CHAPTER 02

1321 Words
“ATE Baby, kayo na muna ang bahala kay Bibo, ha?” sabi ko sa kapitbahay namin kung saan palagi kong iniiwan si Bibo kapag may lakad ako. Tulad ngayon, mamimili ako ng stocks namin sa bahay. Mapagkakatiwalaan naman si Ate Baby dahil ninang siya ni Becca sa binyag. Binibigyan ko na lang siya ng two hundred fifty sa isang araw na pagbabantay niya kay Bibo. “Sige lang, Iska. `Wag kang mag-alala at sanay na naman ako sa pagpapasaway nitong si Bibo,” natatawang turan ni Ate Baby. “Naku, Bibo, nagpapasaway ka pala kay Ate Baby? `Wag gano’n, ha…” “Minsan lang po naman, ate.” “Good boy dapat palagi. Huwag mong papagurin si Ate Baby. Sige ka, hindi ka na niyan babantayan.” “Oo na, ate.” “Promise iyan, ha?” Yumukod ako para i-kiss sa lips ang kapatid ko. Pagkatayo ko ay nagpaalam na ako at baka matagalan ako sa pamimili. Sa jeep ako sumakay papunta sa supermarket. At nang huminto ang jeep na sinasakyan ko dahil may sasakay ay napatingin ako sa may labas. Hala, may aksidente yata. Grabe naman… Yuping-yupi iyong unahan ng kotse na bumangga sa isang pader. Ang daming tao, pulis at may ambulansiya rin. Hindi sinasadya na napatingin ako sa taong sakay ng kotseng bumangga sa pader. Hindi naman malayo iyong kotse kaya kitang-kita ko siya. Isang lalaki na duguan ang buong mukha. Nakakakilabot ang nakadilat niyang mga mata na parang nakatingin talaga sa akin. Mabilis kong iniiwas ang tingin ko sa lalaki. Hindi pa nga ako nakaka-get over sa eksena ni Bibo kanina tapos, `eto na naman? Naku, ha! Quota na ako kilabot today kahit umaga pa lang. Mabuti na lang at umandar na iyong jeep. Pati kasi iyong driver nitong jeep ay nakiusyoso pa. Pero bakit ganoon? Kahit anong gawin ko ay hindi maalis sa isip ko `yong mukha no’ng duguang lalaki. Naku naman! Ang creepy!!! PAGKABABA ko ng jeep ay agad kong nakita si Bibo na naglalaro sa bakuran ni Ate Baby. Mag-isa lang siya doon pero aliw na aliw siya. Kitang-kita ko na nag-eenjoy siya sa pagtakbo-takbo. Aba, at magiging atleta pa yata ang bunso namin paglaki. Well, good for him. Malay niyo, siya ang mag-angat sa ekonomiya ng bansa. Pak! Pak! Pak! Dire-diretso akong naglakad papunta kay Bibo at tinawag siya. “Ate!” nakangiting sigaw niya at tumakbo siya palapit sa akin. Ibinaba ko muna ang dalawang eco bag kung saan nakalagay ang mga pinamili ko. Niyakap ko ang kapatid ko at hinalikan siya sa lips. “Nagpasaway ka ba kay Ate Baby?” Umiling siya. “Very good!” Mula sa loob ng bahay ay lumabas si Ate Baby at lumapit sa amin. “Iska, pwede ba kitang makausap?” Napakaseryoso ng mukha niya. “Oo naman po. Tungkol po ba saan?” “K-kay Bibo…” Tumingin siya kay Bibo at nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin. Gusto niyang mag-usap kami nang hindi naririnig ng kapatid ko. May kinuha ako sa eco bag at ibinigay iyon kay Bibo. “Oo nga pala, ibinili kita ng bagong toy plane. Gusto mo ito, `di ba?” “Wow! Thank you, ate!” “Sige, doon ka muna. Laruin mo muna `yang bago mong toy plane.” Masayang lumayo sa amin si Bibo at nilaro na niya ang bagong laruan. Paikot-ikot siya at patakbo-takbo. Medyo nagtaka ako dahil kahit wala namang nakakatawa ay tumatawa siya. Baliw na ba ang kapatid ko? Pero, magiging atleta pa siya. So, baliw na atleta paglaki? Gano’n? “Tingnan mo si Bibo, Iska… Naglalaro siyang mag-isa pero ang saya-saya niya,” ani Ate Baby. Alam ko, may laman ang sinabi niya. “Ano po bang gusto niyong sabihin tungkol sa kanya?” “Iska, hindi ko alam kung maniniwala ka pero sa tingin ko ay bukas ang third eye ni Bibo. Kanina, noong naglalaro siya sa loob ng bahay. Bigla siyang tumawa at binanggit niya ang pangalan ng anak ko na si Princess…” Natigilan ako at biglang kinilabutan. Si Princess ay ang bunsong anak ni Ate Baby na namatay noong six years old pa lang ito. Hindi pa ipinapanganak si Bibo nang mamatay ito. “Paanong nalaman ni Bibo ang pangalan ng… namatay niyong anak?” “Iyon din ang ipinagtataka ko. Pero, tingnan mo siya ngayon, kung titingnan mo siya ay parang may kalaro siyang hindi natin nakikita. Bukas ang third eye ng kapatid mo, Iska. May nakikita siya na hindi natin nakikita. Bata pa siya kaya hindi pa niya kayang makita ang ipinagkaiba ng multo sa totoong tao!” Grabe na talaga ang araw na ito! Halloween ba ngayon? Hindi pa naman October. Alanganin akong ngumit kay Ate Baby. “Hindi naman po siguro. Baka imaginary friends lang po.” Inisip ko na lang na ganoon dahil ayoko talaga ng usapang multo. “Sana nga ay ganoon lang iyon, Iska. Pero pa’no kung hindi?” “Ah, sige po, uuwi na po kami ni Bibo. Pauwi na po kasi si Becca, wala pa akong nailuluto…” Naglakad na ako papunta kay Bibo at inaya siyang umuwi. Papalabas na kami sa bakuran ni Ate Baby nang bigla niya akong tawagin. “Iska!” Tumigil ako at lumingon. “Hindi ka pa pwedeng umalis.” Hindi pa ba tapos ang usapang multo? Ayoko na! “Ate Baby, uuwi na po kami.” “Hindi pa pwede!” “B-bakit po?” “Hindi mo pa ako nababayaran sa pagbabantay kay Bibo. `Yong 250 ko!” Napangiwi ako. Akala ko naman kung ano na. Oo nga, nakalimutan ko ang bayad ko sa kanya. Sorry naman! SOLD out na naman ang kare-kare ko today! Inubos ng mga suki kong call center agent. Makakauwi na rin ako nito sa bahay pero parang gusto kong mag-relax today. Sabado naman ngayon at medyo maaga pa, ano kaya kung manood kami ng movie ng mga kapatid ko? Good idea! Ganito lang naman ang life ko. Napakasimple at ang mga kapatid ko lang ang kaligayahan ko. Sa kanila lang naka-focus ang atensiyon ko dahil tulad ng promise ko sa parents ko noon, aalagaan ko nang mabuti sina Kiko, Becca at Bibo. Love life? Wala akong time diyan. Kahit ang ganda-ganda ko at sexy pa, wala talaga. May mga nagpapalipad-hangin pero hindi ko na lang ini-entertain. Hindi pa talaga time at hindi ko pa talaga nakikilala si Mr. Right. Natuloy naman ang panonood namin ng sine. Tuwang-tuwa si Bibo dahil Minions ang pinanood namin. Na-enjoy niya talaga. After ng sine ay kumain kami at saka umuwi na rin. Gabi na nang makarating kami sa bahay dahil medyo traffic. Sabado kasi. Nang makauwi kami ay kanya-kanya na kami ng higa dahil sa sobrang pagod. At dahil doon ay agad akong nakatulog. Sa pagtulog ko ay nanaginip ako. Nakasakay daw ako sa isang kotseng umaandar. Nang tingnan ko ang ang driver na nasa tabi ko ay natakot ako nang malaman ko na wala siyang mukha. Parang natatakpan iyon ng anino pero sure ako na lalaki siya. Tinanong ko siya kung sino siya pero hindi siya sumasagot. Pabilis nang pabilis ang pagpapaandar niya kaya naman mas lalo akong natakot. At ganoon na lang ang sigaw ko nang ibangga niya ang sinasakyan naming kotse sa isang pader! Wala akong suot na seatbelt kaya naman humampas ang mukha ko sa dashboard. Nang bumalik sa pagkakasandal ang katawan ko ay wala na akong naalala pa. Nagising ako mula sa panaginip na iyon na humihingal ako at butil-butil ang pawis sa mukha. Napahawak ako sa aking dibdib dahil napakabilis ng t***k niyon. Napatayo tuloy ako para pumunta sa kusina at uminom ng tubig. Ano kayang ibig sabihin ng panaginip na iyon? Bakit parang totoo siyang nangyari? That time ay biglang pumasok sa isip ko `yong aksidenteng nakita ko noong isang araw… Anong konek? Nakakabaliw naman!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD