Chapter II

2534 Words
       “HARDER, Logan! f**k—” Siniil si Roxanne ng mapangahas na halis sa labi ng kaniyang asawa na si Logan para pahintuin siya sa pagsigaw na akala mo ay nagdedeliryo. Nakaupo siya sa isang baitang ng hagdan nila papunta sa second floor ng kanilang malaking bahay na may tatlong palapag. Nakasampa ang isa niyang binti sa balikat ni Logan habang marahas itong umuulos. Umaangil ito na akala mo ay isang mabangis na hayop. Nakakapit ang isa niyang kamay sa braso nito habang ang isa ay sa barandilya ng hagdanan. Kung hindi siya kakapit doon ay baka mahulog sila. Wala siyang idea kung paano niya nakakaya ang bigat ng isang malaking lalaki kagaya ni Logan. Maybe because she’s horny. Kapag horny, lahat ay kakayanin! “I’m coming, Roxanne!” Akala mo ay nahihirapan ang mukha ni Logan. “Don’t pull out, Logan! Don’t you dare!” babala niya. Lumipat ang isa niyang kamay sa puwitan ng kaniyang asawa. Ang gusto niya ay sa loob siya nito putukan para mabuntis siya. “Come inside me, Logan! Don’t pull out!” Para siyang galit na galit. “f**k!!!” hiyaw ni Logan. Wala na siyang nagawa pa nang hugutin nito ang p*********i nito sa loob niya at sumabog ang katas ng pagnanasa nito sa may legs niya. Nanginig ang buong katawan ni Logan habang pumupulandit pa ng bahagya ang mainit-init nitong katas. “Happy second wedding anniversary, hon…” bulong nito sa tenga niya. “f**k you!” Malakas niya itong itinulak pero hindi man lang ito natinag. Umupo si Logan sa may hagdan at tumatawa. “What? Pinagbigyan na kita. You like it here in stairs, right?” anito. “But I want you to come inside me, dumb! I want to get pregnant. Gusto ko ng anak. Mahirap bang intindihin iyon?” Galit siyang tumayo at nameywang. “You’re in a mess. Get clean. Doll up. We have a dinner sa favorite restaurant mo.” “f**k you, Logan!” Mabibigat ang mga hakbang na umakyat siya sa kwarto nila. Masama ang loob niya dahil dalawang taon na silang mag-asawa ni Logan ay wala pa rin itong balak na magkaroon sila ng anak. She understand na gusto nitong i-enjoy na silang dalawa lang muna sa first year ng kanilang pagiging mag-asawa pero two years is too much. Handang-handa na ang p********e niya para mag-stretch at maglabas ng baby! Well, iyon lang naman ang ayaw niya sa kaniyang asawa. When it comes to financial aspect and physical ay wala siyang masasabi. Logan is a twenty-nine year old business man. Dati itong piloto pero nang maging matagumpay ang business nito na gym na may higit twenty branches all over the country ay tumigil na ito sa pagiging piloto. Para makapag-focus ito sa negosyo nito na ito mismo ang nagtayo. Wala itong kasyoso. Isa pa iyan sa nagustuhan niya kay Logan. She likes independent men. Nakakadagdag iyon ng appeal para sa kaniya. Maraming babae din ang inggit na inggit sa kaniya dahil siya ang pinakasalan ng isang Logan Gonzales. Marami kasi ang nagpapantasya sa asawa niya. Sino bang babae ang hindi? Logan is 6-feet tall. Alaga sa gym kaya napakaganda ng katawan nito. Half-Mexican si Logan kaya mapapansin ang foreign blood na nananalaytay dito sa mukha pa lang nito. Prominent jaw, pointed nose and lips that she can kiss for forever. Akala mo ay isa itong modelo sa tindig at porma nito. Siyempre, hindi siya alangan sa kaniyang gwapong mister. Alaga din sa gym at diet ang katawan ni Roxanne para ma-maintain ang vital statistics niyang 36-23-35. Ang taas niya ay 5’7 na nadadagdagan pa depende kung gaano kataas ang heels ng sapatos na suot niya. Mahusay siyang magdamit at mag-make up kaya mas na-e-enhance niya ang angkin niyang ganda. Malalaki ang mga mata niya at matangos ang ilong. May kakapalan ang kaniyang labi pero maganda ang hugis niyon. Maraming nagsasabi na kamukha ng labi niya ang labi ni Angelina Jolie. Nagkakilala sila ni Logan sa trabaho. Sa eroplano, to be exact. Flight stewardess siya at ito ang piloto. Unang araw niya iyon sa trabaho. May kaya naman ang pamilya niya pero mas gusto din niyang magtrabaho ng mga panahon na iyon para maging independent. Nagkahulugan agad sila ng loob ni Logan. Aaminin niya, attracted siya kay Logan dahil sa physical appearance nito. Kaya nang manligaw ito ay hindi na niya ito pinahirapan. Sinagot niya agad si Logan. Tumagal din ng tatlong taon ang relasyon nila bago ito nag-propose sa kaniya at sumunod na agad ang kasal. After their wedding, nag-stop na siya sa pagtatrabaho. Siya na ang katulong ni Logan sa pamamahala sa gym nito at doon na nakatuon ang pansin nilang dalawa. Ang akala ni Roxanne ay sapat na sa isang lalaki ang gwapo at mayaman ito para pakasalan. Hindi pala. Dahil kapag may hindi kayang ibigay ang isang lalaki sa kaniya ay parang gusto niya iyong hanapin sa iba. She wants to have a baby. Nais niyang makumpleto na ang pamilya nila ni Logan pero ang mismong asawa niya ang ayaw niyong magbigay sa kaniya. Ang katwiran nito ay ayaw pa nito ng ingay ng bata sa bahay nila. Hindi pa daw ito handang maging tatay. Kaya ginagawa nito ang lahat para hindi siya mabuntis sa tuwing nagtatalik sila. It’s either may protection or hindi ito nagre-release sa loob niya. Si Logan ang klase ng lalaki na kapag gusto nito ay gusto talaga nito. Hindi na iyon mababali kahit siya mismo na asawa nito. Alam naman niyang mahal siya ni Logan. Walang duda pagdating sa bagay na iyon. Ang hindi niya lang gusto ay hindi siya ang priority nito at ang pagkakaroon nila ng mga anak. Mabigat pa rin ang loob ni Roxanne habang nagbibihis na siya. Nasa harapan siya ng malaking salamin at naglalagay ng make up. Pagkatapos ay dinampot niya ang cellphone at chi-neck ang kaniyang social media account. Bumungad sa news feed niya sa f******k ang picture ng isang lalaki na may kasamang babae. Nasa Japan ang mga ito base sa naka-pin na location. The two are smiling. Mukhang in love. Kilala niya ang lalaki pero ang babae ay hindi. Tiningnan niya ang profile ng lalaki. Nakita niya ang ilang wedding pictures sa feed nito kasama ang babaeng kasama nito sa Japan. “So, you’re married now, Cedrick…” Mahinang sabi ni Roxanne. Hindi niya maintindihan kung bakit may naramdaman siyang kirot sa kaniyang puso. Cedrick Moreno is her first boyfriend. High school hanggang second year college naging sila. Naghiwalay sila dahil sa parents niya. Ayaw ng mga ito kay Cedrick dahil sa wala daw siyang mapapala dito. Ang tingin kasi ng mga magulang niya ay mahirap si Cedrick. God knows kung gaano niya kamahal si Cedrick. Pinaglaban niya ito pero hindi siya nagtagumpay. Sumuko din siya sa huli. And then, Logan came to her life. “Roxanne, maniwala ka sa akin! Magsisikap ako. Kaya kitang buhayin! Papatunayan ko iyan sa mga magulang mo!” “C-cedrick, paano mo iyan magagawa? Nag-stop ka na sa pag-aaral. Paano mo papatunayan iyan sa parents ko? S-siguro nga ay tama sila. Wala akong future sa iyo. M-mahal kita pero ayokong dumating ang araw na pagsisisihan kong pinili kita kasi wala na tayong makain…” Iyon ang naging huling pag-uusap nilang dalawa. Bigla niya tuloy na-miss si Cedrick. Maraming taon na rin pala ang nakalipas nang huli silang nagkita at nag-usap. Magka-friend sila sa f******k pero hindi ito nag-u-update kaya nawala na ito sa circle ng news feed niya. Inakala niyang hindi na ito nagbubukas kaya hindi na niya ito tinangkang padalhan ng message sa Messenger. Isa pa, matapos ang mga sinabi niya dito ay nahihiya na siyang kausapin pa ito. Binalikan niya ang picture ni Cedrick at ng asawa nito sa Japan. Titig na titig siya doon. Kung hindi siguro sila naghiwalay noon ay baka siya ang babaeng nasa tabi nito sa picture. Pri-ness and hold ni Roxanne ang react button sa ilalim ng picture. Tumapat siya sa heart reaction. Bumukas ang pinto at sumungaw ang ulo ni Logan. “Faster, hon. Bumaba ka na lang. Okay?” May sarili itong walk in closet na kadugtong lang ng kanilang kwarto at mukhang doon na ito nagbihis. Maraming shower room sa bahay nila kaya alam niyang sa isa sa mga iyon ito naligo. Pag-alis ni Logan ay binitawan na niya ang reaction button. Imbes na sa heart ay sa angry niya iyon ini-release. Ayaw niyang magpaka-plastic. Hindi niya gusto ang picture na iyon kaya bakit niya pupusuan?   “CEDRICK, tingnan mo… May nag-angry react sa picture natin.” Napalingon ng mabilis si Cedrick sa kaniyang asawa sa sinabi nito habang nagmamaneho siya sa sasakyan niya. Tapos na ang isang linggo nilang honeymoon sa Japan. Nakakabitin ngunit kailangan na nilang bumalik para sa mga bagay na dapat niyang asikasuhin gaya ng trabaho. Kakagaling lang nila ni Angela ng airport at dadalhin niya ito sa bahay na ipinatayo niya para sa kanilang dalawa. Iyon ang magiging love nest nila. Ang ipinagpatayo niya niyon ay ang savings nilang dalawa sa kanilang joint account. Kahit na mas maraming perang naihulog doon si Angela ay masasabing pera pa rin nilang dalawa iyon. May ambag pa rin siya. Walang alam si Angela sa pagpapagawa niya ng bahay dahil nais niya itong i-surprise. Hindi naman ganoon kalaki ang bahay. Two-storey iyon na may tatlong kwarto sa itaas. May salas, kusina, dining area, laundry area at banyo sa ibaba. May basement din na magsisilbing stock room. “Anong picture ba?” tanong ni Cedrick. Katabi niya sa unahan si Angela. Iniharap nito ang cellphone sa kaniya. Nakita niya ang picture nila sa Japan. Cellphone niya ang hawak ni Angela. Noon pa man ay malaya itong buksan ang cellphone niya dahil wala siyang itinatago dito pagdating sa bagay na iyon. “Sino ba `yang nag-angry? Baka katrabaho ko. Kilala mo naman mga iyon—maloloko!” “Roxanne Ferrer-Gonzales… Kilala mo?” Nanlamig si Cedrick sa pangalan na binanggit ni Angela. Hindi siya nakasagot. Tila umurong ang kaniyang dila. Roxanne Ferrer… Paano nga ba niya hindi makikilala ang babaeng minahal niya ng buong puso niya noon? Ang babaeng dahilan kung bakit nagsumikap siya para maiahon muli ang kaniyang pamilya. Ang babaeng kahit sinaktan siya ay pinapangarap pa rin niya na makakasama niya hanggang sa kaniyang pagtanda. Ngunit huli na ang lahat para sa kanila. Sa pagkakaalam niya ay meron na itong asawa at siya ay kasal na. “Cedrick?” untag ni Angela. Umiling siya. “Hindi ko kilala.” Pagsisinungaling niya. Hindi siya tumingin kay Angela. Sa unahan nakatuon ang mga mata niya. “Pero friend kayo sa f******k…” “Ewan ko. Siguro friend ko na iyan noong bagong gawa ang account ko. Alam mo na, accept lang nang accept dati. Akin na. Unfriend ko na iyan.” Kinuha niya kay Angela ang cellphone niya. Mabilis niyang in-unfriend si Roxanne. Tama naman ang ginawa niya. Hindi na sila nag-uusap ni Roxanne kaya ano pa ang dahilan para maging friends sila sa social media, `di ba? “Parang iba na itong dinadaanan natin. Saan ba tayo pupunta?” Maya maya’y tanong ni Angela. Napangiti siya. Mukhang nakakahalata na ang kaniyang asawa. Pinili niyang hindi magsalita at baka mabuko nito ang sorpresa niya. Tutal ay malapit na siya sa bahay nila. Kaunting minuto na lamang at nandoon na sila. “Cedrick? Saan tayo pupunta?” Muling tanong nito. Ngiti ang isinagot ni Cedrick. Nag-umpisa nang mangulit si Angela. Tanong ito nang tanong. Bakas na sa mukha ng kaniyang asawa ang pagtataka. “Hindi ka ba talaga magsasalita, Cedrick? Ano ba kasi ito? Saan tayo pupunta?” Nababahala nitong tanong. “Relax ka lang. Okay? Wala akong gagawing masama sa iyo!” biro niya. “I know. P-para kasing…” Huminto ito. “Alam mong ayoko ng surprises. May surprise ka ba?” Pumasok na sila sa subdivision kung saan nakatayo ang bahay. Tatlong street ang nilampasan nila saka siya lumiko sa kaliwa. Ilang segundo matapos niyang lumiko ay inihinto niya ang kotse sa harapan ng isang bahay na may kulay sky blue ang gate. Ang labas ng bahay ay kulay puti naman. “We’re home!” Masaya niyang turan. Nakakunot-noo si Angela. “Home? H-hindi ako dito nakatira. Hindi dito ang bahay—” Naitutop nito ang dalawang kamay sa bibig. Namuo ang luha sa mga mata. “Sabihin mong tama ang iniisip ko, Cedrick. Sabihin mo!” Hindi niya malaman kung natataranta ba o na-e-excite si Angela. Tumango siya. “Kung ano ang iniisip mo, tama ka.” “Diyos ko po! Alin dito ang bahay natin? Iyon bang malaki!” Itinuro nito ang malaking bahay sa kalapit ng bahay nila. “Tara. Dadalhin kita sa ating palasyo, Angela…” Nauna na siya sa pagbaba para ipagbukas ng pinto ang kaniyang asawa. Inalalayan niya ito mula pagbaba hanggang sa makapasok sila sa loob ng bahay. Nanginginig kasi ito at parang hihimatayin. Mabuti na ang handa siya sa sandaling mawalan ito ng malay. Mas lalong naiyak si Angela. “A-ang akala ko ay iyong malaking bahay…” Napahagalpak ng tawa si Cedrick. Napaka-cute kasi ng pagkakasabi ni Angela. “Ano ka ba? Wala tayong pera para sa ganoong bahay. Saka hindi natin kailangan ng ganoon kalaki. Ganito lang ay sapat na sa ating dalawa at sa mga magiging anak natin…” Hinapit niya sa beywang si Angela. Nagdikit ang kanilang katawan. Nasa gitna sila ng salas. May mga gamit na doon at kakaunti na lang ang bibilhin. Inuna na niya ang mga upuan, TV, gamit sa kusina at banyo, higaan at kama. Hahayaan na niyang si Angela ang pumili sa ibang gamit gaya ng mga kurtina at kung anu-ano pa. “S-saan ka kumuha ng pera para dito?” Hindi pa rin makapaniwala si Angela. Dama niya ang kasiyahan nito. Alam niya na na-surprise talaga ito dahil hindi niya binanggit ang tungkol sa bahay na ipinapagawa niya. “Iyong savings natin. Doon ako kumuha ng pera. Atleast, may napuntahan ang iniipon natin, `di ba?” “Pero para sana iyon sa baby natin—” “Pwede pa naman tayong mag-ipon ulit para doon. Magtutulungan ulit tayo. Ang importante ay may sarili na tayong bahay, Angela…” “Tama ka! Ang importante ay may bahay na tayo na matatawag nating atin. Napakasaya ko, Cedrick! Maraming salamat!” Niyakap siya ni Angela. Kumalas din ito agad at tiningnan ang kabuuan ng salas. “Iniisip ko kung anong magandang kulay ng kurtina. Ilan pala ang kwarto sa itaas?” Sa pagharap ni Angela sa kaniya ay siniil niya ito ng halik sa labi. “Saka mo na iyan isipin. Binayagan na muna natin ang kwarto sa itaas…” anas ni Cedrick. Napahagikhik si Angela nang makuha ang gusto niya. “Bakit sa itaas pa kung nandito na tayo sa salas? Unahin na nating binyagan ang sofa?” Nang-aakit ang boses nito. “Hmm… Naughty girl!” Natatawang turan ni Cedrick habang isa-isa na niyang inaalis ang mga saplot ni Angela.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD