng niyog ang mga magulang niya dito sa Laguna. Isa sila sa malalaking supplier ng niyog dito sa kanilang lugar. Dahil doon ay nakapagtapos siya ng pag-aaral sa kolehiyo. Kumuha siya ng kursong may kaugnayan sa business para na rin sa negosyo ng pamilya niya. Meron silang malaking bahay na may tatlong palapag at ilang sasakyan. May private resort din sila na mabenta tuwing tag-init o summer. Inaasahan na ni Angela na lahat ng iyon ay mapupunta sa kaniya. Wala namang ibang pagmamanahan ang mga magulang niya ng ari-arian nila kundi siya lang. “Angela, are you okay?” Naramdaman niya ang kamay ni Cedrick sa likod niya. Bumaling siya sa kaniyang asawa. Tunay na napakagwapo ni Cedrick. Natural na mamula-mula ang pisngi nito. Maputi kasi si Cedrick kaya kaunting sikat ng araw o pagtama ng ilaw sa mukha nito ay namumula na. Kapag itinatabi siya kay Cedrick ay mapapansin kaagad na alangan sila sa isa’t isa. Hindi ganoon kaputi ang balat niya. Medyo pango ang ilong niya, manipis ang labi at singkit ang mga mata. Tipikal na babae ang hitsura niya. Walang espesyal sa kaniya. Dati nga, tinatanong niya si Cedrick kung bakit siya nito nagustuhan gayong hindi naman siya maganda. Ang isinasagot nito ay hindi nama daw talaga ito na-attract sa kaniya noong una. Naawa daw ito sa kaniya kaya nilapitan siya at kinausap sa coffee shop. Ngunit sa paglaon ay doon na nito nakita ang kagandahan ng loob niya. Kasunod niyon ay naging maganda na siya sa paningin nito. Kaya nga rin nag-improve kahit paano ang self-confidence niya ay dahil kay Cedrick. Palagi kasi nitong sinasabi na maganda siya. “Angela?” untag ni Cedrick sa kaniya. Kumurap-kurap siya. Kanina pa yata siya nakatulala sa mukha ng asawa. “I’m sorry… Ang gwapo mo kasi…” aniya sabay ngiti. “Matagal ko nang alam `yan.” Biro nito. “Anong sinabi sa iyo ni attorney? Bakit ka niya nilapitan?” “Binati niya lang tayo saka… tungkol sa last will and testament ng daddy. Ang sabi ko sa kaniya ay after na ng honeymoon natin niya iyon basahin sa akin.” “Tama iyan. Mag-enjoy muna tayo, please. I-enjoy natin ang one-week honeymoon natin sa Japan. Mamayang madaling araw na ang lipad natin. Naka-ready na ba ang mga gamit mo?” Tumango siya. “Oo. Kagabi pa. Inihanda ko na…” Medyo natigilan siya nang maisip ang honeymoon nila sa Japan. “Cedrick, hindi ba masyadong magastos ang honeymoon natin? Pwede naman na dito na lang sa bansa. Kahit sa mga beach—” Hinawakan ni Cedrick ang magkabila niyang pisngi. “Alam kong dream destination mo ang Japan. Gusto kong ibigay ang the best sa asawa ko! Saka minsan lang ito, Angela. Napag-ipunan ko na ito matagal na kaya wala kang dapat ipag-alala. Okay?” Matamis itong ngumiti. May trabaho naman si Cedrick. Isa itong mechanical engineer sa isang food company. Ang pamilya nito ay merong maliit na negosyo. Nagpapa-franchise ang mga ito ng burger stand. Masasabing may kaya ang pamilya ni Cedrick. Nasa ganoon silang pag-uusap nang ang kaibigan naman ni Angela na si Liya ang lumapit sa table nilang mag-asawa. Kababata niya si Liya at magka-edad sila. Ito ang kalaro niya noon. Kahit pa nagkahiwalay sila ng high school at college dahil sa Manila na siya nag-aral ay nanatili pa rin ang kanilang pagkakaibigan. “Liya!” Masayang tumayo si Angela sabay yakap sa kaibigan. Ito ang maid of honor niya. “Sobrang saya ko para sa iyo, Angela! Ang ganda-ganda mo!” Humiwalay siya ng yakap para punasan ang namumuong luha sa mga mata niya. “Mas lalo naman ikaw. Mas gumanda ka sa ayos at suot mo!” puri niya. Hindi iyon kasinungalingan. Totoong maganda si Liya. Sexy, maputi at makinis. Ang alon-alon nitong buhok ay umaabot sa beywang nito. May bilugang mata si Liya, matangos na ilong at maliit na labi. Maganda din ang hugis ng mukha nito. Walang-wala siya kung ikukumpara kay Liya pagdating sa pisikal na aspeto. Dahil din sa kagandahan ng kaibigan niya ay ito madalas itong sumali noon sa mga beauty pageant sa kanilang lugar o sa ibang lugar. Masayang-masaya si Angela sa tuwing nananalo si Liya lalo na kapag nakukuha nito ang title. Ganoon siya kasuportado sa kaibigan. Para nga silang magkapatid na totoo. Iyon nga lang, hindi biniyayaan ng karangyaan si Liya. Lumaki ito sa mahirap na pamilya. Kaya bilang kaibigan ay palagi siyang nakaagapay dito. Financial man iyan. Hindi siya nagdadalawang-isip na tumulong kay Liya. Tumingin si Liya kay Cedrick. “Hoy, ikaw! Huwag mong susubukan na saktan itong kaibigan ko. Ako ang makakalaban mo. Humanda ka!” Nasa kalahati ng biro at seryoso ang sinabing iyon ng kaibigan niya. Natawa naman si Cedrick. “Takot ko na lang sa’yo!” Ibinalik ni Liya ang tingin sa kaniya. “Sobrang saya ko dahil sa wakas ay naikasal ka na sa lalaking mahal mo at mahal ka… Simula na ito ng masasayang mangyayari sa buhay mo. Napakabait mo, Angela, kaya deserved mo ang lahat ng ito. Mas higit pa dito ang dapat na nakukuha mo!” “Ano ba `yan? Mas lalo akong naiiyak, e!” “Sorry naman! Sige na, babalik na ako sa table ko. Kakain muna ako. Enjoyin ko muna ang food ninyo. Congrats ulit, bessy!” Nakipagbeso si Liya sa kaniya bago sila nito iwanan ni Cedrick. Bago bumalik sa pagkakaupo ay pinagmasdan muna ni Angela ang mga taong naroon. Puno man ng kasiyahan ang dibdib niya ay may kulang naman sa kaniyang puso. Kumpleto sana ang kasiyahan niya sa araw na ito kung kasama pa niya ang kaniyang mommy at daddy…   KAHIT late nang natapos ang celebration ng kasal nina Angela at Cedrick ay dumiretso pa rin sila sa airport para sa paglipad nila papunta sa Japan. Pagdating doon ay bumiyahe na sila papunta sa Karuizawa. Isa iyong sikat na couples resort town kaya mainam iyon sa mga bagong kasal na gustong mag-honeymoon. Sakto pang panahon ng cherry blossom kaya napakaganda ng kapaligiran. Sa tapat ng bintana ng kanilang kinuhang bahay ay may malawak na lawa na may malinis na tubig. Nakaka-relax ang tunog ng pag-agos ng tubig at katahimikan ng kapaligiran. Kinakabahan si Angela sa unang gabi nila doon ni Cedrick dahil alam niya ang mangyayari. Ito na ang tamang panahon para ibigay niya sa asawa ang kaniyang buong pagkatao. Noong magkasintahan pa lang sila ay hindi lumagpas si Cedrick sa halik at yakap. Talagang nirerespeto nito ang kaniyang p********e. Ngayong gabi na niya ibibigay dito ang “premyo” nito sa pagiging mabuting nobyo noon. Kakatapos niya lang maligo at nakaupo siya sa gilid ng kama habang pumapailanlang ang sexy na tugtugin. May isang bote ng wine at dalawang baso sa lamesa sa isang sulok. Malamlam ang ilaw sa silid nila. Pilit na kinakalma ni Angela ang sarili habang naliligo si Cedrick. Nakasuot siya ng manipis na night dress. Sa ilalim niyon ay lacey bra at panty. Iniregalo iyon ni Liya. Suotin daw niya sa unang gabi nila ng kaniyang asawa. Sana ay wala siyang gawing kapalpakan. Wala pa siyang experience sa ganitong bagay. Virgin pa rin kasi siya sa edad niyang bente singko. Tumayo si Angela. Tiningnan ang sarili sa malaking salamin. “Ang laswa naman nito!” pakli niya sa suot. Sa sobrang nipis kasi ng suot niya ay naaaninag na ang panloob niya. Ang lamig na nga tapos ganito pa ang suot niya. Baka sipunin siya. Naisipan niyang magpalit. Binuksan niya ang closet at naghanap ng pwedeng ipalit sa suot niya. Ngunit hindi pa man siya nagtatagal sa paghahanap ay may naramdaman siyang mainit na hininga sa may batok. Nakataas kasi ang mahaba niyang buhok. Gumapang ang kilabot sa buong katawan ni Angela. “What are you doing?” Tila nagkislutan lahat ng parte ng katawan niya sa mababang boses ni Cedrick sa likuran niya. Lumunok siya ng laway. “M-magpapalit lang sana ako.” Ipinihit siya nito paharap. Gusto niya sanang takpan ang katawan pero hinawakan nito ang mga kamay niya. “Hindi na kailangan. Napakaganda mo, Angela…” Namumungay ang mga matang puri ni Cedrick sa kaniya. “C-cedrick…” Hinapit siya nito sa beywang at pinangko. Habang naglalakad si Cedrick at buhat siya ay titig na titig ito sa mukha niya na para bang isinisigaw nito na siya ang pinaka magandang babae sa paningin nito. Maingat siyang inihiga ni Cedrick sa kama. Naramdaman niya ang malambot na kutson sa kaniyang likod nang ibaba siya doon ng kaniyang asawa. Hindi na rin niya inaalis ang mata sa mata nito. Para bang nahihipnotismo siya ng mga mata ni Cedrick. Hinihigop siya niyon at binabago siya. Parang nag-iinit na rin siya. May kung anong nabubuhay sa p********e niya sa paraan pa lang ng titig ni Cedrick. “Cedrick…” Hinawakan niya ang kamay nito nang hawakan nito ang laylayan ng kaniyang night dress. “`Wag mo na akong pigilan, Angela. Don’t worry… you’re in good hands…” At hinayaan na lang niya si Cedrick. Inililis nito pataas ang damit niya at hinubad iyon. Kasunod niyon ay tumayo ito at inalis ang tuwalya sa beywang. Ang akala niya ay iiwas ang mata niya oras na makita ang p*********i ni Cedrick pero iba ang nangyari. Masuyo lang siyang nakatingin sa p*********i ng kaniyang asawa na buhay na buhay. Kusang gumalaw ang kamay niya para hawakan iyon. Mainit-init at matigas! Napangisi si Cedrick. Isinunod na nitong hubarin ang dalawang natitirang saplot niya sa katawan. Pagkatapos ay pumaibabaw na ito sa kaniya at sinakop ng labi nito ang labi niya. Kung saan-saan nakakarating ang kamay nito na parang may hinahanap. Napasinghap si Angela nang dumampi ang mga daliri ni Cedrick sa bukana ng kaniyang pagkakababae. Maingat na gumalaw ang mga daliri ng kaniyang asawa. Halos kapusin na agad siya sa hangin ng sandaling iyon. Bumaba ang labi nito sa leeg niya hanggang sa dumako iyon sa dibdib niya. “Cedrick!” hiyaw ni Angela nang magkasabay na sinipsip nito ang isa niyang n*****s at ipinasok ang isang daliri sa loob niya. Parang baliw na umungol si Angela sa ginagawa ni Cedrick. Naglalawa na ang kaniyang p********e. “You’re wet and ready now, Angela…” anas nito. Umayos ito ng pwesto sa ibabaw niya. Naramdaman niya ang ulo ng p*********i nito sa kaniyang bukana. “Anong—Ohh!” Palahaw niya nang biglang ipasok nito ang kabuuan nito sa kaniya. May luhang pumatak mula sa mata niya nang maramdaman niya ang sakit at hapdi nang may tila telang napunit sa kaloob-looban ng kaniyang p********e. Masakit ang mga unang pag-ulos ng kaniyang asawa ngunit nang maglaon ay napalitan na ng sarap ang sakit. Nag-e-enjoy na siya sa bawat paglalabas-pasok ni Cedrick. Napapikit si Angela habang ninanamnam ang pag-angkin sa kaniya. Muli siyang hinalikan ni Cedrick sa labi. Napakapit siya sa mga braso nito nang unti-unting bumibilis ang pag-galaw nito. Tila meron itong gustong abutin na hindi niya alam kung ano. Ilang sandali pa ay may naramdaman siyang hindi maipaliwanag na sensasyon sa may puson. Nakakakiliti na masarap. “C-cedrick…” tawag niya sa asawa. “I’m coming, Angela…” Parang nahihirapan nitong sabi. “Ced—Ahh!!!” Napasigaw na siya nang maramdaman niyang kasabay ng pagsabog ni Cedrick sa loob niya ay ang pagsabog din niya. Sandali siyang nawala sa sarili. Para siyang inilipad ng mabilis sa mga ulap. Humiwalay yata ang kaluluwa niya sa katawan niya ng isang segundo. Sa paraan ng pag-ungol ni Cedrick ay sigurado siyang kapwa nila naabot ang parehas nilang inaabot…  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M
bc

Love Donor

read
86.9K
bc

My Last (Tagalog)

read
486.8K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.5K
bc

Broken Angel

read
3.9K
bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
852.9K
bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
176.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook