bc

One Night Only

book_age16+
4.8K
FOLLOW
19.2K
READ
dark
tragedy
twisted
like
intro-logo
Blurb

Sa kagustuhan na kumita ng extra cash ay naisipan ni Erika na maging babysitter sa isang pamilya ng isang gabi lang. Inakala niyang magiging normal ang gabing iyon ngunit nagkamali siya. Paano niya poprotektahan ang kaniyang mga binabantayan at ang sarili sa isang sadista at walang awang serial killer na pumasok sa bahay na iyon?

"Can they survive the night?"

chap-preview
Free preview
CHAPTER 01
“ISANG SERIAL KILLER ANG NAKATAKAS SA KULUNGAN KAGABI. PINAPAYUHANG MAG-INGAT ANG BAWAT ISA AT TIYAKING NAKAKANDADO ANG INYONG BAHAY SA GABI…” Napailing ako pagkapanood ko ng flash report na iyon sa telebisyon. Nakakatakot naman ang balitang bumungad sa akin pagkagising ko. Talagang nakakatakot na ang panahon ngayon. Marami nang tao ang kayang-kayang pumatay ng tao kahit wala naman silang dahilan para gawin iyon. Kaya dapat talaga ay doble-ingat lalo na sa mga babaeng katulad ko. Lumabas na ako ng aking kuwarto matapos kong patayin ang TV. Nakatira ako sa isang boarding house dahil malayo ang bahay namin sa school kung saan ako nag-aaral. “Erika, `asan na ang bayad mo para sa dalawang buwan?!” Nakapameywang na tanong ni Aling Malou--ang masungit naming landlady. “Bukas po, magbabayad po ako. Promise po! Pasensiya na po kasi nagbayad po kasi ako sa school ng--” “Ah! Wala akong pakialam sa mga binabayaran mo sa school! Bukas, bukas! Nakaka-ilang bukas ka na, Erika. `Pag `di ka nagbayad bukas, magkapwa-tawad tayo pero papalayasin na kita! Nalulugi ang negosyo ko dahil sa iyo!” pagkasabi noon ay tinalikuran na ako ni Aling Malou. Nadelay lang naman ako sa pagbabayad dahil sa madaming gastos sa school. Working-student kasi ako. Wala naman akong aasahan sa pamilya ko sa probinsiya dahil mahirap din ang buhay doon. Kailangang gumawa ako ng paraan upang magkaroon ng pera bukas. Lalo akong mahihirapan kung mapapalayas ako dito sa boarding house. Mahirap nang humanap ng murang boarding house na katulad nito. SA SCHOOL... “Hoy, Erika! Sandali nga! Wait!” Napahinto ako nang may tumawag sa akin habang naglalakad ako sa hallway. Paglingon ko ay nakita kong humihingal na papalapit sa akin ang kaibigan kong si Janine. Tuluyan akong tumigil sa paglalakad upang maabutan niya ako. “Papunta kang library, `di ba?” tanong niya pagkalapit sa akin. “Oo, bakit?” “Pasabay na ako. Oo nga pala, May problema ka ba friend?” tanong niya sa akin. Magkasabay na kaming naglalakad papuntang library. “Pano mo naman nasabi?” “E, kasi ang tamlay mo kanina sa recitation. Pati `yong mga prof natin nanibago sa’yo. Hindi ka naman daw dating gano’n. May problema ka, n`o?” Malalim akong huminga. “Meron nga. Janine, papalayasin na kasi ako sa boarding house kapag hindi ako nakapagbayad bukas. Kailangan ko ng pera… May isang libo ako pero kulang pa ako ng dalawang libo!” malungkot kong turan. Nagulat ako nang biglang tumili si Janine. “Tamang-tama, friend! Kailangan ni Mrs. Sanchez ng magbabantay sa mga anak niya mamayang gabi! Dalawang kyaw ang sweldo…” Kumindat-kindat pa siya sa akin. “Mrs. Sanchez? Sino naman iyon?” “Si Mrs. Sanchez! `Yong mayaman na nakatira sa kabilang subdivision! Ano payag ka na? Isang gabi ka lang naman magba-baby sit, Erika, at kikita ka na ng two thousand pesos!” aniya. Wala na akong ginawang pagdadalawang isip. Pumayag ako sa sinabi ni Janine. Actually, si Janine dapat ang magba-baby sit sa mga anak ni Mrs. Sanchez pero dahil mas kailangan ko daw ng pera ay ako na lang daw ang magtrabaho para kay Mrs. Sanchez. Pagka-uwian namin sa school ay naglakad na kami papunta sa bahay ni Mrs. Sanchez. Malapit lang naman pala sa school ang bahay nito kaya naglakad na lang kami. Sa paglalakad namin ay may nakita kaming mga taong nag-uusyuso sa harap ng isang bahay. Pinilit ako ni Janine na makiusyuso. Nakipagsiksikan talaga kami para makapunta sa unahan. Minasacrre pala ng isang nakatakas na serial killer ang lahat ng taong nakatira sa naturang bahay. Halos lahat ng tao na naroon ay nagtakip ng ilong nang mula sa loob ng bahay ay sunod-sunod na ilabas ang limang stretcher kung saan naroon ang mga napatay na biktima. Natatakpan ang mga iyon ng puting tela na may bahid ng dugo. Nang matapat sa akin ang isang stretcher ay may biglang may nahulog mula roon. Pugot na ulo ng isang lalaki! Tila may sariling isip iyon na gumulong at huminto sa paanan ko. Nagulantang ako sa nangyari. Tila nakatitig sa akin iyong pugot na ulo. Gumapang ang isandaang kilabot sa buong katawan ko. Nanginig ako at isang malakas na tili ang pinakawalan ko. Kasunod niyon ay ang pagdilim ng aking paligid.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A night with Mr. CEO

read
175.5K
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
389.5K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
50.7K
bc

My Hot and Sexy Baby Maker

read
453.8K
bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
699.0K
bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
176.9K
bc

Unwanted

read
511.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook