bc

Iska Ispiritista

book_age0+
1.3K
FOLLOW
6.3K
READ
arrogant
comedy
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

(TAGALOG STORY) Raketera si Iska at nang mangailangan ng malaking halaga ang kanyang pamilya ay pinasok niya ang pagiging ispiritista. Hanggang sa makilala niya si John Marc, isang gwapo pero masungit na lalaki na nagpapatulong sa kanya para hanapin ang kaluluwa ng namatay nitong girlfriend...

Mahanap kaya nila ang kaluluwang iyon o iba ang kanilang mahahanap? Love kaya?

Ito ang kwentong pagsasamahin ang katatakutan at kilig!

chap-preview
Free preview
CHAPTER 01
ISKA’S POV “GOOD evening, ladies and gentlemen! My name is Cheska Espiritu but tonight, let me stand by the name… Marian Rivera! At naniniwala po ako sa kasabihang.. Hindi lahat ng kabayo ay nasa kuwadra. Ang iba ay nasa backstage! At `wag niyo po akong tangkain na dayain dahil ang lola kong mambabarang ay nasa likod ko lamang! I thank you!” Pak na pak ang paghampas ng balakang ko nang tumalikod na ako para bumalik sa backstage. Grabe ang palakpakan ng mga tao, may kasama pang sigawan! Ang init-init naman dito sa backstage. Ang dami kasing sumaling beki dito sa Brgy. Taktak Miss Gay 2015. Yes, totoo `yan. Miss Gay. Pero, `wag ka… Hindi ako kapederasyon dahil isa akong totoong girlaloo. Babae po ako talaga. Gusto niyo ng patunay? Well, kayo na lang ang tumingin. Basta, babae ako. Talagang G na G lang ako, as in, gipit na gipit kaya sumali ako sa ganitong klase ng beauty contest. Eh, wala akong raket ngayon kaya pati ito pinatos ko na. Kailangan ko kasing kumita ng pera para sa aking tatlo pang kapatid. Simula kasi nang mamatay dahil sa food poisoning ang nanay at tatay ko ay ako na ang umako sa responsibilidad na iniwan nila. Sumali kasi sila sa isang cupcake eating contest tapos may naisama palang nakakalason na ingredients sa cupcake. Ayon, tepok lahat ng contestant at kasama doon ang parents ko. Siyempre, ako ang panganay kaya automatic na ako na talaga. At fourth year high school lang ang natapos ko kaya wala akong permanenteng trabaho. Raket here and there tuloy ang ginagawa ko. Ayokong i-discuss nang sobra ang about diyan dahil ayokong magdrama ngayon. May pageant pa ako ngayon, `no! Siguro nagtataka kayo kung paano ako nakasali sa Miss Gay na ito, eh, babae naman ako. Ganoon talaga kapag maraming kaibigan at isa sa mga kaibigan ko ang organizer ng beauty contest na ito kaya alam na... kasabwat ko siya! F na F as in feel na feel ko talaga na isa akong beki tonight! And in fairness, ako ang pinakamaganda sa lahat ng contestant. Of course, totoong babae kaya ako. True na true. Nakapasok ako sa top five at nang question and answer portion na ay ibinigay ko talaga ang lahat ng kaya at talino ko. Pang huli ako sa tatawagin kaya makakapaghanda pa talaga ako sa mga tanong ni Mr. Host. At nang ako na ang tinawag para tanungin ay very proud akong humarap sa lahat. “If you had a foreigner frien, where will you bring him to showcase the beauty of the Philippines?” Iyan ang tanong ni Mr. Host. Nag-smile muna ako bago sumagot. “Bocaue.” Isang malaking smile ulit. `Yong banat na banat na parang mapupunit na ang bibig ko. Pang-beauty queen talaga. Kita gilagid. Ganern! “There are so many places here in the Philippines… Why Bocaue?” “Because it is a magnificent place.” “Oh… Which part of Bocaue?” “Bocaue Rice Terraces! I thank you!” proud na sagot ko sabay palakpakan. Banat na smile. Turn around then rampa na. That night ay ako ang nag-uwi ng korona at ten thousand pesos. Ang daming baklang nagreklamo pero wala na silang nagawa pa. Frienship ko ang organizer. Pero hindi ko naman naiuwi ng buo ang ten thousand. Binigyan ko ng three thousand pesos ang organizer bilang komisyon niya. Dinaya niya kasi ang resulta. Oh, `di ba? Easy money! May pang-ilang araw na rin kaming pang-gastos nito. Buhay-rich na naman kami. “KIKO, Becca, Bibo… gising kayo. May dala akong pizza.” Pinagtatapik ko sa hita ang tatlo kong kapatid na tulog na sa higaan nila. Magkakatabi lang kaming natutulog sa kamang iyon. Malaki naman siya at noong buhay pa ang parents namin ay sama-sama pa nga kaming natutulog doon. Ngayon ay maluwag na iyon dahil wala na sila. Oh, ayoko ng drama! Victory night ngayon. Simple lang ang bahay namin. Gawa naman siya sa semento at yero na nakatayo sa isang residential area. Hindi siya malaki, actually, maliit lang talaga pero keri lang naman. Naipundar ito ng tatay namin noong nagtrabaho siya sa abroad bilang construction worker. Sabay-sabay silang gumising at talagang natuwa sila sa pasalubong ko. Pinagsaluhan namin ang pizza na pasalubong ko. “Shakeys? Sosyal `to, Ate Iska, ah! Nanalo ka ba sa beauty contest?” tanong ni Becca. Sinagot ko ang tanong ni Becca sa pamamagitan ng pagtapik ko sa malaking korona sa aking ulo na hindi ko pa rin tinatanggal. Very happy na pumalakpak si Bibo. “Wow! Ang galing mo talaga, ate!” Kahit three years old pa lang si Bibo ay medyo hindi na siya utal magsalita. “Ang swerte mo talaga, ate!” palatak pa ni Becca. Well, hindi lang naman ako ang swerte. Pati rin naman ang mga kapatid ko ay swerte sa akin. Aba, sila na ang may ate na madiskarte! Lahat ginagawa ko para mabuhay sila at maibigay ang pangangailangan nila. Naging extra na ako sa pelikula, stunt woman, tindera ng kung anu-anong produkto, tricycle driver, baby sitter at kung anu-ano pa. Basta, alam ko na kikita ako, go ako diyan! Si Kiko, college na siya. Nursing. Si Becca naman, fourth year high school. At si Bibo, hindi nagkukulang sa vitamins kaya naman tumataba. Pero keri lang, cute naman siya kahit mataba. Kinalabit ko sa braso si Kiko na busy sa pagnguya sa pizza. “Hoy, ikaw naman. Bayaran mo na `yong kulang mo sa tuition bukas, ha. Magkano nga pala `yon?” “Two thousand pa `yon, ate,” sagot sa akin ni Kiko. Inilabas ko ang sobre kung saan nakalagay ang nakuha kong premyo. Kumuha ako ng dalawang libo at inabot kay Kiko. “Ibayad mo na iyan. Baka naman kung saan mo pa dalhin `yan. Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko para magkaroon ng pera. Magpasalamat ka sa akin!” Hindi man lang nagpasalamat si Kiko. Kinuha na lang niya ang pera at inilagay sa bulsa ng shorts niya. Well, sanay na naman ako diyan kay Kiko. Medyo tahimik at parang ang daming sikreto. Si Becca naman, ka-close ko kasi parehas kaming babae. Si Bibo, makulit pero nakakatuwa naman. Pang-alis ng stress. Pero kahit iba-iba ng ugali ang mga kafatid ko ay love na love ko sila. Hindi pa ba obvious? Lahat na lang ginawa ko for them! NANG magising ako kinabukasan ay si Bibo na lang ang katabi ko sa kama. Automatic na napatingin ako sa wall clock… Alas-otso na pala ng umaga. Pumasok na sa school ang dalawa kong kapatid. This is just an ordinary day. Wala akong raket ngayon kaya makakapagpahinga ako. Susulitin ko na dahil bukas ay magbebenta pa ako ng lutong ulam sa mga call center agents. Bumangon na ako at pumunta sa may kusina, binuksan ang maliit na cabinet na lagayan ng stocks namin. Kailangan ko na palang mamili dahil paubos na. Ginising ko na si Bibo para sabay na kaming kumain, hindi kasi ako sanay kumain mag-isa. Feeling ko ang lungkot ko kapag mag-isa akong kumakain. “Ate Iska, hindi ba sila kakain?” Biglang nagsalita si Bibo habang kumakain kami. Napakunot ang aking noo. “Ha? Sinong sila?” Tuloy ako sa pagnguya sa tinapay. “Sila, ate…” at may itinuro siya sa may kaliwa ko. Ano bang pinagsasabi ni Bibo? Tumingin ako sa kaliwa ko pero wala naman akong nakitang tao o hayop o anuman doon. Bigla akong kinilabutan nang hindi ko alam. Parang chenes ng lalaki na nakakita ng sexy’ng babae na nagtayuan ang balahibo ko sa braso. Leche! Hindi kaya… may nakikita si Bibo na hindi ko nakikita?! Leche naman, oh! Kinikilabutan talaga ako! “B-bibo, `yong nakikita mo dito…” sabay turo ko doon sa itinuro niya kanina. “A-anong hitsura nila?” Talagang binibigyan ko ng torture moment ang sarili ko at itinanong ko pa talaga. Well, naniniwala naman ako sa mga multo-multo kahit hindi pa ako nakakakita. Wala lang, marami na kasi akong friends na sabi nila nakakita na sila kaya naniniwala na rin ako. Gano’n talaga! “Babae at lalaki po sila. Kumain po yata sila ng shampoo… Puro bula ang bibig nila, ate. Gutom na siguro sila!” “Nyaaah!!!” sigaw ko. Dinaig ko pa ang kangaroo sa taas ng talon ko papunta kay Bibo. Hindi ko alam kung paano ko natalon `yong simula sa kinauupuan ko kanina. Sobrang takot ko lang siguro. Nanginginig na kinarga ko si Bibo at nagpalinga-linga. Kuha ko na kasi ang sinasabi ni Bibo. Babae at lalaki na bumubula ang bibig. Sina nanay at tatay iyon, eh! Nalason sila kaya may ganoon sila sa bibig. “Nanay, tatay… umagang-umaga naman ang pagbisita niyo. Pwede, mag-fly away po muna kayo. Alam niyo naman na takot ako sa multo, eh…” mangiyak-ngiyak na ako. Ipinagpapasalamat ko na rin na hindi bukas ang third eye ko dahil for sure ay patay na ako ngayon dahil sa takot sa mga multong makikita ko. “Umalis na ba sila, Bibo? Wala na ba sila?” Maya maya ay tanong ko. Malikot ang eye balls ko at pinapakiramdaman ang paligid. “Nasa tabi mo na sila, ate. Naka-smile!” Humagikhik pa talaga siya. “Bibooo!!!” sigaw ko at karga-karga ko si Bibo na lumabas ng bahay. Takot na takot talaga ako. Kahit na sabihing sina nanay at tatay iyon, multo pa rin sila. At ayoko sa multo. Afraid! Nakakainis naman itong si Bibo, eh! Mukhang bukas ang third eye ng bunso namin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
133.1K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
241.9K
bc

A Night With My Professor

read
497.4K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
455.4K
bc

My Godfather My husband

read
269.5K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
276.4K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
187.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook