CHAPTER 03

1134 Words
“ATE Iska… Ate Iska! Hoy, ate!” “Ay, kabayo ka! Ano ba naman, Becca? Ginugulat mo naman ako!” naiinis na sabi ko sabay kagat ko sa pandesal na pinalamanan ko ng pansit. Kumakain kami ng almusal na magkakapatid. “Anong ginugulat? Kanina pa kaya ako salita nang salita dito tapos ikaw mukha kang ewan na nakatulala lang diyan. Anyare ba, ate? Are you okey?” ani Becca. Sa totoo lang, tama si Becca. Medyo lutang ako ngayong umaga dahil talagang inisip ko magdamag `yong napanaginipan ko. Ewan ko lang, ha. Feel ko talaga na konektado `yong panaginip ko doon sa aksidente no’ng isang araw. Ang ipinagtataka ko lang talaga ay bakit ako ang ginagambala ng mga chenes na ito? Humigop ako sa Milo ko. “Okey lang ako. `Wag kayong mag-alala.” “Talaga, ate? Okey ka lang? Kumusta naman ang eyebags mo?” natatawang turan ni Kiko. Napahawak tuloy ako sa eyebags ko na napaka-OA. Tama rin si Kiko. Mabilis akong kapitan ng mga lecheng eyebags kahit konting pagpupuyat lang ang gawin ko. Mukha na tuloy akong panda. Hmp! “Siguro, inisip ni ate crush niya!” sabat ni Bibo habang kumakain ng pandesal. “Hoy, Bibo, staph! Wala akong crush, `no. Teka nga, bakit ako ang center of attraction today? Tigilan niyo ako at ang eyebags ko. `Di kayo inaano nito,” biro ko. “Ano nga pala `yong sinasabi mo, Becca?” “Ayun nga, Ate Iska. Gusto ko sana ng bagong phone. Puro gasgas na `yong screen, eh.” “Sige, next week, try ko kung mabibigyan kita ng pambili. Raraket lang ako nang matindi para diyan.” “Thanks, ate!” Tumayo pa talaga si Becca para halikan ako sa cheeks. “You are the best ate in the whole universe!” “Asus! Nambola ka pa! Basta, ayusin mo ang pag-aaral mo para mas lalo akong ganahan na ibigay ang gusto mo… ang gusto niyo,” sabi ko. Ganito talaga ako sa mga kapatid ko. Lahat ng gusto nila ay pilit kong ibinibigay. Ayoko naman kasi na baliin ang pangako ko sa mga magulang ko. Mamaya, multuhin pa nila ako. “Oo nga pala, Sunday ngayon. Simba tayo mamayang hapon, ha.” “Naku, ate, hindi ako pwede. May group project kami,” ani Becca. “Ikaw, Kiko?” “Hindi rin ako pwede, Ate Iska. Birthday ng kabarkada ko. Nakapag-promise na ako na pupunta ako.” Bumuntung hininga ako. “I guess, kami na lang ni Bibo ang sisimba. `Di ba, Bibo?” Masayang tumango si Bibo. Medyo malapit na kaming matapos sa pagkain nang biglang may kumatok sa pintuan ng bahay namin. Nagkatinginan kaming magkakapatid dahil wala naman kaming ini-expect na bisita. Mabibilis ang mga katok at parang natatae lang. “Sino ba iyon? Parang gigibain ang pinto, ah!” naiinis na turan ni Kiko. Tatayo sana siya para siguro buksan ang pinto pero pinigilan ko siya. “Ako na ang magbubukas, Kiko,” sabi ko. “Ha? Hindi ko naman bubuksan, ate. Kukuha ako ng tubig.” Ano ba `yan! Pahiya naman ako doon. Kainis, ha. So, pumunta na ako sa pinto habang tinatanggal ng dila ko ang tinga na sumabit sa pagitan ng mga ngipin ko. Pagbukas ko ng pinto ay isang may edad na ginang ang bumulaga sa akin. Siguro ay nasa fifty plus na siya dahil hindi naman naitago ng makapal niyang make up ang kulubot sa mukha niya. Mukha siyang kontrabida sa mga pelikula at soap opera. Parang ugly version ni Celia Rodriguez. Ang buhok niya ay apple cut at blonde ang kulay. Maliit lang siya. Limang talampakan nga lang yata. At pang-donya ang OOTD niya, in fairness naman sa kanya. “Sino po kayo?” magalang kong tanong. Nag-smile pa ako. Hindi man lang siya nag-smile. “Ako si Donya Dora Turqueza in short, Donya Dora,” nakataas ang noo na pagpapakilala niya. “Hindi ko po kayo kilala. Ano bang kailangan niyo?” “Ang bahay na ito!” “Ha? Ano po iyon?” “Akin na ang bahay na ito. Lumayas kayo!” “Ah… Okey po—Ha?! Anong lumayas? Bakit?!” medyo nagbago agad ang mood ko dahil sa sinabi niya. Tinabig niya ako at tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob ng bahay. Nagpalinga-linga pa siya. “Maliit lang ang bahay pero maganda. Malinis! Akin na ito!” mataray niyang sabi. Naglabas pa siya ng pamaypay at namaypay na parang isang donya. “Anong nangyayari, ate? Sino `yang mukhang coloring book na `yan?” nagtatakang tanong ni Becca nang lumabas na sila ng mga kapatid ko mula sa kusina. “Hindi ko alam. Inaangkin niya itong bahay nina mama, eh!” Humarap siya sa amin. Ang sarap dukutin ng nanlalaki niyang mga mata na parang kasinglaki ng golf ball. “Dahil iyon ang totoo! Ang bahay na ito ay akin na dahil noong natalo ko sa tong-its si Amelia at Renen ay ito ang ipinambayad nila sa akin!” Ang Amelia at Renen na tinutukoy ni Donya Dora ay ang mga magulang namin. Oo, alam namin na nagsusugal sila pero parang ang imposible lang na pati ang bahay namin ay itatay nila. Hindi sila ganoon. Hindi ganoon ang pagkakakilala ko sa mama at papa namin. Lahat kami ay natahimik dahil alam namin na pwedeng totoo ang sinasabi ni Donya Dora. “Heto, heto ang mga papeles na nagpapatunay na akin ang bahay at lupa na ito! Pati ang titulo ay `andiyan!” Isang brown envelope ang iniabot niya sa akin. Medyo cheap siya, ha. Wala siyang budget para sa plastic envelope? Tiningnan ko isa-isa ang mga papeles na nakalagay sa envelope at bigla akong nanlamig sa aking mga nakita at nabasa doon. May kontrata doon na may pirma nina mama at papa. Pati ang sinasabing titulo ni Donya Dora ay naroon din. “H-hindi ito magagawa ng mama at papa namin.” In denial pa rin ako. Hinablot ni Donya Dora sa akin ang envelope. “Anong hindi magagawa? Eh, nagawa na nga nila! Ngayon, ang gusto ko ay lumayas na kayo dito. Bibigyan ko kayo ng isang linggo para manatili pa dito at humanap ng bagong matitirahan. Baka naman sabihin niyo ay napakasama kong tao!” “Pero—“ “Ba-bye! One week! Tandaan niyo. One week!” At taas-noo na umalis si Donya Dora. Isa-isang naglapitan ang mga kapatid ko pagkaalis ni Donya Dora na nagmukhang gate crasher. “Ate, anong gagawin natin?” mangiyak-ngiyak na tanong ni Becca. “`Wag kayong mag-alala, hindi ako makakapayag na mapaalis tayo ng Donya Dora na iyon! Akong bahala…” Ang totoo ay sinabi ko lang iyon para hindi mag-alala ang mga kapatid ko pero sa totoo lang ay hindi ko alam ang gagawin ko. Ano ba naman ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD